Legarda: Public libraries must evolve to meet Filipinos’ changing learning needs

November 9, 2026

As the country observes National Reading Month and the 36th Library and Information Services Month this November, Senator Loren Legarda called for the modernization of public libraries to ensure that Filipinos have better access to books, digital resources, and learning spaces that meet their changing needs.

Legarda said the two observances highlight the need to make libraries more useful to communities, particularly students who lack reliable internet access, learning materials, or suitable places to study.

“Maraming estudyanteng gustong mag-aral pero walang tahimik na lugar sa bahay, walang internet, o kulang sa mga librong kailangan nila. May mga napipilitang mag-aral sa fast-food restaurant o coffee shop. Pero paano naman ang walang kakayahang gumastos? Dapat may maaasahan silang pampublikong aklatan na may maayos na pasilidad at mga kagamitang kailangan nila,” Legarda said.

As Chairperson of the Senate Committee on Culture and the Arts, Legarda has advocated greater support for public libraries and the National Library of the Philippines, including proposed funding for conservation facilities and exhibitions that would help preserve and make the country’s cultural and historical collections more accessible.

Recognizing that improved facilities must be matched by sufficient reading materials, she has also proposed additional budgetary support for the National Book Development Board (NBDB) and the Book Institute of the Philippines (BIP) to strengthen local publishing and help bring more Filipino-authored books to readers.

Her education advocacy is likewise reflected in Republic Act No. 12028, or the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act, which she co-authored to provide learning interventions for students struggling with reading, mathematics, and science. She also served as principal author and co-sponsor of the measure that became Republic Act No. 12321, or the Last Mile and GIDA Schools Act, which strengthens support for public schools in geographically isolated and disadvantaged communities.

“Hindi sapat na may gusali tayong tinatawag na aklatan. Dapat nagagamit ito ng mga tao. May mga aklat na kailangan nila, may internet na maaasahan, at may mga librarian na handang tumulong. Habang nagbabago ang paraan ng pag-aaral at paghahanap ng impormasyon, kailangang makasabay ang ating mga aklatan,” Legarda emphasized.

The urgency of strengthening learning support is reflected in the latest findings of the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), where Legarda serves as Commissioner. At the beginning of School Year 2026–2027, 65 percent of learners in Grades 1 to 10 were in the two lowest reading categories, while only 22 percent were assessed as grade-level ready.

Legarda’s legislative proposals also address the need to improve public learning spaces. She earlier filed Senate Bill No. 2429, which sought to amend Republic Act No. 7743, the law providing for congressional, city, and municipal libraries and barangay reading centers, to strengthen and modernize library facilities and resources.

She subsequently filed Senate Bill No. 795, or the proposed Late-Night Learning Hubs Act, in the 20th Congress, which seeks to establish learning hubs within public libraries in highly urbanized and first-class component cities. The measure provides for extended operating hours, reliable internet connectivity, study desks, and other essential facilities to accommodate students and other learners.

Complementing these proposals is Senate Bill No. 1853, or the proposed K to 3 Foundational Learning and Nurturing Care Act, which aims to strengthen early language, literacy, and numeracy alongside health, nutrition, and developmental support for young learners.

Legarda also recognized the contributions of librarians and information professionals, whose work in connecting people to reliable information and preserving cultural resources reflects this year’s Library and Information Services Month theme, “ASEAN-LINK: (ASEAN Libraries: Integrating Networked Knowledge) for Culture.”

“Ang aklatan ay dapat isang lugar na puwedeng lapitan ng sinuman. Estudyanteng naghahanap ng babasahin, magulang na gustong tumulong sa pag-aaral ng anak, o manggagawang nais matuto ng bagong kasanayan. Kaya mahalagang suportahan ang ating mga librarian at palakasin ang serbisyo ng mga aklatan. Ang pagkakataong matuto ay dapat abot-kamay ng bawat Pilipino,” Legarda said.

Legarda urged national agencies, local governments, and educational institutions to improve public library services and expand access to the books, information, and learning spaces Filipinos need.

– – – – – – –

Legarda, nanawagang gawing mas moderno at kapaki-pakinabang ang mga pampublikong aklatan

Nanawagan si Senador Loren Legarda na gawing mas moderno at mas angkop sa pangangailangan ng mga Pilipino ang mga pampublikong aklatan upang mas maraming mamamayan, lalo na ang mga estudyante, ang magkaroon ng access sa mga libro, internet, at maayos na lugar para sa pag-aaral.

Ginawa ni Legarda ang panawagan kaugnay ng pagdiriwang ng National Reading Month at ika-36 na Library and Information Services Month ngayong Nobyembre.

Ayon sa senador, kailangang higit na mapakinabangan ng mga komunidad ang mga pampublikong aklatan, partikular ng mga mag-aaral na walang maaasahang internet, sapat na babasahin, o tahimik na lugar para makapag-aral.

