Legarda: History is the key to continued independence

August 1, 2025

Senator Loren Legarda emphasized the urgent need to unite and revisit the nation’s historical roots to sustain and strengthen Philippine independence during the commemoration of the 127th anniversary of the Bacoor Assembly on Friday, August 1, 2025.

Speaking at the historic site, where 200 municipal presidents (now town mayors) signed the Declaration of Independence drafted by Apolinario Mabini on August 1, 1898, in Bacoor, Cavite, Legarda stressed the importance of honoring the country’s struggle for freedom not just as a matter of tradition, but as a source of strength for nation-building.

“Mga kababayan, isinulong ko ang pagkilalang ito hindi lamang dahil ito’y nararapat sa kasaysayan, kundi dahil ito’y pagkilala at pagbibigay-katarungan sa kabuuang salaysay ng ating kalayaan,” Legarda said.

The Bacoor Assembly ratified a version of the Philippine Declaration of Independence, which removed references to dependence on foreign powers. This was made following concerns from Emilio Aguinaldo and advice from Apolinario Mabini on the original June 12, 1898 proclamation, written and read by Ambrosio Rianzares Bautista, which was not signed by Gen. Aguinaldo. The ratified version provided a clearer position on Philippine self-determination and sovereignty, setting the stage for the convening of the Malolos Congress.

Legarda’s great-grandfather, Ariston Gella, served as representative of Antique in the Malolos Congress, paving the way to a legacy of public service in the family.

“Ang kasarinlan ay hindi lang kalayaang kumilos, kundi kalayaang kumilos para sa kapwa. At ang tunay na lakas ng Pilipino ay nasa paninindigan, hindi lamang para sa sarili, kundi para sa bayan,” Legarda said.

Now in her fourth term as Senator, Legarda has championed numerous laws related to Philippine history and culture. Among them is the Republic Act No. 12073, which commemorates every August 1 as ‘Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas.’

She has been at the forefront of preserving and advancing Filipino cultural heritage, pushing for legislation such as the National Cultural Heritage Act and the Cultural Mapping Law, supporting community initiatives like the Schools of Living Traditions, and bringing Filipino culture to a wider audience through cultural shows like Dayaw.

“Hindi natin mararating ang tunay na kasarinlan kung hindi natin kilala ang ating sarili bilang isang bayan. At sa bawat hakbang na nagpapalalim sa ating pag-unawa sa sariling kultura at kasaysayan, mas pinatatatag natin ang ating kalayaan,” she stressed.

“Ang pagpapahalaga natin sa diwa ng Agosto Uno ay pagpupugay sa isang mahalagang katangian ng ating pagka-Pilipino—ang diwa ng pagkakaisa,” Legarda furthered. (30)


Legarda: Kasaysayan ang susi sa patuloy na kasarinlan

Binigyang-diin ni Senadora Loren Legarda ang agarang pangangailangan na magbuklod at balikan ang mga ugat ng kasaysayan ng bansa upang mapanatili at mapalakas ang kasarinlan ng Pilipinas sa paggunita ng ika-127 anibersaryo ng Bacoor Assembly noong Biyernes, Agosto 1, 2025.

Sa makasaysayang pook kung saan nilagdaan ng 200 municipal presidents (ngayon ay mga alkalde) ang Deklarasyon ng Kasarinlan na inihanda ni Apolinario Mabini noong Agosto 1, 1898 sa Bacoor, Cavite, binigyang-diin ni Legarda ang kahalagahan ng paggalang sa pakikibaka ng bansa para sa kalayaan hindi lamang bilang tradisyon, kundi bilang bukal ng lakas para sa pagpapatatag ng bayan.

“Mga kababayan, isinulong ko ang pagkilalang ito hindi lamang dahil ito’y nararapat sa kasaysayan, kundi dahil ito’y pagkilala at pagbibigay-katarungan sa kabuuang salaysay ng ating kalayaan,” sabi ni Legarda.

Pinagtibay ng Bacoor Assembly ang isang bersyon ng Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas na nag-alis ng mga pagtukoy sa pagdepende sa mga dayuhang kapangyarihan. Ito ay isinagawa bunga ng mga pangamba ni Emilio Aguinaldo at payo ni Apolinario Mabini ukol sa orihinal na proklamasyon noong Hunyo 12, 1898 na isinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista ngunit hindi nilagdaan ni Heneral Aguinaldo. Ang pinagtibay na bersyon ay nagbigay-linaw sa paninindigan para sa sariling pagpapasya at soberanya ng Pilipinas, na nagbukas ng daan para sa pagbuo ng Kongreso ng Malolos.

Ang lolo-sa-tuhod ni Legarda na si Ariston Gella ay nagsilbing kinatawan ng Antique sa Kongreso ng Malolos, na naglatag ng pundasyon para sa pamana ng paglilingkod-bayan ng kanilang pamilya.

“Ang kasarinlan ay hindi lang kalayaang kumilos, kundi kalayaang kumilos para sa kapwa. At ang tunay na lakas ng Pilipino ay nasa paninindigan, hindi lamang para sa sarili, kundi para sa bayan,” ani Legarda.

Sa ikaapat na termino niya bilang Senadora, pinangunahan ni Legarda ang maraming batas na may kinalaman sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Kabilang dito ang Republic Act No. 12073, na nagpapahayag na tuwing Agosto 1 ay gugunitain bilang ‘Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas.’

Nangunguna rin siya sa pangangalaga at pagsusulong ng pamana ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga batas tulad ng National Cultural Heritage Act at Cultural Mapping Law; pagsuporta sa mga inisyatiba sa komunidad gaya ng Schools of Living Traditions; at pagbibigay-daan sa mas malawak na pagkilala sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga programang pangkultura tulad ng Dayaw.

“Hindi natin mararating ang tunay na kasarinlan kung hindi natin kilala ang ating sarili bilang isang bayan. At sa bawat hakbang na nagpapalalim sa ating pag-unawa sa sariling kultura at kasaysayan, mas pinatatatag natin ang ating kalayaan,” giit niya.

“Ang pagpapahalaga natin sa diwa ng Agosto Uno ay pagpupugay sa isang mahalagang katangian ng ating pagka-Pilipino—ang diwa ng pagkakaisa,” dagdag pa ni Legarda. (30)