Legarda: 5th SONA must confront the distance between economic growth and Filipino lives
July 25, 2026As President Ferdinand Marcos Jr. prepares to deliver his fifth State of the Nation Address (SONA), Senator Loren Legarda said the Filipino people deserve an honest account of where the country stands after years marked by economic uncertainty, rising prices, corruption controversies, climate disasters, threats to national security, and widening anxiety over the future.
Legarda said the SONA on July 27, 2026 must speak directly to families who have endured one crisis after another, often without enough savings, stable income, or reliable public services to absorb the next shock.
Seems like the country emerged from the pandemic only to face continuing food inflation, geopolitical conflicts, volatile fuel prices, supply disruptions, destructive typhoons, and renewed uncertainty in the global economy.
“Sa loob ng ilang taon, ang pamilyang Pilipino ang paulit-ulit na nag-adjust. Nagbawas sila ng pagkain, nagtipid sa gamot, nagpaliban ng bayarin, at naghanap ng karagdagang trabaho. Habang tumataas ang presyo, sila ang unang nasasaktan at sila rin ang pinakahuling nakakaramdam ng pagbangon,” Legarda said.
The ongoing Middle East crisis shoots local prices up. This issue has again shown how heavily the Philippines depends on imported fuel, causing a conflict thousands of kilometers away to inflate the cost of transportation, electricity, food, and other basic necessities at home.
“Sa social media pa lamang, halos araw-araw nating nakikita ang mga pamilyang umiinda o nagagalit sa biglang taas ng kanilang singil sa kuryente. Isang panibagong shock na naman ito habang hindi pa nga sila lubos na nakakabawi sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo, pamasahe, at iba pang gastusin nitong mga nakaraang buwan. Ganitong realidad ang dapat kinikilala at sinasagot ng ating mga patakaran,” Legarda said.
As of June 2026, headline inflation remained at 6.4%, well above the government’s 2% to 4% target. The Bangko Sentral ng Pilipinas has raised interest rates amid persistent price pressures and projects full-year inflation at 6.4%, citing the effects of a prolonged global supply shock and elevated oil prices.
Legarda stressed that these external pressures have been made more painful by weaknesses within government, particularly corruption, wasteful spending, delayed projects, poor enforcement, and the absence of accountability for public funds. The fifth SONA must now explain what structural reforms have been undertaken, who has been held responsible, how questionable transactions will be prevented, and how the government will restore public confidence in the use of taxpayers’ money.
The Senator also cautioned against treating the Philippines’ recent entry into the World Bank’s upper-middle-income category as a victory that requires no further qualification.
The country was formally classified as an upper-middle-income economy beginning July 1, 2026, after its gross national income per capita reached US$4,850, slightly above the World Bank threshold of US$4,636. The Philippines now joins Indonesia, Malaysia, and Thailand in the same broad income classification.
Legarda said the reclassification recognizes economic progress over several decades. It also reveals how late the Philippines has been in reaching a milestone already attained by several of its regional neighbors.
“Our upper-middle-income status should give us perspective, humility, and a greater sense of urgency. We should have reached this point much earlier. Countries like Vietnam, which once lagged behind us, have now outpaced us in many sectors. They have built globally competitive industries, including in electric vehicles, with their products now entering international markets, including our own. They have also advanced in manufacturing, infrastructure, and education at a pace that reflects consistent policy direction and long-term investment. Our neighbors have moved faster in building reliable public transport, stronger industries, better classrooms, broader social protection, and more efficient public services,” she said.
She stressed that the classification is based on average national income and cannot, by itself, show whether prosperity is fairly distributed or whether Filipino families enjoy an upper-middle-income quality of life.
“Habang tumataas ang average na kita, sino ba talaga ang nagtutulak nito—lahat ba ng Pilipino, o ang iilang mayayaman na lalo pang yumayaman? Sa ganitong konteksto, ang tanong: ang payak na pamilya—umangat nga ba talaga ang antas ng pamumuhay, dama ba nila ito sa araw-araw?” Legarda said.
