Legarda – Literature a rich legacy of Filipinos
April 21, 2025In celebration of National Literature Month this April, Senator Loren Legarda underscored the vital role of literature in shaping the Filipino identity and enriching the nation’s culture.
“There is a rich history of literature in our country, even dating back to pre-colonial times when our ancestors passed down epics, folktales, myths, and songs through oral tradition for future generations,” said Legarda.
“We recognize the value of both oral and written literature in preserving our heritage, inspiring contemporary works, and imparting meaningful lessons to the generations to come,” she added.
The month of April was declared National Literature Month through Proclamation No. 968, s. 2015, signed by former President Benigno S. Aquino III. It also coincides with global literary observances such as International Children’s Book Day, World Book Day (also known as the International Day of the Book), and World Intellectual Property Day.
This year’s theme, “Sikad Panitikan: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran,” reflects Legarda’s commitment to promoting and preserving Philippine literature.
“Without literature, there is no real progress. The awakening of the Filipino nation to the abuses of Spanish colonial rule was sparked by Dr. Jose Rizal’s Noli Me Tangere and El Filibusterismo,” Legarda emphasized.
She also highlighted the Philippines’ historic role this year as Guest of Honour at the 77th Frankfurt Book Fair in Germany—one of the world’s most prestigious publishing events.
Legarda strongly supported the country’s participation, recognizing its potential to elevate Filipino literature and boost the local publishing industry on a global stage. Since 2016, she has ensured adequate funding for Philippine participation at the Frankfurt Book Fair.
“This is why we must continue to show the world our capability to produce world-class literature,” she said. (30)
Literatura, mayamang pamana ng mga Pilipino — Legarda
Sa pagdiriwang ng National Literature Month ngayong Abril, binigyang-diin ni Senadora Loren Legarda ang mahalagang papel ng panitikan sa paghubog ng pagkakakilanlan at pagpapayaman ng kulturang Pilipino.
“Mayaman ang kasaysayan ng panitikan sa ating bansa. Mula pa noong panahong bago dumating ang mga Kastila, pinapasa na ng ating mga ninuno ang mga epiko, kuwentong-bayan, mito, at awitin sa pamamagitan ng oral tradition para sa susunod na henerasyon,” ani Legarda.
“Kinikilala natin ang halaga ng oral at written literature sa pagpreserba ng ating pamana, pagbibigay-inspirasyon sa kasalukuyang mga likha, at pagtuturo ng mga aral sa mga kabataan,” dagdag niya.
Idineklara ang buwan ng Abril bilang Pambansang Buwan ng Panitikan sa bisa ng Proclamation No. 968, s. 2015 na pinirmahan ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III. Kasabay rin nito ang iba pang pandaigdigang selebrasyon gaya ng International Children’s Book Day, World Book Day, at World Intellectual Property Day.
Ang temang “Sikad Panitikan: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran” ngayong taon ay sumasalamin sa adbokasiya ni Legarda na isulong at pagyamanin ang panitikang Pilipino.
“Walang tunay na pag-unlad kung walang panitikan. Napatunayan ito sa pagkagising ng diwang makabayan ng mga Pilipino mula sa pang-aabuso ng mga Kastila sa pamamagitan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal,” saad ni Legarda.
Binigyang-diin din ni Legarda ang makasaysayang papel ng Pilipinas bilang Guest of Honour ngayong taon sa 77th Frankfurt Book Fair sa Germany—ang isa sa pinakamalaking pagtitipon ng mga manunulat, tagapaglathala, at mambabasa sa buong mundo.
Malaki ang naging suporta ni Legarda upang makasama ang Pilipinas sa prestihiyosong fair ito na makatutulong sa pagpapalakas ng industriya ng lokal na paglalathala at pagpapakilala ng panitikang Pilipino sa pandaigdigang entablado. Mula pa noong 2016, siniguro niyang mapondohan ang paglahok ng Pilipinas sa Frankfurt Book Fair.
“Dapat nating ipagpatuloy ang pagpapakita sa buong mundo ng kakayahan nating lumikha ng world-class na panitikan,” dagdag niya. (30)