Legarda Calls for Urgent and Strict Enforcement of Environmental Laws Amid Flooding from Southwest Monsoon

July 22, 2025

Senator Loren Legarda called for the strict and immediate implementation of environmental laws, particularly the Ecological Solid Waste Management Act (RA No. 9003) to address the worsening effects of flooding in Metro Manila and across the country.
“We are drowning in our own waste and garbage”. Legarda, principal author of RA 9003, stressed that clogged waterways filled with solid waste resulting in recurring floods are a direct consequence of poor compliance with solid waste management regulations and a glaring example of how environmental neglect and lack of discipline leads to climate-related disasters.

“Our waterways are clogged with garbage. This is a clear sign of non-compliance with our solid waste law. Flooding is not just a matter of inconvenience, it puts our families, our children, our neighbors and our kababayans’ lives at risk. We cannot expect safe, clean, and flood-free communities if we continue to disregard basic environmental rules,” Legarda emphasized.

Aside from the improper disposal of waste, the four-term senator also cited illegally constructed infrastructure on waterways and ineffective community-level enforcement as factors that aggravate the impact of heavy rains brought by the southwest monsoon (habagat).

“Marami sa mga daluyan ng tubig, kanal, estero, at maging mga ilog ay tinayuan ng bahay, gusali, at istrukturang gawa sa semento at aspalto. We must restore these esteros and canals before more Filipinos suffer or lose their livelihoods, and worse, their lives. Patuloy tayong nalulubog dahil din sa ating kapabayaan,” Legarda stressed.

“Unless these root issues are confronted, no flood control projects can fully protect us and our communities. We have to acknowledge that this is not only an infrastructure problem but a behavioral and policy enforcement crisis,” Legarda added.

She called on residents to take active part in barangay clean-up drives, and urged local government units (LGUs),MMDA, and key national agencies to intensify rehabilitation projects to clean esteros, canals, and flood-prone neighborhoods.

“Flood management is not just a government responsibility. As citizens, we also have to do our part. Flood prevention starts at home. Kung ang bawat isa sa atin ay magpapakita ng malasakit sa pamamagitan ng maayos at tamang paghihiwalay ng basura, at ang pag-iwas sa paggamit ng mga single-use plastics, unti-unti nating masosolusyonan ang problema ng pagbaha. We all must help clean and protect our communities,” she said.

She also called on the maritime sector, urging them to keep their waste on board. “All boats, ships, and vessels have equal duties to our seas. They must never dump waste into the sea as habagat currents carry garbage to coastal communities who did not cause the pollution.”

Legarda reminded everyone, “Never throw anything in the street, canal, waterway, river, or sea. Our seas, oceans, and rivers are waters that sustain life—they are not trash bins.”

As a long-time advocate for climate action, Legarda emphasized that the worsening impacts of flooding and extreme weather are linked to the climate crisis. She is the principal author and principal sponsor of the Climate Change Act of 2009 and recently chaired the High-level Meeting of the Climate Vulnerable Forum (CVF), where she urged global leaders to accelerate climate finance, resilience-building, and nature-based solutions.

Senator Legarda is a staunch environmental advocate and continues to champion the protection of natural ecosystems as integral to disaster resilience and sustainable development.(30)

Legarda hinimok ang agaran at mahigpit na pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan sa gitna ng pagbaha dulot ng habagat

Nanawagan si Senadora Loren Legarda na agad at mahigpit na ipatupad ang mga batas pangkalikasan, partikular ang Ecological Solid Waste Management Act (RA 9003), upang tugunan ang lumalalang epekto ng pagbaha sa Metro Manila at sa buong bansa.

“Nalulunod tayo sa sarili nating basura at kalat,” aniya.

Bilang pangunahing may-akda ng RA 9003, binigyang-diin ni Legarda na ang mga baradong daluyan ng tubig na puno ng solid waste at nagdudulot ng paulit-ulit na pagbaha ay resulta ng hindi pagsunod sa mga regulasyon sa tamang pamamahala ng basura, at malinaw na halimbawa ng kapabayaan sa kalikasan at kawalan ng disiplina na humahantong sa mga sakunang climate-related.

