Legarda pushes Clean Gateway Cities Act: Clean streets should be the norm, not just for ASEAN
November 25, 2026Senator Loren Legarda renewed her call for the passage of Senate Bill No. 525, or the Clean Gateway Cities Act of 2025, which seeks to institutionalize regular cleaning, upkeep, and maintenance of public spaces and facilities in major Philippine cities.
Filed as early as July 2025, the measure proposes monthly deep-cleaning of public roads, sidewalks, and walkways, regular maintenance of public facilities, quarterly cleanliness inspections, and public reporting of compliance. It also establishes a citizen reporting mechanism to ensure that complaints about neglected facilities receive government attention.
Legarda said the recent extensive cleanup and beautification efforts undertaken in preparation for the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit demonstrate what government agencies and local authorities can accomplish when cleanliness becomes a priority.
“Why should it take an ASEAN Summit for our streets to be cleaned and our public spaces to receive proper attention? If we can mobilize people and resources to prepare our cities for visiting foreign dignitaries, surely we can sustain the same commitment for Filipinos who use these spaces every single day,” Legarda said.
The senator emphasized that maintaining clean and orderly public spaces is a basic responsibility of government that should be carried out consistently, regardless of whether major international events are taking place.
“Hindi naman natin hinihintay na may bisita bago maglinis ng sariling bahay. Kung paano natin inaalagaan ang ating tahanan, ganoon din dapat nating pangalagaan ang ating mga lansangan, parke, pampublikong gusali, at kapaligiran. Bakit kailangang may international event pa bago natin makita ang ganitong pagkilos?” said Legarda.
Legarda also pointed to the condition of existing public infrastructure, citing the accumulated dirt and grime on many MRT support columns as an example of the need for routine cleaning.
“Tingnan na lang natin ang mga poste ng MRT. Marami sa mga ito, nangingitim na sa naipong dumi. Hindi ba maaaring regular na linisin ang mga ito, kahit sa pamamagitan ng pressure-washing kung angkop at ligtas naman? Basic maintenance lang ito. Hindi kailangang hintaying manlimahid ang ating mga pampublikong imprastruktura bago natin bigyang-pansin,” she said.
Legarda stressed that regular cleaning and preventive maintenance can help preserve public assets, prevent deterioration, and reduce the need for more costly rehabilitation in the future.
Under her proposed Clean Gateway Cities Act, local governments would be required to maintain publicly accessible cleaning schedules, conduct regular inspections, and establish mechanisms through which citizens can report neglected public spaces and facilities. Compliance would be monitored through a cleanliness audit system.
She urged the Department of the Interior and Local Government (DILG), the Department of Public Works and Highways (DPWH), the Department of Transportation (DOTr), and local governments to sustain the cleaning efforts undertaken during the ASEAN preparations through regular maintenance schedules, clearly assigned responsibilities, and adequate funding.
“Ang kalinisan at kaayusan ay hindi dapat pakitang-tao. Hindi dapat tayo nagmamadaling maglinis kapag may darating na bisita, pagkatapos ay babalik na naman sa dati kapag nakaalis na sila,” Legarda said.
“The preparations for ASEAN have shown what government can accomplish when it makes cleanliness a priority. Our people deserve clean, safe, and well-maintained public spaces every day, whether or not the world is watching,” she concluded. (30)
– – – – – – –
Legarda itinutulak ang Clean Gateway Cities Act: Kalinisan sa mga lansangan dapat maging pamantayan, hindi lamang tuwing may ASEAN
Muling iginiit ni Senador Loren Legarda ang panawagan para sa pagpasa ng Senate Bill No. 525, o ang Clean Gateway Cities Act of 2025, na naglalayong gawing regular at tuluy-tuloy ang paglilinis, pangangalaga, at pagpapanatili ng kaayusan sa mga pampublikong lugar at pasilidad sa mga pangunahing lungsod sa Pilipinas.
