“Hindi Dapat Habambuhay na Nagsisimula sa Wala”: Legarda Pushes for a Future Beyond Disaster Survival as Climate Change Act Turns 17

October 23, 2026

Seventeen years after the enactment of the Climate Change Act of 2009, Senator Loren Legarda is calling for a broader approach to climate action, one that goes beyond surviving disasters and enables Filipinos to build stable livelihoods, secure reliable food and water supplies, and pursue better opportunities despite the growing effects of a changing climate.

Legarda, Principal Author and Principal Sponsor of Republic Act No. 9729, emphasized that the country’s response to climate change must address the long-term economic and social challenges faced by ordinary Filipinos, particularly those whose livelihoods and opportunities are repeatedly disrupted by extreme weather and other climate-related risks.

“Hindi dapat habambuhay na nagsisimula sa wala ang ating mga kababayan. Hindi sapat na nakaligtas sila sa bagyo, baha, o tagtuyot. Dapat may pagkakataon din silang umasenso, makapag-ipon, mapag-aral ang kanilang mga anak, at magkaroon ng maayos na kabuhayan nang hindi laging nangangamba na mawawala ang lahat ng kanilang pinaghirapan,” Legarda said.

Signed into law on October 23, 2009, the Climate Change Act established the Climate Change Commission (CCC) to integrate climate change adaptation and mitigation into government policies and development planning. While adaptation helps communities prepare for and cope with climate impacts, mitigation addresses the causes of global warming through cleaner energy, reduced greenhouse gas emissions, and the protection of forests and other natural resources that absorb carbon. Under its updated 2026 Nationally Determined Contribution, the Philippines has committed to a 75 percent reduction and avoidance of projected cumulative emissions from 2025 to 2035, with most of the target dependent on international support.

The need for both efforts has become more urgent. In its Emissions Gap Report 2026, released on October 21, the United Nations Environment Programme warned that global warming is expected to exceed the 1.5°C limit, underscoring the need for deeper emissions cuts while strengthening protection against worsening climate impacts.

For the Philippines, the economic consequences are equally serious. The World Bank’s Philippines Country Climate and Development Report estimates that climate change could cause economic losses equivalent to as much as 13.6 percent of the country’s gross domestic product by 2040 without sufficient action. The report also finds that adaptation measures could reduce projected losses by approximately two-thirds, highlighting the importance of investing early in climate resilience.

The challenge has become particularly pressing as PAGASA forecasts that the ongoing El Niño could persist into the first half of 2027, increasing the risk of dry spells and drought in some parts of the country. In response, Legarda released a 10-Point Policy Action Plan on October 19 to address threats to water availability, agriculture, food security, and public health, following her filing of Senate Resolution No. 733 on government preparedness.

“Kapag naapektuhan ang tubig at ani, ramdam din ito sa pagkain sa ating hapag at sa kita ng mga pamilya. Kaya hindi lang tayo dapat naghahanda sa mga epekto ng pagbabago ng klima. Kailangan din nating bawasan ang mga sanhi nito. Magkasabay dapat ang pagprotekta sa ating mga komunidad at ang pagbabawas ng greenhouse gas emissions,” Legarda emphasized.

These priorities build on the People’s Survival Fund Act (RA 10174), which Legarda advanced as Co-author and Principal Sponsor. The law established a long-term financing mechanism for local climate adaptation projects, helping communities address risks specific to their areas. She also co-sponsored the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act (RA 10121), strengthening the country’s framework for disaster risk reduction and preparedness.

Complementing these measures, Legarda served as Principal Author of the Expanded National Integrated Protected Areas System Act (RA 11038), which strengthened the protection of ecosystems that support biodiversity and climate resilience. She also authored and co-sponsored the Loss and Damage Fund Board Act (RA 12019), which grants juridical personality and legal capacity to the international fund’s governing board hosted by the Philippines.

In the 20th Congress, Legarda continues to pursue sustainable development through Senate Bill No. 166, or the proposed Low Carbon Economy Act; Senate Bill No. 306, or the Philippine Circular Economy Promotion Act; and Senate Bill No. 310, or the National Water Resources Management Act. She also filed Senate Bill No. 311, or the Indigenous Community Conserved Territories and Areas Act, which seeks to recognize Indigenous stewardship and protect ecosystems that sustain local communities.

As the Climate Change Act and the Climate Change Commission mark their 17th anniversary, Legarda recognized the contributions of scientists, local governments, Indigenous Peoples, environmental advocates, and communities working to advance climate action. She stressed that reducing emissions, protecting natural resources, and strengthening local resilience must go hand in hand with efforts to improve the lives of Filipinos.

