Hindi tayo basurahan ng mundo – Legarda
July 19, 2015MANILA, Philippines – Ipinaalala kahapon ni Senator Loren Legarda sa gobyerno na hindi ito dapat pumayag na gawing basurahan ng mundo ang Pilipinas.
Ginawa ni Legarda ang pahayag dahil na rin sa isyu ng tone-toneladang basura mula sa Canada na dinala sa bansa upang dito itapon.
Sinabi ng senadora na hindi tapunan ng basura ng mundo ang Pilipinas at dapat ibalik sa Canada ang nasabing mga basura.
“The Philippines is not a trash bin of the world. Canada should take back their garbage,” ani Legarda, chair ng Senate Committee on Environment and Natural Resources.
Sa dalawang magkahiwalay na okasyon ay nakapasok sa Port of Manila mula Hunyo 2013 hanggang Agosto 2013 at Disyembre 2013 hanggang Enero 2014 ang 98 container vans na naglalaman ng mga basura mula sa Chronic Inc. na nakabase sa Canada kung saan ang shipment ay naka-assigned sa Valenzuela City based Chronic Plastics.
Pero natuklasan na ang mga dapat ay recyclable na plastics ay naglalaman ng mga household wares, kabilang na ang mga adult diapers at mga basura sa kusina.
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
Dahil delikado sa kalusugan matapos hindi na pinayagan ng Canada na makabalik sa kanila ang nasabing shipment, minabuti ng Bureau of Customs (BOC) na itapon ang basura sa sanitary landfill sa Tarlac matapos matuklasan na naglalaman ng toxic substances ang nasabing shipment.
Sinabi ni Legarda na posibleng magsilbing “precedent” o may sumunod pa sa nasabing pangyayari dahil na rin sa naging aksiyon ng BOC na isa umanong paglabag sa Basel Convention at sa ating international laws.
Nakasaad aniya sa section 48 ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, ang pagbabawal sa importasyon ng toxic products.
Source: Philstar