Legarda co-sponsors Araw ng Anini-y
February 3, 2025On her 65th birthday, Senator Loren Legarda reaffirmed her commitment to honoring the history and heritage of her home province as she co-sponsored the proposed measure declaring August 5 of every year a special non-working holiday in the Municipality of Anini-y, Province of Antique.
“Araw ng Anini-y is not merely a celebration of its independence from its former town; it is also a tribute to the rich history of Anini-y as one of the earliest settlements in Panay. This occasion honors its cultural heritage, the enduring progress of the municipality, and the remarkable triumphs of its people,” Legarda said in her speech at the Senate plenary.
Legarda, who previously served as Deputy Speaker of the House of Representatives, first filed this bill in the lower chamber during the previous Congress to recognize Anini-y’s rich cultural and historical significance.
In the present Congress, Representative Antonio Agapito “AA” Legarda Jr. and Representative Felimon Espares filed the measure, and Senator JV Ejercito, as Chairperson of the Committee on Local Government, sponsored it.
Anini-y, the southernmost municipality of Antique, is a town steeped in history. During the Spanish colonial era, it was an independent town with a Baroque church at its center. In 1840, it became an arabal (satellite community) of Dao, now known as Tobias Fornier. Later, under the American administration, Philippine Commission Act No. 961 of 1903 further integrated Anini-y into the Municipality of Dao.
It was not until August 5, 1949, through Executive Order No. 253 signed by President Elpidio Quirino, that Anini-y regained its independence as a separate municipality.
Legarda, isinulong ang Araw ng Anini-Y
Sa kanyang ika-65 kaarawan, muling pinagtibay ni Senador Loren Legarda ang kanyang pangako na parangalan ang kasaysayan at pamana ng kanyang lalawigan sa pamamagitan ng pagsuporta sa panukalang batas na nagdedeklara sa ika-5 ng Agosto ng bawat taon bilang isang espesyal na non-working holiday sa Bayan ng Anini-y, Lalawigan ng Antique.
“Ang Araw ng Anini-y ay hindi lamang isang pagdiriwang ng kalayaan nito mula sa dating bayan; ito rin ay isang pagpupugay sa mayamang kasaysayan ng Anini-y bilang isa sa mga pinakamatandang pamayanan sa Panay. Ang okasyong ito ay nagbibigay-galang sa ating pamanang pangkultura, sa patuloy na pag-unlad ng bayan, at sa mga kahanga-hangang tagumpay ng ating mga kababayan,” ani Senador Legarda sa kanyang talumpati sa plenaryo ng Senado.
Si Legarda, na dating nagsilbi bilang Deputy Speaker ng Mababang Kapulungan, ay unang naghain ng panukalang ito noong nakaraang Kongreso upang bigyang pagkilala ang mayamang kultura at kasaysayan ng Anini-y.
Sa kasalukuyang Kongreso, sina Rep. Antonio Agapito “AA” Legarda Jr. at Rep. Felimon Espares ang naghain ng panukalang batas, at si Senador JV Ejercito, bilang Tagapangulo ng Komite sa Pamahalaang Lokal, ang nagsulong nito sa Senado.
Ang Anini-y, ang pinakatimog na bayan ng Antique, ay isang lugar na hitik sa kasaysayan. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, ito ay isang malayang bayan na may isang simbahang Baroque sa kanyang sentro. Noong 1840, ito ay ginawang arabal (satellite community) ng Dao, na ngayon ay kilala bilang Tobias Fornier. Nang dumating ang pamahalaang Amerikano, lalo pang isinama ang Anini-y sa Bayan ng Dao sa bisa ng Philippine Commission Act No. 961 noong 1903.
Noong Agosto 5, 1949, sa bisa ng Executive Order No. 253 na nilagdaan ni Pangulong Elpidio Quirino, muling nakamit ng Anini-y ang pagiging isang ganap na bayan. (30)