“Maraming estudyanteng gustong mag-aral pero walang tahimik na lugar sa bahay, walang internet, o kulang sa mga librong kailangan nila. May mga napipilitang mag-aral sa fast-food restaurant o coffee shop. Pero paano naman ang walang kakayahang gumastos? Dapat may maaasahan silang pampublikong aklatan na may maayos na pasilidad at mga kagamitang kailangan nila,” ani Legarda.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Culture and the Arts, patuloy na isinusulong ni Legarda ang mas malaking suporta para sa mga pampublikong aklatan at sa National Library of the Philippines. Kabilang dito ang panukalang paglalaan ng pondo para sa mga pasilidad na mangangalaga sa mahahalagang dokumento at koleksiyon ng bansa, gayundin sa mga eksibisyong magbibigay sa publiko ng mas malawak na pagkakataong makita at mapag-aralan ang mga ito.

Bukod sa pagpapahusay ng mga pasilidad, nais din ng senador na madagdagan ang mga librong maaaring mabasa at mahiram ng publiko. Dahil dito, iminungkahi niya ang karagdagang pondo para sa National Book Development Board (NBDB) at Book Institute of the Philippines (BIP) upang suportahan ang lokal na paglalathala at mas maraming aklat na isinulat ng mga Pilipino ang makarating sa mga mambabasa.

Bahagi rin ng kanyang pagsusulong sa edukasyon ang Republic Act No. 12028 o Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act, kung saan siya ay co-author. Layunin ng batas na matulungan ang mga mag-aaral na nahihirapan sa pagbasa, matematika, at agham.

Si Legarda rin ang principal author at co-sponsor ng panukalang naging Republic Act No. 12321 o Last Mile and GIDA Schools Act, na naglalayong palakasin ang suporta sa mga pampublikong paaralan sa malalayo at mahihirap maabot na komunidad.

“Hindi sapat na may gusali tayong tinatawag na aklatan. Dapat nagagamit ito ng mga tao. May mga aklat na kailangan nila, may internet na maaasahan, at may mga librarian na handang tumulong. Habang nagbabago ang paraan ng pag-aaral at paghahanap ng impormasyon, kailangang makasabay ang ating mga aklatan,” diin ni Legarda.

Binigyang-diin din ng senador ang pangangailangang palawakin ang suporta sa pag-aaral kasunod ng mga natuklasan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), kung saan siya ay Commissioner.

Batay sa pinakahuling datos ng EDCOM II, 65 porsiyento ng mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 10 ang nasa dalawang pinakamababang antas ng pagbasa sa pagsisimula ng School Year 2026–2027. Samantala, 22 porsiyento lamang ang naitalang may kakayahang bumasa ayon sa inaasahang antas para sa kanilang baitang.

Upang matugunan ang pangangailangan sa mas maayos na mga lugar para sa pag-aaral, nauna nang inihain ni Legarda ang Senate Bill No. 2429 na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 7743, ang batas na nagtatakda ng pagtatatag ng mga aklatan sa mga distrito ng Kongreso, lungsod, at munisipalidad, gayundin ng mga reading center sa mga barangay. Layunin ng panukala na pagandahin at gawing mas moderno ang mga pasilidad at kagamitan ng mga aklatan.

Sa ika-20 Kongreso, inihain din niya ang Senate Bill No. 795 o ang panukalang Late-Night Learning Hubs Act. Sa ilalim nito, magtatatag ng mga learning hub sa mga pampublikong aklatan sa mga highly urbanized city at first-class component city. Magkakaroon ang mga ito ng mas mahabang oras ng operasyon, maaasahang internet, mga mesa para sa pag-aaral, at iba pang kinakailangang pasilidad upang mapagsilbihan ang mas maraming mag-aaral.

Kaugnay nito, isinulong din ni Legarda ang Senate Bill No. 1853 o ang panukalang K to 3 Foundational Learning and Nurturing Care Act, na naglalayong patatagin ang pundasyon ng mga bata sa wika, pagbasa, at pagbilang, kasabay ng pagbibigay ng suporta sa kanilang kalusugan, nutrisyon, at pag-unlad.

Kinilala rin ng senador ang mahalagang papel ng mga librarian at information professional sa pagtulong sa publiko na makakuha ng mapagkakatiwalaang impormasyon at sa pangangalaga ng mga dokumento at yamang pangkultura.

Kaugnay ito ng tema ng Library and Information Services Month ngayong taon na “ASEAN-LINK: (ASEAN Libraries: Integrating Networked Knowledge) for Culture.”

“Ang aklatan ay dapat isang lugar na puwedeng lapitan ng sinuman. Estudyanteng naghahanap ng babasahin, magulang na gustong tumulong sa pag-aaral ng anak, o manggagawang nais matuto ng bagong kasanayan. Kaya mahalagang suportahan ang ating mga librarian at palakasin ang serbisyo ng mga aklatan. Ang pagkakataong matuto ay dapat abot-kamay ng bawat Pilipino,” ani Legarda.

Hinimok ni Legarda ang mga ahensiya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at mga institusyong pang-edukasyon na pagbutihin ang serbisyo ng mga pampublikong aklatan at tiyaking mas maraming Pilipino ang may access sa mga libro, impormasyon, at mga lugar na makatutulong sa kanilang pag-aaral at patuloy na pagkatuto.