“Labimpitong taon na ang lumipas mula nang maisabatas ang Climate Change Act. Marami pa tayong kailangang gawin, lalo na sa pagbabawas ng emissions at pagprotekta sa mga komunidad na unang nakararamdam ng epekto ng pagbabago ng klima. Ang mahalaga ay hindi lang natin matulungang makabangon ang mga tao sa bawat sakuna. Dapat mabigyan din natin sila ng pagkakataong magkaroon ng matatag na kabuhayan at mas maayos na kinabukasan,” Legarda concluded.

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

“Hindi Dapat Habambuhay na Nagsisimula sa Wala”: Legarda, Nanawagan ng Mas Matatag na Kabuhayan at Kinabukasan sa Ika-17 Taon ng Climate Change Act

Sa ika-17 anibersaryo ng Climate Change Act of 2009, nanawagan si Senator Loren Legarda ng mas malawak na pagtugon sa pagbabago ng klima upang hindi lamang makaligtas sa mga sakuna ang mga Pilipino, kundi magkaroon din ng matatag na kabuhayan, sapat na suplay ng pagkain at tubig, at mas magandang oportunidad sa buhay.

Binigyang-diin ni Legarda, Principal Author at Principal Sponsor ng Republic Act No. 9729, na hindi dapat matapos sa pagbangon mula sa kalamidad ang pagtugon ng bansa sa pagbabago ng klima. Kailangan ding matugunan ang pangmatagalang epekto nito sa kabuhayan at pamumuhay ng mga Pilipino, lalo na ang mga pamilyang paulit-ulit na nawawalan ng pinagkakakitaan at pagkakataong umunlad dahil sa matitinding kalamidad at iba pang panganib na dulot ng pagbabago ng klima.

“Hindi dapat habambuhay na nagsisimula sa wala ang ating mga kababayan. Hindi sapat na nakaligtas sila sa bagyo, baha, o tagtuyot. Dapat may pagkakataon din silang umasenso, makapag-ipon, mapag-aral ang kanilang mga anak, at magkaroon ng maayos na kabuhayan nang hindi laging nangangamba na mawawala ang lahat ng kanilang pinaghirapan,” ani Legarda.

Nilagdaan noong Oktubre 23, 2009 ang Climate Change Act, na nagtatag sa Climate Change Commission (CCC) upang maisama sa mga polisiya at plano ng pamahalaan ang paghahanda sa mga epekto ng pagbabago ng klima at ang mga hakbang upang mabawasan ang mga sanhi nito.

Kabilang dito ang *climate adaptation*, o mga hakbang upang maging handa ang mga komunidad at makayanan ang epekto ng pagbabago ng klima, at *climate mitigation*, na nakatuon naman sa pagbabawas ng mga sanhi ng pag-init ng mundo. Kabilang sa mga hakbang na ito ang paggamit ng mas malinis na enerhiya, pagbabawas ng greenhouse gas emissions, at pangangalaga sa mga kagubatan at iba pang likas na yaman na tumutulong sa pag-imbak ng carbon.

Sa inamyendahang Nationally Determined Contribution (NDC) ng Pilipinas para sa 2026, itinakda ng bansa ang target na mabawasan o maiwasan ang 75 porsyento ng inaasahang kabuuang greenhouse gas emissions mula 2025 hanggang 2035. Malaking bahagi ng target na ito ang nakasalalay sa suportang internasyonal.

Lalong naging mahalaga ang mga hakbang na ito kasunod ng inilabas na *Emissions Gap Report 2026* ng United Nations Environment Programme (UNEP) noong Oktubre 21. Ayon sa ulat, inaasahang lalampas sa limitasyong 1.5°C ang pag-init ng mundo, kaya kinakailangan ang mas malaking pagbawas sa greenhouse gas emissions kasabay ng pagpapalakas ng proteksyon ng mga komunidad laban sa lumalalang epekto ng pagbabago ng klima.

Malaki rin ang maaaring maging epekto nito sa ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa Philippines Country Climate and Development Report ng World Bank, maaaring umabot sa katumbas ng 13.6 porsyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa ang pagkalugi sa ekonomiya pagsapit ng 2040 kung hindi sapat ang mga hakbang laban sa pagbabago ng klima.

Ipinakita rin sa ulat na maaaring mabawasan ng halos 67 porsyento ang inaasahang pagkalugi kung maagang mamumuhunan sa mga hakbang upang mapaghandaan at mabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima.

