Legarda: Don’t tax the crisis; the problem is rising costs, not lost revenue

April 14, 2026

Senator Loren Legarda said the government should not continue taxing fuel during a time of rising oil prices and then justify it as necessary to fund assistance, stressing that relief should come from lowering costs at the source rather than collecting more from the same crisis.

The Senator emphasized that the current situation is fundamentally a cost-driven crisis, with fuel prices directly affecting agriculture, transport, and the prices of basic goods.

“Ang VAT ay buwis sa pagkonsumo ng produkto. Pero kapag petrolyo ang pinapatawan ng VAT, nagiging buwis na rin ito sa pangangailangan dahil araw-araw itong ginagamit sa hanapbuhay at direktang nakaaapekto sa presyo ng mga bilihin. Pero sa taas ng presyo ngayon, hindi na lang konsumo ang binubuwisan, at kinikitaan ng pamahalaan, kundi pati ang hirap ng mamamayan,” she said.

Legarda added the government should not be deriving windfall gains from the same fuel price increases that are already burdening the public. She stressed that to profit from a crisis-driven increase in fuel prices, while households and workers are struggling with higher transport, food, and production costs, is both insensitive and morally wrong.

“Hindi dapat umasa ang gobyerno sa dagdag na koleksyon mula sa pagtaas ng presyo ng langis para pondohan ang ayuda. Kahit maganda pa ang paglalaanan, naghihirap muna ang mamamayan na sumasalo sa mataas na gastos, at saka pa lamang sila posibleng makatanggap ng bahagyang ginhawa sa ayuda. Hindi naman ito revenue crisis kundi cost-of-living crisis” Legarda said.

The Senator also challenged the view that suspending VAT on fuel would benefit only the petroleum sector, noting that lower fuel costs would immediately ease operational expenses across multiple sectors.

“Masyadong mababaw na sabihing ang pagtanggal ng VAT sa petrolyo ay sa sektor lang ng petrolyo makakatulong. Hindi naman mahihiwalay ang petrolyo sa merkado, apektado ang gastos sa transportasyon, agrikultura, pangingisda, produksyon, at paghahatid ng pagkain. Kaya kapag tumataas ang presyo ng krudo, damay ang buong ekonomiya at kapag bumaba ang gastos, dahil sinuspinde ang buwis, lahat ay makikinabang,” Legarda said.

Legarda further pointed out that relying on VAT collections to fund assistance introduces delays and inefficiencies, as aid must still go through identification and distribution processes.

“Kung paiikutin pa ang pondo sa sistema ng pamahalaan, magiging mabagal talaga ang dating ng tulong. Isipin ninyo, dadaan pa ito sa pagberipika ng mga benepisyaryo at sa proseso ng pamamahagi. Ilang beses na nating nakita na may delay, may kulang sa listahan, at may mga hindi naaabot. Kung maibababa ang gastos sa pinagmumulan pa lang, mas mabilis at mas malawak ang mararating na ginhawa,” Legarda said.

More importantly, the experience of our ASEAN neighbors shows that governments do not rely on a single solution when responding to fuel crises. They deploy a range of tools such as targeted subsidies, stabilization funds, tax adjustments, and price interventions depending on what the situation demands. In the Philippines, however, the response has too often leaned heavily on ayuda as the default. While assistance remains important, it cannot be the only answer. A crisis response should not be reduced to a one-to-one equation of “taas presyo, ayuda agad.”

Legarda has long emphasized the need for a more complete policy approach. Her Bayanihan 3 proposal was anchored on giving government a “box full of crayons,” a wider set of tools to properly diagnose and respond to complex crises scenarios. The same principle applies today. The government must be ready to use every tool available. This includes cutting taxes where it can provide immediate relief, subsidizing key sectors like transport and agriculture where the impact is strongest, and addressing rising costs at the source rather than compensating for them only after the burden has already been felt.

Legarda urged a more responsive and system-wide approach that prioritizes immediate cost reduction over delayed compensation. She also stressed that the need for government assistance arises precisely because rising fuel costs were not addressed early at the source. She said that when the burden is allowed to build up first through higher transport, logistics, and production expenses, government is later forced to compensate through slower and narrower aid interventions.

“Kapag pinabayaan mong tumaas muna ang gastos sa diesel, gasolina, pamasahe, at presyo ng mga bilihin, bago ka magbibigay ng ayuda, ibig sabihin niyan hinayaan mo munang lumaki ang pinsala bago ka umaksyon. Ang dapat sana ay pigilan ang bigat sa umpisa pa lang, dapat matagal nang inalis ang buwis sa produktong petrolyo tulad ng ginagawa sa ibang mga bansa” Legarda said.

