Legarda marks 21st anniversary of Anti-Child Labor Law, highlights its positive impact

December 21, 2024

Manila, Philippines – Senator Loren Legarda, the principal author and co-sponsor of the landmark Republic Act No. 9231 (RA 9231) or the Anti-Child Labor Law, commemorated the 21st anniversary of the law and underscored its positive impact in reducing child labor in the country as recently reported by the Philippine Statistics Authority (PSA).

RA 9231, enacted on December 19, 2003, aims to eliminate the worst forms of child labor and provide stronger protection for working children by amending RA No. 7610, also known as the “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” Its salient features include prohibiting the worst forms of child labor, regulating the hours of work for children, ensuring access to education and skills training, ensuring that wages shall be allotted to such education, and establishing penalties for employers violating child labor laws.

According to the PSA, the number of working children aged 5 to 17 decreased to approximately 1.09 million in 2023, down by nearly 400,000 from the previous year’s figure of 1.48 million. Of the 1.09 million working children in 2023, 647,000 (59.1%) were boys, while 447,000 (40.9%) were girls. The proportion of working children has also fallen from 4.7 percent in 2022 to 3.5 percent in 2023. These positive trends indicate the growing effectiveness of the Anti-Child Labor law, which addresses the worst forms of child labor in the Philippines.

Data from studies conducted before the implementation of the law estimated that child labor in the Philippines affected 4 million children in 2001.

RA 9231 prohibits children under 15 from working, except in non-hazardous family-owned businesses, and establishes a system for monitoring and rehabilitating child laborers. It bans hazardous work, focuses on children’s health, safety, and morals, and mandates rehabilitation, education, and social services, contributing to a significant reduction in child labor.

The number of children engaged in hazardous work fell from 935,000 in 2021 to 678,000 in 2023. This decline underscores the success of RA 9231 in curbing the most dangerous forms of child labor.
Legarda praised the law’s progress but emphasized that more work needs to be done. “The decline in the number of working children is a significant achievement, but we cannot afford to be complacent,” Legarda said. “RA 9231 has made a real difference in protecting children from hazardous work and providing them with opportunities for a better future. However, we must continue our efforts to address the root causes of child labor, such as poverty and lack of access to education.”

The four-term Senator highlighted that despite the progress, the majority of working children are still found in the agriculture sector, which remains the largest employer of child laborers. She called for continued vigilance and stronger enforcement of the law to ensure no child is left behind.

According to the PSA, in 2023, the proportion of working children in the agriculture sector was recorded at 43.7%, slightly higher than the 43.2% in 2022. In 2021, the agriculture sector had the largest share of working children at 45.7%.
“We need to tackle the root causes of child labor, particularly poverty, and expand access to education for all children,” Legarda said. “Through continued collaboration between government agencies, NGOs, and local communities, we can ensure that every child is given the chance to thrive in a safe, nurturing environment.”

On the 21st anniversary of RA 9231, the law’s progress in reducing child labor serves as a reminder of the collective efforts required to protect children and secure a brighter future for them.

In this Congress, Legarda co-authored and co-sponsored Senate Bill No. 2896 or the Magna Carta of Children, which seeks to enshrine the rights of our children into the core of the nation’s laws.
“Children are meant to be children—free to learn, play, and grow without the weight of labor overshadowing their innocence. There is no greater investment we can make than in the well-being of our children, for in nurturing their futures, we secure the prosperity of us all.” (30)

——

Legarda tuloy ang laban sa child labor, positibong epekto ng Child Labor Law ipinagdiwang sa ika-21 nitong anibersaryo

Manila, Philippines – Ginunita ng pangunahing may-akda at co-sponsor ng makasaysayang Republic Act No. 9231 (RA 9231) o ang Anti-Child Labor Law, si Senadora Loren Legarda, ang ika-21 anibersaryo ng batas at binigyang-diin ang positibong epekto nito sa pagbawas ng child labor sa bansa ayon sa kamakailang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Malaking progreso na ang naabot sa paglaban sa child labor sa bansa. Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), makikita ang malaking pagbaba ng insidente ng child labor, na nagpapatunay sa tagumpay ng Republic Act No. 9231 (RA 9231) o Anti-Child Labor Law sa pumoprotekta sa mga bata mula sa iligal na pagpapatrabaho.

Ang RA 9231, na ipinatupad noong Disyembre 19, 2003, ay naglalayong alisin ang mga pinakamapang-abusong uri ng child labor at magbigay ng mas matibay na proteksyon sa mga batang nagtatrabaho sa pamamagitan ng pag-amyenda sa RA 7610, o mas kilala bilang “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” Kabilang sa mga itinakda ng batas ay ang pagbabawal sa uri ng trabaho na lubhang mahirap at mapang-abuso sa mga bata. Itinakda din ng batas ang tamang oras ng trabaho ng mga bata, ang pagtutok sa edukasyon ng mga bata, ang paglalaan ng kinita ng mga bata sa kanilang edukasyon, at pagbibigay parusa sa mga employer na lumalabag sa mga batas ukol sa child labor.

