Legarda confronts literacy crisis in first EDCOM II briefing as Basic Education Chair
May 26, 2026Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Chairperson of the Senate Committee on Basic Education and Co-Chairperson of the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), faced head-on the urgent challenges in Philippine education during her first EDCOM II briefing on May 25, 2026.
Citing findings from the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), Legarda emphasized that a significant number of students are falling behind in foundational skills.
“By Grade 3, many of our learners are still unable to read. At every grade level, one in four students is a struggling reader, and this worsens to more than 80 percent in Key Stage 3 (Grades 7 to 10),” Legarda noted EDCOM’s report. “Even more alarming, in Grade 11, 87 percent of students were found not to be independent readers. This education issue is a national emergency.”
“Bilang Chair ng Senate Committee on Basic Education, mahalaga sa akin na makita mismo ang mga hamon upang masiguro na maayos na naipatutupad ang mga sistemang kailangan. Hindi kailangang magsayang ng malaking gastos para ma-educate ang mga bata. Sa edad na sampu, dapat malinaw na sa kanila ang kahalagahan ng pagbabasa at pagsusulat. Kung nahuhuli pa rin, tungkulin nating tulungan silang makabawi,” Legarda added.
To address the crisis, Legarda called for a multi-pronged approach, including strengthening early-grade reading programs, improving teacher training, ensuring the timely delivery of quality learning materials, and integrating culture and history into foundational learning.
She called for a return to a culture of reading, advocating support for the local publishing industry. “Gusto kong bumalik tayo sa pagbabasa ng aklat. Let a thousand bookstores and writers bloom. In doing so, we educate our youth, and at the same time, we also sustain our writers, publishers, and creators,” Legarda added.
The senator also emphasized the role of education in fostering national identity and cultural awareness. She raised concerns about whether students understand the significance of Philippine history and heritage.
“By Grade 5, dapat kaya na nilang ipaliwanag ang mga nagawa ni Rizal at ang kanyang mga adhikain. Mahalaga ang kasaysayan at kultura, dapat ito ay buhay sa ating mga paaralan,” she said. To help achieve this, she proposed strengthening cultural mapping programs in coordination with the National Commission for Culture and the Arts, with teachers serving as cultural mappers in their own communities.
Legarda further stressed that legislated observances need not result in class cancellations, urging that these be observed during class hours instead, so that students can learn about history, culture, and civic values while remaining in school.
The four-term Senator also pointed to the ARAL Law (RA 12028), which she co-authored, as a cornerstone reform to strengthen reading programs and address severe learning gaps. She reiterated her support for key legislative measures aimed at uplifting the education sector. Among these are the proposed amendments to the Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Act (E-GASTPE), which seeks to establish the Basic Education Voucher Program to expand access to private basic education; the proposed Classroom Building Acceleration Program, which will fast-track the construction of safe and resilient classrooms by enabling LGUs and civil society organizations to implement DepEd-approved projects using national government funds; and the Masustansyang Pagkain Bill, which promotes proper nutrition among learners, an essential factor in cognitive development and academic performance.
A long-time champion of education reform, Legarda co-sponsored Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education Act of 2013, which institutionalized the K to 12 program to strengthen foundational competencies and prepare students for higher education and employment. She also authored Republic Act No. 10908, or the Integrated History Act of 2016, mandating the integration of Philippine history and culture into the K to 12 curriculum, and Republic Act No. 10931, or the Universal Access to Quality Tertiary Education Act, which expanded access to free higher education at state universities and colleges.
“The solutions are within our reach, but they require urgency, coordination, and sustained political will. We must ensure that every Filipino child can read, understand, and participate meaningfully in nation-building,” Legarda said.
Legarda emphasized that sincere public service means being willing to take on even the toughest challenges. Drawing on her experience as former Chairperson of the Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education, she is determined to ensure that education systems are strengthened across all levels.
“Ang tunay na tagumpay ay hindi lang nasusukat sa pagpasa ng batas, kundi sa kung paano natin naiaangat ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto, at kung paano natin napapalakas ang pundasyon ng kinabukasan ng ating bansa,” Legarda concluded. (30)
————————————————————————-
Legarda, hinarap ang krisis sa literasiya sa unang briefing ng EDCOM II bilang Chair ng Basic Education
Sa kanyang unang briefing ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) noong Mayo 25, 2026, agad na tinutukan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education at Co-Chairperson ng EDCOM II, ang matinding krisis sa literasiya ng kabataang Pilipino.
Batay sa ulat ng EDCOM II, maraming mag-aaral ang nahuhuli sa pundamental na kasanayan.
