Legarda seeks to double night shift differential for private-sector workers

November 9, 2026

Senator Loren Legarda is seeking to double the statutory night shift differential for covered private-sector workers from the current minimum of ten percent (10%) to twenty percent (20%), emphasizing that the compensation standard has remained unchanged for more than five decades despite changes in the economy and growing evidence on the health burden associated with working at night.

Under Legarda’s proposed measure, Article 86 of the Labor Code would be amended to require a night shift differential of not less than 20% of an employee’s regular wage for every hour worked between 10:00 p.m. and 6:00 a.m. The bill also protects employees already receiving higher night differential rates under collective bargaining agreements, employment contracts, company policies or practices, and other lawful arrangements.

“Hindi na 1974 ang ating ekonomiya, pero 1974 pa rin ang pamantayan ng batas pagdating sa minimum night differential. Sa harap ng inflation, mas mataas na cost of living, at mas mabibigat na hamon ng night work, nararapat lamang na itaas ang minimum na dagdag-bayad para sa ating mga night workers,” Legarda said.

Article 86’s 10% statutory minimum dates back to the Labor Code enacted in 1974. The proposal comes as Philippine headline inflation reached 7.2% in September 2026, up from 6.1% in August.

Legarda said the proposal forms part of her broader push to update labor standards that have failed to keep pace with rising prices, long commutes, changing work arrangements, and the daily realities faced by Filipino workers.

“Hindi sapat na may trabaho ang isang manggagawa kung ang sahod at benepisyo ay hindi na tumutugon sa tunay na bigat ng kanyang sakripisyo. Ang batas pang manggagawa ay dapat sumabay sa panahon at magbigay ng dignidad, hindi dagdag na pasanin,” Legarda said.

The senator stressed that the proposal goes beyond additional pay by recognizing the physical toll shouldered by employees whose work schedules run against the body’s normal sleep-wake cycle.

“Night work entails far more than mere loss of sleep. When an employee is required to remain awake and work during hours when the body would normally be asleep, there are real effects on health and well-being. Night workers face greater risks of fatigue and sickness, on top of the added difficulty of commuting during late-night and early-morning hours. These burdens deserve fairer compensation,” Legarda added.

Legarda also pointed to labor standards elsewhere in Asia in arguing that the Philippines’ decades-old 10% minimum night shift differential warrants review. Under Vietnam’s Labor Code, employees who work at night are entitled to an additional payment of at least 30% of their normal wage. South Korea’s Labor Standards Act, meanwhile, generally requires covered employers to pay at least an additional 50% of ordinary wages for work performed between 10:00 p.m. and 6:00 a.m. In Japan, workers are entitled to a premium of at least 25% for work performed between 10:00 p.m. and 5:00 a.m.

The senator also cited Republic Act No. 11701, enacted in 2022, which allows qualified government employees to receive night shift differential pay of up to 20% of their hourly basic rate for work performed between 6:00 p.m. and 6:00 a.m. 

“Kung kinilala na natin sa batas na maaaring umabot sa 20% ang night shift differential ng mga empleyado ng gobyerno na saklaw ng R.A. 11701, panahon na ring repasuhin natin ang sampung porsiyentong minimum para sa pribadong sektor. Ang puyat, pagod, at epekto ng night work sa katawan ay hindi naman namimili kung government o private employee ang isang manggagawa.” Legarda added.

Legarda said the measure complements her broader labor agenda, including proposals on living wages, calamity work compensation, and stronger protections for vulnerable and informal workers.

“Simple lang ang layunin natin. Kung umaasa tayo sa mga manggagawang patuloy na nagtatrabaho habang karamihan sa atin ay natutulog, dapat tiyakin nating patas ang kanilang dagdag-bayad bilang pagkilala sa oras at sakripisyo nila. Mahigit limampung taon na ang lumipas. Panahon na para iangkop ang night shift differential sa kasalukuyang panahon,” Legarda concluded.(30)

– – – – – – –

Legarda, isinusulong ang pagdoble ng night shift differential para sa mga manggagawa sa pribadong sektor

Isinusulong ni Senador Loren Legarda ang pagtaas ng minimum night shift differential mula 10 porsiyento tungo sa 20 porsiyento para sa mga manggagawang saklaw ng batas sa pribadong sektor, matapos manatiling hindi nagbabago ang itinakdang dagdag-sahod sa loob ng mahigit limampung taon sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mga panganib sa kalusugan na kaakibat ng pagtatrabaho sa gabi.