Ayon sa PSA, bumaba sa humigit-kumulang 1.09 milyon ang bilang ng mga batang nagtatrabaho edad 5 hanggang 17 noong 2023. Ito ay mas mababa kumpara sa 1.48 milyon na kabataang nagtatrabaho sa nakaraang taon. Sa 1.09 milyon na mga batang nagtatrabaho, 647,000 (59.1%) ay mga lalaki, habang 447,000 (40.9%) ay mga babae. Bumaba rin ang proporsyon ng mga batang nagtatrabaho mula 4.7% noong 2022, naging 3.5% na lamang noong 2023. Ang mga positibong resulta na ito ay nagpapakita ng positibong epekto ng batas upang tugunan ang pinakamasasamang anyo ng child labor sa Pilipinas.

Ayon sa mga pag-aaral bago ang pagpapatupad sa RA 9231, tinatayang umabot sa 4 milyong bata ang naapektuhan ng child labor sa Pilipinas noong 2001. Ang batas ay nagbabawal sa mga batang wala pang 15 taong gulang na magtrabaho, maliban na lang sa mga family-owned businesses na hindi mapanganib. Naglagay din ang batas ng mga sistema para sa rehabilitasyon ng mga batang na-iligtas mula sa iligal na paggawa. Higit sa lahat ipinagbawal ng batas na magtrabaho ang mga kabataan sa mapanganib na mga uri ng paggawa. Nakatuon din ang batas sa kalusugan, at kaligtasan ng mga bata.

Ang bilang ng mga batang nagtatrabaho sa mga mapanganib na gawain ay bumaba mula 935,000 noong 2021, at naging 678,000 na lamang noong 2023.

Pinuri ni Legarda ang tagumpay ng batas ngunit binigyang-diin ang pangangailangan pa ng mas maraming hakbang. “Ang pagbaba ng bilang ng mga batang nagtatrabaho ay isang malaking tagumpay, ngunit hindi tayo pwedeng maging kampante,” ani Legarda. “Ang RA 9231 ay talagang nakatulong sa pagprotekta sa mga bata mula sa hazardous labor at pagbibigay ng pagkakataon sa kanila na magkaroon ng mas maganda pang kinabukasan. Ngunit kailangan pa nating ipagpatuloy ang ating mga hakbang upang tugunan ang ugat ng child labor tulad ng kahirapan at kakulangan sa edukasyon.”

Sa ika 19 na Kongreso, si Legarda ay tumayong co-author at co-sponsor ng Senate Bill No. 2896 o Magna Carta of Children na layong ipaloob ang mga karapatan ng mga bata sa pangunahing batas ng bansa. Ayon din kay Legarda na nagsilbing senador sa loob ng apat na termino, na kahit na may naitala ng progreso, nananatiling ang sektor ng agrikultura ang pinakamalaking pinagmumulan ng child labor. Nanawagan siya sa patuloy na pagbabantay at mas mahigpit na pagpapatupad ng batas.

Ayon din sa PSA, noong 2023, 43.7% sa kabuuang bilang ng mga batang nagtatrabaho ay nagmula sa sektor ng agrikultura. Ito ay bahagyang tumaas mula sa 43.2% noong 2022. Noong 2021 naman, ang sektor ng agrikultura ang may pinakamalaking bahagi ng mga batang nagtatrabaho na naitala sa 45.7%.

“Kailangan nating tugunan ang mga ugat ng child labor, partikular na ang kahirapan, at palawakin ang access sa edukasyon para sa lahat ng bata,” dagdag ni Legarda. “Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno, NGOs, at mga lokal na komunidad, masisiguro natin na bawat bata ay magkakaroon ng pagkakataong magtagumpay sa isang ligtas na kapaligiran.”

Sa ika-21 anibersaryo ng RA 9231, ang progreso ng batas sa pagbawas ng child labor ay nagsisilbing paalala ng sama-samang pagsisikap na kinakailangan upang protektahan ang mga bata at matiyak ang isang mas maliwanag na kinabukasan para sa kanila.

“Ang mga bata ay dapat matamasa ang kanilang kabataan— malaya na mag-aral, maglaro, at lumaki nang hindi pinapasan ang bigat ng responsibilidad na magtrabaho. Ang pinakamahalagang puhunan ng ating estado ay ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga anak, sapagkat sa pag-aalaga sa kanilang mga kinabukasan, tinitiyak natin ang tagumpay nating lahat.”(30)