Legarda files Single Breadwinners Act to aid unrecognized pillars of Filipino families
November 26, 2026Recognizing the immense sacrifices of Filipinos who single-handedly carry the financial weight of their households, Senator Loren Legarda has filed Senate Bill No. 2616, also known as the Single Breadwinners Act, to provide targeted financial, educational, and psychosocial support to the country’s unrecognized family providers.
“Ang pagtataguyod sa pamilya ay isang dakilang tungkulin at likas sa ating mga Pilipino, ngunit hindi ito dapat maging dahilan upang makalimutan ng ating mga breadwinner ang kanilang sariling kinabukasan at kapakanan,” Legarda stated.
“Madalas, isinasantabi nila ang kanilang mga pangarap para lang may makain at makapag-aral ang kanilang mga mahal sa buhay,” she added.
The proposed measure is inspired to support individuals who take on the “tagasalo” dynamic, where an unmarried, widowed, or annulled individual assumes the role of the primary financial provider. These are the single breadwinners who dedicate at least half of their income to support dependent parents or grandparents, minor siblings, nieces and nephews left without parental care, or adult siblings with disabilities.
The bill also heavily emphasizes the struggles of “student breadwinners” who balance rigorous academic requirements with full-time or part-time jobs to feed their families. Due to these heavy responsibilities, single breadwinners often suffer from psychological strain, delayed personal milestones like marriage or buying a home, and a persistent cycle of financial vulnerability and intergenerational poverty.
To address these challenges, the Single Breadwinners Act utilizes existing government mechanisms to provide immediate relief without creating tedious new bureaucratic layers.
Under the bill, qualified single-family breadwinners earning an annual gross income of P400,000 or below can access financial assistance during times of economic crisis through the Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Beneficiaries can receive up to P15,000 for each specific crisis-related need, with a maximum aggregate amount of P30,000 per calendar year.
Furthermore, student breadwinners will be granted access to flexible learning arrangements—such as scheduling adjustments and reduced academic loads—through the Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), and Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Applying for these benefits will be streamlined. Breadwinners can secure a Breadwinner Certification from the DSWD or local social welfare offices by simply presenting verifiable evidence of their civil status, income, and financial dependency of their relatives. To make the process dignified and efficient, mandatory home visits or formal social case study reports are generally not required.
“Sa pamamagitan ng panukalang ito, nais nating iparamdam sa mga single breadwinner na nakikita natin ang kanilang sakripisyo, at nandito ang gobyerno para saluhin sila sa oras ng krisis. Hindi na nila kailangang pasanin ang mundo nang mag-isa,” Legarda emphasized.
Beyond cash and educational aid, the bill also mandates access to voluntary mental health counseling, employment facilitation, and skills training through various government agencies.
“Isang mataas na pagpupugay sa lahat ng mga tagapagtaguyod ng pamilyang Pilipino. Kayo ang tunay na mga bayani ng ating bayan, at napapanahon na upang kayo naman ang arugain ng ating lipunan,” Legarda concluded. (30)
– – – – – –
Legarda naghain ng Single Breadwinners Act upang matulungan ang mga haligi ng pamilyang Pilipino na hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala
Bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga Pilipinong mag-isang bumubuhay sa kanilang pamilya, inihain ni Senador Loren Legarda ang Senate Bill No. 2616 o ang panukalang Single Breadwinners Act, na naglalayong mabigyan sila ng tulong pinansyal, suporta sa edukasyon, at serbisyong psychosocial.
“Ang pagtataguyod sa pamilya ay isang dakilang tungkulin at likas sa ating mga Pilipino, ngunit hindi ito dapat maging dahilan upang makalimutan ng ating mga breadwinner ang kanilang sariling kinabukasan at kapakanan,” ani Legarda.
“Madalas, isinasantabi nila ang kanilang mga pangarap para lang may makain at makapag-aral ang kanilang mga mahal sa buhay,” dagdag niya.
Layunin ng panukala na matulungan ang mga karaniwang tinatawag na “tagasalo” ng pamilya. Kabilang dito ang mga walang asawa, biyuda o biyudo, at mga taong napawalang-bisa ang kasal na naglalaan ng hindi bababa sa kalahati ng kanilang kita upang sustentuhan ang kanilang mga magulang o lolo at lola, mga menor de edad na kapatid, mga pamangking walang kumakalingang magulang, o mga nasa hustong gulang na kapatid na may kapansanan.
Binibigyang-pansin din ng panukala ang kalagayan ng mga estudyanteng kailangang pagsabayin ang pag-aaral at full-time o part-time na trabaho upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Dahil sa bigat ng kanilang responsibilidad, madalas silang nakararanas ng matinding stress, napipilitang ipagpaliban ang sariling mga plano gaya ng pag-aasawa o pagbili ng bahay, at nahihirapang makaahon sa kahirapang naipapasa mula sa isang henerasyon tungo sa kasunod.
Upang matugunan ang mga suliraning ito, gagamitin ng panukalang Single Breadwinners Act ang mga umiiral na programa at serbisyo ng pamahalaan upang agarang makapagbigay ng tulong nang hindi na nagdaragdag ng masalimuot na proseso.
Sa ilalim ng panukala, ang mga kwalipikadong single breadwinner na may kabuuang taunang kita na hindi lalampas sa ₱400,000 ay maaaring makatanggap ng tulong pinansyal sa panahon ng krisis sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Maaari silang makatanggap ng hanggang ₱15,000 para sa bawat pangangailangang dulot ng krisis, na may kabuuang limitasyon na ₱30,000 kada taon ng kalendaryo.
Bibigyan din ng pagkakataon ang mga estudyanteng breadwinner na magkaroon ng mas angkop na iskedyul ng klase at bawasan ang bilang ng mga asignaturang kinukuha upang mapagsabay ang pag-aaral at paghahanapbuhay, sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Pasisimplehin din ang proseso ng pagkuha ng mga benepisyong ito. Maaaring kumuha ng Breadwinner Certification mula sa DSWD o sa mga lokal na tanggapan ng social welfare sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga katibayan ng kanilang katayuang sibil, kita, at pag-asa ng kanilang mga kamag-anak sa kanilang suportang pinansyal. Sa pangkalahatan, hindi na kakailanganin ang pagbisita sa kanilang tahanan o ang paghahanda ng pormal na social case study report upang mapabilis ang proseso at mapangalagaan ang kanilang dignidad.
“Sa pamamagitan ng panukalang ito, nais nating iparamdam sa single breadwinners na nakikita natin ang kanilang sakripisyo, at nandito ang gobyerno para saluhin sila sa oras ng krisis. Hindi na nila kailangang pasanin ang mundo nang mag-isa,” pagbibigay-diin ni Legarda.
Bukod sa tulong pinansyal at suporta sa pag-aaral, itinatadhana rin ng panukala ang pagkakaroon ng access sa boluntaryong mental health counseling, tulong sa paghahanap ng trabaho, at pagsasanay upang mapaunlad ang kanilang mga kasanayan sa pamamagitan ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
“Isang mataas na pagpupugay sa lahat ng mga tagapagtaguyod ng pamilyang Pilipino. Kayo ang tunay na mga bayani ng ating bayan, at napapanahon na upang kayo naman ang arugain ng ating lipunan,” pagtatapos ni Legarda. (30)