Official data show that 15.5% of Filipinos, or approximately 17.54 million people, were living below the poverty threshold in 2023. A 2026 study by the Philippine Institute for Development Studies found that 30% of Filipino households remain vulnerable to falling into poverty, with many facing unstable incomes and exposure to job loss, illness, price increases, and natural disasters.
Legarda said economic growth must be judged by its ability to provide secure livelihoods, fair wages, affordable food, accessible healthcare, quality education, safe communities, and opportunities for Filipinos to build their futures without having to leave the country.
The condition of Filipino children
Legarda said the condition of Filipino children is a clear test of whether progress is reaching families. One in four children below five is stunted, while the country still lacks more than 165,000 classrooms and over 51,000 aging classrooms may face condemnation by 2028.
“A child cannot be expected to overcome hunger, poor learning conditions, and weak foundations through perseverance alone. It is no surprise that our education system remains weak when learners themselves are already at a disadvantage, compounded by a problematic system of learning. When we fail children at the beginning of life, we weaken the country’s future,” she said.
Legarda called for coordinated action on nutrition, early learning, classroom construction, teacher support, and basic literacy and numeracy.
Communities repeatedly left at risk
Legarda said the landfill collapses in Cebu and Rizal show that the country’s solid waste problem is worsening, with unsafe facilities continuing to operate and new dump sites emerging despite long-standing environmental laws. A COA audit found that, as of 2021, Materials Recovery Facilities served only 39.05% of barangays nationwide.
“Too many communities have been placed at risk by the same failures for far too long. Kapag malinaw na napapabayaan ang pagpapatupad ng batas, lalong lumalakas ang loob ng mga lumalabag at nagiging normal ang pagtakbo ng mga pasilidad na delikado at hindi sumusunod sa sanitary landfill standards. Panahon nang ipakita ng pamahalaan na may tunay na enforcement, pananagutan, at malinaw na hangganan sa kung ano ang hindi na maaaring payagan,” Legarda said.
She urged the President to present concrete measures to close illegal and unsafe dump sites, enforce segregation and waste-reduction requirements, strengthen inspections and local compliance, and hold accountable those who allow hazardous facilities to continue operating.
Sovereignty, livelihood, and national dignity
Legarda said the Philippines must remain firm in upholding the 2016 Arbitral Award while protecting fisherfolk, coastal communities, and marine resources.
“Ang West Philippine Sea ay usapin ng soberanya, pagkain, at kabuhayan. Kapag nagiging delikado o hindi tiyak ang paglalayag sa mas malalayong fishing grounds, maaaring lumipat ang pressure ng commercial fishing sa municipal waters. Kaya dapat unahin ang proteksyon ng maliliit na mangingisda at mahigpit na ipatupad ang mga hangganang itinakda para sa kanilang kabuhayan. Hindi dapat malagay sa panganib ang kita ng ating mga mangingisda, ang pagkain ng ating mga pamilya, at ang kinabukasan ng ating mga komunidad,” she said.
She called for sustained maritime presence, stronger support for fisherfolk, strict protection of municipal fishing grounds, improved coast guard capabilities, peaceful diplomacy, and adherence to international law.
From reporting accomplishments to delivering results
Legarda stressed that the fifth SONA must be based on a serious assessment of whether government programs have actually improved people’s lives. It should identify what has worked, where implementation has failed, and what must still be corrected or rebuilt in the administration’s final two years.
“The remaining years of the administration must be devoted to implementation, correction, accountability, and delivery,” she said.
She urged the President to present clear targets, timelines, responsible agencies, and funding for the country’s most urgent concerns, including inflation, employment, corruption, education, food and energy security, climate resilience, maritime rights, and the needs of the poorest sectors.
Article VII, Section 23 of the Constitution requires the President to address Congress at the opening of every regular session. In established practice, the SONA reports on the condition of the country and sets out the administration’s policy and legislative direction.
“The SONA must be a genuine attempt to tell the Filipino people where we are now, how we arrived here, and what path we must take forward. That requires honesty about what has failed, what remains unfinished, and what may have to be rebuilt from the beginning. We cannot move forward if we are unwilling to confront the true condition of the nation,” Legarda said.
