Legarda hails Eala’s historic Wimbledon run as a source of national pride

July 9, 2026

Senator Loren Legarda has honored Filipina tennis star Alexandra “Alex” Maniego Eala for her historic run to the fourth round of the 2026 Wimbledon Championships, marking the highest achievement yet by a Filipino in the Open Era and a moment of pride for the nation.

The four-term senator filed P.S. Resolution No. 504, which recounts Eala’s campaign: a commanding 6-1, 6-2 opening win over Mexico’s Renata Zarazúa, a resilient comeback against Australia’s Maya Joint, and a landmark third-round upset of reigning champion Iga Świątek, the World No. 3, 7-6(9), 6-2. The win carried her into the Round of 16, where she fell in a spirited three-set battle to Italy’s Jasmine Paolini, earning a standing ovation from tennis legends Billie Jean King and Roger Federer.

“This resolution is a recognition of Alex Eala’s discipline, humility, and indomitable spirit,” Legarda said. “She has carried the Philippine flag onto the world’s most prestigious tennis court and shown that Filipinos can defeat the very best.”

The resolution also cites Eala’s trail of firsts: the first Filipino to win a junior Grand Slam singles title, at the 2022 US Open, and the first Filipina in the Open Era to break into the WTA Top 100 and the Top 30, to beat Top-10 opponents, to reach a WTA Tour final, and to win a Grand Slam main-draw singles match. She rose to a career-high World No. 28 on July 4, 2026, the highest ranking ever attained by a Filipino in WTA history.

In December 2025, she captured the women’s singles gold medal at the 33rd Southeast Asian Games, ending a 26-year drought for the Philippines.

“Alex’s Wimbledon breakthrough affirms her stature as the finest tennis player the Philippines has ever produced,” Legarda said. “Her journey inspires a new generation of Filipino athletes and brings immense pride and honor to our nation.”

Through P.S. Resolution No. 504, Legarda placed Eala’s Wimbledon campaign among the defining achievements in Philippine sports history. (30)


Legarda kinilala ang makasaysayang tagumpay ni Eala sa Wimbledon bilang karangalan ng bansa

Pinapurihan ni Senadora Loren Legarda ang Pilipinang tennis star na si Alexandra “Alex” Maniego Eala sa kanyang makasaysayang pag-abot sa ika-apat na round ng 2026 Wimbledon Championships, ang pinakamataas na tagumpay ng isang Pilipino sa Open Era at isang sandali ng karangalan ng bansa.

Inihain ng apat na termino na senadora ang P.S. Resolution No. 504, na naglalahad ng tagumpay ni Eala sa torneo: isang matatag na 6-1, 6-2 panalo laban kay Renata Zarazúa ng Mexico, isang matibay na pagbabalik kontra kay Maya Joint ng Australia, at ang makasaysayang panalo laban sa reigning champion at World No. 3 na si Iga Świątek, 7-6(9), 6-2. Ang panalong ito ang nagdala sa kanya sa Round of 16, kung saan nakipagsabayan siya sa tatlong set laban kay Jasmine Paolini ng Italya, at binigyan ng standing ovation ng mga alamat ng tennis na sina Billie Jean King at Roger Federer.

“Ang resolusyong ito ay pagkilala sa disiplina, kababaang-loob, at matibay na diwa ni Alex Eala,” ani Legarda. “Dala niya ang bandila ng Pilipinas sa pinakaprestihiyosong korteng pampaligsahan at pinatunayan na kayang talunin ng mga Pilipino ang pinakamagagaling.”

Binanggit din sa resolusyon ang mga unang tagumpay ni Eala: kauna-unahang Pilipino na nagwagi ng junior Grand Slam singles title sa 2022 US Open, at unang Filipina sa Open Era na nakapasok sa WTA Top 100 at Top 30, nakatalo ng Top-10 opponents, nakarating sa WTA Tour final, at nakapanalo sa Grand Slam main-draw singles match. Umangat siya sa career-high World No. 28 noong Hulyo 4, 2026 — ang pinakamataas na ranggo na naabot ng isang Pilipino sa kasaysayan ng WTA.

Noong Disyembre 2025, nasungkit niya ang gintong medalya sa women’s singles sa ika-33 Southeast Asian Games, winakasan ang 26-taong pagkakauhaw ng Pilipinas sa nasabing titulo.

“Pinagtitibay ng Wimbledon breakthrough ni Alex ang kanyang katayuan bilang pinakamahusay na manlalaro ng tennis na naiproduce ng Pilipinas,” ani Legarda. “Ang kanyang tagumpay ay nagbibigay-inspirasyon sa bagong henerasyon ng mga atletang Pilipino at nagdadala ng malaking karangalan sa ating bansa.”

Sa pamamagitan ng P.S. Resolution No. 504, itinuring ni Legarda ang tagumpay ni Eala sa Wimbledon bilang isa sa mga natatanging sandali sa kasaysayan ng pampalakasan ng Pilipinas. (30)