Legarda honors heroism of Battle of Quingua, calls for national recognition of historic day

April 23, 2025

In commemoration of the 126th anniversary of the historic Battle of Quingua, Senator Loren Legarda paid tribute to the valor and patriotism of Filipino revolutionaries who fought against American forces on April 23, 1899, in the plains of what is now Plaridel, Bulacan.

“The Battle of Quingua is a defining moment in our struggle for independence,” Legarda said. “General Gregorio del Pilar’s leadership at the Battle of Quingua reminds us of the bravery and courage of those who fought for the freedom we enjoy today.”

Legarda, a long-time advocate of heritage preservation and historical awareness, expressed full support for legislative efforts to institutionalize April 23 as a permanent commemorative day.

“The issuance of Proclamation No. 836, Series of 2025, is a meaningful step in honoring this historic event, and any move in Congress to provide it with permanent legislative recognition would further affirm its significance in our national history,” she stated.

As Chairperson of the Senate Committee on Culture and the Arts, Legarda committed to working with local officials and fellow lawmakers to ensure that events of historical importance, like the Battle of Quingua, are formally recognized, preserved, and taught to future generations.

Senator Legarda also underscored the need for stronger integration of local history in educational curricula and urged the Department of Education to highlight regional narratives like Quingua in teaching Philippine history.

“This is not just a local celebration. This is a Philippine victory—a symbol of courage and unity in the face of foreign oppression,” Legarda concluded. (30)


Legarda, nanawagan ng pambansang pagkilala sa makasaysayang Araw ng Labanan sa Quingua

Bilang paggunita sa ika-126 na anibersaryo ng makasaysayang Labanan sa Quingua, kinilala ni Senadora Loren Legarda ang tapang at pagmamahal sa bayan ng mga rebolusyonaryong Pilipino na lumaban sa puwersang Amerikano noong Abril 23, 1899, sa lugar na ngayo’y sakop na ng bayan ng Plaridel, Bulacan.

“Ang Labanan sa Quingua ay isa sa mga mahahalagang yugto sa ating pakikibaka para sa kalayaan,” ani Legarda. “Ang pamumuno ni Heneral Gregorio del Pilar sa labanang ito ay paalala ng katapangan at kagitingan ng mga lumaban para sa kalayaang tinatamasa natin ngayon.”

Bilang matagal nang tagapagtaguyod ng pangangalaga sa kaalamang pangkasaysayan, ipinahayag ni Legarda ang kanyang buong suporta sa mga panukalang gawing opisyal at taunang paggunita ang Abril 23 bilang Araw ng Labanan sa Quingua.

“Ang paglalabas ng Proclamation No. 836, Series of 2025 ay isang makahulugang hakbang sa pagbibigay-pugay sa makasaysayang pangyayaring ito. Anumang hakbang mula sa Kongreso upang kilalanin ito sa pamamagitan ng batas ay lalo pang magpapatibay sa kahalagahan nito sa ating pambansang kasaysayan,” pahayag niya.

Bilang Tagapangulo ng Senate Committee on Culture and the Arts, tiniyak ni Legarda ang kanyang pakikiisa sa mga lokal na opisyal at kapwa mambabatas upang matiyak na ang mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan gaya ng Labanan sa Quingua ay pormal na kikilalanin, mapangangalagaan, at maituro sa mga susunod na henerasyon.

Binigyang-diin din ni Senadora Legarda ang pangangailangan ng mas malalim na integrasyon ng lokal na kasaysayan sa mga kurikulum sa paaralan, at nanawagan sa Department of Education na bigyang pansin ang mga kwentong pang-rehiyon gaya ng Quingua sa pagtuturo ng kasaysayang Pilipino.

“Ito ay hindi lamang isang lokal na pagdiriwang. Isa itong tagumpay ng Pilipinas—isang sagisag ng tapang at pagkakaisa sa gitna ng dayuhang pananakop,” pagtatapos ni Legarda. (30)