Legarda Hails People’s Victory, Thanks Voters for Electing Leandro as Congressman
May 13, 2025Senator Loren Legarda today thanked the voters of Batangas’ first district, who elected her son Leandro Legarda Leviste, as the congressman-elect of the first district of Batangas.
Legarda Leviste achieved the highest margin of victory against an incumbent congressman in the country and recorded the highest number of votes received by a candidate for the House of Representatives in the history of Batangas.
She assured that Legarda Leviste’s upcoming constituents will enjoy an effective brand of public service.
“Ako ay nasisiyahan dahil nagpasiya nang tama ang mga botante sa unang distrito ng Batangas, dahil inihalal nila ang isang mabuting halimbawa ng pagpupursige sa buhay. Ang panalong ito ay hindi lamang kanya, ito ay tagumpay ng mga Batangueño”, the four-term senator said in a statement.
“Nakita ko kung paano niya pinaghirapan upang matupad ang mga pangarap—sa pribadong sektor sa murang edad at ngayon, bilang isang lingkod-bayan,” she added.
“Batid ko rin ang kanyang dedikasyon na iangat ang kabuhayan at kaunlaran ng pitong bayan at isang lungsod sa unang distrito.”
Legarda Leviste ran under the platform of improving the first district’s local economy, considered as the most underdeveloped in the province, which comprises the towns of Nasugbu, Lian, Calatagan, Tuy, Balayan, Lemery, Taal, and the city of Calaca.
Supporters cited his business genius, and success as a young self made entrepreneur prior to his entry into politics as one of the major reasons in his large margin of victory.
Legarda Leviste, 32, is the country’s youngest self-made billionaire.
“Sa aking buhay at sa aking negosyo, parang tumama po ako sa lotto, at naniniwala po ako na tungkulin ko pong ibahagi ang mga naipanalo ko sa ating mga kababayan,” Legarda Leviste previously said.
“Ang pangarap ko po ay sa darating na dekada ang mga bayan sa Unang Distrito ay maging mga modernong lungsod, at ang buong Unang Distrito ay maging isang metropolis na maaring mataguriang Metro Batangas.” (30)
Legarda Pinarangalan ang Tagumpay ng Bayan, Nagpasalamat sa mga Botante sa Paghalal kay Leandro bilang Kongresista
Nagpasalamat si Senador Loren Legarda sa mga botanteng nagluklok sa kaniyang anak na si Leandro Legarda Leviste bilang congressman-elect ng unang distrito ng Batangas.
Nakamit ni Leandro Legarda Leviste ang pinakamalaking agwat ng panalo laban sa isang nakaupong kongresista at nagtala ng pinakamaraming boto na nakuha ng isang kandidato para sa House of Representatives sa kasaysayan ng Batangas.
Tiniyak ng senadora na ang mga nasasakupan ni Legarda Leviste ay makatatamasa ng epektibong serbisyo publiko.
“Ako ay nasisiyahan dahil nagpasiya nang tama ang mga botante sa unang distrito ng Batangas, dahil inihalal nila ang isang mabuting halimbawa ng pagpupursige sa buhay. Ang panalong ito ay hindi lamang kanya, ito ay tagumpay ng mga Batangueño”.
“Nakita ko kung paano niya pinaghirapan upang matupad ang mga pangarap sa pribadong sektor at ngayon, bilang isang lingkod-bayan,” she added.
“Batid ko rin ang kanyang dedikasyon na iangat ang kabuhayan at kaunlaran ng pitong bayan at isang lungsod sa unang distrito.”
Tumakbo si Legarda Leviste sa platapormang pagpapaunlad ng ekonomiya ng unang distrito.
Ang distritong ito ay kinokonsidera bilang hindi pa gaanong maunlad ang ekonomiya, na kinabibilangan ng mga bayan ng Nasugbu, Lian, Calatagan, Tuy, Balayan, Lemery, Taal, at ang lungsod ng Calaca.
Paliwanag ng mga botante, ipinanalo nila si Legarda Leviste dahil sa angking galing nito sa kanyang tagumpay sa buhay.
Si Legarda Leviste, 32, ay ang pinakabatang self-made billionaire sa bansa, na tinaguriang “hulog ng langit” sa Batangas.
“Sa aking buhay at sa aking negosyo, parang tumama po ako sa lotto, at naniniwala po ako na tungkulin ko pong ibahagi ang mga naipanalo ko sa ating mga kababayan,” dati nang sinabi ni Legarda Leviste.
“Ang pangarap ko po ay sa darating na dekada ang mga bayan ng Unang Distrito ay maging mga modernong lungsod, at ang buong Unang Distrito ay maging isang metropolis na maaring mataguriang Metro Batangas.” (30)