Legarda: Philippine education must value our own language, knowledge, and identity

September 1, 2026

Senator Loren Legarda called for a deeper appreciation of Filipino languages, indigenous knowledge, and local realities in education, stressing that learning must help Filipinos understand and value who they are, as the third installment of the Solidaridad Literary Series was held on August 28, 2026 at the Solidaridad Bookshop in Padre Faura, Manila.

As a longtime advocate of Philippine culture and heritage and Chairperson of the Senate Committee on Culture and the Arts, Legarda said education plays an important role in strengthening cultural awareness and a deeper understanding of Filipino identity.

“Education should help us understand the world, but it should also help us understand ourselves. We cannot raise generations of Filipinos who know so much about what comes from elsewhere but have little appreciation of their own language, history, culture, and the knowledge found in their communities,” Legarda said.

The event, “Translation, Decolonization and Philippine Education,” featured philosopher, author, translator, educator, and Bikol cultural advocate Fr. Wilmer Joseph S. Tria, who discussed his book Pinoy or Finoy: Funny and Punny Thoughts on Decolonization and Philippine Education. The book examines the role of education in cultivating Filipino identity, critical thinking, and creative imagination grounded in the country’s multilingual realities.

Drawing from his roots in Naga City and his work promoting Bikol language and culture, Tria described translation as more than the transfer of words from one language to another. He presented it as a process of negotiation and exchange, where ideas from other cultures may be welcomed while preserving the character of one’s own language and identity.

This became the starting point for his discussion on decolonization. Tria said colonial influence continues to shape institutions and “habits of mind,” including how Filipinos view their language, resources, and capabilities. He urged Filipinos to recognize what already exists in their communities instead of automatically looking to foreign models as the standard for progress.

For Legarda, decolonization does not require Filipinos to reject outside ideas or isolate themselves from other cultures. Rather, she said it should strengthen the confidence to engage with the world while recognizing the equal value of Filipino knowledge, creativity, and resources.

“Decolonization does not mean turning away from the rest of the world. It means knowing ourselves well enough to engage other cultures with confidence and as equals. We can learn from others while giving equal value to the knowledge, creativity, language, and resources that are already ours,” Legarda emphasized.

Tria likewise clarified that decolonization is not about erasing history or rejecting cultural exchange, but becoming aware of how colonial narratives can influence the way Filipinos see themselves. He said cultures can continue to learn from one another when they engage as co-equals rather than through domination.

The discussion also highlighted the need to strengthen cultural literacy in education and to bring local knowledge into fields such as agriculture, architecture, science, and engineering, allowing learning to respond more closely to Philippine realities.

Legarda said this reflects the broader purpose of the Solidaridad Literary Series, which brings together writers, scholars, and cultural figures for continuing conversations on identity, memory, language, and nationhood.

“Ang edukasyong tunay na makabuluhan ay iyong nagtuturo sa atin na maging mapanuri habang matatag ang pagkilala natin sa ating sarili. Kapag nauunawaan natin ang halaga ng sariling wika, kultura, kaalaman, at likas na yaman, mas kaya nating humarap sa mundo nang may kumpiyansa at may malinaw na pagkakakilanlan bilang Pilipino,” Legarda concluded. (30)

—————————————————————————-

Legarda: Dapat pahalagahan sa edukasyon ang sariling wika, kaalaman, at pagkakakilanlang Pilipino

Nanawagan si Senador Loren Legarda ng mas malalim na pagpapahalaga sa mga wikang Pilipino, katutubong kaalaman, at mga karanasang nakaugat sa sariling pamayanan sa sistema ng edukasyon. Binigyang-diin niya na dapat makatulong ang pag-aaral upang higit na makilala at mapahalagahan ng mga Pilipino ang kanilang sariling pagkakakilanlan. Ito ang naging sentro ng ikatlong bahagi ng Solidaridad Literary Series na ginanap noong Agosto 28, 2026 sa Solidaridad Bookshop sa Padre Faura, Maynila.

Bilang matagal nang tagapagtaguyod ng kultura at pamanang Pilipino at Chairperson ng Senate Committee on Culture and the Arts, ipinunto ni Legarda na mahalaga ang papel ng edukasyon sa pagpapalalim ng pag-unawa sa kultura at pagkakakilanlang Pilipino.

