Legarda: Arbitral Award protects Filipino fisherfolk, livelihoods, food security, and the nation’s maritime rights

July 12, 2026

As the nation commemorates the tenth anniversary of the landmark 2016 Arbitral Award on the South China Sea, four-term Senator Loren Legarda stood firm on the Philippines’ commitment to defending its maritime rights through international law, diplomacy, and a rules-based international order.

Rendered on July 12, 2016 by an Arbitral Tribunal constituted under Annex VII of the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), the Award declared that there is no legal basis for China’s expansive maritime claims based on so-called “historic rights” and affirmed the Philippines’ sovereign rights and maritime entitlements within its Exclusive Economic Zone (EEZ).

“For many, the Arbitral Award is remembered as a landmark legal victory. For our fisherfolk, it is about being able to fish safely, return home to their families, and earn an honest living from the waters that have sustained generations of Filipinos,” Legarda said.

She stressed that the continuing situation in the West Philippine Sea has real consequences for ordinary Filipinos, especially communities whose lives depend on the sea. Many fisherfolk face uncertainty when they venture into traditional fishing grounds, with some compelled to shorten their trips, avoid productive areas, or spend more on fuel by traveling farther offshore in search of a safe and productive catch.

“The story of the West Philippine Sea does not end at our shores. When our fisherfolk return with fewer catches, families earn less, markets have less to sell, and every Filipino feels the impact through food prices and food security. Every time a Filipino fisherman is compelled to turn back from waters where generations have earned their livelihood, our nation loses more than fish—we lose livelihoods, opportunity, and a measure of our future,” Legarda said.

These realities reveal why the Arbitral Award remains relevant to the lives of Filipinos. Protecting the West Philippine Sea means safeguarding the livelihoods of Filipino fisherfolk, ensuring food security, conserving marine ecosystems, and securing the future of coastal communities.

Legarda described the Arbitral Award as one of the Philippines’ greatest legal and diplomatic victories, demonstrating that disputes among nations are resolved through the rule of law rather than force or coercion. She emphasized that the Award stands as a final and legally binding determination between the Philippines and China with respect to the matters decided by the Tribunal, and continues to serve as a foundation for the Philippines’ efforts to strengthen maritime governance and uphold its rights under international law.

“The significance of the Arbitral Award lies not only in what it declared in 2016, but in how the Philippines has built upon it through concrete action,” Legarda said. As co-author and co-sponsor of the Philippine Maritime Zones Act (R.A. No. 12064) and the Philippine Archipelagic Sea Lanes Act (R.A. No. 12065), Legarda said these landmark measures translate the principles affirmed by UNCLOS and the Arbitral Award into domestic law by defining the country’s maritime zones and establishing archipelagic sea lanes consistent with international law.

Legarda likewise underscored that the Philippines’ position in the West Philippine Sea rests on a firm legal and historical foundation. “While the Arbitral Award clarified the Philippines’ maritime rights and entitlements under UNCLOS, these rights are reinforced by a long historical record. The 1734 Murillo Velarde Map, the Treaty of Paris of 1898, the Treaty of Washington of 1900, UNCLOS, and the 2016 Arbitral Award together demonstrate that the Philippines’ position is anchored not in rhetoric, but in law and historical fact,” she said.

As the Philippines marks a decade since the historic Award, Legarda called on Filipinos to remain united in protecting the country’s lawful rights while continuing to champion peace, diplomacy, and a rules-based international order.

“Our rights in the West Philippine Sea are neither negotiable nor subject to intimidation. We have a duty to protect what belongs to the Filipino people, consistent with our Constitution and international law. Defending the West Philippine Sea means standing firmly for our lawful rights while remaining steadfast in our commitment to peace, dialogue, and diplomacy. Atin ang West Philippine Sea, at pananagutan nating pangalagaan ito para sa susunod na henerasyon,” Legarda concluded. (30)

—————————————————————————

Legarda: Pinangangalagaan ng Arbitral Award ang kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino, seguridad sa pagkain, at mga karapatan ng bansa sa karagatan

Sa paggunita ng bansa sa ika-10 anibersaryo ng makasaysayang 2016 Arbitral Award ukol sa South China Sea, muling iginiit ni Senadora Loren Legarda ang matatag na paninindigan ng Pilipinas sa pagtatanggol sa mga karapatan nito sa karagatan sa pamamagitan ng pandaigdigang batas, diplomasya, at isang pandaigdigang kaayusang nakabatay sa mga alituntunin ng batas.

Inilabas noong Hulyo 12, 2016 ng Arbitral Tribunal na binuo sa ilalim ng Annex VII ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), idineklara ng Arbitral Award na walang legal na batayan ang malawak na pag-aangkin ng China sa karagatan batay sa tinatawag nitong “historic rights.” Kinilala rin nito ang mga soberanong karapatan at mga karapatang pandagat ng Pilipinas sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) nito.

“Para sa marami, ang Arbitral Award ay isang makasaysayang tagumpay sa larangan ng batas. Ngunit para sa ating mga mangingisda, ito ay tungkol sa kakayahang makapangisda nang ligtas, makauwi sa kanilang mga pamilya, at marangal na maitaguyod ang kanilang kabuhayan mula sa karagatang bumuhay sa maraming salinlahi ng mga Pilipino,” ani Legarda.