Dagdag na hamon ang patuloy na El Niño na, ayon sa pagtataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ay maaaring tumagal hanggang sa unang kalahati ng 2027. Dahil dito, tumataas ang panganib ng kakulangan sa ulan at matinding tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa.

Bilang tugon, inilabas ni Legarda noong Oktubre 19 ang kaniyang 10-Point Policy Action Plan upang matugunan ang mga banta sa suplay ng tubig, agrikultura, seguridad sa pagkain, at kalusugan ng publiko. Nauna na rin niyang inihain ang Senate Resolution No. 733 upang suriin ang kahandaan ng pamahalaan sa mga epekto ng El Niño.

“Kapag naapektuhan ang tubig at ani, ramdam din ito sa pagkain sa ating hapag at sa kita ng mga pamilya. Kaya hindi lang tayo dapat naghahanda sa mga epekto ng pagbabago ng klima. Kailangan din nating bawasan ang mga sanhi nito. Magkasabay dapat ang pagprotekta sa ating mga komunidad at ang pagbabawas ng greenhouse gas emissions,” diin ni Legarda.

Kaugnay nito, matagal nang isinusulong ni Legarda ang mga batas na naglalayong palakasin ang kahandaan ng bansa sa mga sakuna at protektahan ang kabuhayan at likas na yaman ng mga komunidad.

Kabilang dito ang People’s Survival Fund Act (RA 10174), na kaniyang isinulong bilang Co-author at Principal Sponsor. Sa ilalim ng batas, itinatag ang isang pangmatagalang pondo para sa mga lokal na proyekto na tutugon sa mga panganib na dulot ng pagbabago ng klima, batay sa pangangailangan ng bawat lugar.

Naging Co-sponsor din si Legarda ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act (RA 10121), na nagpalakas sa sistema ng bansa sa paghahanda sa mga sakuna at pagbabawas ng mga panganib na dulot ng mga ito.

Bilang Principal Author naman ng Expanded National Integrated Protected Areas System Act (RA 11038), isinulong niya ang mas matibay na pangangalaga sa mga protektadong lugar at ecosystem na mahalaga sa biodiversity at sa kakayahan ng mga komunidad na harapin ang epekto ng pagbabago ng klima.

Si Legarda rin ay Author at Co-sponsor ng Loss and Damage Fund Board Act (RA 12019), na nagbibigay ng legal na pagkilala at kakayahan sa namamahalang lupon ng pandaigdigang Loss and Damage Fund, na ang Pilipinas ang nagsisilbing host country.

Sa ika-20 Kongreso, patuloy niyang isinusulong ang mga panukalang batas para sa pangmatagalang pangangalaga sa kalikasan at likas na yaman.

Kabilang dito ang Senate Bill No. 166 o panukalang Low Carbon Economy Act, Senate Bill No. 306 o Philippine Circular Economy Promotion Act, at Senate Bill No. 310 o National Water Resources Management Act.

Inihain din niya ang Senate Bill No. 311 o Indigenous Community Conserved Territories and Areas Act, na naglalayong kilalanin ang mahalagang papel ng mga katutubo sa pangangalaga ng kanilang mga lupain at likas na yaman, pati na ang mga ecosystem na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga lokal na komunidad.

Sa paggunita ng ika-17 anibersaryo ng Climate Change Act at ng Climate Change Commission, kinilala ni Legarda ang kontribusyon ng mga siyentipiko, lokal na pamahalaan, mga katutubo, tagapangalaga ng kalikasan, at mga komunidad na patuloy na kumikilos upang matugunan ang pagbabago ng klima.

Binigyang-diin niya na kailangang magkasabay ang pagbabawas ng greenhouse gas emissions, pangangalaga sa likas na yaman, at pagpapalakas ng kakayahan ng mga komunidad na harapin ang mga epekto ng pagbabago ng klima. Kasabay nito, dapat ding bigyang-pansin ang mga hakbang na makatutulong sa mga Pilipino na magkaroon ng matatag na kabuhayan at mas maayos na pamumuhay.

“Labimpitong taon na ang lumipas mula nang maisabatas ang Climate Change Act. Marami pa tayong kailangang gawin, lalo na sa pagbabawas ng emissions at pagprotekta sa mga komunidad na unang nakararamdam ng epekto ng pagbabago ng klima. Ang mahalaga ay hindi lang natin matulungang makabangon ang mga tao sa bawat sakuna. Dapat mabigyan din natin sila ng pagkakataong magkaroon ng matatag na kabuhayan at mas maayos na kinabukasan,” pagtatapos ni Legarda.