Legarda brings ‘Konsyerto sa Antique Esplanade’ to home province
January 26, 2025Legarda brings ‘Konsyerto sa Antique Esplanade’ to home province
In the spirit of solidarity and celebration of the country’s rich culture, Senator Loren Legarda joined hundreds of Antiqueños for a night of inspiring music and vibrant performances during the ‘Konsyerto sa Antique Esplanade — Paglaum kag Pagkabun-ag liwat: Ang bag-o nga pagbutlak sa 2025 (Hope & Rebirth: A New Dawn for 2025)’ in San Jose, Province of Antique.
Legarda highlighted that the concert not only served as a celebration of art and culture but also embodied the shared vision for a greener and more equitable Antique. She expressed her heartfelt gratitude to the Antiqueños for their steadfast support of her and Congressman AA Legarda’s initiatives aimed at fostering progress and uplifting the lives of their constituents.
“Ang konsyertong ito ay hindi lamang isang pagdiriwang ng sining at kultura kundi isang proyekto na itaguyod ang ating ibinahaging pananaw para sa mas luntian at mas pantay na Antique. Ito ay pagtatanghal ng talento, pagdiriwang ng makulay na kultura, at potensyal ng Antique,” Legarda said.
Presented by California-based Filipino composer, producer, and songwriter Anya Lagman, the one-hour concert featured 10 songs, including an original song entitled, ‘Our Bright Star,’ which she dedicated to Legarda.
The University of Antique Chorale, Antique National School Harmonic Choir, and the Pandan Bay Youth Band performed all the songs.
The University of Antique Chorale has won various awards in different competitions and is frequently invited to participate in provincial and national events in Western Visayas. It is also an active performing arts organization both on and off campus.
The Antique National School Harmonic Choir is one of the known chorale groups in the province, while the Pandan Bay Youth Band is a group of talented musicians from Pandan. It was established in 1996 as an after-school music program of the Daughlet Bautista Foundation, Inc., providing students an opportunity to develop an appreciation for music. In 2023, Senator Legarda and Congressman Legarda supported its ‘Paskwa Musika’ Christmas concert.
“Taos-puso kong pinasasalamatan ang mga nagtanghal para sa atin sa konsyertong ito. Pinapaalala ninyo sa amin na ang sining ay paraan upang magbuklod at magbigay inspirasyon at pag-asa. Ang konsyertong ito ay nagsilbing paanyaya upang alagaan at pagyamanin ang ating kabataan,” Legarda stressed.
She emphasized the importance of investing in the youth and ensuring their growth and development. The senator reiterated her dedication to providing opportunities for education and livelihood while reaffirming her partnership with Congressman AA Legarda in bringing continuous development to Antique. (30)
Legarda handog ang ‘Konsyerto sa Antique Esplanade’ sa kanyang probinsya
Bilang isang mahalagang paalala ng diwa ng pagkakaisa at kahalagaan ng mayamang kultura ng Pilipinas, nakisaya si Senadora Loren Legarda para sa isang gabi ng hindi malilimutang musika at pagtatanghal sa ‘Konsyerto sa Antique Esplanade — Paglaum kag Pagkabun-ag liwat: Ang bag-o nga pagbutlak sa 2025 (Hope & Rebirth: A New Dawn for 2025)’ sa San Jose, Lalawigan ng Antique.
Binigyang-diin ni Legarda na ang konsyerto ay hindi lamang isang pagdiriwang ng sining at kultura kundi sumasalamin din sa sama-samang pananaw para sa mas luntian at mas maayos na Antique.
Ipinahayag niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga Antiqueño sa kanilang matatag na suporta sa kanyang mga inisyatiba at kay Congressman AA Legarda na naglalayong magtaguyod ng progreso at iangat ang buhay ng kanilang mga kababayan.
“Ang konsyertong ito ay hindi lamang isang pagdiriwang ng sining at kultura kundi isang proyekto na itaguyod ang ating ibinahaging pananaw para sa mas luntian at mas pantay na Antique. Ito ay pagtatanghal ng talento, pagdiriwang ng makulay na kultura, at potensyal ng Antique,” ani Legarda.
Sa pangunguna ni California-based Filipino composer, producer, at songwriter na si Anya Lagman, tampok sa isang oras na konsyerto ang sampung kanta kabilang ang isang orihinal na awitin, ang ‘Our Bright Star,’ na kanyang handog kay Legarda.
Lahat ng kanta ay itinanghal ng University of Antique Chorale, Antique National School Harmonic Choir, at Panday Bay Youth Band.
Ang University of Antique Chorale ay nakapagwagi ng iba’t ibang mga parangal sa iba’t ibang kompetisyon at madalas na iniimbitahan na lumahok sa mga pambansa at panglalawigang kaganapan sa Western Visayas. Aktibo rin ito sa mga pagtatanghal sa loob at labas ng kampus.
Ang Antique National School Harmonic Choir ay isa sa mga kilalang chorale groups sa lalawigan, samantalang ang Pandan Bay Youth Band ay isang grupo ng mga talentadong musikero mula sa Pandan. Itinatag ito noong 1996 bilang isang after-school music program ng Daughlet Bautista Foundation, Inc., na nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante upang magkaroon ng pagpapahalaga sa musika. Noong 2023, sinuportahan nina Senator Legarda at Congressman Legarda ang kanilang konsyertong ‘Paskwa Musika.’
“Taos-puso kong pinasasalamatan ang mga nagtanghal para sa atin sa konsyertong ito… Pinapaalala ninyo sa amin na ang sining ay paraan upang magbuklod at magbigay inspirasyon at pag-asa. Ang konsyertong ito ay nagsilbing paanyaya upang alagaan at pagyamanin ang ating kabataan,” sabi ni Legarda.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pamumuhunan sa kabataan at ang pagsisiguro sa kanilang paglago at pag-unlad. Muling ipinahayag ng senadora ang kanyang dedikasyon sa pagbibigay ng mga oportunidad para sa edukasyon, habang pinagtitibay ang kanyang pakikipagtulungan kay Congressman AA Legarda upang magdala ng tuloy-tuloy na pag-unlad sa Antique. (30)