“Hindi naman kailangang all-or-nothing agad ang tugon. Kahit pansamantala, kahit naka-target muna sa diesel, malaki na ang maitutulong niyan sa mga sektor na unang sumasalo ng taas-gastos tulad ng magsasaka, transport at mangingisda” she said.

The Senator also pointed out that the government already has fiscal space to consider temporary relief measures. She cited estimates raised during the recent PROTECT hearing that the government has already realized substantial windfall gains from elevated fuel taxes, and said these, together with available standby funds, should allow government to act without insisting on preserving the full VAT burden on fuel.

“May umiiral nang fiscal space ang gobyerno. Kung may windfall collections na at may standby funds pa, mas lalong walang dahilan para ipasa pa sa mamamayan ang buong bigat ng taas-presyo. Ang tanong ngayon ay hindi kung paano mapapanatili ang koleksyon, kundi kung paano agad mapapababa ang gastos ng tao,” Legarda said.

Legarda maintained that the issue is not a revenue problem but a cost-of-living crisis, and stressed that the government still has enough fiscal room to act decisively and directly rather than make the public carry the full weight of rising fuel costs first.

Finally, Legarda emphasizes that the government must also recognize the broader context of public trust. The country is still reeling from the impact of the flood control controversy, widely seen as one of the most serious corruption issues in recent history. In the absence of clear and systemic reforms, asking the public to bear additional costs with the assurance that these will later be redistributed through assistance risks repeating the same vulnerabilities of delay, leakage, and misuse.

“Hanggang ngayon, ramdam pa rin ng taumbayan ang epekto ng mga isyu sa flood control. Kung wala pang malinaw na reporma, bakit natin muling ilalagay sa panganib ang pondo ng bayan?” Legarda said. “Bigyan naman natin ng pagkakataon ang taumbayan na muling magtiwala sa pamahalaan. Tama na ang kubra nang kubra habang ang mamamayan ang patuloy na sumasalo ng bigat ng krisis.” (30)

————————————————————————-

Legarda: Huwag buwisan ang krisis; ang problema ay taas-gastos, hindi kakulangan sa kita

Ipinunto ni Senadora Loren Legarda na hindi dapat ipagpatuloy ng pamahalaan ang pagbubuwis sa petrolyo sa panahon ng mataas na presyo ng langis at sabihing ito’y kailangan para pondohan ang ayuda. Giit niya, ang tunay na ginhawa ay dapat manggaling sa pagbaba ng gastos sa pinagmumulan, hindi sa dagdag na koleksyon mula sa parehong krisis.

Binanggit ng Senadora na ang kasalukuyang sitwasyon ay malinaw na krisis sa taas-gastos, kung saan ang presyo ng petrolyo ay direktang nakaaapekto sa agrikultura, transportasyon, at presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Ang VAT ay buwis sa pagkonsumo ng produkto. Pero kapag petrolyo ang pinapatawan ng VAT, nagiging buwis na rin ito sa pangangailangan dahil araw-araw itong ginagamit sa hanapbuhay at direktang nakaaapekto sa presyo ng mga bilihin. Pero sa taas ng presyo ngayon, hindi na lang konsumo ang binubuwisan, at kinikitaan ng pamahalaan, kundi pati ang hirap ng mamamayan,” ayon kay Legarda.

Ipinaliwanag pa niya na hindi dapat kumikita ang pamahalaan mula sa parehong pagtaas ng presyo ng langis na nagpapahirap na sa publiko. Aniya, ang pagkakaroon ng dagdag na kita mula sa krisis habang nahihirapan ang mga pamilya at manggagawa sa mas mataas na gastos sa pagkain, transportasyon, at produksyon ay hindi lamang manhid kundi mali rin sa moralidad.

“Hindi dapat umasa ang gobyerno sa dagdag na koleksyon mula sa pagtaas ng presyo ng langis para pondohan ang ayuda. Kahit maganda pa ang paglalaanan, naghihirap muna ang mamamayan na sumasalo sa mataas na gastos, at saka pa lamang sila posibleng makatanggap ng bahagyang ginhawa sa ayuda. Hindi naman ito revenue crisis kundi cost-of-living crisis,” pahayag ni Legarda.

Itinukoy din ng Senadora na ang suspensyon ng VAT sa petrolyo ay hindi lamang makikinabang ang sektor ng langis, kundi magpapagaan din ng gastusin sa transportasyon, agrikultura, pangingisda, produksyon, at paghahatid ng pagkain.