“Sa Grade 3, marami pa ring mag-aaral ang hindi marunong bumasa. Sa bawat antas, isa sa apat na estudyante ay hirap pa rin sa pagbabasa, at lalo itong lumalala sa Key Stage 3 (Grades 7 hanggang 10) kung saan higit 80 porsyento ang struggling readers,” ani Legarda. “Mas nakababahala, sa Grade 11, 87 porsyento ng mga estudyante ang napatunayang hindi independent readers. Ang problemang ito sa edukasyon ay isang national emergency.”
“Bilang Chair ng Senate Committee on Basic Education, mahalaga sa akin na makita mismo ang mga hamon upang masiguro na maayos na naipatutupad ang mga sistemang kailangan. Hindi kailangang magsayang ng malaking gastos para maturuan ang mga bata. Sa edad na sampu, dapat malinaw na sa kanila ang kahalagahan ng pagbabasa at pagsusulat. Kung nahuhuli pa rin, tungkulin nating tulungan silang makabawi,” dagdag niya.
Upang tugunan ang krisis, iminungkahi ni Legarda ang masinsinang hakbang: pagpapalakas ng mga programa sa pagbabasa sa mababang baitang, pagpapahusay ng pagsasanay ng mga guro, pagtitiyak ng maagap na paghatid ng dekalidad na materyales sa pagkatuto, at pagsasama ng kultura at kasaysayan sa pundamental na edukasyon.
Nanawagan din siya ng pagbabalik sa kultura ng pagbabasa at suporta sa lokal na industriya ng paglilimbag. “Gusto kong bumalik tayo sa pagbabasa ng aklat. Hayaan nating mamulaklak ang libo-libong bookstores at manunulat. Sa paggawa nito, natututo ang kabataan, at kasabay nito, napapanatili natin ang ating mga manunulat, publisher, at mga creator,” pahayag ni Legarda.
Ipinunto rin ng senadora ang papel ng edukasyon sa pagpapalalim ng pambansang identidad at kamalayang pangkultura. Nagpahayag siya ng pangamba kung nauunawaan ng mga estudyante ang kahalagahan ng kasaysayan at pamana ng bansa.
“Sa Grade 5, dapat kaya na nilang ipaliwanag ang mga nagawa ni Rizal at ang kanyang mga adhikain. Mahalaga ang kasaysayan at kultura, dapat ito ay buhay sa ating mga paaralan,” ani Legarda. Bilang tugon, iminungkahi niya ang pagpapalakas ng cultural mapping programs sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts, kung saan ang mga guro ay magsisilbing cultural mappers sa kani-kanilang komunidad.
Idinagdag pa ni Legarda na ang mga itinakdang pagdiriwang sa batas ay hindi kailangang magresulta sa kanselasyon ng klase, kundi dapat ipagdiwang sa oras ng klase upang matutunan ng mga estudyante ang kasaysayan, kultura, at mga pagpapahalagang sibiko habang nasa paaralan.
Tinukoy rin ng apat na terminong Senadora ang ARAL Law (RA 12028), na kanyang co-authored, bilang pangunahing reporma upang palakasin ang mga programa sa pagbabasa at tugunan ang malalang kakulangan sa pagkatuto. Muli niyang iginiit ang suporta sa mahahalagang panukalang batas para sa sektor ng edukasyon, kabilang ang mga amyenda sa Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Act (E-GASTPE) para sa Basic Education Voucher Program; ang Classroom Building Acceleration Program para sa mabilis na pagtatayo ng ligtas at matibay na silid-aralan; at ang Masustansyang Pagkain Bill para sa wastong nutrisyon ng mga mag-aaral.
Matagal nang tagapagtaguyod ng reporma sa edukasyon si Legarda. Kabilang sa kanyang mga isinulong ang Republic Act No. 10533 o Enhanced Basic Education Act of 2013 na nag-institutionalize ng K to 12 program; Republic Act No. 10908 o Integrated History Act of 2016 na nag-atas ng integrasyon ng kasaysayan at kultura ng Pilipinas sa K to 12 curriculum; at Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act na nagpalawak ng libreng edukasyon sa mga state universities and colleges.
“Ang mga solusyon ay abot-kamay, ngunit kailangan ng agarang aksyon, koordinasyon, at tuloy-tuloy na political will. Dapat masiguro natin na bawat batang Pilipino ay marunong bumasa, umunawa, at makalahok nang makabuluhan sa nation-building,” ani Legarda.
Dagdag pa niya, ang tapat na paglilingkod ay nangangahulugan ng pagtanggap sa pinakamabibigat na hamon. Batay sa kanyang karanasan bilang dating Chairperson ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education, determinado siyang palakasin ang sistema ng edukasyon sa lahat ng antas.
“Ang tunay na tagumpay ay hindi lang nasusukat sa pagpasa ng batas, kundi sa kung paano natin naiaangat ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto, at kung paano natin napapalakas ang pundasyon ng kinabukasan ng ating bansa,” pagtatapos ni Legarda. (30)
