Legarda commemorates Malolos Congress, urges the nation to uphold freedom and progressive leadership
September 15, 2025Senator Loren Legarda marked the 127th Anniversary of the Malolos Congress by highlighting its role in shaping Philippine unity and democracy. Legarda emphasized that the Malolos Congress signaled the birth of Asia’s first democracy and demonstrated that Filipinos are capable of self-government and a strong national vision. Legarda recalled the contribution of her great-grandfather, Ariston Gella, Antique’s delegate to the historic Congress, linking her family’s legacy to a broader commitment to public service and constitutional reform.
“Independence is not just the freedom to act, but the freedom to act for others. And the true strength of the Filipino lies in standing firm, not just for oneself, but for the nation. We will not achieve true independence if we do not know ourselves as a nation. With every step that deepens our understanding of our culture and history, we strengthen our freedom,” Legarda said.
“The Malolos Congress showed the capability of the Philippines for self-governance. It laid the foundation for the First Philippine Republic, marking a key moment in our history and serving as a blueprint for national unity, liberty, and responsible leadership,” Legarda added.
The four-term Senator called on the public, especially the youth, to recognize the lessons of history and let these lessons guide our actions as we honor those who fought for our freedom in the past and those who continue to strive to protect and uphold it for the Filipinos of today.
“In celebration of the 127th Anniversary of the Malolos Congress, let us remember its significance to the Filipino people. As the nation’s first legislature, it gave the country its first Constitution, laying down the foundation for civil rights, democratic practice, and representative government. It ratified independence, enshrined rights to education, voting, freedom of religion and expression, and showed the patriotism and will of Filipinos to chart their own future,” Legarda said.
“Our beloved Philippines has come a long way since the founding of the Malolos Congress and the fulfillment of our long-sought freedom, but our ongoing fight for a just and progressive nation continues. Together, let us pursue it with hope, unity, and courageous resolve,” Legarda concluded. (30)
Legarda ginugunita ang Kongreso ng Malolos, nananawagan sa bayan na ipagtanggol ang kalayaan at progresibong pamumuno
Ipinagdiwang ni Senadora Loren Legarda ang ika-127 anibersaryo ng Kongreso ng Malolos sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mahalagang papel nito sa pagbubuo ng pagkakaisa at demokrasya sa Pilipinas. Binanggit ni Legarda na ang Kongreso ng Malolos ang hudyat ng pagsilang ng kauna-unahang demokrasya sa Asya. Inalala rin ni Legarda ang ambag ng kanyang lolo na si Ariston Gella, delegado ng Antique sa makasaysayang Kongreso, na iniuugnay ang pamana ng kanyang pamilya sa mas malawak na adhikain ng paglilingkod-bayan at repormang konstitusyonal.
“Ang kalayaan ay hindi lamang ang kakayahang kumilos, kundi ang kakayahang kumilos para sa kapwa. At ang tunay na lakas ng Pilipino ay nasa paninindigan, hindi lamang para sa sarili, kundi para sa bayan. Hindi natin makakamtan ang ganap na kalayaan kung hindi natin kilala ang ating sarili bilang isang bansa. Sa bawat hakbang na nagpapalalim sa ating pag-unawa sa ating kultura at kasaysayan, lalo nating pinatitibay ang ating kalayaan,” ani Legarda.
“Pinatunayan ng Kongreso ng Malolos ang kakayahan ng Pilipinas para sa sariling pamamahala. Ito ang naglatag ng pundasyon ng Unang Republika ng Pilipinas, na nagmarka ng isang mahalagang yugto sa ating kasaysayan at nagsilbing gabay para sa pambansang pagkakaisa, kalayaan, at pananagutang pamumuno,” dagdag pa niya.
Nanawagan ang apat na terminong Senadora sa publiko, lalo na sa kabataan, na kilalanin ang mga aral ng kasaysayan at gawing gabay ito sa ating mga aksyon habang inaalala ang mga nakipaglaban para sa ating kalayaan noon at ang mga patuloy na nagsusumikap upang ito’y pangalagaan at ipaglaban para sa kasalukuyang henerasyon ng mga Pilipino.
“Sa pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Kongreso ng Malolos, alalahanin natin ang kahalagahan nito sa sambayanang Pilipino. Bilang unang lehislatura ng bansa, ito ang nagbigay sa atin ng unang Konstitusyon na naglatag ng pundasyon para sa karapatang sibil, pagsasabuhay ng demokrasya, at pamahalaang kinatawan. Ipinagtibay nito ang kalayaan, kinilala ang karapatan sa edukasyon, pagboto, kalayaan sa relihiyon at pagpapahayag, at ipinakita ang makabayang damdamin at pagpapasya ng mga Pilipino na hubugin ang kanilang sariling kinabukasan,” sabi ni Legarda.
“Malayo na ang narating ng ating mahal na Pilipinas mula sa pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos at sa katuparan ng ating matagal nang pinapangarap na kalayaan, ngunit nagpapatuloy ang ating laban para sa isang makatarungan at maunlad na bayan. Sama-sama, ipagpatuloy natin ito nang may pag-asa, pagkakaisa, at matatag na paninindigan,” pagtatapos ni Legarda. (30)