Legarda urges PH as ASEAN Chair, ASEAN Leaders: Let the Manila Summit’s outcomes be felt by ordinary Filipinos
November 15, 2026Senator Loren Legarda called on the Philippines, as ASEAN Chair, and on the ASEAN leaders it will host in Manila for the 49th ASEAN Summit and Related Summits from November 15 to 17 to make the summit’s agenda count for the people they serve, saying the Philippines’ leadership of the region must be measured not by the grandeur of the event, but by whether its outcomes reach ordinary Filipinos and their Southeast Asian neighbors.
The summit, held under the theme “Navigating Our Future, Together,” caps the Philippines’ 2026 ASEAN Chairship, which coincides with the 50th anniversary of the Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia, signed at the first ASEAN Summit in 1976. Leaders will open on November 15 with plenary and retreat sessions to take stock of the chairship’s three priorities of Peace and Security Anchors, Prosperity Corridors, and People Empowerment, and to discuss regional challenges including the situation in Myanmar, before meeting ASEAN’s dialogue partners on November 16 and 17 and turning over the chairship to Singapore.
“Sa loob ng tatlong araw, ang Maynila ang magiging sentro ng Timog-Silangang Asya. Ito ay pagkakataon upang ipakita sa daigdig kung sino tayo bilang mga Pilipino: isang bayang may malasakit sa kapwa at naniniwala na ang kinabukasan ng rehiyon ay sama-samang binubuo,” Legarda said.
As a legislator, Legarda said her part in that effort is to make sure that what the Philippines commits to in Manila is matched at home by laws that are passed, funded, and properly carried out, because a regional agreement changes nothing for a Filipino family until the law that implements it does.
Peace and security
Legarda expressed hope that the leaders’ discussions on the South China Sea Code of Conduct, which ASEAN and China have been negotiating since the 2002 Declaration on the Conduct of Parties, will build enough trust to carry the talks to conclusion under Singapore’s chairship next year, and that ASEAN will keep faith with the people of Myanmar through its Five-Point Consensus.
“When fighting broke out between Thailand and Cambodia in July last year and drove some 300,000 people from their homes, it was ASEAN, through its Chair, that brought both sides to Kuala Lumpur and secured a ceasefire within days. That is what this bloc can do when it resolves to act. I hope our leaders bring that same resolve to the Code of Conduct and to Myanmar,” said Legarda, who was named an ASEAN Biodiversity Hero by the ASEAN Centre for Biodiversity in 2022 for her work to protect the region’s natural heritage, including the seas that sustain its fisherfolk.
While ASEAN works toward a Code of Conduct, Legarda said the Philippines must be able to keep its own waters safe, and is pushing for the passage of Senate Bill No. 832, her proposed Philippine Coast Guard Strengthening and Modernization Act, so that the Coast Guard has the vessels, personnel, and mandate to protect Filipino fishers and the marine environment regardless of how the regional talks unfold.
Prosperity for the many
Legarda also pressed for the summit’s headline economic outcome, the signing of the ASEAN Digital Economy Framework Agreement, which aims to grow the region’s digital economy to US$2 trillion by 2030, to bring real gains to the poor, noting that micro, small, and medium enterprises provide two-thirds of jobs in the Philippines. She recalled that when the Senate concurred in the Regional Comprehensive Economic Partnership in 2023, the recommendations of farmers, fisherfolk, and other stakeholders were written into the resolutory clauses of the Senate resolution, and an oversight committee was created to monitor government support for agriculture and small enterprises.
“When the Senate concurred in RCEP, we insisted that market access be matched by safeguards and support for our farmers and small entrepreneurs. The digital economy agreement signed in Manila should be held to the same standard, so that a weaver in Abra, a fisherman in Palawan, and a young entrepreneur in Cebu can sell to the region as easily as a large corporation,” Legarda said.
She said the Philippines already has the law to deliver on that commitment in Republic Act No. 11967, or the Internet Transactions Act of 2023, which she authored and which protects online consumers and merchants, and called on the Department of Trade and Industry and its E-Commerce Bureau to enforce it fully so that cross-border digital trade under the agreement is safe for buyers and fair to small sellers. To help smaller enterprises take part, she is pushing for the passage of Senate Bill No. 160, her proposed Pangkabuhayan Act, which would institutionalize financing and livelihood support for MSMEs, and Senate Bill No. 1261, her proposed Online Network Philippines Act, which would establish ICT hubs nationwide so that enterprises outside major cities can reach regional markets.