“The Filipino people have carried the country through every crisis. They have worked, sacrificed, adjusted, and endured. The government must now show that their sacrifices have led somewhere, and that the progress being reported by the nation is progress they can finally see and feel in their own lives,” she added.
“Ang ikalimang SONA ay dapat maging tapat sa ating mga pagkukulang, malinaw sa mga hakbang na kailangang gawin, at matapang sa pagharap sa katiwalian at sa patuloy na pag-iwan sa napakaraming Pilipino. Ang hinihingi ng taumbayan ay isang pamahalaang kumikilos, nananagot, at tunay na nagmamalasakit, at isang luntiang Pilipinas sa ating lahat.” (30)
————————————————————————
Legarda: Kailangan tugunan ng ika-5 SONA ang agwat ng ekonomiya at pamumuhay ng mga Pilipino
Habang naghahanda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), ipinahayag ni Senadora Loren Legarda na nararapat lamang na ipakita sa sambayanang Pilipino ang tapat na kalagayan ng bansa matapos ang mga taong binagabag ng kawalang-katiyakan sa ekonomiya, pagtaas ng presyo, mga kontrobersiya sa katiwalian, sakunang dulot ng klima, banta sa pambansang seguridad, at lumalawak na pangamba sa kinabukasan.
Ayon kay Legarda, ang SONA sa Hulyo 27, 2026 ay kailangang direktang tumugon sa mga pamilyang paulit-ulit na dumaranas ng krisis, madalas na walang sapat na ipon, matatag na kita, o maaasahang serbisyong panlipunan upang saluhin ang susunod na dagok.
Lumabas ang bansa mula sa pandemya ngunit agad na hinarap ang patuloy na food inflation, mga sigalot sa pandaigdigang politika, pabagu-bagong presyo ng langis, pagkaantala ng suplay, mapaminsalang bagyo, at panibagong kawalang-katiyakan sa pandaigdigang ekonomiya.
“Sa loob ng ilang taon, ang pamilyang Pilipino ang paulit-ulit na nag-adjust. Nagbawas sila ng pagkain, nagtipid sa gamot, nagpaliban ng bayarin, at naghanap ng karagdagang trabaho. Habang tumataas ang presyo, sila ang unang nasasaktan at sila rin ang pinakahuling nakakaramdam ng pagbangon,” ipinahayag ni Legarda.
Ang nagpapatuloy na krisis sa Gitnang Silangan ay muling nagpapataas ng lokal na presyo. Ipinakita nito kung gaano kalaki ang pag-asa ng Pilipinas sa inaangkat na langis; isang sigalot na libo-libong kilometro ang layo ang nagiging sanhi ng pagtaas ng pamasahe, kuryente, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan sa loob ng bansa.
“Sa social media pa lamang, halos araw-araw nating nakikita ang mga pamilyang umiinda o nagagalit sa biglang taas ng kanilang singil sa kuryente. Isang panibagong shock na naman ito habang hindi pa nga sila lubos na nakakabawi sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo, pamasahe, at iba pang gastusin nitong mga nakaraang buwan. Ganitong realidad ang dapat kinikilala at tinutugunan ng ating mga patakaran,” binigyang-diin ni Legarda.
Noong Hunyo 2026, nanatili sa 6.4% ang headline inflation, higit pa sa target ng pamahalaan na 2% hanggang 4%. Itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang interest rates dahil sa patuloy na pressure sa presyo at tinatayang mananatili sa 6.4% ang inflation sa buong taon, dulot ng matagal na global supply shock at mataas na presyo ng langis.
Dagdag pa ni Legarda, lalong naging masakit ang mga panlabas na pressure na ito dahil sa kahinaan sa loob ng pamahalaan, partikular na ang korapsyon, magastos na paggasta, mga proyektong naantala, at kawalan ng pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan. Aniya, dapat ipaliwanag sa ikalimang SONA kung anong mga repormang istruktural ang naisagawa, sino ang pinanagot, paano maiiwasan ang mga kuwestiyonableng transaksyon, at paano maibabalik ang tiwala ng publiko sa paggamit ng buwis ng mamamayan.
