Legarda brings climate action closer to home on World Environment Day

June 5, 2026

On World Environment Day 2026, Senate President Pro Tempore Loren Legarda turned the global observance toward a local reckoning: the everyday struggles of Filipino families living on the frontlines of climate change.

The four-term senator has witnessed the daily challenges of fisherfolk and farmers since her youth and early career as a broadcast journalist. Today, as the world rallies around climate action, she points to these lived experiences as the foundation of her work. Whether standing with communities rebuilding schools after typhoons, joining fisherfolk in coastal cleanups, or meeting farmers adapting to shifting seasons, she has consistently gone directly to communities to listen and act. These encounters continue to guide her push for laws that protect livelihoods and strengthen resilience.

Legarda’s legislative record consistently aims to better the lives and surroundings of Filipinos. The Philippine Clean Air Act of 1999 safeguards public health. The Ecological Solid Waste Management Act of 2000 keeps communities clean. The Climate Change Act of 2009 institutionalizes adaptation. Other measures, such as the Philippine Green Jobs Act of 2016, the Expanded National Integrated Protected Areas System Act of 2018, the Extended Producer Responsibility Act of 2022, and the Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Act of 2024, continue to anchor resilience in law.

“Our environment is the first shield of our people. When forests are protected, when rivers are kept clean, and when air is safe to breathe, communities are stronger against disasters. Every law I have authored is meant to secure that shield and to give families the means to withstand the shocks of climate change,” Legarda said.

Legarda has consistently emphasized that climate finance must shift from reactive relief to anticipatory action, ensuring that vulnerable communities are protected ahead of storms and floods.

Central to her advocacy is bringing the People’s Survival Fund (PSF), the country’s pioneering finance mechanism for adaptation, to the communities that need it. Legarda has called for the PSF to be fully activated and accessible to local governments so that adaptation projects such as mangrove reforestation, early warning systems, and school retrofitting are funded before disasters strike.

As United Nations Global Champion for Resilience, Legarda has brought the voice of Filipino communities to the international stage while ensuring that climate action is embedded in national law.

“I have stood with fisherfolk who return to the sea after storms, with farmers who plant again despite failed harvests, and with children who continue learning in rebuilt classrooms,” Legarda said.

“Their determination shows that resilience is not abstract. It is built on protecting our environment and ensuring that every Filipino has the chance to recover and move forward.” (30)


Legarda, inilapit ang aksyon sa klima sa mga tahanan ngayong World Environment Day

Sa pagdiriwang ng World Environment Day 2026, binigyang‑halaga ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang lokal na pagkilos laban sa climate change upang matulungan ang mga pamilyang Pilipino na araw‑araw na humaharap sa epekto nito.

Bilang apat na terminong senador, matagal nang nasaksihan ni Legarda ang mga hamon ng mga mangingisda at magsasaka mula pa noong kabataan at maagang karera niya bilang mamamahayag. Ngayon, habang nagkakaisa ang mundo para sa aksyon sa klima, itinuturo niya ang mga karanasang ito bilang pundasyon ng kanyang gawain. Mula sa pakikisalamuha sa mga komunidad na muling nagtatayo ng paaralan matapos ang bagyo, sa pagsama sa mga mangingisda sa paglilinis ng baybayin, hanggang sa pakikipag‑usap sa mga magsasakang umaangkop sa pabagu‑bagong panahon, palagian siyang dumudulog sa mga tao upang makinig at kumilos. Ang mga karanasang ito ang patuloy na gumagabay sa kanyang pagsusulong ng mga batas na nagpoprotekta sa kabuhayan at nagpapalakas ng katatagan.

Ang tala ng mga batas na isinulong ni Legarda ay nakatuon sa pagpapabuti ng buhay at kapaligiran ng mga Pilipino. Kabilang dito ang Philippine Clean Air Act of 1999 na nagtatanggol sa kalusugan ng publiko, ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na nagpapanatili ng kalinisan sa mga pamayanan, at ang Climate Change Act of 2009 na nagtatag ng sistemang pang‑adaptasyon. Kasama rin ang Philippine Green Jobs Act of 2016, Expanded National Integrated Protected Areas System Act of 2018, Extended Producer Responsibility Act of 2022, at ang Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Act of 2024 na patuloy na nag‑uugat ng katatagan sa batas.

“Ang ating kapaligiran ang unang pananggalang ng ating mamamayan. Kapag protektado ang kagubatan, kapag malinis ang mga ilog, at kapag ligtas ang hangin na ating nilalanghap, mas matibay ang mga komunidad laban sa sakuna. Bawat batas na aking isinulat ay para tiyakin ang pananggalang na iyon at bigyan ng kakayahan ang mga pamilya na makayanan ang dagok ng climate change,” ani Legarda.

Para kay Legarda, ang pondo para sa klima ay dapat nakatuon sa maagap na pagkilos upang matiyak na ang mga bulnerableng komunidad ay handa bago pa man dumating ang bagyo at baha.

Sentro ng kanyang adbokasiya ang People’s Survival Fund (PSF), ang kauna‑unahang mekanismo ng bansa para sa pondo sa adaptasyon. Nanawagan si Legarda na ganap itong maisakatuparan at maging abot‑kamay ng mga lokal na pamahalaan upang ang mga proyekto gaya ng reforestasyon ng bakawan, maagang babala, at retrofitting ng paaralan ay mapondohan bago pa man tumama ang sakuna.

Bilang United Nations Global Champion for Resilience, dinala ni Legarda ang tinig ng mga komunidad ng Pilipino sa pandaigdigang entablado habang tinitiyak na nakaugat sa batas pambansa ang aksyon sa klima.

“Nakasama ko ang mga mangingisdang muling pumapalaot matapos ang unos, ang mga magsasakang muling nagtatanim kahit nabigo ang ani, at ang mga batang patuloy na nag‑aaral sa muling itinayong silid‑aralan,” pahayag ni Legarda.

“Ang kanilang lakas ng loob ang patunay na ang katatagan ay hindi abstrakto. Ito ay nakaugat sa pangangalaga ng ating kapaligiran at sa pagbibigay ng pagkakataon sa bawat Pilipino na makabangon at magpatuloy.” (30)