Education within reach for children in the margins: Legarda hails the GIDA Schools Act signed into law
July 24, 2026For generations of Filipino families living in the country’s most isolated communities, going to school has often meant walking for hours through mountains, crossing rivers without bridges, riding makeshift boats, or studying in classrooms without electricity and source of water. These are daily realities for thousands of learners in geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA), where distance continues to restrict educational opportunity, and where a child’s future is determined by where they were born rather than by their potential.
Recognizing these persistent hurdles and inequities, Senator Loren Legarda hailed the signing of Republic Act No. 12321, or the Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) Schools Act, on July 23, 2026. Legarda principally authored and co-sponsored the measure, which institutionalizes a whole-of-government approach to ensuring that children in remote communities have equitable access to quality education.
“Ang batas na ito ay para sa mga batang araw‑araw naglalakad sa putikan, tumatawid sa ilog at mga sira-sirang tulay, umaakyat ng bundok, at pumapasok sa paaralang walang kuryente at malinis na tubig upang makapag-aral. Para rin ito sa mga gurong nilalakbay ang parehong hirap upang makapagturo, at sa mga magulang na, sa kabila ng kahirapan, ay hindi sumusuko sa paniniwalang ang edukasyon ang pinakamahalagang maipapamana sa kanilang mga anak.” Legarda said.
“Hindi dapat maging hadlang ang layo, kahirapan, at kakulangan sa imprastraktura sa karapatan ng bawat batang Pilipino na magkaroon ng dekalidad na edukasyon. Ipinapakita ng batas na ito na hindi sila nag-iisa at na ang kanilang mga pangarap ay mahalaga” Legarda added.
The GIDA Schools Act establishes national school accessibility standards to ensure that students have access to basic education schools within a walkable distance of three (3) kilometers from their place of residence or, where this is not feasible, through safe and accessible transportation. It also requires the Department of Education to develop a National GIDA Schools Map that will guide government investments where they are needed most instead of leaving remote communities invisible in national planning.
Recognizing that quality education cannot succeed without basic services, the law mandates coordinated action among government agencies to provide roads, electricity, internet connectivity, environmental safeguards, and support for Indigenous communities. It also promotes disaster-resilient and culturally appropriate school facilities, including the use of sustainable construction materials where appropriate.
For teachers assigned to last-mile schools, the measure provides stronger institutional support through hardship and hazard allowances, housing assistance, professional development opportunities, and localized recruitment to encourage educators to remain in underserved communities.
“Maraming guro ang nagsisilbing hindi lamang tagapagturo kundi tagapag-alaga, tagapayo, at pangalawang magulang sa mga komunidad na matagal nang kulang sa serbisyo. Hindi sapat na tawagin natin silang bayani. Dapat tiyakin ng pamahalaan na mayroon silang sapat na suporta upang maipagpatuloy ang kanilang misyon,” Legarda stressed.
The law likewise institutionalizes culturally responsive education by integrating Indigenous Knowledge Systems and Practices into learning in ancestral domains, while engaging community elders as Indigenous Knowledge Educators. It also strengthens the role of Local School Boards in identifying priority GIDA schools and monitoring investments, with annual reporting to Congress to ensure transparency and accountability.
The enactment of the measure comes as the country continues to grapple with a nationwide education crisis. According to the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), learners in last-mile schools consistently perform among the lowest in the country. In the Grade 10 and Grade 12 National Achievement Tests, nearly 82 percent of learners in GIDA schools failed to meet minimum proficiency standards, underscoring how geography continues to shape educational outcomes.
“Sa maraming mag-aaral sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA), ang pinakamalaking hamon ay ang paglalakbay at ang mga sakripisyong kailangan upang makarating sa paaralan. Kapag ang layo ng biyahe ang nagiging dahilan upang mahuli, lumiban, malagay sa panganib, magkasakit, o tuluyang huminto ang isang bata sa pag-aaral, tungkulin ng pamahalaan na kumilos. Hindi dapat ang lokasyon ng tahanan ang magtakda ng kinabukasan ng isang bata,” Legarda stressed.
A longtime champion of education reform, Legarda previously served as Chairperson of the Senate Committee on Basic Education and of the Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education. She also served as Co-Chairperson of EDCOM II, where she pushed for reforms to address long-standing learning gaps and unequal access to quality education.
“We must stop romanticizing these hardships or using the stories of the few who endured them as proof that the system is working. Their perseverance deserves respect, but suffering should never be treated as a necessary part of education or as a badge of honor. No child should have to risk safety, health, or dignity simply to reach a classroom. The duty of the government is to remove these barriers so that success no longer depends on how much hardship a child can survive,” Legarda concluded. (30)
—————————————————————————
Edukasyong abot-kamay para sa mga batang nasa laylayan: Legarda kinilala ang pagsasabatas ng GIDA Schools Act
Sa loob ng maraming henerasyon ng mga pamilyang Pilipino na naninirahan sa pinakamalalayong komunidad, ang pagpasok sa paaralan ay nangangahulugang oras ng paglalakad sa bundok, pagtawid sa ilog na walang tulay, pagsakay sa bangkang gawa-gawa, o pag-aaral sa silid-aralan na walang kuryente at malinis na tubig. Ito ang araw-araw na realidad ng libo-libong mag-aaral sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA), kung saan ang distansya ang patuloy na humahadlang sa edukasyon, at kung saan ang kinabukasan ng bata ay madalas na natutukoy ng lugar ng kanyang kapanganakan kaysa sa kanyang kakayahan.