Inihain noong Hulyo 2025, itinatakda ng panukalang batas ang buwanang masusing paglilinis ng mga pampublikong kalsada, bangketa, at daanan, regular na maintenance ng mga pampublikong pasilidad, quarterly na inspeksyon sa kalinisan, at pagsusumite ng mga ulat tungkol sa pagsunod sa mga itinakdang pamantayan. Nagtatakda rin ito ng mekanismo kung saan maaaring mag-ulat ang mga mamamayan ng mga napapabayaang pasilidad upang matiyak na mabibigyan ng kaukulang aksyon ng pamahalaan ang kanilang mga reklamo.
Ayon kay Legarda, ipinakita ng malawakang paglilinis at pagpapaganda ng mga lungsod bilang paghahanda sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ang kayang gawin ng mga ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan kung bibigyan ng prayoridad ang kalinisan.
“Bakit kailangan pang magkaroon ng ASEAN Summit bago linisin ang ating mga lansangan at bigyang-pansin ang ating mga pampublikong lugar? Kung kaya nating magpakilos ng mga tao at maglaan ng mga kagamitan at pondo upang ihanda ang ating mga lungsod sa pagdating ng mga dayuhang panauhin, tiyak na kaya rin nating panatilihin ang ganitong dedikasyon para sa mga Pilipinong araw-araw na gumagamit ng mga lugar na ito,” ani Legarda.
Binigyang-diin ng senadora na pangunahing tungkulin ng pamahalaan ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga pampublikong lugar. Dapat itong isagawa nang tuluy-tuloy, may malalaking pandaigdigang pagtitipon man o wala.
“Hindi naman natin hinihintay na may bisita bago maglinis ng sariling bahay. Kung paano natin inaalagaan ang ating tahanan, ganoon din dapat nating pangalagaan ang ating mga lansangan, parke, pampublikong gusali, at kapaligiran. Bakit kailangang may international event pa bago natin makita ang ganitong pagkilos?” diin ni Legarda.
Itinuro rin ng senador ang kalagayan ng ilang umiiral na imprastruktura, partikular ang naipong dumi sa mga haligi at poste ng MRT, bilang halimbawa ng pangangailangan para sa regular na paglilinis at pagmamantini.
“Tingnan na lang natin ang mga poste ng MRT. Marami sa mga ito, nangingitim na sa naipong dumi. Hindi ba maaaring regular na linisin ang mga ito, kahit sa pamamagitan ng pressure-washing kung angkop at ligtas naman? Basic maintenance lang ito. Hindi kailangang hintaying manlimahid ang ating mga pampublikong imprastruktura bago natin bigyang-pansin,” aniya.
Ayon kay Legarda, makatutulong ang regular na paglilinis at maagap na pagmamantini upang mapangalagaan ang mga pampublikong ari-arian, maiwasan ang pagkasira ng mga ito, at mabawasan ang pangangailangan sa mas magastos na rehabilitasyon sa hinaharap.
Sa ilalim ng kanyang panukalang Clean Gateway Cities Act, inaatasan ang mga lokal na pamahalaan na magtakda at maglabas ng mga iskedyul ng paglilinis na maaaring makita ng publiko, magsagawa ng regular na inspeksyon, at magtatag ng mga mekanismo kung saan maaaring magsumbong ang mga mamamayan tungkol sa mga napapabayaang pampublikong lugar at pasilidad. Susubaybayan ang pagsunod sa mga pamantayan sa pamamagitan ng isang sistema ng pagsusuri sa kalinisan.
Hinimok niya ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), at mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang mga pagsisikap sa paglilinis na isinagawa bilang paghahanda sa ASEAN sa pamamagitan ng regular na iskedyul ng pagmamantini, malinaw na pagtatalaga ng mga responsibilidad, at sapat na pondo.
“Ang kalinisan at kaayusan ay hindi dapat pakitang-tao. Hindi dapat tayo nagmamadaling maglinis kapag may darating na bisita, pagkatapos ay babalik na naman sa dati kapag nakaalis na sila,” ani Legarda.
“Ipinakita ng mga paghahanda para sa ASEAN kung ano ang kayang gawin ng pamahalaan kapag ginagawa nitong prayoridad ang kalinisan. Karapat-dapat ang ating mga kababayan sa malinis, ligtas, at maayos na mga pampublikong lugar araw-araw, may nakatingin man sa atin mula sa ibang bansa o wala,” pagtatapos niya. (30)
