Legarda Hails New Voucher Assistance Law to Ease Classroom Congestion, Expand Education Access
November 23, 2026Thousands of public schools across the Philippines continue to struggle with overcrowded classrooms, leaving some children attending classes in shifts as schools try to accommodate more learners than their facilities can handle.
According to the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), the country faced a shortage of 147,347 classrooms as of September 2025. During School Year 2024–2025, 1,889 schools implemented double or triple shifting arrangements, reflecting the pressure on the country’s basic education system.
To help address these gaps, Senator Loren Legarda welcomed the signing of Republic Act No. 12327, or the Basic Education Voucher Assistance (BEVA) Act, on November 12, 2026. Legarda is a co-author and co-sponsor of the measure and served as a Senate conferee during the Bicameral Conference Committee deliberations.
“Hindi dapat maging hadlang sa pagkatuto ng ating mga anak ang kakulangan sa silid-aralan. While we continue building more classrooms, we must also find practical ways to give children access to schools where they can learn properly. This law allows us to make better use of available spaces in private schools, especially for learners who need assistance the most,” Legarda said.
Under the new law, qualified students may receive government-funded vouchers to help cover the cost of studying in participating private basic education schools. Priority will be given to children from poor and low-income families, particularly those affected by overcrowded public schools or living in communities without nearby public schools.
The law also allows higher voucher assistance for disadvantaged learners and requires the Department of Education (DepEd) to regularly review voucher amounts. Implementation at the kindergarten and elementary levels is scheduled to begin in School Year 2027–2028, expanding opportunities for younger learners who previously had fewer options for government-supported private education.
Legarda’s support for the measure began well before its enactment. In her March 16, 2026 co-sponsorship speech, she highlighted the gap between overcrowded public schools and private schools with available classrooms that remain financially inaccessible to many families. She emphasized the need to connect these available learning spaces with students who need them most.
Following the measure’s approval by the bicameral conference committee in June 2026, Legarda also underscored the importance of improving learning conditions, reducing high student-to-teacher ratios, and ensuring that children receive adequate attention and guidance in school.
“Hindi sapat na may paaralang mapapasukan ang isang bata. Mahalaga rin na may sapat na espasyo, oras, at atensyon ang bawat mag-aaral upang tunay na matuto. By expanding educational choices, we can help families find suitable learning environments for their children while easing the pressure on overcrowded public schools,” she said.
Beyond financial assistance, the BEVA Act establishes the Bureau of Private Education under DepEd to strengthen quality assurance and oversight of participating institutions. It also provides safeguards against fraudulent voucher claims and protects students from certain consequences of delayed government payments.
Legarda stressed that effective implementation must go hand in hand with sustained investments in public school infrastructure. Voucher assistance can help make use of existing private school capacity, but it cannot replace the need to build classrooms, improve school facilities, and provide sufficient learning resources.
“Ang tunay na sukatan ng batas na ito ay ang dami ng batang matutulungang makapag-aral nang maayos. We must ensure that assistance reaches those who need it most, that participating schools provide quality education, and that our efforts to address classroom shortages continue. Every Filipino child deserves a place to learn and a fair chance to succeed,” Legarda concluded.
– – – – – – – – –
Legarda, binigyang-diin ang kahalagahan ng bagong batas sa voucher assistance upang mabawasan ang siksikan sa mga silid-aralan at mapalawak ang access sa edukasyon
Patuloy na problema sa libo-libong pampublikong paaralan sa bansa ang kakulangan sa mga silid-aralan. Dahil sa dami ng mga mag-aaral, may mga paaralang napipilitang magpatupad ng dalawa o tatlong shifting schedule upang matugunan ang pangangailangan ng mga bata.
Ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), umabot sa 147,347 ang kakulangan sa mga silid-aralan sa bansa noong Setyembre 2025. Noong School Year 2024–2025, nasa 1,889 na paaralan ang nagpatupad ng double o triple shifting dahil sa kakulangan ng mga pasilidad.
Binigyang-diin ni Senador Loren Legarda ang kahalagahan ng Republic Act No. 12327, o Basic Education Voucher Assistance (BEVA) Act, na nilagdaan noong Nobyembre 12, 2026, bilang isa sa mga hakbang upang matugunan ang problema sa siksikan sa mga pampublikong paaralan.
