Legarda honors indigenous communities, pushes cultural empowerment at Ummong Festival
October 4, 2025Senator Loren Legarda reaffirmed her commitment to Indigenous Cultural empowerment and inclusive development during the Ummong Festival held at the Nueva Vizcaya State University (NVSU) on October 3, 2025.
Addressing local leaders, educators, students, and Indigenous cultural bearers, Legarda emphasized the vital role of Indigenous Peoples in shaping national identity and safeguarding the country’s cultural wealth.
“Sa ating pagdiriwang ng Ummong, pinapanday natin ang isang yugto ng pagkakaisa, dangal, at panibagong pag-asa para sa ating mga pamayanan.” Legarda said in her opening remarks, paying tribute to the province’s enduring contributions for its Indigenous communities.
The Ummong Festival, now on its fourth year since its launch in 2022, is a cultural gathering organized by NVSU. Rooted in the word “ummong,” meaning fellowship and reverence for one’s origins, the event brings together IP communities from across the province to showcase traditional songs, dances, crafts, and customs, promoting the preservation of indigenous knowledge.
Legarda, Chairperson of the Senate Committee on Culture and the Arts, and a staunch advocate of cultural preservation, highlighted key initiatives she has championed in support of Indigenous rights. “Buong puso kong ipinaglaban at patuloy na isinusulong ang mga batas at programang nagpapalakas sa karapatan, kultura, at kabuhayan ng mga katutubong Pilipino,” she said, citing the Cultural Mapping Law, National Indigenous Peoples Day, and the establishment of Schools of Living Traditions such as the Kalahan Academy in Sta. Fe.
The four-term senator also underscored the importance of language preservation through the Bantayog ng Wika program, noting the installation of a monument in Bayombong honoring the Gaddang language.
“Itinataguyod din natin ang Bantayog ng Wika upang mapanatili at bigyang-dangal ang ating mga katutubong wika at tradisyon,” Legarda said.
Legarda called for continued support for Indigenous Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), recognizing their role in strengthening local economies. “Patuloy ang ating suporta upang mapalakas ang kabuhayan at sariling pagkakitaan ng mga pamayanan,” she affirmed.
Reflecting on the spirit of the festival, Legarda described Ummong as “isang pagdiriwang ng samahan at paggalang sa ating mga pinagmulan, pamumuhay, at karunungan.” She further urged communities to continue passing on indigenous knowledge and values to the next generation: “Ipagpatuloy natin ang paggalang at pagbubuklod, ang pag-aaral, pagtuturo, at pagsasalin sa kabataan ng karunungan at kasanayan ng inyong komunidad.” (30)
Legarda, nakibahagi sa Ummong Festival sa Nueva Viscaya; isinulong ang kultura at karapatan ng mga katutubo
Muling pinagtibay ni Senador Loren Legarda ang kanyang paninindigan para sa pagpapatibay ng kulturang katutubo at inklusibong kaunlaran sa isinagawang Ummong Festival sa Nueva Vizcaya State University (NVSU) nitong Oktubre 3, 2025.
Sa harap ng mga lokal na lider, guro, mag-aaral, at mga tagapag-ingat ng kulturang katutubo, binigyang-diin ni Legarda ang mahalagang papel ng mga Katutubong Pamayanan sa paghubog ng pambansang pagkakakilanlan at sa pangangalaga ng yamang pangkultura ng bansa.
“Sa ating pagdiriwang ng Ummong, pinapanday natin ang isang yugto ng pagkakaisa, dangal, at panibagong pag-asa para sa ating mga pamayanan,” pahayag ni Legarda sa kanyang pambungad na pananalita, bilang pagpupugay sa patuloy na ambag ng lalawigan para sa mga pamayanang katutubo.
Ang Ummong Festival, na nasa ikaapat na taon na mula nang ilunsad noong 2022, ay isang pangkulturang pagtitipon na inorganisa ng NVSU. Hango sa salitang “ummong” na nangangahulugang pagtitipon at paggalang sa pinagmulan, layunin ng pagdiriwang na pagsamahin ang mga pamayanang katutubo mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan upang ipakita ang mga tradisyonal na awit, sayaw, likhang-sining, at kaugalian, bilang paraan ng pagpapanatili ng katutubong kaalaman.
Bilang Tagapangulo ng Senate Committee on Culture and the Arts at masigasig na tagapagtaguyod ng pangangalaga sa kultura, binigyang-liwanag ni Legarda ang mga pangunahing inisyatibang kanyang isinulong para sa karapatan ng mga Katutubo. “Buong puso kong ipinaglaban at patuloy na isinusulong ang mga batas at programang nagpapalakas sa karapatan, kultura, at kabuhayan ng mga katutubong Pilipino,” pahayag ni Legarda, habang binanggit ang Cultural Mapping Law, National Indigenous Peoples Day, at ang pagtatatag ng mga Schools of Living Traditions gaya ng Kalahan Academy sa Sta. Fe.
Binigyang-diin din ng four-term na Senador ang kahalagahan ng pangangalaga sa wika sa pamamagitan ng Bantayog ng Wika program, kung saan itinayo ang isang monumento sa Bayombong bilang pagkilala sa wikang Gaddang.
“Itinataguyod din natin ang Bantayog ng Wika upang mapanatili at bigyang-dangal ang ating mga katutubong wika at tradisyon,” paliwanag ni Legarda.
Nanawagan din si Legarda ng patuloy na suporta para sa mga Katutubong Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), bilang pagkilala sa kanilang ambag sa pagpapatatag ng lokal na ekonomiya. “Patuloy ang ating suporta upang mapalakas ang kabuhayan at sariling pagkakitaan ng mga pamayanan,” pagtitiyak ng senadora.
Bilang pagninilay sa diwa ng pagdiriwang, inilarawan ni Legarda ang Ummong bilang “isang pagdiriwang ng samahan at paggalang sa ating mga pinagmulan, pamumuhay, at karunungan.” Dagdag pa niya, “Ipagpatuloy natin ang paggalang at pagbubuklod, ang pag-aaral, pagtuturo, at pagsasalin sa kabataan ng karunungan at kasanayan ng inyong komunidad.” (30)