Legarda demands urgent action on classroom shortage
July 23, 2026More than 165,000 classrooms are still lacking across the country, while over 51,000 existing classrooms may need to be condemned by 2028 due to age and deterioration, according to the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II). The classroom deficit is projected to rise to more than 200,000 by 2028 if current gaps are not addressed.
Behind these figures are millions of Filipino children whose education is disrupted every day by overcrowded classrooms, shifting schedules, makeshift learning spaces, and aging school buildings. These conditions put students’ safety at risk, limit teachers’ ability to teach effectively, and deny children the learning environment they need.
As Congress prepares to deliberate on the proposed 2027 National Budget, Senator Loren Legarda said addressing the country’s classroom shortage should be treated as one of the government’s most urgent priorities, stressing that every Filipino child deserves a safe, functional, and conducive place to learn.
”Kapag pumapasok ang isang bata sa paaralan, ang dapat niyang iniisip ay ang kanyang aralin at hindi kung saan siya uupo, kung ligtas ba ang silid-aralan, o kung magkakaroon pa ba ng espasyo para sa kanya. Hindi natin dapat gawing normal ang kakulangan sa classrooms,” Legarda said.
“Mahirap matuto sa silid na masikip, mainit, at hindi ligtas. Nahihirapan din magturo ang ating mga guro kapag kulang ang espasyo at mga pasilidad. Every classroom not built, or left unusable, is a direct blow to access and quality of education,” Legarda added.
The urgency of addressing the classroom shortage comes as the country continues to grapple with a learning crisis. EDCOM II has likewise identified inadequate school infrastructure, overcrowding, and unequal learning conditions among the structural barriers that continue to undermine learning outcomes.
Legarda stressed that the 2027 national budget must respond to the scale of the classroom backlog by ensuring sufficient funding for school infrastructure, including the construction of new classrooms and the repair, rehabilitation, and replacement of aging and unsafe school buildings.
She emphasized that the classroom shortage is a national challenge affecting learners across the country, from densely populated urban schools struggling with severe overcrowding to remote communities where access to safe and adequate learning facilities remains limited. She added that while the problem is nationwide, children in geographically isolated and disadvantaged communities continue to bear the heaviest burden of decades-long infrastructure gaps.
In this regard, Legarda underscored the importance of the proposed Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) Schools Act, of which she is the principal author, as a key measure to address the unique challenges faced by the country’s most underserved schools. The measure, whose enrolled copy was transmitted to the Office of the President on June 25, 2026, awaits presidential action. It seeks to institutionalize stronger government support for schools in geographically isolated, disadvantaged, and conflict-affected communities by addressing long-standing gaps in infrastructure, learning resources, teacher support, and access to quality education.
”Ang kakulangan sa classrooms ay hindi lamang suliranin ng mga liblib na lugar. Ito ay pambansang hamon na nararanasan ng mga paaralan sa lungsod at kanayunan. Ngunit ang mga paaralang nasa GIDA ang kadalasang may pinakamalalaking kakulangan at pinakamahirap maabot. Kaya habang tinutugunan natin ang pambansang classroom shortage, kailangan din nating tiyaking hindi naiiwan ang mga batang nasa pinakamalayong komunidad,” Legarda said.
She likewise noted that while local government units, the private sector, and civil society can help accelerate classroom construction, these partnerships should complement—not replace—the government’s responsibility to invest in public education.
On June 9, 2026, Legarda filed Senate Resolution No. 434, seeking an inquiry into classroom congestion, infrastructure gaps, land titling bottlenecks, procurement delays, and inter-agency coordination issues affecting the timely construction of school facilities.
Legarda is also a co-author and co-sponsor of the proposed Classroom-Building Acceleration Program Act, which seeks to speed up classroom construction by allowing qualified local government units and civil society organizations to undertake school building projects using national appropriations, subject to Department of Education standards.