“Barado ang mga daluyan ng tubig dahil sa basura. Ito ay malinaw na patunay ng hindi pagsunod sa ating batas ukol sa solid waste. Ang pagbaha ay hindi lang abala, kundi panganib ito sa ating pamilya, sa ating mga anak, kapitbahay, at mga kababayan. Hindi natin maaasahan ang ligtas, malinis, at hindi binabahang mga komunidad kung patuloy nating binabalewala ang mga simpleng patakaran para sa kalikasan,” diin ni Legarda.

Bukod sa maling pagtatapon ng basura, binanggit din ni Legarda ang mga ilegal na istrukturang itinayo sa ibabaw ng mga daluyan ng tubig at ang mahinang pagpapatupad ng batas sa mga komunidad bilang mga dahilan kung bakit lalong lumalala ang epekto ng malalakas na ulan dulot ng habagat.

“Marami sa mga daluyan ng tubig, kanal, estero, at maging mga ilog ay tinayuan ng bahay, gusali, at istrukturang gawa sa semento at aspalto. Kailangang maibalik natin sa dating anyo ang mga estero at kanal bago pa mas maraming Pilipino ang magdusa o mawalan ng kabuhayan, at mas masahol pa, ng buhay. Patuloy tayong binabaha dahil na rin sa ating kapabayaan,” giit ni Legarda.

“Hangga’t hindi tinutugunan ang mga ugat ng problemang ito, walang flood control project ang makakapagprotekta sa atin at sa ating mga komunidad. Dapat nating tanggapin na hindi lang ito problema ng imprastruktura kundi krisis na dulot ng maling pag-uugali at mahinang pagpapatupad ng batas,” dagdag niya.

Nanawagan siya sa mga residente na aktibong makilahok sa mga barangay clean-up drive at hinimok ang mga local government unit (LGU), MMDA, at mga pangunahing ahensya ng pamahalaan na paigtingin ang rehabilitasyon ng mga estero, kanal, at mga lugar na madalas bahain.

“Hindi lang responsibilidad ng gobyerno ang pamamahala sa pagbaha. Bilang mamamayan, may tungkulin din tayong gampanan. Nagsisimula sa tahanan ang pag-iwas sa pagbaha. Kung bawat isa sa atin ay magpapakita ng malasakit sa pamamagitan ng maayos at tamang paghihiwalay ng basura, at pag-iwas sa paggamit ng single-use plastics, unti-unti nating masosolusyonan ang problema ng pagbaha. Lahat tayo ay dapat tumulong sa paglilinis at pangangalaga sa ating komunidad,” aniya.

Nanawagan din siya sa maritime sector na ilagay lamang ang kanilang mga basura sa loob ng kanilang sasakyang pandagat.

“Ang lahat ng bangka, barko, at sasakyang pandagat ay may pantay na tungkulin sa ating mga karagatan. Hindi dapat nagtatapon ng basura sa dagat sapagkat dinadala ito ng agos ng habagat patungo sa mga baybaying komunidad na hindi naman ang sanhi ng polusyon.”

Paalala ni Legarda, “Huwag magtapon ng kahit ano sa kalsada, kanal, daluyan ng tubig, ilog, o dagat. Ang ating mga dagat, karagatan, at ilog ang bumubuhay sa atin; hindi tapunan ng basura ang mga ito.”

Bilang matagal nang tagapagtaguyod ng climate action, binigyang-diin ni Legarda na ang lumalalang epekto ng pagbaha at matitinding lagay ng panahon ay may direktang kaugnayan sa krisis sa klima. Siya ang pangunahing may-akda at sponsor ng Climate Change Act of 2009 at kamakailan ay pinamunuan niya ang isang High-level Meeting ng Climate Vulnerable Forum (CVF), kung saan nanawagan siya sa global leaders na paigtingin ang climate finance, resilience-building, at nature-based solutions.

Si Legarda ay kilalang tagapagtaguyod ng kalikasan at patuloy na isinusulong ang pangangalaga sa likas na yaman bilang mahalagang bahagi ng katatagan sa sakuna at kaunlaran. (30)