Legarda welcomed the inclusion of the creative economy among the Priority Economic Deliverables of the Philippine chairship, noting that the sector reached P2.12 trillion in 2025, or 7.6 percent of gross domestic product, based on preliminary data from the Philippine Statistics Authority. She said Republic Act No. 11904, or the Philippine Creative Industries Development Act, which she authored, already gives government the plan and the council to deliver on that regional commitment, and called for its full implementation alongside the passage of Senate Bill No. 799, her proposed Philippine Handloom Weaving Industry Development Act, so that weaving communities can share in the region’s creative economy.
“Ang mga batas ay nariyan na. Ang hamon ay ipatupad ang mga ito nang buo at may pondo, upang ang pangako ng ASEAN ay maramdaman ng manghahabi, ng mangingisda, at ng maliit na negosyante,” she said.
A people-centered ASEAN
Legarda welcomed the leaders’ scheduled interface with ASEAN parliamentarians, the business community, and the youth, and expressed hope that the summit will keep the region’s attention on families in informal settlements, workers in the informal economy, and the urban and rural poor, whose daily struggles are the clearest test of whether regional growth is truly inclusive.
“Noong hagupitin ng Bagyong Kristine ang Bicol noong Oktubre 2024, dumating ang mga eroplano ng Malaysia at Singapore upang tumulong sa relief sa Naga. Iyon ang ASEAN na naramdaman ng mga Bicolano. Umaasa ako na ganoon din ang mararamdaman ng tindera sa Baclaran, ng tsuper sa Roxas Boulevard, at ng mangingisda ng Masinloc sa bawat kasunduang pipirmahan sa Maynila,” she said.
She commended the Department of Foreign Affairs, the ASEAN National Organizing Council, and the thousands of personnel and volunteers who prepared the country for the summit, and recognized the daily wage earners, drivers, vendors, and small business owners of Metro Manila affected by road closures and work suspensions, expressing hope that government and the private sector will look after those who stand to lose income during the summit week.
“Sa mga kababayan nating arawan ang kita at nagtitiis sa mga pagbabago sa daan at trabaho, maraming salamat. Umaasa akong hindi lamang abala ang maiiwan ng pagtitipong ito, kundi tunay na pakinabang para sa inyo at sa inyong mga pamilya. As we hand the chairship to Singapore, I hope the world will remember the Philippines not only as a gracious host, but as a nation that led ASEAN with heart,” Legarda concluded. (30)
– – – – – – – –
Legarda sa Pilipinas at mga pinuno ng ASEAN: Tiyaking mapakikinabangan ng karaniwang mamamayan ang mga kasunduan sa Manila Summit
Nanawagan si Senador Loren Legarda sa Pilipinas, bilang kasalukuyang Chair ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at sa mga pinuno ng mga bansang dadalo sa ika-49 na ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong sa Maynila mula Nobyembre 15 hanggang 17 na tiyaking may konkretong pakinabang sa mamamayan ang mga magiging kasunduan at desisyon sa pagtitipon.
Ayon kay Legarda, ang tagumpay ng pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN ay hindi dapat masukat sa laki o ganda ng idaraos na pagtitipon, kundi sa kung paano makatutulong ang mga resulta nito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino at ng iba pang mamamayan sa Timog-Silangang Asya.
Ang tema ng summit ay “Navigating Our Future, Together.” Kasabay ng pagpupulong ang ika-50 anibersaryo ng Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia, na nilagdaan noong unang ASEAN Summit noong 1976.
Sa Nobyembre 15, inaasahang tatalakayin ng mga pinuno ang tatlong pangunahing prayoridad ng Pilipinas na Peace and Security Anchors, Prosperity Corridors, at People Empowerment, gayundin ang mahahalagang usaping panrehiyon, kabilang ang sitwasyon sa Myanmar. Susundan ito ng mga pagpupulong kasama ang mga dialogue partner ng ASEAN sa Nobyembre 16 at 17, bago pormal na ipasa ng Pilipinas ang pamumuno sa Singapore.
