Ilan nga ba sa mga kababaihang humubog sa ating kasaysayan ang kilala natin?: Legarda seeks to make their stories known through museums and classrooms
November 24, 2026Senator Loren Legarda is seeking to give Filipino women greater recognition in Philippine history through two proposed measures that would establish a dedicated museum and strengthen the teaching of women’s contributions to nation-building in schools.
Through Senate Bill No. 2608, or the proposed Museum of Filipino Women Act, and Senate Bill No. 2609, or the Lakambini Act of 2026, Legarda aims to preserve and bring greater public attention to the stories of women whose leadership, sacrifices, and everyday contributions have helped shape the nation but have often received little recognition in historical accounts.
“Maraming kababaihan ang nag-alay ng kanilang talino, lakas, at buhay para sa ating bayan, pero ilan ba sa kanilang mga kuwento ang tunay nating kilala? May mga babaeng lumaban para sa ating kalayaan, nagtaguyod ng mga komunidad, at nanguna sa iba’t ibang larangan. Dapat may puwang sila sa ating mga museo, sa mga aklat na binabasa ng ating mga anak, at sa kasaysayang ipinapasa natin sa kanila,” Legarda said.
Under the proposed measure, the Museum of Filipino Women, or Museo ng Kababaihang Pilipino, would be established as a specialized museum within the National Museum of the Philippines, operating under its existing governance structure without creating a separate government agency or governing board.
The museum would document, preserve, study, and exhibit the experiences and contributions of Filipino women across generations, from revolutionaries and community leaders to farmers, fisherfolk, weavers, caregivers, migrant workers, educators, artists, and scientists. It would also give attention to Indigenous and Moro women, women with disabilities, and those who experienced war, displacement, discrimination, and gender-based violence, with safeguards for consent, privacy, dignity, and cultural rights.
The proposed museum would feature permanent, traveling, and digital exhibitions, including community-led displays and a searchable public digital collection. Regular exhibitions and publicly available digital materials would be accessible free of charge, subject to applicable safeguards, while regional partnerships and online programs would extend its reach beyond Metro Manila.
Complementing this effort, Senate Bill No. 2609, or the Lakambini Act, seeks to ensure that the lives, struggles, achievements, and contributions of historically significant Filipino women are reflected in relevant subjects and educational activities in public and private basic education institutions.
Rather than creating a separate subject, the Lakambini Act would integrate women’s histories into existing learning areas, including history, social studies, literature, arts, culture, and science. The Department of Education (DepEd) would develop age-appropriate learning materials, while the Commission on Higher Education (CHED) would prepare model frameworks and recommended approaches for colleges and universities, consistent with academic freedom and curricular autonomy.
“Kung ang mga bata natin ay lumaki na iilan lang ang babaeng nakikilala nila sa kasaysayan, paano nila mauunawaan ang laki ng naging ambag ng kababaihan sa ating bansa? Gusto nating makilala nila ang mga babaeng naging bayani, siyentista, guro, manggagawa, at pinuno. Dapat makita ng ating mga kabataan na ang kababaihan ay may malaking bahagi sa pagbuo ng ating bayan,” Legarda emphasized.
The measure also encourages the use of literature, films, documentaries, theater, digital media, and community-based artworks to make learning more accessible and engaging, while recognizing local leaders, Indigenous women, and other women whose contributions are supported by historical evidence.
Both proposals build on existing legislation advancing women’s rights, cultural preservation, and education, including Republic Act No. 9710, or the Magna Carta of Women, which Legarda helped advance as Author and Co-sponsor. The law provides for the appropriate revision of gender stereotypes and images in educational materials and curricula.
They also complement Republic Act No. 11333, or the National Museum of the Philippines Act, for which Legarda was Principal Author and Co-sponsor, and Republic Act No. 11961, which strengthened cultural mapping and heritage education and which she advanced as Author and Principal Sponsor.
Together, these laws and proposed measures seek to connect the preservation of women’s histories with their recognition in education, giving Filipinos a fuller understanding of the people who helped build the nation.
“Ang kasaysayan ng Pilipinas ay kasaysayan din ng ating mga ina, lola, guro, manggagawa, at mga babaeng tahimik na nagsilbi sa kanilang komunidad. Marami sa kanila ang hindi nabigyan ng pagkilalang nararapat sa kanila. Gusto nating matiyak na hindi mawawala ang kanilang mga kuwento at may pagkakataong makilala sila ng mga kabataang Pilipino. Dahil kapag mas nakikilala natin ang mga babaeng humubog sa ating bayan, mas nauunawaan natin ang ating sariling kasaysayan,” Legarda concluded. (30)
– – – – – –
Legarda, isinusulong ang pagkilala sa mga kababaihang humubog sa ating kasaysayan sa pamamagitan ng mga museo at paaralan
Nais ni Senador Loren Legarda na mas makilala ng mga Pilipino ang kababaihang may malaking ambag sa kasaysayan ng bansa sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang museo at pagsasama ng kanilang mga kuwento sa mga aralin sa paaralan.
Inihain ng Senador ang Senate Bill No. 2608, o ang panukalang Museum of Filipino Women Act, at Senate Bill No. 2609, o ang Lakambini Act of 2026, upang mapangalagaan at mabigyang-pansin ang mga kuwento ng kababaihang tumulong sa paghubog ng ating bayan. Kabilang dito ang mga babaeng naging pinuno, nakipaglaban para sa kalayaan, at naglingkod sa kanilang mga komunidad, ngunit hindi gaanong nabigyan ng pagkilala sa kasaysayan.
