Legarda leads blessing and inauguration of new school buildings in Antique
July 2, 2025Underscoring the importance of strengthening the education sector in the country, Senator Loren Legarda led the blessing and inauguration of various school buildings and classrooms at the Salazar Elementary School in San Jose de Buenavista, Province of Antique, last Tuesday, July 1.
The project is funded under the DOTr FY 2023, with an approximate budget of PHP 120 million, covering land acquisition, building construction, and site development.
It is situated on a two-hectare land, which includes a two-storey building with six classrooms, a two-storey building with eight classrooms, a two-storey building with 12 classrooms, and a one-storey, single-classroom building.
In her remarks, Legarda emphasized the new classroom buildings as a crucial reminder of the importance of ensuring the welfare and development of Filipino learners. She highlighted that these school infrastructures are more than just a project, but a staunch symbol of the government’s readiness and commitment to providing quality education for every child across the country.
“Bilang isang four-term senator, matagal ko nang isinusulong ang edukasyon bilang isang karapatan, hindi isang pribilehiyo. Ang bawat bata, saan mang dako ng bansa, ay dapat may pantay na pagkakataong matuto, at sinisiguro kong ganoon din dito sa ating mga kasimanwa sa Antique,” she conveyed.
In her years of experience as a public servant, Legarda has championed various projects and initiatives that cater to the needs of Filipino students.
In the 19th Congress, the senator rallied behind the passage of the Early Childhood Care and Development Act to safeguard and nurture every learner. She also advocated for the Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act, which promotes mental health awareness among students.
Legarda also supported the Academic Recovery and Accessible Learning Program (ARAL) Act, which responds to students’ inability to learn through tutorial sessions and blended learning. Likewise, the senator maintained her stance for the passage of the Career Progression Act for Public School Teachers and School Leaders in the Senate.
“Layunin nito na palawakin ang mga oportunidad para sa propesyonal na pag-unlad ng ating mga guro at school leaders, dahil kayo po ang tunay na susi sa tagumpay na pag-aaral ng ating mga estudyante, at sa kinabukasan ng ating bayan,” Legarda noted.
The senator assured teachers and students of Salazar Elementary School of her continuous commitment to ensuring a long-term plan for their overall welfare.
“Sa ating mga guro, saludo ako sa inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon. Sisiguraduhin po nating may sapat kayong suporta, hindi lang sa salita, kundi sa mga konkretong programa at batas,” she said.
“At sa ating mga estudyante, ito ay para sa inyo. Pagbutihin ninyo ang inyong pag-aaral at mangarap para sa inyong sarili, para sa Antique, at para sa Pilipinas,” Legarda concluded. (30)
Legarda, pinangunahan ang blessing at inagurasyon ng bagong school buildings sa Antique
Pinangunahan ni Senadora Loren Legarda ang pormal na pagpapasinaya sa ilang mga gusali at silid-aralan sa Salazar Elementary School sa San Jose de Buenavista, Lalawigan ng Antique nitong Martes, Hulyo 1.
Ang nasabing proyekto ay pinondohan sa ilalim ng DOTr FY 2023 na may kaukulang halagang PhP120 milyon, na sumasaklaw sa pagbili ng lupa, konstruksyon ng mga gusali, at site development.
Ito ay nakatayo sa dalawang ektaryang lupa na kinapapalooban ng isang dalawang-palapag na gusali na may anim na silid-aralan, isang dalawang-palapag na gusali na may walong silid-aralan, isang dalawang-palapag na gusali na may labindalawang silid-aralan, at isang isang-palapag na gusali na may isang silid-aralan.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Legarda ang mga bagong gusali bilang mahalagang paalala ng patuloy na pagtutok sa kapakanan at pag-unlad ng mga batang mag-aaral. Sinabi niya na ang mga imprastrakturang ito ay higit pa sa isang proyekto, kundi matibay na simbolo ng kahandaan ng pamahalaan na makapagbigay ng dekalidad na edukasyon para sa bawat bata sa buong bansa.
“Bilang isang four-term na senador, matagal ko nang isinusulong ang edukasyon bilang isang karapatan, hindi isang pribilehiyo. Ang bawat bata, saan mang sulok ng bansa, ay dapat may pantay na pagkakataong matuto, at sinisiguro kong ganoon din dito sa ating mga kasimanwa sa Antique,” ani Legarda.
Sa kanyang karanasan bilang isang lingkod-bayan, naging tagapagtaguyod si Legarda ng iba’t ibang proyekto at inisyatiba na tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
Sa ika-19 na Kongreso, isinulong niya ang pagpasa ng Early Childhood Care and Development Act upang mapangalagaan ang kalusugan at pag-unlad ng bawat batang mag-aaral. Kabilang din sa kanyang mga adbokasiya ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na naglalayong itaguyod ang kamalayan sa mental health ng mga estudyante.
Bukod dito, sinuportahan ni Legarda ang ARAL (Academic Recovery and Accessible Learning Program) Act, na tumutugon sa learning gaps ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng tutorial sessions at blended learning.
Nananatili rin ang suporta ng senadora sa Career Progression Act for Public School Teachers and School Leaders sa Senado.
“Layunin nito na palawakin ang mga oportunidad para sa propesyonal na pag-unlad ng ating mga guro at school leaders, dahil kayo po ang tunay na susi sa tagumpay sa pag-aaral ng ating mga estudyante at sa kinabukasan ng ating bayan,” ayon kay Legarda.
Tiniyak din ng senadora sa mga guro at mag-aaral ng Salazar Elementary School ang kanyang patuloy na pagtutok sa pangmatagalang plano para sa kanilang kapakanan.
“Sa ating mga guro, saludo ako sa inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon. Sisiguraduhin po nating may sapat kayong suporta—hindi lang sa salita kundi sa mga konkretong programa at batas,” wika niya.
“At sa ating mga estudyante, ito ay para sa inyo. Pagbutihin ninyo ang inyong pag-aaral at mangarap kayo para sa inyong sarili, para sa Antique, at para sa Pilipinas,” saad ni Legarda. (30)