Legarda leads Senate Basic Education Committee, pushes reforms for teachers and learners

May 26, 2026

Senate President Pro Tempore Loren Legarda has assumed the chairpersonship of the Senate Committee on Basic Education, pledging stronger reforms to uplift teachers, students, and schools nationwide.

“Sa pagtanggap ko ng tungkuling ito, pangunahing pananagutan ko ang makinig sa ating mga guro, mag-aaral, at mga paaralan upang ang mga repormang ating isusulong ay tunay na sumasalamin sa kanilang pangangailangan at pangarap,” Legarda said.

Legarda’s legislative record reflects her long-standing commitment to education. She was Co-author and Co-sponsor of the Universal Access to Quality Tertiary Education Act (RA 10931), which granted free tuition in state universities and colleges, and Author and Co-sponsor of the Enhanced Basic Education Act (RA 10533), which institutionalized the K-12 program.

She continues to serve as Co-chairperson of the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), which has identified urgent gaps in classrooms, teacher welfare, and student learning recovery. Through her role in EDCOM II, reforms have been advanced to strengthen governance, improve coordination among agencies, and ensure that education policies respond to the realities faced by Filipino learners.

Among the education measures she has advanced are Senate Bill No. 1894, which expands the Tertiary Education Subsidy to reach the most disadvantaged students; Senate Bill No. 2101, which establishes the National Coordinating Council for Education to unify agency efforts; and Senate Bill No. 1981, or the Basic Education Voucher Program Act, which broadens assistance for students in basic education. These initiatives continue her push for accessible and quality education for all.

Legarda also acknowledged the call of the Alliance of Concerned Teachers (ACT) for broad consultations with teachers, students, and schools. ACT has urged the Committee to prioritize salary increases for teachers, bigger education budgets, more classrooms, additional teaching and non teaching personnel, and adequate learning materials. Legarda affirmed that these concerns will be part of the continuing dialogue and agenda of the Committee.

Her education advocacy reflects a holistic vision, ensuring that every Filipino child, from early childhood to higher education, has access to quality learning opportunities, while also supporting teachers with fair compensation, training, and resources. By bridging reforms in both basic and higher education, Legarda underscores that education is a continuum that must be strengthened at every stage.

“Naniniwala ako na ang mas matatag na sistema ng edukasyon ang pundasyon ng mas maunlad na kinabukasan para sa ating bansa. Kasama ang ating mga guro, magulang, at komunidad, sabay-sabay nating itatayo ang kinabukasang iyon,” Legarda concluded. (30)

————————————————————————-

Legarda Pinamumunuan ang Senate Committee on Basic Education, Isinusulong ang mga Reporma para sa mga Guro at Mag-aaral

Pinamumunuan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang Senate Committee on Basic Education at isinusulong ang mga reporma upang maiangat ang kalagayan ng mga guro, mag-aaral, at mga paaralan sa buong bansa.

“Sa pagtanggap ko ng tungkuling ito, pangunahing pananagutan ko ang makinig sa ating mga guro, mag-aaral, at mga paaralan upang ang mga repormang ating isusulong ay tunay na sumasalamin sa kanilang pangangailangan at pangarap,” ani Legarda.

Ang talaan ng mga batas na kanyang isinulong ay patunay ng pangmatagalang dedikasyon ni Legarda sa edukasyon. Siya ay naging Co-author at Co-sponsor ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (RA 10931), na nagbigay ng libreng matrikula sa mga pampublikong pamantasan at kolehiyo, at Author at Co-sponsor ng Enhanced Basic Education Act (RA 10533), na nagpatibay sa programang K-12.

Patuloy siyang nagsisilbing Co-chairperson ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), na nakapagtukoy ng mga kagyat na kakulangan sa silid-aralan, kapakanan ng mga guro, at pagbawi ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng kanyang papel sa EDCOM II, isinusulong ang mga reporma upang palakasin ang pamamahala, pagbutihin ang koordinasyon ng mga ahensya, at matiyak na ang mga polisiya sa edukasyon ay tumutugon sa tunay na kalagayan ng mga mag-aaral na Pilipino.

Kabilang sa mga panukalang batas na kanyang isinusulong ang Senate Bill No. 1894, na nagpapalawak sa Tertiary Education Subsidy upang maabot ang mga pinaka-nangangailangang mag-aaral; Senate Bill No. 2101, na lumilikha ng National Coordinating Council for Education upang pag-isahin ang mga hakbang ng mga ahensya; at Senate Bill No. 1981, o ang Basic Education Voucher Program Act, na nagpapalawak ng tulong para sa mga mag-aaral sa batayang edukasyon. Ang mga inisyatibong ito ay nagpapatuloy sa kanyang adbokasiya para sa abot-kamay at dekalidad na edukasyon para sa lahat.

Kinilala rin ni Legarda ang panawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) para sa malawak na konsultasyon kasama ang mga guro, mag-aaral, at mga paaralan. Hinimok ng ACT ang Komite na bigyang-priyoridad ang dagdag na sahod para sa mga guro, mas malaking pondo para sa edukasyon, karagdagang silid-aralan, mas maraming tauhang panturo at di-panturo, at sapat na kagamitang panturo. Tiniyak ni Legarda na ang mga usaping ito ay magiging bahagi ng patuloy na talakayan at agenda ng Komite.

Ang kanyang adbokasiya sa edukasyon ay nagpapakita ng malawak na pananaw: na matiyak na ang bawat batang Pilipino, mula sa maagang pagkabata hanggang sa mas mataas na antas ng edukasyon, ay may akses sa dekalidad na oportunidad sa pagkatuto, habang sinusuportahan din ang mga guro sa pamamagitan ng makatarungang kompensasyon, pagsasanay, at mga kinakailangang kagamitan. Sa pagtutulay ng mga reporma sa parehong batayang at mas mataas na edukasyon, binibigyang-diin ni Legarda na ang edukasyon ay isang tuloy-tuloy na proseso na dapat palakasin sa bawat yugto.

“Naniniwala ako na ang mas matatag na sistema ng edukasyon ang pundasyon ng mas maunlad na kinabukasan para sa ating bansa. Kasama ang ating mga guro, magulang, at komunidad, sabay-sabay nating itatayo ang kinabukasang iyon,” pagtatapos ni Legarda.