Bigger take-home pay, fairer taxes: Legarda files KITA Act to shield Filipino wages from inflation and unfair taxes

July 21, 2026

For a factory worker who takes home the minimum wage every fifteenth and thirtieth, picking up overtime and holiday shifts just to cover rent and school fees, or a retail employee splitting a 13th-month bonus among bills already due at home, the difference between a fair tax and an unfair one shows up in every payslip.

Senator Loren Legarda has filed a new tax reform measure to make sure that the difference works in favor of Filipino families. Senate Bill No. 2255, or the Keeping Incomes Tax-relieved and Augmented (KITA) Act, amends the National Internal Revenue Code of 1997 to raise exemptions, remove unfair taxes on ordinary workers’ earnings, and keep take-home pay in step with the cost of living.

“Ang mas malaking kinikita ng isang manggagawa ay dapat lang na mapunta sa kanya at sa kanyang pamilya at hindi kakainin lamang ng buwis. Ang bawat overtime pay, bonus, at iba pang dagdag-kita ay bunga ng sipag at sakripisyo, dapat lamang itong maging dagdag sa hapag-kainan, pambayad sa matrikula, o pambili ng gamot, hindi dagdag na pasanin,” Legarda stressed.

The measure responds to the rising cost of living that Filipino households have experienced. Philippine Statistics Authority (PSA) data show headline inflation easing to 6.4 % in June, down from 6.8 % in May, though the average for the first half of the year still stood at 4.8 %, well above the government’s 2 to 4 % target range. The World Bank has flagged the oil price shock triggered by the war in the Middle East as a direct threat to household budgets, estimating that sustained high global oil prices could shrink nominal household incomes by as much as 3.3 %.

This affects wage earners on fixed monthly salaries the most. Many Filipino employees earning near the minimum wage still have their overtime, holiday pay, and night shift differential taxed under current law, even though this is often the extra income that helps a family cover a shortfall. The KITA Act removes that tax, extending tax-free treatment on this additional pay to workers at any salary level, so that putting in overtime or holiday work means real extra income rather than pay reduced by tax.

“Walang saysay ang dagdag-sahod kung nauubos din ito sa patuloy na pagtaas ng presyo at sa hindi makatarungang buwis. Kailangan nating tingnan ang buong larawan, mula sa pasahod hanggang sa bulsa ng bawat pamilyang Pilipino,” Legarda said.

Key provisions of the proposed KITA Act include:

  • Raising the annual income tax exemption threshold to Php 400,000, so workers earning up to about Php 33,000 a month would pay no income tax.
  • Increasing the tax-free bonus ceiling to Php 150,000, so more of the 13th month pay and year-end bonuses stay untouched by tax.
  • Removing tax entirely on service charges for service industry workers, and on overtime, holiday, night-shift differential, and hazard pay, so putting in extra hours actually means taking home extra pay.
  • Exempting the honoraria and allowances of election poll workers from tax, so teachers and volunteers who put in long hours running elections keep the full amount they are paid for that work.

To keep the relief from eroding over time, the bill mandates automatic inflation indexation of income tax brackets every five years, preventing what economists call bracket creep, where wage increases push workers into higher tax brackets without any real gain in income. This automatic adjustment is a key safeguard of the KITA Act. Without indexation, Congress would have to amend the law repeatedly whenever inflation diminishes the real value of tax exemptions and brackets, a process that can take years and remains dependent on the slow and uncertain pace of legislation. Filipino workers should not have to wait for another law before the tax system recognizes that the value of their income has already declined.

“Hindi dapat paulit-ulit na naghihintay ang mga manggagawa sa mabagal na proseso ng paggawa ng batas bago maiangkop ang buwis sa pagtaas ng presyo. Dapat awtomatikong napapanatili ang tunay na halaga ng kanilang kinikita. Kapag tumataas ang presyo ng mga bilihin,dapat sumasabay ang mga tax exemption at income brackets upang mapangalagaan ang purchasing power ng bawat pamilyang Pilipino,” Legarda said.

Legarda emphasized that automatic indexation would make the tax system more responsive and durable, ensuring that inflation does not silently increase the tax burden on workers or gradually take away relief already granted by law.

The bill also restructures fringe benefit taxation, replacing the flat 35 % rate with progressive brackets, exempting employer-paid insurance premiums, and cutting the tax on life and health insurance premiums from 12 % VAT to 2 %. Micro-enterprises would see their VAT-exempt threshold rise from Php 3 million to Php 4 million, receive a 50 % additional deduction on labor expenses, and gain exemption from withholding tax obligations. Establishments granting discounts to senior citizens, persons with disabilities, and solo parents would be allowed to claim these as direct tax credits, easing the cost of compliance for small businesses that serve their communities every day.

