Bayanihan 3: Legarda calls for nationwide response, proposes time-bound crisis tax package
April 13, 2026As the 2026 global oil crisis pushes up the cost of fuel, electricity, food, and other essentials, Senator Loren Legarda has filed Senate Bill No. 2020, or the Bayanihan 3: Power to the People Act, a comprehensive emergency bill that pairs immediate relief for ordinary Filipinos with a temporary, crisis-specific revenue package. Among its key features is a one-time wealth levy on ultra-high-net-worth individuals, designed to ensure that those most capable of absorbing the shock contribute more, but only for the limited period of the national emergency.
The proposal introduces a one-time Solidarity Wealth Contribution on net assets of individuals with wealth exceeding ₱1 billion. The levy is tiered and progressive, with 1 percent imposed on assets above ₱1 billion, 2 percent above ₱2 billion, 3 percent above ₱3 billion, and 4 percent above ₱4 billion. Structured as a one-time emergency measure, the contribution ceases upon termination of the national emergency unless otherwise provided by Congress. Primary residences and assets directly used in active business operations may qualify for exemptions under implementing guidelines.
“Ang panukalang ito ay panawagan sa tunay na bayanihan. Sa gitna ng krisis, lahat tayo dapat magbahagi ng pasanin ayon sa ating kakayahan. Hindi puwedeng ang ordinaryong Pilipino lang ang laging unang tinatamaan ng taas-presyo, habang ang pamahalaan naman ay limitado sa piecemeal na tugon. Kaya sa panukalang ito, ang mga may mas malaking kakayahang tumulong ay inaasahang makikibahagi rin, pansamantala, upang may maipantustos sa agarang tulong para sa mga pinakaapektadong sektor,” Legarda said.
The Solidarity Wealth Contribution is part of a four-pillar progressive tax package designed to ensure burden-sharing and raise revenues for the crisis fund. Alongside the wealth levy, the bill requires the Executive to look into the possibility of imposing a windfall profit levy of up to 15 percent on extraordinary crisis-related profits of public utilities and corporations in energy, transport, and water.
The bill also requires the Executive to immediately assess, within 30 days, a temporary luxury goods tax on items such as luxury vehicles, jewelry, yachts, private aircraft, high-end fashion, and premium real estate. These revenue measures are proposed to offset the fiscal impact of temporarily suspending or reducing certain taxes in order to deliver immediate relief to the sectors most affected by the crisis. Among the relief measures contemplated are VAT reductions or suspensions on basic commodities, essential medicines, and medical supplies.
Legarda explained that all revenues generated from these measures accrue to a dedicated special purpose fund for emergency response, fuel subsidies, social protection, food security, and energy stabilization. Any unspent balances revert to the General Fund after the emergency ends.
“Iisa lang ang bayan natin. Sa panahon ng krisis, hindi puwedeng may naiiwan at hindi puwedeng iilan lang ang kumikilos. Lahat tayo ay may papel, ang gobyerno, ang pribadong sektor, at ang bawat Pilipino, na mag-ambag ayon sa ating kakayahan dahil hindi natin alam kung hanggang kailan magtatagal ang krisis na ito. Kailangan nating maitawid ang bawat isa sa panahong ito,” Legarda said.
Beyond the tax package, Legarda said that the bill authorizes the Department of Finance, in coordination with the Department of Energy, to suspend, reduce, or defer excise taxes on gasoline, diesel, kerosene, and LPG, and to temporarily suspend, reduce, or zero-rate VAT on petroleum products. Relief must be immediately reflected in retail pump prices, with the Department of Finance required to submit a report within seven days detailing its basis, scope, fiscal impact, and expected consumer price effect.
The proposed measure also strengthens market monitoring and consumer protection. The Department of Energy is empowered to require complete industry data and to establish a National Energy Real-Time Monitoring System to detect predatory pricing and cartel behavior. The Energy Regulatory Commission is likewise directed to review electricity bill components and enforce temporary consumer relief measures, including the suspension or restructuring of charges and the review of VAT on pass-through items.
Legarda has built in a safeguard requiring all fiscal measures, including the wealth tax and windfall levy, to undergo rapid assessment covering feasibility, legal basis, constitutional defensibility, administrative workability, and fiscal impact before implementation. Agencies must complete this review within thirty days of effectivity.