“Sa loob ng tatlong araw, ang Maynila ang magiging sentro ng Timog-Silangang Asya. Ito ay pagkakataon upang ipakita sa daigdig kung sino tayo bilang mga Pilipino: isang bayang may malasakit sa kapwa at naniniwala na ang kinabukasan ng rehiyon ay sama-samang binubuo,” pahayag ni Legarda.
Bilang mambabatas, binigyang-diin ng senador na kailangang tumbasan ng mga batas, sapat na pondo, at maayos na pagpapatupad sa bansa ang mga pangakong gagawin ng Pilipinas sa ASEAN. Aniya, walang tunay na pagbabago sa buhay ng isang pamilyang Pilipino kung mananatili lamang sa papel ang mga kasunduang panrehiyon.
Kapayapaan at seguridad sa rehiyon
Isa sa mga usaping nais bigyang-pansin ni Legarda ang patuloy na negosasyon ng ASEAN at China para sa Code of Conduct sa South China Sea, na nag-ugat sa Declaration on the Conduct of Parties noong 2002.
Umaasa ang senador na makatutulong ang mga pag-uusap sa Maynila upang mapalakas ang tiwala ng mga bansang kasangkot at maihanda ang pagtatapos ng negosasyon sa ilalim ng pamumuno ng Singapore sa susunod na taon. Hinikayat din niya ang ASEAN na panindigan ang Five-Point Consensus bilang bahagi ng mga pagsisikap na matugunan ang krisis sa Myanmar.
“When fighting broke out between Thailand and Cambodia in July last year and drove some 300,000 people from their homes, it was ASEAN, through its Chair, that brought both sides to Kuala Lumpur and secured a ceasefire within days. That is what this bloc can do when it resolves to act. I hope our leaders bring that same resolve to the Code of Conduct and to Myanmar,” ani Legarda.
Kinilala si Legarda bilang ASEAN Biodiversity Hero ng ASEAN Centre for Biodiversity noong 2022 dahil sa kanyang mga pagsisikap na pangalagaan ang likas na yaman ng rehiyon, kabilang ang mga karagatang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mangingisda.
Habang nagpapatuloy ang negosasyon sa Code of Conduct, iginiit ng senador na kailangang palakasin din ng Pilipinas ang sariling kakayahang bantayan ang karagatan nito.
Kaugnay nito, isinusulong niya ang Senate Bill No. 832 o ang panukalang Philippine Coast Guard Strengthening and Modernization Act, na naglalayong palakasin ang Philippine Coast Guard sa pamamagitan ng karagdagang mga sasakyang pandagat, tauhan, at kapangyarihang kailangan upang maprotektahan ang mga mangingisdang Pilipino at ang yamang-dagat ng bansa.
Pag-unlad ng ekonomiya na pakikinabangan ng mas nakararami
Binigyang-diin din ni Legarda na kailangang makinabang ang maliliit na negosyo at mga pamilyang may mababang kita sa mga kasunduang pang-ekonomiya ng ASEAN.
Kabilang sa inaasahang pangunahing resulta ng summit ang paglagda sa ASEAN Digital Economy Framework Agreement, na naglalayong palawakin ang digital economy ng rehiyon hanggang US$2 trilyon pagsapit ng 2030.
Ayon sa senador, mahalagang tiyaking makasasabay ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs), na nagbibigay ng humigit-kumulang dalawang-katlo ng mga trabaho sa Pilipinas.
Ipinaalala niya na nang pagtibayin ng Senado ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) noong 2023, isinama sa resolusyon ang mga rekomendasyon ng mga magsasaka, mangingisda, at iba pang sektor. Bumuo rin ng oversight committee upang bantayan ang suportang ibinibigay ng pamahalaan sa agrikultura at maliliit na negosyo.
“When the Senate concurred in RCEP, we insisted that market access be matched by safeguards and support for our farmers and small entrepreneurs. The digital economy agreement signed in Manila should be held to the same standard, so that a weaver in Abra, a fisherman in Palawan, and a young entrepreneur in Cebu can sell to the region as easily as a large corporation,” pahayag ni Legarda.
Binigyang-diin niya na mayroon nang mga batas na maaaring gamitin upang matiyak na ligtas at patas ang kalakalan sa internet, kabilang ang Republic Act No. 11967 o Internet Transactions Act of 2023, na kanyang isinulong bilang author.