Sa panukalang inihain ni Legarda, nais niyang amyendahan ang Article 86 ng Labor Code upang gawing hindi bababa sa 20 porsiyento ng regular na sahod ang karagdagang bayad sa bawat oras ng pagtatrabaho mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga. Mananatili namang protektado ang mas mataas na night shift differential na tinatanggap na ng ilang manggagawa sa ilalim ng collective bargaining agreements, employment contracts, mga patakaran o nakagawiang sistema ng kumpanya, at iba pang legal na kasunduan.

“Hindi na 1974 ang ating ekonomiya, pero 1974 pa rin ang pamantayan ng batas pagdating sa minimum night differential. Sa harap ng inflation, mas mataas na cost of living, at mas mabibigat na hamon ng night work, nararapat lamang na itaas ang minimum na dagdag-bayad para sa ating mga night workers,” ani Legarda.

Mula pa noong 1974, nang ipatupad ang Labor Code, nakapirmi na sa 10 porsiyento ang minimum night shift differential. Isinusulong ang panukala sa panahong umabot sa 7.2 porsiyento ang inflation sa bansa noong Setyembre 2026, mula sa 6.1 porsiyento noong Agosto.

Ayon kay Legarda, bahagi ito ng kanyang pagsusulong na iangkop ang mga batas sa paggawa sa kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawa, partikular sa patuloy na pagtaas ng gastusin, mahabang oras ng pagbibiyahe, pagbabago sa mga sistema ng pagtatrabaho, at iba pang hamong kinakaharap nila araw-araw.

“Hindi sapat na may trabaho ang isang manggagawa kung ang sahod at benepisyo ay hindi na tumutugon sa tunay na bigat ng kanyang sakripisyo. Ang batas pang manggagawa ay dapat sumabay sa panahon at magbigay ng dignidad, hindi dagdag na pasanin,” paliwanag ng senadora.

Binigyang-diin din ni Legarda na hindi lang usapin ng dagdag-sahod ang panukala. Layunin din nitong kilalanin ang epekto sa kalusugan ng pagtatrabaho sa mga oras na karaniwang nakalaan para sa pagtulog at pagpapahinga.

“Night work entails far more than mere loss of sleep. When an employee is required to remain awake and work during hours when the body would normally be asleep, there are real effects on health and well-being. Night workers face greater risks of fatigue and sickness, on top of the added difficulty of commuting during late-night and early-morning hours. These burdens deserve fairer compensation,” diin ni Legarda.

Tinukoy rin ng senadora ang mga umiiral na batas sa ibang bansa sa Asya upang ipakita ang pangangailangang repasuhin ang matagal nang 10 porsiyentong minimum night shift differential sa Pilipinas.

Sa Vietnam, itinatakda ng kanilang Labor Code ang hindi bababa sa 30 porsiyentong dagdag-bayad para sa pagtatrabaho sa gabi. Sa South Korea, karaniwang inaatasan ang mga employer na saklaw ng kanilang Labor Standards Act na magbigay ng hindi bababa sa 50 porsiyentong dagdag sa regular na sahod para sa trabahong ginagawa mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga. Samantala, sa Japan, hindi bababa sa 25 porsiyento ang karagdagang bayad para sa pagtatrabaho mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Binanggit din ni Legarda ang Republic Act No. 11701, na naisabatas noong 2022, kung saan maaaring makatanggap ang mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno ng night shift differential na hanggang 20 porsiyento ng kanilang basic hourly rate para sa pagtatrabaho mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.

“Kung kinilala na natin sa batas na maaaring umabot sa 20% ang night shift differential ng mga empleyado ng gobyerno na saklaw ng R.A. 11701, panahon na ring repasuhin natin ang sampung porsiyentong minimum para sa pribadong sektor. Ang puyat, pagod, at epekto ng night work sa katawan ay hindi naman namimili kung government o private employee ang isang manggagawa,” dagdag ng senadora.

Kaugnay din ang panukala sa iba pang isinusulong ni Legarda para sa kapakanan ng mga manggagawa, kabilang ang sahod na sapat para sa disenteng pamumuhay, karagdagang kabayaran sa pagtatrabaho sa panahon ng kalamidad, at mas matibay na proteksyon para sa mga manggagawang higit na nangangailangan ng suporta, kabilang ang mga nasa impormal na sektor.

“Simple lang ang layunin natin. Kung umaasa tayo sa mga manggagawang patuloy na nagtatrabaho habang karamihan sa atin ay natutulog, dapat tiyakin nating patas ang kanilang dagdag-bayad bilang pagkilala sa oras at sakripisyo nila. Mahigit limampung taon na ang lumipas. Panahon na para iangkop ang night shift differential sa kasalukuyang panahon,” pagtatapos ni Legarda. (30)