Legarda hits ‘paulit-ulit na kapabayaan’ in MV Trisha Kirsten sinking, pushes multi‑modal victim compensation, and tougher liability for unsafe operators

February 13, 2026

Senator Loren Legarda has condemned what she described as “paulit-ulit na kapabayaan” in maritime safety enforcement following the sinking of MV Trisha Kirsten, calling for direct accountability from regulators and a permanent compensation mechanism for victims of transport disasters.

Legarda extended her condolences to the families of those who lost their lives and expressed solidarity with survivors, but emphasized that sympathy alone is no longer acceptable in the face of recurring failures.

“Ito po ay bad habit, kapabayaan ng mga ahensya ng gobyerno,” she said, pointing to long-standing lapses by government agencies in preventing sea accidents.

Legarda stressed that sea tragedies cannot be blamed solely on bad weather, and that investigations must address human error, weak enforcement, and ignored safety protocols as the drivers of these disasters. She further noted that the MV Trisha Kirsten incident is part of a broader pattern of fatal transport negligence she has been hearing since 1998, where investigations repeatedly uncover overloading, poor maintenance, and lax enforcement but result in little structural change.

“Ang mga imbestigasyon ng mga sea tragedies ay hindi lamang dahil sa climate or weather conditions, kadalasan dahil sa kapabayaan – sa overloading ng passengers, overloading ng cargo, desisyon kung magpapalayag, at iyong seaworthiness ng mga vessels,” Legarda said, noting that these are basic duties of the Philippine Coast Guard (PCG) and the Maritime Industry Authority (MARINA ) that should be standard practice. She added that shipowners and operators who knowingly dispatch unsafe vessels, or tolerate overloading and defective ships, must be held fully to account alongside government agencies.

The Senator pressed officials to explain specific operational failures on MV Trisha Kirsten, including how passenger and cargo limits were monitored and enforced.

Legarda also questioned who should be clearly responsible for compensating victims of transport disasters.

“Ano bang ahensya ng gobyerno o pribadong sektor ang dapat nagbibigay ng tulong sa pamilya ng mga nasawi at sa pamilya ng mga survivors? Is it the private company? Is there a provision under PCG for accidents like this? Baka naman DSWD AICS na naman ito,” she said, raising the need for a clear, institutional mechanism for victim compensation.

She warned against the entrenched culture of “pwede na” that normalizes low safety standards. “Hindi na po batas ang kailangan. Kailangan ipatupad ang batas. Kailangan tayong mga Pilipino, itaas ang safety standards kasi ang ugaling ‘pwede na,’. Parang ginagawa lang laruan ang mga buhay ng mga tao,” she stressed.

“Tama po ‘yung ating survivor dito. The freedom to travel safely by sea, that’s a basic right,” she added.

Building on these calls for accountability and clear responsibility for victims, Legarda pointed to the policy framework she is pursuing to ensure that negligence has real consequences for both operators and regulators, and that families are not left scrambling for aid after every tragedy. She said the same principles underpinning her proposed “Responsible Public Utility and Cargo Vehicle Operators Act,” under Senate Bill No. 802. which addresses land-based transport, should guide reforms across all modes of transportation so that operators and regulators are held to clear, enforceable standards of safety and accountability.

For the four-term senator, tragedies like MV Trisha Kirsten must not end with one-time relief and temporary outrage. A system where safety standards are enforced, accountability is real, and families of victims know exactly who will compensate them when the system fails should be institutionalized. (30)

——————————————————————-

Legarda, binatikos ang ‘paulit-ulit na kapabayaan’ sa paglubog ng MV Trisha Kirsten; isinusulong ang malinaw na bayad-danyos at pananagutan sa mga pabayang operator

Matinding binatikos ni Senador Loren Legarda ang itinuro niyang “paulit-ulit na kapabayaan” sa pagpapatupad ng maritime safety matapos ang paglubog ng MV Trisha Kirsten.

Iginiit niya na dapat managot ang mga regulator at magtatag ng permanenteng mekanismo ng kompensasyon para sa mga biktima ng insidente sa sakunang pang-transportasyon.

