Legarda: Honor teachers with real support, better working conditions, clear paths for growth
October 5, 2026As the country marks World Teachers’ Day, Senator Loren Legarda called for sustained reforms that strengthen the welfare, professional growth, and working conditions of Filipino teachers, stressing that appreciation must be matched by concrete support.
“Ang pasasalamat sa ating mga guro ay dapat may katumbas na suporta. Sila ang kasama ng ating mga anak sa pagkatuto at paghahanda sa kinabukasan. Kaya dapat maramdaman din nila na pinahahalagahan natin ang kanilang trabaho, oras, at sariling pag-unlad,” Legarda said.
This year’s World Teachers’ Day theme “Standing with teachers: 60 years of protecting the profession, advancing its status and shaping our futures,” is especially timely as educators in our country continue to face heavier workloads, changing learning environments, and growing demands on their profession. For Legarda, standing with teachers means ensuring that they receive the support, recognition, and opportunities they need to do their work well.
“Maraming nagbago sa paraan ng pagtuturo at sa mga hamong kinakaharap sa loob at labas ng classroom. Pero malinaw na walang reporma sa edukasyon ang magiging sapat kung hindi natin aalalayan ang mismong mga gurong nagpapatupad nito,” Legarda said.
Legarda, a Commissioner of the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), cited findings showing persistent challenges in teacher workload and career mobility. EDCOM II reported that two out of three teachers surveyed were working more than 40 hours per week, mostly because of ancillary tasks. “Hindi dapat nauubos ang oras ng guro sa mga gawaing naglalayo sa kanila sa pagtuturo. Ang oras ng guro ay dapat mapunta kung saan ito pinakamahalaga, sa pagtuturo at paggabay sa mga mag-aaral,” Legarda said.
Beyond reducing administrative burdens, Legarda said improving teachers’ working conditions also means addressing pressures inside the classroom. She cited Senate Bill No. 2397, or the Public School Class Size Act, which seeks more manageable class sizes so teachers can give greater attention to each learner while recognizing the additional workload of those handling large classes.
Legarda pointed to reforms she authored that have been enacted to support teachers, including Republic Act No. 11997 or the Kabalikat sa Pagtuturo Act, which increased the teaching supplies allowance to ₱10,000 annually, and Republic Act No. 12288 or the Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Act, which expanded opportunities for teachers to advance professionally while remaining in the teaching career line.
“Dapat maramdaman ng mga guro ang mas maayos na suporta sa kanilang trabaho at mas malinaw na mga oportunidad para sa kanilang propesyonal na pag-unlad,” Legarda said.
Legarda has likewise filed Senate Bill No. 308, which seeks to further amend the Philippine Teachers Professionalization Act of 1994. The proposal aims to strengthen the professionalization of teachers by introducing a practical component, such as demonstration teaching or other evaluative modes, alongside written licensure examinations. It also proposes additional pathways for registration and licensure while retaining required competency standards. “Ang pagiging mahusay na guro ay hindi nasusukat sa isang written examination lamang. Mahalaga ring makita kung paano naituturo ang kaalaman, paano nakikipag-ugnayan sa mga estudyante, at paano sila aktuwal na nagtuturo sa classroom,” Legarda said.
Legarda has also filed Senate Bill No. 2099 or the Government Employees Free Master’s Degree Tuition Act, which seeks to provide free tuition in state universities and colleges to qualified government employees pursuing master’s degrees. The proposed measure could provide additional opportunities for eligible public school teachers seeking further studies and professional development.
“Dapat may pagkakataon ang mga guro na patuloy na matuto at mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan. Kapag patuloy na nahahasa ang kaalaman at kakayahan ng ating mga guro, mas napapabuti rin natin ang edukasyong natatanggap ng ating mga estudyante,” she said.
Efforts to ease pressure on the teaching workforce have also continued in 2026. The Department of Budget and Management approved 32,916 new teaching positions for School Year 2026–2027, along with 22,268 new non-teaching positions to help reduce administrative work being shouldered by classroom teachers.
“Magandang hakbang ang pagdagdag ng mga guro at support staff. Pero ang mahalaga ay maramdaman ito sa bawat paaralan. Mas maraming oras dapat ang guro para magturo, mas kaunti ang gawaing administratibong pasan nila,” Legarda said.
Legarda added that support must also reach teachers serving in the country’s most difficult and geographically isolated areas. As principal author and co-sponsor of Republic Act No. 12321, or the Last Mile and GIDA Schools Act, she pushed for additional support for teachers in geographically isolated and disadvantaged communities, including allowances and assistance for housing, transportation, professional development, and scholarships.