“Masyadong mababaw na sabihing ang pagtanggal ng VAT sa petrolyo ay sa sektor lang ng petrolyo makakatulong. Hindi naman mahihiwalay ang petrolyo sa merkado, apektado ang gastos sa transportasyon, agrikultura, pangingisda, produksyon, at paghahatid ng pagkain. Kaya kapag tumataas ang presyo ng krudo, damay ang buong ekonomiya at kapag bumaba ang gastos, dahil sinuspinde ang buwis, lahat ay makikinabang,” ani Legarda.

Idinagdag pa niya na ang pag-asa sa VAT collections para sa ayuda ay nagdudulot ng mabagal at hindi episyenteng proseso dahil kailangan pang dumaan sa beripikasyon at distribusyon.

“Kung paiikutin pa ang pondo sa sistema ng pamahalaan, magiging mabagal talaga ang dating ng tulong. Isipin ninyo, dadaan pa ito sa pagberipika ng mga benepisyaryo at sa proseso ng pamamahagi. Ilang beses na nating nakita na may delay, may kulang sa listahan, at may mga hindi naaabot. Kung maibababa ang gastos sa pinagmumulan pa lang, mas mabilis at mas malawak ang mararating na ginhawa,” saad ni Legarda.

Ipinunto rin ng Senadora na sa karanasan ng mga kapit-bansa sa ASEAN, hindi iisa ang solusyon sa krisis sa petrolyo. Gumagamit sila ng iba’t ibang mekanismo gaya ng targeted subsidies, stabilization funds, tax adjustments, at price interventions depende sa pangangailangan. Sa Pilipinas, aniya, masyadong nakasandal ang tugon sa ayuda, na hindi maaaring maging tanging sagot.

Ipinaalala ni Legarda ang kanyang Bayanihan 3 proposal na nakabatay sa pagbibigay sa pamahalaan ng mas malawak na hanay ng mga kasangkapan upang mas maayos na matugunan ang iba’t ibang krisis. Ang parehong prinsipyo, aniya, ay dapat ding gamitin ngayon—mula sa pagbawas ng buwis para sa agarang ginhawa, pagsuporta sa transportasyon at agrikultura, hanggang sa pagtugon sa taas-gastos sa pinagmumulan pa lang.

“Kapag pinabayaan mong tumaas muna ang gastos sa diesel, gasolina, pamasahe, at presyo ng mga bilihin, bago ka magbibigay ng ayuda, ibig sabihin niyan hinayaan mo munang lumaki ang pinsala bago ka umaksyon. Ang dapat sana ay pigilan ang bigat sa umpisa pa lang, dapat matagal nang inalis ang buwis sa produktong petrolyo tulad ng ginagawa sa ibang mga bansa,” ani Legarda.

“Hindi naman kailangang all-or-nothing agad ang tugon. Kahit pansamantala, kahit naka-target muna sa diesel, malaki na ang maitutulong niyan sa mga sektor na unang sumasalo ng taas-gastos tulad ng magsasaka, transport at mangingisda,” dagdag ng senadora.

Ipinaliwanag pa niya na may sapat na fiscal space ang pamahalaan upang magpatupad ng pansamantalang ginhawa. Ayon sa mga pagtataya sa PROTECT hearing, nakalikom na ang gobyerno ng malaking windfall gains mula sa mataas na buwis sa petrolyo. Kasama ng mga standby funds, maaari na itong gamitin para sa agarang aksyon nang hindi ipinapasa ang buong bigat sa mamamayan.

“May umiiral nang fiscal space ang gobyerno. Kung may windfall collections na at may standby funds pa, mas lalong walang dahilan para ipasa pa sa mamamayan ang buong bigat ng taas-presyo. Ang tanong ngayon ay hindi kung paano mapapanatili ang koleksyon, kundi kung paano agad mapapababa ang gastos ng tao,” ani Legarda.

Giit ng Senadora, hindi ito revenue problem kundi cost-of-living crisis. May sapat pang puwang ang pamahalaan upang kumilos nang direkta at mabilis, sa halip na ipasan muna sa publiko ang buong bigat ng krisis.

Sa huli, binigyang-diin ni Legarda na dapat ding kilalanin ng pamahalaan ang mas malawak na konteksto ng tiwala ng publiko. Hanggang ngayon, ramdam pa rin ng taumbayan ang epekto ng kontrobersya sa flood control na itinuturing na isa sa pinakamalaking isyu ng korapsyon sa kasaysayan.

“Hanggang ngayon, ramdam pa rin ng taumbayan ang epekto ng mga isyu sa flood control. Kung wala pang malinaw na reporma, bakit natin muling ilalagay sa panganib ang pondo ng bayan?” Legarda said. “Bigyan naman natin ng pagkakataon ang taumbayan na muling magtiwala sa pamahalaan. Tama na ang kubra nang kubra habang ang mamamayan ang patuloy na sumasalo ng bigat ng krisis,” pagtatapos ni Legarda. (30)