The measure also carries administrative relief, including extended tax filing deadlines during calamities, simplified registration requirements, and the removal of the Tax Identification Number requirement for cooperative members availing of exemptions.

Legarda’s KITA Act builds on legislation she has already authored or pushed for, including Republic Act No. 12316, the Fuel Tax Relief Act, which allows the government to suspend excise taxes on petroleum products during price spikes, as well as the proposed Differentiated VAT Rates Act, Murang Bilihin at Serbisyong Medikal Act, and the removal of VAT on electricity charges.

Legarda concluded that the KITA Act represents both social and economic reform, noting that Filipino workers have long sustained the nation through difficult times.

“Hindi dapat pasanin ng ordinaryong Pilipino ang epekto ng krisis. Tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang halaga ng bawat kinikita ng manggagawa at tiyaking mas marami ang naiuuwing kita para sa pagkain, edukasyon, kalusugan, at iba pang pangangailangan ng pamilya,” Legarda said.

There are several tax reform measures filed in the Senate which puts importance on the take-home income of Filipinos. Senator Legarda’s KITA Act contributes a distinct safeguard by automatically adjusting income tax brackets every five years based on inflation, helping preserve the real value of workers’ earnings. (30)

————————————————————————-

Mas malaking take-home pay, mas makatarungang buwis: Legarda inihain ang KITA Act para protektahan ang sahod ng mga Pilipino laban sa inflation at hindi makatarungang pagbubuwis

Para sa isang manggagawa sa pabrika na kumikita ng minimum wage tuwing kinsenas at katapusan, kumakayod pa ng overtime at holiday shifts para lang matustusan ang renta at matrikula, o empleyado sa retail na hinahati-hati ang 13th month bonus sa mga bayaring nakapila na sa bahay, nakikita sa bawat payslip ang kaibahan ng makatarungan at hindi makatarungang buwis.

Inihain ni Senadora Loren Legarda ang isang bagong panukalang reporma sa buwis upang matiyak na ang kaibahang ito ay pabor sa mga pamilyang Pilipino. Ang Senate Bill No. 2255, o Keeping Incomes Tax-relieved and Augmented (KITA) Act, ay nag-aamyenda sa National Internal Revenue Code of 1997 upang itaas ang exemptions, alisin ang hindi makatarungang buwis sa kita ng karaniwang manggagawa, at panatilihing nakaayon ang take-home pay sa tumataas na gastusin sa pamumuhay.

“Ang mas malaking kinikita ng isang manggagawa ay dapat lang na mapunta sa kanya at sa kanyang pamilya at hindi kakainin lamang ng buwis. Ang bawat overtime pay, bonus, at iba pang dagdag-kita ay bunga ng sipag at sakripisyo, dapat lamang itong maging dagdag sa hapag-kainan, pambayad sa matrikula, o pambili ng gamot, hindi dagdag na pasanin,” diin ni Legarda.

Tugon ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin na ramdam ng bawat sambahayan. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba sa 6.4% ang headline inflation noong Hunyo mula sa 6.8% noong Mayo, ngunit nanatiling nasa 4.8% ang average para sa unang kalahati ng taon—mas mataas pa rin sa target na 2 hanggang 4% ng pamahalaan. Binalaan ng World Bank na ang oil price shock dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan ay direktang banta sa badyet ng mga pamilya, tinatayang maaaring magpababa ng nominal household incomes ng hanggang 3.3%.

Pinakamalaking apektado ang mga empleyadong may takdang buwanang sahod. Sa ilalim ng kasalukuyang batas, kahit ang overtime, holiday pay, at night shift differential ng mga kumikita malapit sa minimum wage ay nabubuwisan pa rin, kahit ito ang madalas na pantustos sa kakulangan ng pamilya. Tatanggalin ng KITA Act ang buwis na ito, at gagawing tax-free ang dagdag na kita mula sa overtime, holiday work, at iba pa, upang ang dagdag na oras ng trabaho ay tunay na dagdag na kita at hindi bawas dahil sa buwis.

“Walang saysay ang dagdag-sahod kung nauubos din ito sa patuloy na pagtaas ng presyo at sa hindi makatarungang buwis. Kailangan nating tingnan ang buong larawan, mula sa pasahod hanggang sa bulsa ng bawat pamilyang Pilipino,” ani Legarda.