Legarda said strengthening the teaching profession must remain central to broader education reforms, noting that teacher welfare, professional development, career advancement, and better working conditions are closely connected to the quality of learning. She stressed that reforms must also remain grounded in the experiences of teachers themselves and the realities they face in the classroom.
“Hindi natin maihihiwalay ang kalagayan ng mga guro sa kalidad ng edukasyon. Kung gusto nating mas gumanda ang pagkatuto ng ating mga anak, kailangan ding maayos ang sistema sa likod ng bawat gurong humaharap sa kanila araw-araw,” she said.
“Sa bawat Ma’am at Sir na pumapasok sa classroom dala ang kaalaman, tiyaga, at malasakit, maraming salamat. Ang pinakamagandang pagkilala sa ating mga guro ay isang sistemang gumagalang sa kanilang propesyon, sumusuporta sa kanilang trabaho, at nagbibigay sa kanila ng tunay na pagkakataong umunlad,” Legarda concluded. (30)
– – – – – – – – – – – – – – – – – – – –
Legarda: Tunay na suporta, mas maayos na kondisyon sa trabaho, malinaw na oportunidad sa pag-unlad para sa mga guro
Kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day, nanawagan si Senator Loren Legarda ng tuloy-tuloy na mga repormang magpapabuti sa kapakanan, propesyonal na pag-unlad, at kondisyon sa trabaho ng mga gurong Pilipino. Aniya, hindi sapat ang pagkilala sa kanilang mahalagang papel kung hindi ito sinasabayan ng konkretong suporta.
“Ang pasasalamat sa ating mga guro ay dapat may katumbas na suporta. Sila ang kasama ng ating mga anak sa pagkatuto at paghahanda sa kinabukasan. Kaya dapat maramdaman din nila na pinahahalagahan natin ang kanilang trabaho, oras, at sariling pag-unlad,” ani Legarda.
Napapanahon aniya ang tema ngayong taon na “Standing with teachers: 60 years of protecting the profession, advancing its status and shaping our futures,” habang patuloy na humaharap ang mga guro sa mas mabigat na trabaho, nagbabagong paraan ng pagkatuto, at lumalaking pangangailangan sa kanilang propesyon. Para kay Legarda, ang tunay na pagsuporta sa mga guro ay nangangahulugang pagbibigay sa kanila ng sapat na suporta, pagkilala, at pagkakataong kailangan nila upang magampanan nang maayos ang kanilang trabaho.
“Maraming nagbago sa paraan ng pagtuturo at sa mga hamong kinakaharap sa loob at labas ng classroom. Pero malinaw na walang reporma sa edukasyon ang magiging sapat kung hindi natin aalalayan ang mismong mga gurong nagpapatupad nito,” ani Legarda.
Bilang Commissioner ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM II, binigyang-diin ni Legarda ang patuloy na suliranin sa bigat ng trabaho at pag-angat sa propesyon ng mga guro. Batay sa datos ng EDCOM II, dalawa sa bawat tatlong gurong kabilang sa survey ang nagtatrabaho nang mahigit 40 oras kada linggo, malaking bahagi nito dahil sa mga gawaing hindi direktang kaugnay ng pagtuturo.
“Hindi dapat nauubos ang oras ng guro sa mga gawaing naglalayo sa kanila sa pagtuturo. Ang oras ng guro ay dapat mapunta kung saan ito pinakamahalaga, sa pagtuturo at paggabay sa mga mag-aaral,” ani Legarda.
Bukod sa pagbawas ng mga gawaing administratibo, sinabi ni Legarda na kailangang tugunan din ang bigat ng trabaho sa loob mismo ng silid-aralan. Kabilang dito ang Senate Bill No. 2397 o Public School Class Size Act, na naglalayong magkaroon ng mas kayang pangasiwaang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase upang mas matutukan ng guro ang bawat bata. Kinikilala rin ng panukala ang dagdag na trabaho ng mga gurong humahawak ng malalaking klase.
Tinukoy rin ni Legarda ang mga repormang kanyang isinulong at naisabatas upang higit na masuportahan ang mga guro. Kabilang dito ang Republic Act No. 11997 o Kabalikat sa Pagtuturo Act, na nagtaas sa teaching supplies allowance sa ₱10,000 kada taon, at Republic Act No. 12288 o Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Act, na nagpalawak sa mga pagkakataon para sa propesyonal na pag-angat ng mga guro nang hindi kinakailangang umalis sa teaching career line.