“Hindi rin puwedeng ang iilang apektadong ahensya lang ang kumikilos. Dapat buong makinarya ng gobyerno ang gumagalaw. May ilang ahensya na ngang nagsisimula nang mag-isip ng kani-kanilang ambag, at kahit walang direktiba, nagpakita na ng agarang pagtulong sa ating mga kababayan. Walang dahilan para hindi ito tularan ng iba pang sangay ng pamahalaan. Ang tanong dito, ahensya, ano ang ambag mo ngayong krisis?”
“Kaya inoobliga rin ng Bayanihan 3 ang iba’t ibang ahensya na agad aralin ang mga polisiya, ilabas ang datos, at gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang matukoy kung ano ang legal, makatarungan, at praktikal na maipatutupad. Kailangan mabilis, hindi tulad ng nakikita natin ngayon, pero siyempre kailangan siguraduhin na maayos, para maipalabas natin ang mga polisiyang tunay na makakatulong sa ating mga kababayan,” she added.
The comprehensive package balances urgent relief with long-term resilience, ensuring that no Filipino is left behind in the face of the global oil crisis. Senate Bill No. 2020 was filed and received by the Office of the Secretary on April 6, 2026, during the 20th Congress, First Regular Session. (30)
——————————————————————
Bayanihan 3: Panukala ni Legarda para sa agarang tulong at patas na buwis sa panahon ng krisis
Dahil sa pandaigdigang krisis sa langis ngayong 2026 na nagpapataas ng presyo ng gasolina, kuryente, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan, naghain si Senadora Loren Legarda ng Senate Bill No. 2020 o ang Bayanihan 3: Power to the People Act. Ito ay isang komprehensibong panukalang batas na naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga mamamayan habang nagtatakda ng mga hakbang sa buwis na nakatuon sa panahon ng krisis. Isa sa pangunahing probisyon nito ang isang beses na buwis sa sobrang yaman ng mga indibidwal na may pinakamalaking kakayahang mag-ambag, upang sila ay makibahagi sa pasanin sa limitadong panahon ng pambansang emerhensiya.
Ipinapanukala ang Solidarity Wealth Contribution na ipapataw sa netong ari-arian ng mga indibidwal na may higit sa ₱1 bilyon. Ang buwis ay progresibo: 1% sa yaman na higit ₱1 bilyon, 2% sa higit ₱2 bilyon, 3% sa higit ₱3 bilyon, at 4% sa higit ₱4 bilyon. Isang beses lamang itong ipatutupad bilang tugon sa emerhensiya at matatapos sa oras na ideklara ng Kongreso na tapos na ang krisis. Maaaring ma-exempt ang pangunahing tirahan at mga ari-ariang direktang ginagamit sa aktibong negosyo, batay sa ipalalabas na patakaran.
“Ang panukalang ito ay panawagan sa tunay na bayanihan. Sa gitna ng krisis, lahat tayo dapat magbahagi ng pasanin ayon sa ating kakayahan. Hindi puwedeng ang ordinaryong Pilipino lang ang laging unang tinatamaan ng taas-presyo, habang ang pamahalaan naman ay limitado sa piecemeal na tugon. Kaya sa panukalang ito, ang mga may mas malaking kakayahang tumulong ay inaasahang makikibahagi rin, pansamantala, upang may maipantustos sa agarang tulong para sa mga pinakaapektadong sektor,” pahayag ni Legarda.
Bahagi ang Solidarity Wealth Contribution ng apat na haliging progresibong panukala sa buwis na naglalayong tiyakin ang patas na pagbabahagi ng pasanin at makalikom ng pondo para sa krisis. Kasama rito ang panukalang windfall profit levy na hanggang 15% sa sobrang kita ng mga korporasyon sa enerhiya, transportasyon, at tubig.
Inaatasan din ang Ehekutibo na agad suriin, sa loob ng 30 araw, ang pansamantalang buwis sa mga luho gaya ng mamahaling sasakyan, alahas, yate, pribadong eroplano, high-end na moda, at premium na real estate. Ang mga hakbang na ito ay nakalaan upang mabalanse ang epekto ng pansamantalang suspensyon o pagbabawas ng ilang buwis para sa agarang ginhawa ng mga pinakaapektadong sektor, kabilang ang pagbawas o suspensyon ng VAT sa pangunahing bilihin, gamot, at suplay medikal.