Ipinaabot ni Legarda ang pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi at nakiisa sa mga nakaligtas, ngunit binigyang-diin na hindi na dapat sapat ang simpatiya kung paulit-ulit ang naging pagkukulang.

“Ito po ay bad habit, kapabayaan ng mga ahensya ng gobyerno,” aniya, dagdag ang pagtukoy sa matagal nang pagkukulang ng ilang ahensiya sa pagpigil sa mga aksidente sa dagat.

Binigyang-diin ng senadora na hindi dapat iasa lamang sa masamang panahon ang sisi sa mga trahedya sa dagat.

Ayon sa kanya, dapat ding siyasatin ang human error, mahinang pagpapatupad ng batas, at hindi pagsunod sa safety protocols.

Dagdag niya na ang insidente ng MV Trisha Kirsten ay bahagi ng kapabayaan sa transportasyon na matagal na niyang naririnig magmula pa noong 1998, kung saan paulit-ulit na natutuklasan ang overloading, kakulangan sa maintenance, at maluwag na enforcement ngunit kakaunti ang nagiging pagbabagong istruktural.

“Ang mga imbestigasyon ng mga sea tragedies ay hindi lamang dahil sa climate or weather conditions, kadalasan dahil sa kapabayaan—sa overloading ng passengers, overloading ng cargo, desisyon kung magpapalayag, at iyong seaworthiness ng mga vessels,” pahayag ni Legarda.

Isinaad niya na mga pangunahing tungkulin ito ng Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority na dapat ay naipatutupad.

Dagdag pa niya, dapat ring panagutin ang mga ship owner at operator na nagpapabiyahe ng hindi ligtas na sasakyang-dagat o pumapayag sa overloading at depektibong kondisyon ng mga barko.

Hiniling ni Legarda na maipaliwanag ng mga opisyal ang mga pagkukulang sa operasyon ng MV Trisha Kirsten, kabilang ang pagpapatupad sa limitasyon ng pasahero at kargamento, pati na ang pagbabantay rito.

Inusisa rin ng mambabatas kung sino ang dapat managot sa pagbibigay ng danyos sa mga biktima ng trahedya.

“Ano bang ahensya ng gobyerno o pribadong sektor ang dapat nagbibigay ng tulong sa pamilya ng mga nasawi at sa pamilya ng mga survivors? Is it the private company? Is there a provision under PCG for accidents like this? Baka naman DSWD AICS na naman ito,” saad ni Legarda, habang iginiit ang pangangailangan ng malinaw at institusyonalisadong mekanismo ng kompensasyon.

Binalaan din niya ang umiiral na kulturang “puwede na” na umano’y nagbubunsod ng mababang pamantayan sa kaligtasan.

“Hindi na po batas ang kailangan. Kailangan ipatupad ang batas. Kailangan tayong mga Pilipino, itaas ang safety standards kasi ang ugaling ‘pwede na,’ Parang ginagawa lang laruan ang mga buhay ng mga tao,” pagdidiin niya.

“Tama po ‘yung ating survivor dito. The freedom to travel safely by sea, that’s a basic right,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, isinulong ni Legarda ang kanyang panukalang isinusulong upang matiyak na may malinaw na pananagutan ang mga operator at regulator, at hindi naiiwan ang mga pamilya na naghahanap ng tulong sa tuwing may trahedya.

Ayon sa kanya, dapat pareho ang prinsipyong sundin sa panukalang Senate Bill No. 802 o ang “Responsible Public Utility and Cargo Vehicle Operators Act,” sa lahat ng uri ng transportasyon.

Hindi dapat nagtatapos sa pansamantalang ayuda at panandaliang galit ang mga trahedya tulad ng MV Trisha Kirsten, ayon sa four-term senator.

Aniya, dapat maitatag ang isang sistemang na mahigpit na pagpapatupad ng safety standards, totoong pananagutan, at malinaw na mekanismo ng pagbabayas ng danyos para sa mga biktima sa panahong pumalya ang sistema. (30)