Sa pagsasabatas ng Republic Act No. 12321, o Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) Schools Act, noong Hulyo 23, 2026, kinilala ni Senadora Loren Legarda ang hakbang na ito bilang tagumpay para sa mga batang Pilipino sa malalayong komunidad. Siya ang pangunahing may-akda at co-sponsor ng panukalang nagtataguyod ng whole-of-government approach upang matiyak na ang bawat bata ay may patas na akses sa dekalidad na edukasyon.
“Ang batas na ito ay para sa mga batang araw‑araw naglalakad sa putikan, tumatawid sa ilog at mga sira-sirang tulay, umaakyat ng bundok, at pumapasok sa paaralang walang kuryente at malinis na tubig upang makapag-aral. Para rin ito sa mga gurong nilalakbay ang parehong hirap upang makapagturo, at sa mga magulang na, sa kabila ng kahirapan, ay hindi sumusuko sa paniniwalang ang edukasyon ang pinakamahalagang maipapamana sa kanilang mga anak.” ani Legarda.
“Hindi dapat maging hadlang ang layo, kahirapan, at kakulangan sa imprastraktura sa karapatan ng bawat batang Pilipino na magkaroon ng dekalidad na edukasyon. Ipinapakita ng batas na ito na hindi sila nag-iisa at na ang kanilang mga pangarap ay mahalaga” dagdag pa niya.
Itinatakda ng GIDA Schools Act ang pambansang pamantayan sa accessibility ng paaralan upang matiyak na ang mga mag-aaral ay may akses sa mga paaralan sa loob ng tatlong (3) kilometrong distansya mula sa kanilang tirahan o, kung hindi posible, sa pamamagitan ng ligtas at maaasahang transportasyon. Inaatasan din nito ang Department of Education na bumuo ng National GIDA Schools Map upang gabayan ang pamumuhunan ng pamahalaan sa mga lugar na higit na nangangailangan.
Kasama sa batas ang koordinadong aksyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang magbigay ng kalsada, kuryente, internet connectivity, pangangalaga sa kalikasan, at suporta para sa mga katutubong pamayanan. Itinataguyod din nito ang disaster-resilient at culturally appropriate na mga pasilidad ng paaralan.
Para sa mga guro sa last-mile schools, nagbibigay ang batas ng mas matibay na suporta gaya ng hardship at hazard allowances, tulong sa pabahay, oportunidad sa professional development, at localized recruitment upang mahikayat silang manatili sa mga underserved communities.
“Maraming guro ang nagsisilbing hindi lamang tagapagturo kundi tagapag-alaga, tagapayo, at pangalawang magulang sa mga komunidad na matagal nang kulang sa serbisyo. Hindi sapat na tawagin natin silang bayani. Dapat tiyakin ng pamahalaan na mayroon silang sapat na suporta upang maipagpatuloy ang kanilang misyon,” diin ni Legarda.
Isinasama rin ng batas ang culturally responsive education sa pamamagitan ng integrasyon ng Indigenous Knowledge Systems and Practices sa pagkatuto sa ancestral domains, habang kinikilala ang papel ng mga nakatatanda bilang Indigenous Knowledge Educators. Pinalalakas din nito ang papel ng Local School Boards sa pagtukoy ng mga prayoridad na GIDA schools at sa pagsubaybay sa pamumuhunan, na may taunang ulat sa Kongreso upang matiyak ang transparency at accountability.
Ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), halos 82 porsyento ng mga mag-aaral sa GIDA schools ang nabigong maabot ang minimum proficiency standards sa Grade 10 at Grade 12 National Achievement Tests, na nagpapakita kung paanong ang heograpiya ay patuloy na humuhubog sa resulta ng edukasyon.
“Sa maraming mag-aaral sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA), ang pinakamalaking hamon ay ang paglalakbay at ang mga sakripisyong kailangan upang makarating sa paaralan. Kapag ang layo ng biyahe ang nagiging dahilan upang mahuli, lumiban, malagay sa panganib, magkasakit, o tuluyang huminto ang isang bata sa pag-aaral, tungkulin ng pamahalaan na kumilos. Hindi dapat ang lokasyon ng tahanan ang magtakda ng kinabukasan ng isang bata,” diin ni Legarda.
Matagal nang tagapagtaguyod ng reporma sa edukasyon si Legarda, na nagsilbing Chairperson ng Senate Committee on Basic Education at ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education. Siya rin ay naging Co-Chairperson ng EDCOM II, kung saan itinulak niya ang mga reporma upang tugunan ang matagal nang learning gaps at hindi pantay na akses sa dekalidad na edukasyon.
“Kailangan nating itigil ang pag-romantisa sa mga hirap na ito o ang paggamit sa mga kuwento ng iilang nakalampas bilang patunay na gumagana ang sistema. Ang kanilang pagtitiyaga ay karapat-dapat igalang, ngunit ang pagdurusa ay hindi dapat ituring na kinakailangang bahagi ng edukasyon o bilang isang karangalan. Walang bata ang dapat malagay sa panganib, mawalan ng kalusugan, o dignidad para lamang makarating sa silid-aralan. Tungkulin ng pamahalaan na alisin ang mga balakid na ito upang ang tagumpay ay hindi na nakabatay sa kung gaano karaming hirap ang kayang tiisin ng isang bata,” pagtatapos ni Legarda. (30)