“Education should help us understand the world, but it should also help us understand ourselves. We cannot raise generations of Filipinos who know so much about what comes from elsewhere but have little appreciation of their own language, history, culture, and the knowledge found in their communities,” pahayag ni Legarda.

Tampok sa talakayang “Translation, Decolonization and Philippine Education” si Fr. Wilmer Joseph S. Tria, isang pilosopo, manunulat, tagasalin, guro, at tagapagtaguyod ng kultura at wikang Bikol. Tinalakay niya ang kanyang aklat na Pinoy or Finoy: Funny and Punny Thoughts on Decolonization and Philippine Education, na sumusuri sa papel ng edukasyon sa paghubog ng pagkakakilanlang Pilipino, mapanuring pag-iisip, at malikhaing pananaw na nakaugat sa iba’t ibang wika at karanasan sa bansa.

Mula sa kanyang karanasan sa Naga City at sa pagsusulong ng wika at kulturang Bikol, ipinaliwanag ni Tria na ang pagsasalin ay hindi simpleng paglilipat ng mga salita mula sa isang wika tungo sa iba. Para sa kanya, isa itong proseso ng palitan ng mga ideya kung saan maaaring matuto mula sa ibang kultura nang hindi isinasantabi ang sariling wika at pagkakakilanlan.

Mula rito, tinalakay niya ang konsepto ng dekolonisasyon. Ayon kay Tria, nananatili ang impluwensiya ng kolonyalismo sa ilang institusyon at “habits of mind,” kabilang ang paraan ng pagtingin ng mga Pilipino sa kanilang sariling wika, yaman, at kakayahan. Hinikayat niya ang mga Pilipino na kilalanin muna kung ano ang mayroon at gumagana sa kanilang sariling mga pamayanan sa halip na agad ituring ang mga dayuhang modelo bilang batayan ng pag-unlad.

Para kay Legarda, hindi nangangahulugan ang dekolonisasyon na tatalikuran ang mga ideya mula sa ibang bansa o iiwas sa pakikipag-ugnayan sa ibang kultura. Sa halip, ipinunto niyang dapat nitong palakasin ang tiwala ng mga Pilipino sa sariling kaalaman, pagkamalikhain, wika, at yaman habang bukas pa rin sa pakikipagpalitan ng ideya sa iba.

“Decolonization does not mean turning away from the rest of the world. It means knowing ourselves well enough to engage other cultures with confidence and as equals. We can learn from others while giving equal value to the knowledge, creativity, language, and resources that are already ours,” diin ni Legarda.

Nilinaw din ni Tria na ang dekolonisasyon ay hindi pagbura sa kasaysayan o pagtanggi sa palitan ng kultura. Sa halip, mahalagang maging mulat sa kung paano nakaaapekto ang mga kolonyal na pananaw sa paraan ng pagtingin ng mga Pilipino sa kanilang sarili. Aniya, maaaring patuloy na matuto ang mga kultura mula sa isa’t isa kung ang ugnayan ay nakabatay sa pagkakapantay-pantay at hindi sa pangingibabaw.

Binigyang-diin din sa talakayan ang pangangailangang palawakin ang kaalaman sa sariling kultura sa sistema ng edukasyon at bigyan ng mas malaking puwang ang lokal na kaalaman sa mga larangan tulad ng agrikultura, arkitektura, agham, at inhinyeriya upang mas tumugon ang pag-aaral sa kalagayan at pangangailangan ng bansa.

Ayon kay Legarda, ito rin ang layunin ng Solidaridad Literary Series na pagtagpuin ang mga manunulat, iskolar, at mga personalidad sa larangan ng kultura upang patuloy na mapag-usapan ang pagkakakilanlan, kasaysayan, wika, at pagka-Pilipino.

“Ang edukasyong tunay na makabuluhan ay iyong nagtuturo sa atin na maging mapanuri habang matatag ang pagkilala natin sa ating sarili. Kapag nauunawaan natin ang halaga ng sariling wika, kultura, kaalaman, at likas na yaman, mas kaya nating humarap sa mundo nang may kumpiyansa at may malinaw na pagkakakilanlan bilang Pilipino,” pagtatapos ni Legarda.