Pangunahing probisyon ng KITA Act:

  • Itataas ang annual income tax exemption threshold sa Php 400,000, kaya’t ang mga kumikita ng hanggang Php 33,000 kada buwan ay hindi na magbabayad ng income tax.
  • Tataas ang tax-free bonus ceiling sa Php 150,000, kaya’t mas malaking bahagi ng 13th month pay at year-end bonuses ay hindi na mabubuwisan.
  • Tatanggalin ang buwis sa service charges ng mga manggagawa sa service industry, gayundin sa overtime, holiday, night-shift differential, at hazard pay.
  • Gagawing tax-free ang honoraria at allowances ng mga election poll workers, upang ang mga guro at volunteers ay makuha nang buo ang kanilang bayad.

Upang mapanatili ang ginhawa mula sa buwis sa paglipas ng panahon, inaatasan ng panukalang batas ang awtomatikong inflation indexation ng income tax brackets kada limang taon, upang maiwasan ang tinatawag ng mga ekonomista na bracket creep, kung saan ang pagtaas ng sahod ay nagtutulak sa mga manggagawa sa mas mataas na tax bracket nang walang tunay na pagtaas sa kita. Ang awtomatikong pagsasaayos na ito ay isang mahalagang proteksyon ng KITA Act. Kung walang indexation, kakailanganing amyendahan ng Kongreso ang batas nang paulit-ulit tuwing bumababa ang tunay na halaga ng tax exemptions at brackets dahil sa implasyon—isang prosesong maaaring tumagal ng maraming taon at nakadepende pa sa mabagal at hindi tiyak na takbo ng lehislasyon. Hindi dapat maghintay ang mga manggagawang Pilipino ng panibagong batas bago kilalanin ng tax system na bumaba na ang tunay na halaga ng kanilang kita.

“Hindi dapat paulit-ulit na naghihintay ang mga manggagawa sa mabagal na proseso ng paggawa ng batas bago maiangkop ang buwis sa pagtaas ng presyo. Dapat awtomatikong napapanatili ang tunay na halaga ng kanilang kinikita. Kapag tumataas ang presyo ng mga bilihin, dapat sumasabay ang mga tax exemption at income brackets upang mapangalagaan ang purchasing power ng bawat pamilyang Pilipino,” dagdag ni Legarda.

Binigyang-diin ni Legarda na ang automatic indexation ay magpapalakas sa pagiging responsive at matibay ng tax system, upang hindi tahimik na tumaas ang pasaning buwis ng mga manggagawa o unti-unting mawala ang naibigay na ginhawa.

Kasama rin sa panukala ang pagbabago sa fringe benefit taxation, mula sa flat 35% rate tungo sa progressive brackets, exemption sa employer-paid insurance premiums, at pagbaba ng buwis sa life at health insurance premiums mula 12% VAT tungo sa 2%. Para sa micro-enterprises, tataas ang VAT-exempt threshold mula Php 3 milyon tungo sa Php 4 milyon, may 50% karagdagang deduction sa labor expenses, at exemption sa withholding tax obligations. Ang mga establisyementong nagbibigay ng diskwento sa senior citizens, PWDs, at solo parents ay maaaring i-claim ito bilang direct tax credits.

Kasama rin ang administratibong ginhawa gaya ng extension ng tax filing deadlines tuwing may kalamidad, mas pinasimpleng registration requirements, at pagtanggal ng TIN requirement para sa mga miyembro ng kooperatiba na may exemptions.

Ang KITA Act ay nakabatay sa mga nauna nang batas na isinulong ni Legarda gaya ng Republic Act No. 12316, ang Fuel Tax Relief Act, na nagbibigay kapangyarihan sa pamahalaan na suspindihin ang excise taxes sa produktong petrolyo tuwing may price spikes, gayundin ang mga panukalang Differentiated VAT Rates Act, Murang Bilihin at Serbisyong Medikal Act, at pagtanggal ng VAT sa singil sa kuryente.

Itinuring ni Legarda na ang KITA Act ay parehong repormang panlipunan at pang-ekonomiya, binigyang-diin na matagal nang nagsisilbing haligi ng bansa ang mga manggagawang Pilipino sa gitna ng mga pagsubok.

“Hindi dapat pasanin ng ordinaryong Pilipino ang epekto ng krisis. Tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang halaga ng bawat kinikita ng manggagawa at tiyaking mas marami ang naiuuwing kita para sa pagkain, edukasyon, kalusugan, at iba pang pangangailangan ng pamilya,” pagtatapos ni Legarda.

May ilang panukalang reporma sa buwis na inihain sa Senado na nagbibigay-diin sa take-home income ng mga Pilipino. Ang KITA Act ni Senadora Legarda ay nagbibigay ng natatanging proteksyon sa pamamagitan ng awtomatikong pag-aayos ng income tax brackets kada limang taon batay sa implasyon, upang mapanatili ang tunay na halaga ng kita ng mga manggagawang Pilipino. (30)