Binigyang-diin niya na ang patuloy na sitwasyon sa West Philippine Sea ay may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino, lalo na sa mga pamayanang umaasa sa karagatan para sa kanilang kabuhayan. Marami sa ating mga mangingisda ang nahaharap sa kawalang-katiyakan tuwing pumapalaot sa kanilang tradisyunal na pangisdaan. Dahil dito, napipilitan ang ilan na paikliin ang kanilang biyahe, umiwas sa masaganang pangisdaan, o gumastos nang mas malaki sa gasolina upang makapangisda sa mas malalayong lugar na mas ligtas.

“Ang usapin ng West Philippine Sea ay hindi nagtatapos sa ating mga baybayin. Kapag kakaunti ang huling isda ng ating mga mangingisda, lumiit ang kita ng kanilang pamilya, nababawasan ang suplay sa mga pamilihan, at nararamdaman ito ng bawat Pilipino sa pagtaas ng presyo ng pagkain at sa ating seguridad sa pagkain. Sa bawat pagkakataong napipilitang umatras ang isang Pilipinong mangingisda mula sa mga katubigang pinagkukunan ng kabuhayan ng maraming henerasyon, higit pa sa isda ang nawawala sa atin—nawawala ang kabuhayan, oportunidad, at bahagi ng ating kinabukasan,” ani Legarda.

Ayon sa senadora, ipinakikita ng mga katotohanang ito kung bakit nananatiling mahalaga ang Arbitral Award sa buhay ng bawat Pilipino. Ang pangangalaga sa West Philippine Sea ay nangangahulugang pagprotekta sa kabuhayan ng ating mga mangingisda, pagtitiyak sa seguridad sa pagkain, pangangalaga sa yamang-dagat at marine ecosystem, at pagtiyak sa kinabukasan ng mga pamayanang nasa baybayin.

Inilarawan ni Legarda ang Arbitral Award bilang isa sa pinakamahahalagang tagumpay ng Pilipinas sa larangan ng batas at diplomasya, na nagpapatunay na ang mga alitan sa pagitan ng mga bansa ay dapat lutasin sa pamamagitan ng tuntunin ng batas at hindi ng puwersa o pamimilit. Aniya, nananatiling pinal at may bisa sa batas ang naging pasya ng Tribunal sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa mga isyung tinalakay nito, at nagsisilbi itong matibay na pundasyon ng patuloy na pagsisikap ng bansa na palakasin ang pamamahala sa ating mga karagatan at ipagtanggol ang ating mga karapatan sa ilalim ng pandaigdigang batas.

“Ang kahalagahan ng Arbitral Award ay hindi lamang nakasalalay sa idineklara nito noong 2016, kundi sa kung paano ito isinabuhay ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga kongkretong hakbang,” ani Legarda. Bilang co-author at co-sponsor ng Philippine Maritime Zones Act (R.A. No. 12064) at ng Philippine Archipelagic Sea Lanes Act (R.A. No. 12065), sinabi niyang isinasalin ng mga batas na ito sa pambansang batas ang mga prinsipyong kinilala ng UNCLOS at ng Arbitral Award sa pamamagitan ng malinaw na pagtukoy sa mga sonang pandagat ng bansa at pagtatatag ng mga archipelagic sea lanes na naaayon sa pandaigdigang batas.

Binigyang-diin din ni Legarda na nakasalig sa matibay na legal at makasaysayang batayan ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea. “Bagama’t nilinaw ng Arbitral Award ang mga karapatan at mga karapatang pandagat ng Pilipinas sa ilalim ng UNCLOS, lalo pa itong pinatitibay ng ating mahabang kasaysayan. Ang 1734 Murillo Velarde Map, ang Treaty of Paris ng 1898, ang Treaty of Washington ng 1900, ang UNCLOS, at ang 2016 Arbitral Award ay sama-samang nagpapatunay na ang paninindigan ng Pilipinas ay nakabatay hindi sa retorika kundi sa batas at makasaysayang katotohanan,” aniya.

Sa paggunita ng Pilipinas sa isang dekada mula nang mailabas ang makasaysayang Arbitral Award, nanawagan si Legarda sa lahat ng Pilipino na manatiling nagkakaisa sa pagtatanggol sa mga lehitimong karapatan ng bansa habang patuloy na itinataguyod ang kapayapaan, diplomasya, at isang pandaigdigang kaayusang nakabatay sa tuntunin ng batas.

“Ang ating mga karapatan sa West Philippine Sea ay hindi maaaring ipagkasundo o pasubalian sa pamamagitan ng pananakot. Tungkulin nating pangalagaan ang nararapat na para sa sambayanang Pilipino, alinsunod sa ating Konstitusyon at sa pandaigdigang batas. Ang pagtatanggol sa West Philippine Sea ay nangangahulugang matatag na paninindigan para sa ating mga lehitimong karapatan, kasabay ng ating hindi matitinag na pangako sa kapayapaan, diyalogo, at diplomasya. Atin ang West Philippine Sea, at pananagutan nating pangalagaan ito para sa susunod na henerasyon,” pagtatapos ni Legarda. (30)