Nagbabala rin si Legarda laban sa pagtingin sa bagong pagkakabilang ng Pilipinas sa upper-middle-income category ng World Bank bilang isang tagumpay na hindi na dapat kuwestiyunin.
Pormal nang kinilala ang bansa bilang upper-middle-income economy simula Hulyo 1, 2026 matapos umabot sa US$4,850 ang gross national income per capita, bahagyang mas mataas sa threshold ng World Bank na US$4,636. Kasama na ngayon ang Pilipinas sa Indonesia, Malaysia, at Thailand sa parehong income classification.
Ayon kay Legarda, kinikilala ng reclassification ang progreso ng ekonomiya sa loob ng ilang dekada ngunit ipinapakita rin nito kung gaano nahuli ang Pilipinas sa pag-abot ng antas na matagal nang narating ng mga kapitbahay sa rehiyon.
“Our upper-middle-income status should give us perspective, humility, and a greater sense of urgency. We should have reached this point much earlier. Countries like Vietnam, which once lagged behind us, have now outpaced us in many sectors. They have built globally competitive industries, including in electric vehicles, with their products now entering international markets, including our own. They have also advanced in manufacturing, infrastructure, and education at a pace that reflects consistent policy direction and long-term investment. Our neighbors have moved faster in building reliable public transport, stronger industries, better classrooms, broader social protection, and more efficient public services,” pahayag ni Legarda.
Dagdag pa niya, ang classification ay nakabatay sa average national income at hindi nito awtomatikong ipinapakita kung patas bang naipapamahagi ang kasaganaan o kung tunay bang nararanasan ng mga pamilyang Pilipino ang kalidad ng buhay ng isang upper-middle-income country.
“Habang tumataas ang average na kita, sino ba talaga ang nagtutulak nito—lahat ba ng Pilipino o ang iilang mayayaman na lalo pang yumayaman? Sa ganitong konteksto, ang tanong: ang payak na pamilya—umangat nga ba talaga ang antas ng pamumuhay, dama ba nila ito sa araw-araw?” ayon kay Legarda.
Ipinapakita ng opisyal na datos na 15.5% ng mga Pilipino, o tinatayang 17.54 milyong tao, ang nabubuhay sa ibaba ng poverty threshold noong 2023. Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies noong 2026, nananatiling bulnerable ang 30% ng mga pamilyang Pilipino sa pagbagsak sa kahirapan, dahil sa hindi matatag na kita at panganib ng pagkawala ng trabaho, sakit, pagtaas ng presyo, at mga natural na sakuna.
Ipinunto ni Legarda na dapat sukatin ang paglago ng ekonomiya batay sa kakayahan nitong magbigay ng matatag na kabuhayan, makatarungang sahod, abot-kayang pagkain, madaling akses sa serbisyong pangkalusugan, dekalidad na edukasyon, ligtas na komunidad, at mga oportunidad para sa mga Pilipino na makapagtayo ng kinabukasan nang hindi kinakailangang lisanin ang bansa.
Kalagayan ng mga bata
Ipinahayag ni Legarda na malinaw na pagsubok sa progreso ng bansa ang kalagayan ng mga batang Pilipino. Isa sa apat na batang wala pang limang taong gulang ay stunted, habang kulang pa ng higit 165,000 classrooms ang bansa at mahigit 51,000 lumang silid-aralan ang maaaring ideklarang condemned pagsapit ng 2028.
“A child cannot be expected to overcome hunger, poor learning conditions, and weak foundations through perseverance alone. It is no surprise that our education system remains weak when learners themselves are already at a disadvantage, compounded by a problematic system of learning. When we fail children at the beginning of life, we weaken the country’s future,” aniya.
Nanawagan siya ng koordinadong aksyon sa nutrisyon, maagang pagkatuto, pagtatayo ng classrooms, suporta sa mga guro, at pagtutok sa basic literacy at numeracy.
Mga komunidad na nalalagay sa panganib
Binanggit ni Legarda na ang pagbagsak ng landfill sa Cebu at Rizal ay nagpapakita na lumalala ang problema ng solid waste sa bansa, kung saan patuloy na tumatakbo ang mga pasilidad na hindi ligtas at may mga bagong dumpsite nalumilitaw sa kabila ng matagal nang umiiral na batas pangkalikasan.
