Debate ang hamon ni Legarda sa mga karibal sa pagka bise presidente

February 12, 2010

HINAHAMON NI SEN. LOREN LEGARDA SA ISANG DEBATE ANG KANYANG MGA KARIBAL NA KANDIDATO SA PAGKA BISE PRESIDENTE.
Sa isang pahayag nitong Biyernes, pinuna ni Legarda na di pa nabibigyan ng pagkakataon ang mga kanditato sa pagka bise presidente na ipaliwananag ang kanilang mga plano para sa bayan at magbigay ng kanilang opinyon sa mga importanteng isyu.
“Bilang vice presidential candidate, gusto ko rin namang makapagpaliwanag sa bayan ng aking mga plano,” ani Legarda. “Dapat na magkaroon na matibay na plataporma para sa bayan ang sino man ang susunod na pinakamataas sa pangulo. Nararapat lang na malaman ng mga tao ang opinyon ng magiging vice president tungkol sa mga importanteng isyu ngayon.
Ang mga kandidato sa pagka pangulo, ang dagdag pa niya, ay nagkaroon na nga mga debate na inorganisa ng Philippine Daily Inquirer at ABS-CBN.
“Let the elections be a battle of platforms and ideas,” dagdag pa ni Legarda. “Alam ng mga tao ang kakayahan at paniwala ko. They know where my heart belongs and I leave it up to the public to decide come May 2010.
“Ayoko ko naman na gamitin lang ang aking popularidad para umunsad ang aking kandidatura. May tiwala ako na may tamang edukasyon ang mga Filipino at pipili sila ng tama. Wala akong ambisyon kundi paglingkuran ang bayan at magtrabaho para maging maunlad at makatarungan ang ating lipunan.”
Si Legarda, ang kaisa-isang kandidato sa pagka bise presidente, ay kilala sa kanyang “environment and climate change advocacy.”
Hinihikayat niya rin ang lahat na isulong ang mga pagbabago sa pamamahala ng bayan, partikular na sa agrikultura, edukasyon, kalusugan, at pagpapatibay ng kapatan ng mga babae at kabataan.
Kabilang sa kanyang mga naisulong na mga batas ang mga sumusunod:
* Clean Air Act
* Climate Change Act
* Agri-Agra Law and the Solid Waste Management Act
* Barangay Livelihood and Skills Training Act
* Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises
* Anti-Violence Against Women and Children Act
* Philippine Ear Research Institute Act
* Philippine Tropical Fabric Law
* Rubber Institute Law
* Anti-Child Labor Law
* Anti Trafficking in Persons Act
* Eid’ul Fitr Holiday Law