Ipinaliwanag ni Legarda na lahat ng kikitain mula sa mga hakbang na ito ay ilalaan sa espesyal na pondo para sa agarang tugon, subsidiya sa gasolina, proteksyong panlipunan, seguridad sa pagkain, at pagpapanatag ng enerhiya. Ang anumang hindi magamit ay ibabalik sa General Fund matapos ang krisis.
“Iisa lang ang bayan natin. Sa panahon ng krisis, hindi puwedeng may naiiwan at hindi puwedeng iilan lang ang kumikilos. Lahat tayo ay may papel, ang gobyerno, ang pribadong sektor, at ang bawat Pilipino, na mag-ambag ayon sa ating kakayahan dahil hindi natin alam kung hanggang kailan magtatagal ang krisis na ito. Kailangan nating maitawid ang bawat isa sa panahong ito,” ani Legarda.
Bukod sa mga panukala sa buwis, binibigyan ng kapangyarihan ng panukalang batas ang Department of Finance, katuwang ang Department of Energy, na pansamantalang suspindihin o bawasan ang excise tax sa gasolina, diesel, kerosene, at LPG, at pansamantalang suspindihin o gawing zero-rated ang VAT sa produktong petrolyo. Dapat agad makita ang epekto nito sa presyo sa mga gasolinahan, at obligadong magsumite ng ulat ang DOF sa loob ng pitong araw hinggil sa batayan, saklaw, epekto sa pananalapi, at inaasahang epekto sa presyo.
Pinalalakas din ng panukala ang pagbabantay sa merkado at proteksyon sa mamimili. Binibigyan ng kapangyarihan ang Department of Energy na hingin ang kumpletong datos mula sa industriya at magtatag ng National Energy Real-Time Monitoring System upang matukoy ang mapagsamantalang presyo at sabwatan. Inaatasan din ang Energy Regulatory Commission na suriin ang mga singil sa kuryente at ipatupad ang pansamantalang ginhawa para sa konsumer, kabilang ang suspensyon o pagbabago ng mga singil at pagsusuri sa VAT sa mga pass-through items.
May nakapaloob na safeguard ang panukala na nag-oobliga sa lahat ng hakbang sa buwis, kabilang ang wealth tax at windfall levy, na sumailalim sa mabilis na pagsusuri hinggil sa pagiging posible, legal na batayan, konstitusyonal na depensibilidad, praktikal na pagpapatupad, at epekto sa pananalapi bago ipatupad. Inaatasan ang mga ahensya na tapusin ang pagsusuri sa loob ng tatlumpung araw mula sa bisa ng batas.
“Hindi rin puwedeng ang iilang apektadong ahensya lang ang kumikilos. Dapat buong makinarya ng gobyerno ang gumagalaw. May ilang ahensya na ngang nagsisimula nang mag-isip ng kani-kanilang ambag, at kahit walang direktiba, nagpakita na ng agarang pagtulong sa ating mga kababayan. Walang dahilan para hindi ito tularan ng iba pang sangay ng pamahalaan. Ang tanong dito, ahensya, ano ang ambag mo ngayong krisis?,” saad ni Legarda.
“Kaya inoobliga rin ng Bayanihan 3 ang iba’t ibang ahensya na agad aralin ang mga polisiya, ilabas ang datos, at gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang matukoy kung ano ang legal, makatarungan, at praktikal na maipatutupad. Kailangan mabilis, pero siguradong maayos, para maipalabas natin ang mga polisiyang tunay na makakatulong sa ating mga kababayan,” dagdag ni Legarda.
Ang komprehensibong panukalang ito ay nagtataguyod ng agarang ginhawa at pangmatagalang katatagan, upang matiyak na walang Pilipinong maiiwan sa harap ng pandaigdigang krisis sa langis. Ang Senate Bill No. 2020 ay inihain at tinanggap ng Office of the Secretary noong Abril 6, 2026, sa ika-20 Kongreso, Unang Regular na Sesyon. (30)