“Maraming kababaihan ang nag-alay ng kanilang talino, lakas, at buhay para sa ating bayan, pero ilan ba sa kanilang mga kuwento ang tunay nating kilala? May mga babaeng lumaban para sa ating kalayaan, nagtaguyod ng mga komunidad, at nanguna sa iba’t ibang larangan. Dapat may puwang sila sa ating mga museo, sa mga aklat na binabasa ng ating mga anak, at sa kasaysayang ipinapasa natin sa kanila,” ayon kay Legarda.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 2608, itatatag ang Museo ng Kababaihang Pilipino bilang isang espesyal na museo sa loob ng National Museum of the Philippines. Pamamahalaan ito sa ilalim ng kasalukuyang sistema ng National Museum kaya hindi na kailangang bumuo ng hiwalay na ahensya o lupon para rito.
Layunin ng museo na tipunin, pag-aralan, pangalagaan, at ipakita sa publiko ang mga karanasan at ambag ng kababaihang Pilipino sa iba’t ibang panahon. Kabilang dito ang mga rebolusyonaryo, pinuno ng komunidad, magsasaka, mangingisda, manghahabi, tagapag-alaga, manggagawang nasa ibang bansa, guro, artista, at siyentista.
Bibigyang-pansin din ang mga kuwento ng mga katutubo at kababaihang Moro, mga babaeng may kapansanan, at mga nakaranas ng digmaan, sapilitang paglikas, diskriminasyon, at karahasan. Tinitiyak din ng panukala ang paggalang sa kanilang pahintulot, pribadong impormasyon, dignidad, at karapatang pangkultura.
Magkakaroon ang museo ng mga permanenteng eksibit, mga eksibit na maaaring dalhin sa iba’t ibang lugar, at mga digital exhibition. Magtatampok din ito ng mga koleksiyong binuo kasama ang mga komunidad at mga impormasyong maaaring hanapin at makita ng publiko sa internet.
Libre ang pagpasok sa mga regular na eksibit at ang paggamit ng mga digital material na bukas sa publiko, alinsunod sa mga kinakailangang patakaran sa pangangalaga ng impormasyon at karapatan. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga rehiyon at mga programang online, layunin ding maabot ang mga Pilipino sa labas ng Metro Manila.
Samantala, nakatuon naman ang Senate Bill No. 2609, o ang Lakambini Act of 2026, sa pagbibigay ng mas malawak na puwang sa kasaysayan ng kababaihan sa edukasyon.
Sa halip na gumawa ng panibagong asignatura, isasama sa mga kasalukuyang aralin ang buhay, pakikibaka, mga nagawa, at ambag ng mga babaeng may mahalagang papel sa kasaysayan. Kabilang dito ang kasaysayan, araling panlipunan, panitikan, sining, kultura, at agham sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa basic education.
Ang Department of Education (DepEd) ang bubuo ng mga kagamitang panturo na angkop sa edad ng mga mag-aaral. Ang Commission on Higher Education (CHED) naman ang maghahanda ng mga mungkahing gabay at paraan ng pagtuturo para sa mga kolehiyo at unibersidad, habang iginagalang ang kanilang kalayaang akademiko at pagpapasya sa kurikulum.
“Kung ang mga bata natin ay lumaki na iilan lang ang babaeng nakikilala nila sa kasaysayan, paano nila mauunawaan ang laki ng naging ambag ng kababaihan sa ating bansa? Gusto nating makilala nila ang mga babaeng naging bayani, siyentista, guro, manggagawa, at pinuno. Dapat makita ng ating mga kabataan na ang kababaihan ay may malaking bahagi sa pagbuo ng ating bayan,” diin ng Senador.
Hinihikayat din ng panukala ang paggamit ng mga akdang pampanitikan, pelikula, dokumentaryo, teatro, digital media, at mga likhang-sining mula sa mga komunidad upang gawing mas madaling maunawaan at mas kawili-wili ang mga aralin.
Kabilang din sa mga nais kilalanin ang mga babaeng namuno sa kanilang mga lugar, mga katutubo, at iba pang kababaihang may ambag sa lipunan na may sapat na batayan sa mga tala ng kasaysayan.
Kaugnay ang dalawang panukala sa mga umiiral na batas para sa karapatan ng kababaihan, pangangalaga sa kultura, at edukasyon.
Kabilang dito ang Republic Act No. 9710, o ang Magna Carta of Women, na isinulong ni Legarda bilang Author at Co-sponsor. Nakasaad sa batas ang pagwawasto sa mga stereotype at paglalarawan sa kasarian sa mga kagamitang panturo at kurikulum.
Kaugnay rin nito ang Republic Act No. 11333, o ang National Museum of the Philippines Act, kung saan nagsilbing Principal Author at Co-sponsor ang Senador, at ang Republic Act No. 11961, na nagpalakas sa cultural mapping at heritage education, na kanyang isinulong bilang Author at Principal Sponsor.
Sa pamamagitan ng mga batas at panukalang ito, nais ni Legarda na higit na mapangalagaan ang kasaysayan ng kababaihan at matiyak na naituturo at naipapasa sa mga kabataan ang kanilang mga kuwento at ambag sa bansa.
“Ang kasaysayan ng Pilipinas ay kasaysayan din ng ating mga ina, lola, guro, manggagawa, at mga babaeng tahimik na nagsilbi sa kanilang komunidad. Marami sa kanila ang hindi nabigyan ng pagkilalang nararapat sa kanila. Gusto nating matiyak na hindi mawawala ang kanilang mga kuwento at may pagkakataong makilala sila ng mga kabataang Pilipino. Dahil kapag mas nakikilala natin ang mga babaeng humubog sa ating bayan, mas nauunawaan natin ang ating sariling kasaysayan,” pagtatapos ni Legarda. (30)