Batay sa COA audit, noong 2021 ay 39.05% lamang ng mga barangay sa buong bansa ang may Materials Recovery Facilities.
“Too many communities have been placed at risk by the same failures for far too long. Kapag malinaw na napapabayaan ang pagpapatupad ng batas, lalong lumalakas ang loob ng mga lumalabag at nagiging normal ang pagtakbo ng mga pasilidad na delikado at hindi sumusunod sa sanitary landfill standards. Panahon nang ipakita ng pamahalaan na may tunay na enforcement, pananagutan, at malinaw na hangganan sa kung ano ang hindi na maaaring payagan,” babala ni Legarda.
Nanawagan siya sa Pangulo na maglatag ng kongkretong hakbang upang isara ang mga ilegal at delikadong dumpsite, ipatupad ang segregation at waste-reduction requirements, palakasin ang inspeksiyon at lokal na pagsunod, at panagutin ang mga nagpapabaya.
Soberanya, kabuhayan, at dangal ng bansa
Ipinahayag ni Legarda na dapat manatiling matatag ang Pilipinas sa pagpapatupad ng 2016 Arbitral Award habang pinoprotektahan ang mga mangingisda, pamayanang baybayin, at yamang-dagat.
“Ang West Philippine Sea ay usapin ng soberanya, pagkain, at kabuhayan. Kapag nagiging delikado o hindi tiyak ang paglalayag sa mas malalayong fishing grounds, maaaring lumipat ang pressure ng commercial fishing sa municipal waters. Kaya dapat unahin ang proteksyon ng maliliit na mangingisda at mahigpit na ipatupad ang mga hangganang itinakda para sa kanilang kabuhayan. Hindi dapat malagay sa panganib ang kita ng ating mga mangingisda, ang pagkain ng ating mga pamilya, at ang kinabukasan ng ating mga komunidad,” aniya.
Nanawagan siya ng mas matatag na presensya sa dagat, mas malakas na suporta sa mga mangingisda, mahigpit na proteksyon sa municipal fishing grounds, pagpapalakas ng coast guard, mapayapang diplomasya, at pagsunod sa international law.
Mula sa ulat tungo sa resulta
Binigyang-diin ni Legarda na ang ikalimang SONA ay dapat nakabatay sa seryosong pagsusuri kung tunay bang nakapagpabuti ng buhay ng mga tao ang mga programa ng pamahalaan. Aniya, dapat tukuyin kung alin ang gumana, saan pumalya ang implementasyon, at ano pa ang kailangang itama o muling buuin sa huling dalawang taon ng administrasyon.
“The remaining years of the administration must be devoted to implementation, correction, accountability, and delivery,” pahayag ni Legarda.
Nanawagan siya sa Pangulo na maglatag ng malinaw na target, timeline, responsableng ahensya, at pondo para sa pinakamahahalagang isyu ng bansa kabilang ang inflation, trabaho, korapsyon, edukasyon, seguridad sa pagkain at enerhiya, climate resilience, karapatan sa dagat, at pangangailangan ng pinakamahihirap na sektor.
Ayon sa Konstitusyon, Article VII, Section 23, obligadong magbigay ng ulat ang Pangulo sa pagbubukas ng bawat regular na sesyon ng Kongreso. Sa nakaugaliang praktis, ang SONA ay nag-uulat sa kalagayan ng bansa at nagtatakda ng direksyong pampatakaran at pambatas.
“The Filipino people have carried the country through every crisis. They have worked, sacrificed, adjusted, and endured. The government must now show that their sacrifices have led somewhere, and that the progress being reported by the nation is progress they can finally see and feel in their own lives,” dagdag ni Legarda.
“The SONA must be a genuine attempt to tell the Filipino people where we are now, how we arrived here, and what path we must take forward. That requires honesty about what has failed, what remains unfinished, and what may have to be rebuilt from the beginning. We cannot move forward if we are unwilling to confront the true condition of the nation,” pagtatapos ni Legarda. (30)
