Legarda: Allow DepEd to focus on its mandate to end functional illiteracy
November 3, 2025Senator Loren Legarda, Co-Chairperson of the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) and Chairperson of the Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education, called for a coherent national strategy to end functional illiteracy in the country, following data showing that the number of functionally illiterate Filipinos has nearly doubled from 14.5 million three decades ago to 24.8 million in 2024.
“This figure is deeply troubling, but it also reflects the structural burden placed on DepEd,” Legarda said. “DepEd now participates in 261 inter-agency bodies that meet regularly. Many laws have also expanded its mandate to support programs on health, nutrition, culture, sports, civic affairs, among others. These have overwhelmed our teachers with administrative and reporting tasks, taking time and focus away from teaching. Indeed, education is central to all aspects of governance and national development, but we must give the department space for teaching.”
Legarda urged a full review of DepEd’s workload and structure to restore focus on foundational learning and reduce the administrative burden on teachers and principals. “We cannot solve illiteracy with teachers buried in paperwork. They must have the time, training, and tools to teach,” she said.
Legarda stressed the importance of data-driven targeting using granular results of the 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), learning poverty indicators, and classroom-based diagnostic assessments to direct funding and programs toward areas and sectors with the greatest literacy gaps. “Educational equity means directing support to where it is most needed. Our next steps must make use of data to guide where we build classrooms, assign teachers, and deploy interventions,” said Legarda.
Legarda also pushed for the full implementation of the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program under Republic Act No. 12028, which she co-authored, to address learning loss and help students reach their respective grade-level competencies, especially in reading, mathematics, and science. “When children are taught beyond their current level of understanding, they lose confidence and interest. A level-appropriate approach is essential,” she said.
Legarda further pointed to the nationwide shortage of more than 147,000 classrooms, which constrains effective instruction and learning. “When classrooms are simply not available, learning stops before it begins. Expanding and improving these spaces is the most direct investment we can make in learning itself,” said Legarda.
“The rise in functional illiteracy is not a failure of effort, but a consequence of an overloaded and inefficient system,” Legarda furthered. “DepEd must be strengthened through rationalized functions, data-informed policies, and sufficient infrastructure to restore focus on teaching and ensure that every Filipino child gains the literacy and understanding that define true education.” (30)
Legarda: Hayaan ang DepEd na gampanan ang pangunahing tungkulin nitong wakasan ang functional illiteracy
Nanawagan si Senadora Loren Legarda, Co-Chairperson ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), at Chairperson ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education, para sa isang malinaw na national strategy upang wakasan ang functional illiteracy sa bansa. Ito ay matapos lumabas ang datos na halos dumoble ang bilang ng mga Pilipinong functionally illiterate, mula 14.5 milyon, tatlong dekada na ang nakalipas, hanggang sa 24.8 milyon noong taong 2024.
“Nakababahala ang bilang na ito, na nagpapakita rin ng bigat ng pasaning nakaatang ngayon sa DepEd,” ani Legarda. “Sa kasalukuyan, kasapi ang DepEd sa 261 inter-agency bodies. Marami ring batas ang nagpalawak sa mandato nito upang suportahan ang mga programa sa kalusugan, nutrisyon, kultura, sports, at iba pa. Dahil dito, nabibigatan ang ating mga guro sa mga gawaing administratibo, at nababawasan ang kanilang oras at nawawala sa focus sa pagtuturo. Mahalaga ang edukasyon sa lahat ng aspekto ng pamamahala at pambansang kaunlaran, ngunit kailangang makapagturo ang mga guro nang maayos.”
Nanawagan si Legarda ng masusing pagsusuri sa mga gawain at estruktura ng DepEd upang maibalik ang focus sa foundational literacy at mabawasan ang mga gawaing administratibo na nagpapabigat sa mga guro at punong-guro. “Hindi natin malulutas ang problema ng illiteracy kung sobrang dami ng paperwork ng ating mga guro. Kailangan nila ng oras, pagsasanay, at kagamitan upang makapagturo,” ani Legarda.
Binigyang-diin din ni Legarda ang kahalagahan ng paggamit ng datos at resulta ng 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), mga learning poverty indicator, at mga classroom-based diagnostic assessment sa pagtukoy ng mga lugar at sektor na may pinakamatinding kakulangan sa literacy. “Ang tunay na pagkakapantay-pantay sa edukasyon ay paglalaan ng tulong sa mga lugar na higit na nangangailangan. Ang susunod nating mga hakbang ay dapat nakabase sa datos, kung saan magtatayo ng mga silid-aralan, at magtatalaga ng mga guro,” paliwanag niya.
Hinimok din ni Legarda ang ganap na pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program sa ilalim ng Republic Act No. 12028, batas na isa siyang co-author, upang matugunan ang learning loss at matulungan ang mga mag-aaral na maabot ang tamang antas ng kasanayan sa pagbabasa, matematika, at agham. “Kapag ang mga bata ay tinuturuan ng lampas sa antas ng kanilang pag-unawa, nawawala ang kanilang kumpiyansa at interes. Kaya’t mahalaga ang pagtuturo na akma sa kanilang kasalukuyang antas ng pagkatuto,” aniya.
Binigyang-diin pa ni Legarda ang kakulangan sa higit 147,000 silid-aralan sa buong bansa, na hadlang sa epektibong pagtuturo at pagkatuto. “Kung walang sapat na silid-aralan, natatapos ang pagkatuto bago pa ito magsimula. Ang pagpapalawak at pagpapabuti ng mga espasyong ito ay direktang pamumuhunan na maaari nating gawin para sa edukasyon,” ayon kay Legarda.
“Ang pagtaas ng bilang ng mga functionally illiterate ay hindi bunga ng kakulangan sa pagsisikap, kundi resulta ng isang sistemang labis na pinabigat at hindi efficient,” dagdag ni Legarda. “Dapat palakasin ang DepEd sa pamamagitan ng rationalized functions, mga polisiya batay sa datos, at sapat na imprastruktura upang maibalik ang focus sa pagtuturo at matiyak na ang bawat batang Pilipino ay magkakaroon ng kakayahan sa pagbasa, pag-unawa, at kaalaman na bumubuo sa tunay na edukasyon.” (30)