Si Legarda ay co-author at co-sponsor ng batas at nagsilbi ring kinatawan ng Senado sa Bicameral Conference Committee na tumalakay sa panukala.
“Hindi dapat maging hadlang sa pagkatuto ng ating mga anak ang kakulangan sa silid-aralan. While we continue building more classrooms, we must also find practical ways to give children access to schools where they can learn properly. This law allows us to make better use of available spaces in private schools, especially for learners who need assistance the most,” pahayag ni Legarda.
Sa ilalim ng bagong batas, maaaring makatanggap ng voucher mula sa pamahalaan ang mga kwalipikadong mag-aaral upang makatulong sa gastos ng kanilang pag-aaral sa mga pribadong paaralang kalahok sa programa.
Bibigyang-prayoridad ang mga batang mula sa mahihirap at pamilyang may mababang kita, lalo na ang mga apektado ng siksikan sa mga pampublikong paaralan at ang mga nakatira sa mga komunidad na walang malapit na pampublikong paaralan.
Pinapayagan din ng batas ang pagbibigay ng mas mataas na halaga ng voucher para sa mga mag-aaral na higit na nangangailangan ng tulong. Inaatasan din ang Department of Education (DepEd) na regular na suriin ang halaga ng voucher upang matiyak na angkop ito sa pangangailangan ng mga benepisyaryo.
Nakatakdang simulan ang pagpapatupad ng programa para sa kindergarten at elementarya sa School Year 2027–2028. Layunin nitong mabigyan ng mas malawak na pagkakataon ang mga batang mag-aaral na makapasok sa pribadong paaralan sa tulong ng pamahalaan.
Bago pa man maisabatas ang panukala, isinusulong na ni Legarda ang mga hakbang upang mapakinabangan ang mga bakanteng silid-aralan sa mga pribadong paaralan.
Sa kanyang co-sponsorship speech noong Marso 16, 2026, binigyang-pansin niya ang sitwasyon kung saan siksikan ang mga pampublikong paaralan habang may mga bakanteng silid-aralan naman sa mga pribadong paaralan na hindi kayang pasukan ng mga batang mula sa pamilyang kapos sa kita.
Iginiit ng senador na kailangang mabigyan ng pagkakataon ang mga batang ito na makapag-aral sa mga paaralang may sapat na pasilidad.
Matapos aprubahan ng bicameral conference committee ang panukala noong Hunyo 2026, muling iginiit ni Legarda ang pangangailangang mapabuti ang kondisyon ng pag-aaral, mabawasan ang labis na bilang ng mga mag-aaral na hinahawakan ng bawat guro, at matiyak na nabibigyan ng sapat na gabay at atensyon ang mga bata.
“Hindi sapat na may paaralang mapapasukan ang isang bata. Mahalaga rin na may sapat na espasyo, oras, at atensyon ang bawat mag-aaral upang tunay na matuto. By expanding educational choices, we can help families find suitable learning environments for their children while easing the pressure on overcrowded public schools,” ani Legarda.
Bukod sa tulong pinansyal, itinatatag din sa ilalim ng BEVA Act ang Bureau of Private Education sa DepEd upang palakasin ang pangangasiwa at pagsubaybay sa kalidad ng edukasyong ibinibigay ng mga pribadong paaralang kalahok sa programa.
Mayroon ding mga probisyon ang batas upang maiwasan ang mga pekeng voucher claim at maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa ilang posibleng epekto ng pagkaantala ng pagbabayad ng pamahalaan sa mga paaralan.
Binigyang-diin ni Legarda na kailangang sabayan ang maayos na pagpapatupad ng voucher assistance ng patuloy na pagpapatayo ng mga silid-aralan at pagpapahusay ng mga pasilidad sa mga pampublikong paaralan.
Aniya, makatutulong ang paggamit sa mga bakanteng silid-aralan ng mga pribadong paaralan upang mabawasan ang siksikan, ngunit kailangan pa ring magtayo ng karagdagang mga silid-aralan, ayusin ang mga pasilidad, at maglaan ng sapat na kagamitan at iba pang pangangailangan sa pag-aaral.
“Ang tunay na sukatan ng batas na ito ay ang dami ng batang matutulungang makapag-aral nang maayos. We must ensure that assistance reaches those who need it most, that participating schools provide quality education, and that our efforts to address classroom shortages continue. Every Filipino child deserves a place to learn and a fair chance to succeed,” pagtatapos ni Legarda.