”Hindi lang natin kailangang maglaan ng mas malaking budget. Kailangan din nating tiyakin na bawat pisong inilaan para sa edukasyon ay nagiging silid-aralan na natatapos sa oras, ligtas gamitin, at napapakinabangan ng mga bata. Ito ang pananagutan natin sa bawat magulang na umaasang mabibigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang anak sa pamamagitan ng edukasyon,” she said.
She stressed that laws, budgets, and government programs must be measured by the difference they make in the lives of Filipino children.
”Ang sukatan ng tagumpay ay hindi kung ilang batas ang naipasa o kung gaano kalaki ang budget na naaprubahan. Ang tunay na sukatan ay kung mas marami na bang batang Pilipino ang nakapag-aaral sa ligtas, maayos, at disenteng silid-aralan. Hangga’t may batang napipilitang mag-aral sa pasilyo, sa covered court, o sa ilalim ng puno, hindi pa tapos ang ating trabaho,” Legarda concluded. (30)
—————————————————————————
Legarda isinusulong ang agarang pagtugon sa kakulangan ng mga silid-aralan
Mahigit 165,000 silid-aralan pa ang kulang sa buong bansa, habang mahigit 51,000 silid-aralan ang maaaring hindi na ligtas gamitin pagsapit ng 2028 dahil sa pagkaluma at pagkasira, ayon sa ulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II). Inaasahang aabot sa mahigit 200,000 ang kakulangan sa mga silid-aralan pagsapit ng 2028 kung hindi matutugunan ang kasalukuyang mga kakulangan.
Sa likod ng mga numerong ito ay ang milyun-milyong batang Pilipino na araw-araw naaantala ang pagkatuto dahil sa siksikang mga silid-aralan, shifting schedules, pansamantalang learning spaces, at mga lumang gusali ng paaralan. Nalalagay sa panganib ang kaligtasan ng mga mag-aaral, nahahadlangan ang epektibong pagtuturo ng mga guro, at napagkakaitan ang mga bata ng angkop na kapaligiran para sa pagkatuto.
Habang naghahanda ang Kongreso para sa deliberasyon ng panukalang Pambansang Badyet para sa 2027, sinaad ni Senadora Loren Legarda na ang pagtugon sa kakulangan ng mga silid-aralan ay dapat ituring na isa sa mga pinakamahalagang prayoridad ng pamahalaan. Binigyang-diin niya na ang bawat batang Pilipino ay may karapatang makapag-aral sa isang ligtas, maayos, at angkop na kapaligiran.
“Kapag pumapasok ang isang bata sa paaralan, ang dapat niyang iniisip ay ang kanyang aralin at hindi kung saan siya uupo, kung ligtas ba ang silid-aralan, o kung magkakaroon pa ba ng espasyo para sa kanya. Hindi natin dapat gawing normal ang kakulangan sa classrooms,” ani Legarda.
“Mahirap matuto sa silid na masikip, mainit, at hindi ligtas. Nahihirapan din magturo ang ating mga guro kapag kulang ang espasyo at mga pasilidad. Every classroom not built, or left unusable, is a direct blow to access and quality of education,” dagdag niya.
Kasabay ng patuloy na pagharap ng bansa sa krisis sa pagkatuto, higit na mahalaga ang agarang pagtugon sa kakulangan ng mga silid-aralan. Sa resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamababang marka sa matematika, pagbasa, at agham. Tinukoy rin ng EDCOM II na ang kakulangan sa imprastraktura ng mga paaralan, pagsisiksikan sa mga silid-aralan, at hindi pantay na kondisyon sa pagkatuto ay ilan sa mga pangunahing hadlang sa pagpapabuti ng learning outcomes.
Binigyang-diin ni Legarda na dapat tumugon ang pambansang badyet para sa 2027 sa lawak ng kakulangan sa mga silid-aralan sa pamamagitan ng sapat na pondo para sa imprastraktura ng mga paaralan, kabilang ang pagtatayo ng mga bagong silid-aralan at ang pagkukumpuni, rehabilitasyon, at pagpapalit ng mga luma at hindi na ligtas na gusali.
