Legarda: Lift TRO, implement ₱85 NCR wage hike without further delay
August 5, 2026Senator Loren Legarda joined the Senate’s call for the immediate lifting of the temporary restraining order (TRO) that halted the implementation of the ₱85 daily minimum-wage increase in Metro Manila, stressing that 1.1 million workers should not be made to bear the cost of a legal challenge filed by two companies.
“Hindi maghihintay ang gutom, renta, pamasahe, bayarin sa kuryente, at gamot. Sa bawat araw na hindi naibibigay ang dagdag-sahod, manggagawa ang napipilitang mangutang, magbawas ng budget sa pagkain, o ipagpaliban ang gamot. Dapat agad mapawalang-bisa ang TRO at ipatupad ang wage order para sa mga manggagawang Pilipino,” Legarda said.
Legarda is among the senators who introduced Senate Resolution No. 577, which urges the lifting of the TRO and the immediate enforcement of Wage Order No. NCR-27.
After consultations among labor, employers, and government, Wage Order No. NCR‑27 took effect on July 25, 2026, granting an initial ₱60 increase. A second tranche of ₱25 is scheduled to take effect on January 20, 2027. Once fully implemented, the minimum wage in NCR will rise to ₱780 for the non‑agriculture sector and ₱743 for agriculture, service, retail establishments, and manufacturing establishments that regularly employ fewer than ten workers.
The resolution cites the 1987 Constitution and Republic Act No. 6727, or the Wage Rationalization Act, which created the tripartite wage‑setting system and prohibits courts from issuing injunctions against wage orders.
On July 30, 2026, Branch 152 of the Regional Trial Court of Pasig issued a TRO suspending the wage order following a petition filed by Readycon Trading and Construction Corporation and R‑II Builders, Inc. Senators warned that the TRO sets a dangerous precedent, allowing the wages of millions of workers who live paycheck to paycheck to be held in abeyance because of the opposition of a few.
“May malinaw na proseso ang batas para sa sinumang kumukuwestiyon sa isang wage order. Hindi makatarungan na habang ginagamit ng dalawang kumpanya ang kanilang legal na remedyo, mahigit isang milyong manggagawa naman ang nawawalan ng dagdag na sahod. Maaaring dinggin ang kanilang mga argumento nang hindi ipinapasa sa mga manggagawa ang bigat ng paglilitis,” Legarda said.
Legarda emphasized that the ₱85 increase, while insufficient to cover the full increase in the cost of living, represents actual income that workers have already factored into their food, transportation, utilities, rent, education, and healthcare expenses.
“Hindi sapat ang dagdag ₱85 upang sagutin ang lahat ng pangangailangan ng isang pamilya, ngunit malaking kawalan ito kapag ipinagkait o ipinagpaliban,” she said.
The four-term Senator maintained that the legal proceedings may continue, but the daily needs of workers cannot be put on hold indefinitely.
“Ang manggagawa ay pumapasok at nagtatrabaho araw-araw. Nararapat lamang na ang sahod na itinakda para sa kanila ay maibigay din sa tamang panahon,” Legarda concluded.
The Senate stands firm with labor authorities and the country’s workers in defending their right to a living wage and calls for the immediate enforcement of the order to deliver long‑awaited relief to more than 1.1 million wage earners and their families. (30)
————————————————————————-
Legarda: Alisin ang TRO, ipatupad ang ₱85 NCR wage hike nang walang pagkaantala
Nanawagan si Senadora Loren Legarda sa agarang pag-alis ng temporary restraining order (TRO) na pumigil sa pagpapatupad ng dagdag na ₱85 sa arawang minimum wage sa Metro Manila. Binigyang-diin niya na hindi dapat pasanin ng 1.1 milyong manggagawa ang bigat ng kasong isinampa ng dalawang kumpanya.
“Hindi maghihintay ang gutom, renta, pamasahe, bayarin sa kuryente, at gamot. Sa bawat araw na hindi naibibigay ang dagdag-sahod, manggagawa ang napipilitang mangutang, magbawas ng budget sa pagkain, o ipagpaliban ang gamot. Dapat agad mapawalang-bisa ang TRO at ipatupad ang wage order para sa mga manggagawang Pilipino,” ani Legarda.
Isa si Legarda sa mga nag-akda ng Senate Resolution No. 577 na nananawagan sa agarang pagpapatupad ng Wage Order No. NCR‑27.
Matapos ang konsultasyon sa pagitan ng mga manggagawa, employer, at pamahalaan, ipinatupad ang Wage Order No. NCR‑27 noong Hulyo 25, 2026, na nagbigay ng ₱60 dagdag-sahod. Nakatakdang sundan ito ng ₱25 sa Enero 20, 2027. Kapag ganap na naipatupad, tataas sa ₱780 ang minimum wage sa NCR para sa non‑agriculture sector, at ₱743 para sa agrikultura, serbisyo, retail, at maliliit na pabrika na may sampu o mas kaunting manggagawa.
Binanggit ng resolusyon ang 1987 Konstitusyon at Republic Act No. 6727 o Wage Rationalization Act, na nagtatag ng tripartite wage‑setting system at nagbabawal sa mga hukuman na maglabas ng injunction laban sa wage orders.
Noong Hulyo 30, 2026, naglabas ng TRO ang Branch 152 ng Regional Trial Court ng Pasig matapos ang petisyon ng Readycon Trading and Construction Corporation at R‑II Builders, Inc. Nagbabala ang mga senador na nagtatakda ito ng mapanganib na precedent, kung saan ang sahod ng milyun-milyong manggagawa ay maaaring maantala dahil sa pagtutol ng iilan.
“May malinaw na proseso ang batas para sa sinumang kumukuwestiyon sa isang wage order. Hindi makatarungan na habang ginagamit ng dalawang kumpanya ang kanilang legal na remedyo, mahigit isang milyong manggagawa naman ang nawawalan ng dagdag na sahod. Maaaring dinggin ang kanilang mga argumento nang hindi ipinapasa sa mga manggagawa ang bigat ng paglilitis,” ani Legarda.
Ipinunto ni Legarda na bagama’t hindi sapat ang ₱85 upang sagutin ang lahat ng pangangailangan, ito ay tunay na kita na isinama na ng mga manggagawa sa kanilang gastusin sa pagkain, pamasahe, kuryente, renta, edukasyon, at kalusugan.
“Hindi sapat ang dagdag ₱85 upang sagutin ang lahat ng pangangailangan ng isang pamilya, ngunit malaking kawalan ito kapag ipinagkait o ipinagpaliban,” ani Legarda.
Dagdag pa ng apat na terminong Senadora, maaaring magpatuloy ang paglilitis, ngunit hindi maaaring ipagpaliban ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga manggagawa.
“Ang manggagawa ay pumapasok at nagtatrabaho araw-araw. Nararapat lamang na ang sahod na itinakda para sa kanila ay maibigay din sa tamang panahon,” ani Legarda.
Naninindigan ang Senado kasama ang mga ahensya sa paggawa at mga manggagawa sa pagtatanggol sa karapatan sa sapat na sahod, at nananawagan sa agarang pagpapatupad ng wage order upang maihatid ang matagal nang hinihintay na ginhawa sa higit 1.1 milyong pamilya ng mga manggagawa. (30)