“Dapat maramdaman ng mga guro ang mas maayos na suporta sa kanilang trabaho at mas malinaw na mga oportunidad para sa kanilang propesyonal na pag-unlad,” ani Legarda.
Naghain din si Legarda ng Senate Bill No. 308 na naglalayong amyendahan pa ang Philippine Teachers Professionalization Act of 1994. Layon nitong higit na palakasin ang propesyonalisasyon ng mga guro sa pamamagitan ng pagdaragdag ng praktikal na bahagi sa pagsusulit, gaya ng demonstration teaching o iba pang paraan ng pagsusuri, bukod sa written licensure examination. Nagbibigay rin ang panukala ng karagdagang mga paraan para sa registration at licensure habang pinananatili ang kinakailangang pamantayan ng kakayahan.
“Ang pagiging mahusay na guro ay hindi nasusukat sa isang written examination lamang. Mahalaga ring makita kung paano naituturo ang kaalaman, paano nakikipag-ugnayan sa mga estudyante, at paano sila aktuwal na nagtuturo sa classroom,” ani Legarda.
Kabilang din sa kanyang mga panukala ang Senate Bill No. 2099 o Government Employees Free Master’s Degree Tuition Act, na naglalayong magbigay ng libreng matrikula sa mga kwalipikadong kawani ng gobyerno na kumukuha ng master’s degree sa mga state universities and colleges. Maaari itong magbukas ng karagdagang pagkakataon para sa mga kwalipikadong guro sa pampublikong paaralan na nais magpatuloy sa mas mataas na pag-aaral at propesyonal na pagsasanay.
“Dapat may pagkakataon ang mga guro na patuloy na matuto at mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan. Kapag patuloy na nahahasa ang kaalaman at kakayahan ng ating mga guro, mas napapabuti rin natin ang edukasyong natatanggap ng ating mga estudyante,” ani Legarda.
Nagpatuloy rin ngayong 2026 ang mga hakbang upang mabawasan ang bigat na pasan ng mga guro. Inaprubahan ng Department of Budget and Management ang 32,916 bagong teaching positions para sa School Year 2026–2027, kasama ang 22,268 bagong non-teaching positions na inaasahang makatutulong upang mabawasan ang mga gawaing administratibong kasalukuyang inaako ng mga classroom teacher.
“Magandang hakbang ang pagdagdag ng mga guro at support staff. Pero ang mahalaga ay maramdaman ito sa bawat paaralan. Mas maraming oras dapat ang guro para magturo, mas kaunti ang gawaing administratibong pasan nila,” ani Legarda.
Binigyang-diin din ni Legarda na kailangang umabot ang suporta sa mga gurong naglilingkod sa pinakamalalayo at pinakamahihirap marating na lugar sa bansa. Bilang principal author at co-sponsor ng Republic Act No. 12321 o Last Mile and GIDA Schools Act, isinulong niya ang dagdag na suporta para sa mga guro sa geographically isolated and disadvantaged areas, kabilang ang mga allowance at tulong para sa pabahay, transportasyon, propesyonal na pag-unlad, at scholarship.
Ani Legarda, kailangang manatiling sentro ng mas malawak na reporma sa edukasyon ang pagpapalakas sa propesyon ng pagtuturo. Magkakaugnay ang kapakanan ng mga guro, kanilang propesyonal na pag-unlad, pagkakataong umangat sa trabaho, at maayos na kondisyon sa kalidad ng pagkatuto ng mga estudyante. Mahalaga rin aniyang nakabatay ang mga reporma sa tunay na karanasan ng mga guro at sa mga hamong kanilang kinakaharap sa silid-aralan.
“Hindi natin maihihiwalay ang kalagayan ng mga guro sa kalidad ng edukasyon. Kung gusto nating mas gumanda ang pagkatuto ng ating mga anak, kailangan ding maayos ang sistema sa likod ng bawat gurong humaharap sa kanila araw-araw,” ani Legarda.
“Sa bawat Ma’am at Sir na pumapasok sa classroom dala ang kaalaman, tiyaga, at malasakit, maraming salamat. Ang pinakamagandang pagkilala sa ating mga guro ay isang sistemang gumagalang sa kanilang propesyon, sumusuporta sa kanilang trabaho, at nagbibigay sa kanila ng tunay na pagkakataong umunlad,” pagtatapos ni Legarda. (30)