Hinikayat niya ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang E-Commerce Bureau nito na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng batas upang maprotektahan ang mga mamimili at maliliit na negosyong gumagamit ng online platforms, lalo na sa lumalawak na kalakalan sa pagitan ng mga bansa.
Isinusulong din ni Legarda ang Senate Bill No. 160 o ang panukalang Pangkabuhayan Act, na naglalayong magbigay ng mas matatag na suporta sa pagpopondo at kabuhayan ng MSMEs.
Kasama rito ang Senate Bill No. 1261 o ang panukalang Online Network Philippines Act, na naglalayong magtatag ng mga ICT hub sa buong bansa upang magkaroon din ng pagkakataong makapasok sa mas malawak na merkado ang mga negosyong nasa labas ng malalaking lungsod.
Malugod ding tinanggap ng senador ang pagsasama ng creative economy sa mga pangunahing prayoridad na pang-ekonomiya ng Philippine ASEAN Chairship.
Batay sa paunang datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa ₱2.12 trilyon ang halaga ng creative economy noong 2025, katumbas ng 7.6 porsiyento ng gross domestic product ng bansa.
Ayon kay Legarda, mahalagang ganap na maipatupad ang Republic Act No. 11904 o Philippine Creative Industries Development Act, na kanyang isinulong bilang author, upang mas mapalakas ang suporta ng pamahalaan sa mga malikhaing industriya.
Isinusulong din niya ang Senate Bill No. 799 o ang panukalang Philippine Handloom Weaving Industry Development Act upang mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga komunidad ng mga manghahabi na makilahok sa lumalaking creative economy ng rehiyon.
“Ang mga batas ay nariyan na. Ang hamon ay ipatupad ang mga ito nang buo at may pondo, upang ang pangako ng ASEAN ay maramdaman ng manghahabi, ng mangingisda, at ng maliit na negosyante,” diin niya.
ASEAN na inuuna ang kapakanan ng mamamayan
Binigyang-halaga rin ni Legarda ang mga nakatakdang pagpupulong ng mga pinuno ng ASEAN kasama ang mga parlyamentaryo, kinatawan ng negosyo, at kabataan.
Umaasa siyang mabibigyang-pansin sa mga talakayan ang kalagayan ng mga pamilyang naninirahan sa mga informal settlement, mga manggagawa sa informal economy, at mga mahihirap na komunidad sa mga lungsod at kanayunan.
Aniya, ang tunay na sukatan ng pag-unlad ng rehiyon ay kung nararamdaman ito ng mga taong araw-araw na nagsisikap upang maitawid ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
“Noong hagupitin ng Bagyong Kristine ang Bicol noong Oktubre 2024, dumating ang mga eroplano ng Malaysia at Singapore upang tumulong sa relief sa Naga. Iyon ang ASEAN na naramdaman ng mga Bicolano. Umaasa ako na ganoon din ang mararamdaman ng tindera sa Baclaran, ng tsuper sa Roxas Boulevard, at ng mangingisda ng Masinloc sa bawat kasunduang pipirmahan sa Maynila,” pahayag ni Legarda.
Pinasalamatan din ng senador ang Department of Foreign Affairs, ASEAN National Organizing Council, at ang libo-libong kawani at boluntaryong naghanda para sa pagdaraos ng summit sa Pilipinas.
Kasabay nito, kinilala niya ang sakripisyo ng mga manggagawang arawan ang kita, mga tsuper, tindera, at maliliit na negosyante sa Metro Manila na maaaring maapektuhan ng mga pagsasara ng kalsada at suspensyon ng trabaho habang ginaganap ang pagtitipon.
Umaasa si Legarda na magbibigay ng kaukulang tulong at konsiderasyon ang pamahalaan at pribadong sektor sa mga manggagawa at negosyanteng posibleng mawalan ng kita sa mga araw ng summit.
“Sa mga kababayan nating arawan ang kita at nagtitiis sa mga pagbabago sa daan at trabaho, maraming salamat. Umaasa akong hindi lamang abala ang maiiwan ng pagtitipong ito, kundi tunay na pakinabang para sa inyo at sa inyong mga pamilya. As we hand the chairship to Singapore, I hope the world will remember the Philippines not only as a gracious host, but as a nation that led ASEAN with heart,” pagtatapos ni Legarda. (30)
