Back to Home | Back to headline

Birthday Party ni Sen. Loren, Memorable

February 14, 2016

SA Balauarte de San Diego sa Intramuros, Manila ginanap ang post-birthday party ni Sen. Loren Legarda last Thursday evening na dinaluhan ng kanyang malalapit na mga kaibigan in and out of politics.

First time kaming nakarating sa nasabing lugar na napakaganda at tinutulungan ni Sen. Loren na ma-promote. Maging ang table setting at décor ay ibinagay sa lugar na si Sen. Loren na rin mismo ang nagsilbing creative head. Ang Cabalen naman ang nag-cater sa masarap na pagkaing Pinoy.

We’re glad we went dahil bukod sa pagkain at napakagandang ambience, nag-enjoy din kami sa aming tsikahan with our colleagues na sina Shirley Pizarro, Mario Dumaual, Isah Red, Jojo Gabinete at Crispina Belen.

Ang Balauarte de San Diego sa Intramuros ay maganda sa mga outdoor parties like weddings, birthdays and big gatherings.

Source: Journal