Ipinaliwanag niya na ang kakulangan sa mga silid-aralan ay isang pambansang suliraning nararanasan ng mga mag-aaral sa buong bansa—mula sa mga paaralan sa lungsod na dumaranas ng matinding pagsisiksikan hanggang sa mga liblib na komunidad na kulang sa ligtas at sapat na pasilidad para sa pag-aaral. Gayunman, ang mga batang nasa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA), aniya, ang patuloy na nagdadala ng pinakamabigat na epekto ng matagal nang kakulangan sa imprastraktura.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Legarda ang kahalagahan ng panukalang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) Schools Act, na siya ang pangunahing may-akda, bilang isang mahalagang hakbang upang matugunan ang natatanging hamon na kinahaharap ng mga paaralang pinakanapag-iiwanan sa bansa. Ang enrolled copy ng panukala ay naipadala na sa Office of the President noong Hunyo 25, 2026 at naghihintay na lamang ng aksyon ng Pangulo. Layunin nitong palakasin at gawing institusyonal ang suporta ng pamahalaan sa mga paaralan sa mga geographically isolated, disadvantaged, at conflict-affected communities sa pamamagitan ng pagtugon sa matagal nang kakulangan sa imprastraktura, learning resources, suporta sa mga guro, at akses sa de-kalidad na edukasyon.
_“Ang kakulangan sa classrooms ay hindi lamang suliranin ng mga liblib na lugar. Ito ay pambansang hamon na nararanasan ng mga paaralan sa lungsod at kanayunan. Ngunit ang mga paaralang nasa GIDA ang kadalasang may pinakamalalaking kakulangan at pinakamahirap maabot. Kaya habang tinutugunan natin ang pambansang classroom shortage, kailangan din nating tiyaking hindi naiiwan ang mga batang nasa pinakamalayong komunidad,” ani Legarda.
Sinabi rin ni Legarda na bagama’t makatutulong ang mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor, at civil society sa pagpapabilis ng pagtatayo ng mga silid-aralan, ang kanilang mga inisyatiba ay dapat magsilbing katuwang lamang at hindi kapalit ng pangunahing pananagutan ng pamahalaan na mamuhunan sa pampublikong edukasyon.
Noong Hunyo 9, 2026, inihain ni Legarda ang Senate Resolution No. 434, na humihiling ng pagsisiyasat sa pagsisikip ng mga silid-aralan, kakulangan sa imprastraktura, mga suliranin sa land titling, pagkaantala sa procurement, at mga isyu sa koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan na nakaaapekto sa maagap na pagtatayo ng mga pasilidad sa paaralan.
Isa rin si Legarda sa mga co-author at co-sponsor ng panukalang Classroom-Building Acceleration Program Act, na naglalayong pabilisin ang pagtatayo ng mga silid-aralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga kwalipikadong lokal na pamahalaan at civil society organizations na magsagawa ng school building projects gamit ang pambansang pondo, alinsunod sa mga pamantayan ng Department of Education.
“Hindi lang natin kailangang maglaan ng mas malaking budget. Kailangan din nating tiyakin na bawat pisong inilaan para sa edukasyon ay nagiging silid-aralan na natatapos sa oras, ligtas gamitin, at napapakinabangan ng mga bata. Ito ang pananagutan natin sa bawat magulang na umaasang mabibigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang anak sa pamamagitan ng edukasyon,” ani niya.
Binigyang-diin ni Legarda na ang mga batas, badyet, at programa ng pamahalaan ay dapat masukat batay sa tunay na pagbabagong naidudulot nito sa buhay ng mga batang Pilipino.
“Ang sukatan ng tagumpay ay hindi kung ilang batas ang naipasa o kung gaano kalaki ang budget na naaprubahan. Ang tunay na sukatan ay kung mas marami na bang batang Pilipino ang nakapag-aaral sa ligtas, maayos, at disenteng silid-aralan. Hangga’t may batang napipilitang mag-aral sa pasilyo, sa covered court, o sa ilalim ng puno, hindi pa tapos ang ating trabaho,” pagtatapos ni Legarda. (30)
