Legarda honors 150th birth anniversary of revolutionary hero Emilio Jacinto, calls on youth to uphold truth and integrity
December 15, 2025Senator Loren Legarda joined the National Historical Commission of the Philippines (NHCP) and the Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) in commemorating the 150th birth anniversary of Emilio Jacinto at the Emilio Jacinto Monument in Himlayang Pilipino, Quezon City on December 15, 2025.
In her remarks, Legarda highlighted Jacinto’s principles in the Kartilya ng Katipunan and his continuing relevance in today’s challenges, especially the fight against disinformation, historical distortion, and abuse of power.
“Ngayong araw, ginugunita natin ang ika-isandaan at limampung anibersaryo ng kapanganakan ni Emilio Jacinto, isang kabataang ang talino, prinsipyo, at paninindigan ay naging haligi ng ating rebolusyon at patuloy na gabay ng ating bayan,” Legarda said.
Legarda underscored the ethical standards Jacinto set for public life and citizenship.
“Si Jacinto, ang Utak ng Katipunan, ay hindi lamang naging intelektwal na lakas ng rebolusyon, sapagkat siya rin ang humubog sa pilosopiya na bumuo ng isang makatarungan at marangal na lipunan. Sa katunayan, si Jacinto ang naging konsensya nito,” she said.
Legarda linked Jacinto’s Liwanag at Dilim to present-day realities, stressing the public duty to defend truth and history.
“Sa ating panahon, ang laban na ito ay makikita sa pagharap sa misinformation, historical distortion, at online polarization. Kaya’y higit kailanman, tungkulin natin na igalang ang katotohanan at ipagtanggol ang kasaysayan,” she stressed.
The four-term Senator also emphasized integrity in leadership amid contemporary governance concerns.
“Sa panahong kinakaharap natin ang usapin ng katiwalian, pang-aabuso sa kapangyarihan, at kawalan ng tiwala sa mga institusyon, paalala si Jacinto na ang pamumuno ay isang pananagutan at hindi pribilehiyo ng iilan,” Legarda said.
As Chairperson of the Senate Committee on Culture and the Arts, Legarda cited the role of the arts in bringing history closer to the youth, referencing her support for a musical inspired by Jacinto’s life.
“Bilang Tagapangulo ng Senate Committee on Culture and the Arts, aking sinuportahan ang Pingkian: Isang Musikal, isang makapangyarihang dula na muling nagpasigla sa buhay at diwa ni Emilio Jacinto,” she said.
Legarda ended by challenging young Filipinos to apply their talents and courage to the nation’s present struggles, and to live by the values Jacinto articulated.
“Ang hamong nais kong iwan sa inyo, lalo na sa kabataang Pilipino, paano natin gagamitin ang talino, galing, at tapang upang ipagtanggol ang bayan laban sa bagong anyo ng pang-aapi na bumabalot sa lipunan? Mariing pagnilayan ito sa pakikitungo ninyo sa silid-aralan, tahanan, at sa lahat ng komunidad na inyong kinabibilangan.”
“Nawa’y piliin natin ang liwanag – sa ating mga desisyon, sa ating pamumuno, at sa ating paglilingkod sa bayan,” Legarda concluded. (30)
Legarda ipinagdiwang ang ika-150 anibersaryo ng kaarawan ng rebolusyonaryong bayani na si Emilio Jacinto, hinimok ang kabataan na pangalagaan ang katotohanan at integridad
Nakibahagi si Senadora Loren Legarda sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at sa Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) sa paggunita ng ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Emilio Jacinto sa Emilio Jacinto Monument sa Himlayang Pilipino, Quezon City noong Disyembre 15, 2025.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Legarda ang mga prinsipyong isinulong ni Jacinto sa Kartilya ng Katipunan at ang patuloy nitong kabuluhan sa pagharap sa mga hamon ng kasalukuyan lalo na sa laban kontra disimpormasyon, pagbaluktot ng kasaysayan, at pang-aabuso sa kapangyarihan.
“Ngayong araw, ginugunita natin ang ika-isandaan at limampung anibersaryo ng kapanganakan ni Emilio Jacinto, isang kabataang ang talino, prinsipyo, at paninindigan ay naging haligi ng ating rebolusyon at patuloy na gabay ng ating bayan,” ani Legarda.
Binigyang-diin ni Legarda ang mataas na pamantayang etikal na itinakda ni Jacinto para sa buhay-publiko at pagkamamamayan.
“Si Jacinto, ang Utak ng Katipunan, ay hindi lamang naging intelektwal na lakas ng rebolusyon, sapagkat siya rin ang humubog sa pilosopiya na bumuo ng isang makatarungan at marangal na lipunan. Sa katunayan, si Jacinto ang naging konsensya nito,” dagdag niya.
Ikinabit din ni Legarda ang Liwanag at Dilim ni Jacinto sa mga realidad ng kasalukuyan at iginiit ang tungkulin ng mamamayan na ipagtanggol ang katotohanan at kasaysayan.
“Sa ating panahon, ang laban na ito ay makikita sa pagharap sa misinformation, historical distortion, at online polarization. Kaya’y higit kailanman, tungkulin natin na igalang ang katotohanan at ipagtanggol ang kasaysayan,” diin niya.
Binigyang-halaga rin ng Senadora ang integridad sa pamumuno sa gitna ng mga isyung kinahaharap ng pamahalaan sa kasalukuyan.
“Sa panahong kinakaharap natin ang usapin ng katiwalian, pang-aabuso sa kapangyarihan, at kawalan ng tiwala sa mga institusyon, paalala si Jacinto na ang pamumuno ay isang pananagutan at hindi pribilehiyo ng iilan,” ani Legarda.
Bilang Tagapangulo ng Senate Committee on Culture and the Arts, binanggit ni Legarda ang mahalagang papel ng sining sa pagpapalapit ng kasaysayan sa kabataan, kasabay ng pagtukoy sa kanyang suporta sa isang musikal na hango sa buhay ni Jacinto.
“Bilang Tagapangulo ng Senate Committee on Culture and the Arts, aking sinuportahan ang Pingkian: Isang Musikal, isang makapangyarihang dula na muling nagpasigla sa buhay at diwa ni Emilio Jacinto,” wika niya.
Tinapos ni Legarda ang kanyang pahayag sa paghahamon sa kabataang Pilipino na gamitin ang kanilang talino at tapang sa pagharap sa mga hamon ng kasalukuyan, at isabuhay ang mga pagpapahalagang itinaguyod ni Jacinto.
“Ang hamong nais kong iwan sa inyo, lalo na sa kabataang Pilipino, paano natin gagamitin ang talino, galing, at tapang upang ipagtanggol ang bayan laban sa bagong anyo ng pang-aapi na bumabalot sa lipunan? Mariing pagnilayan ito sa pakikitungo ninyo sa silid-aralan, tahanan, at sa lahat ng komunidad na inyong kinabibilangan.”
“Nawa’y piliin natin ang liwanag—sa ating mga desisyon, sa ating pamumuno, at sa ating paglilingkod sa bayan,” pagtatapos ni Legarda. (30)
