Legarda Pushes Affordable Water for Poor Families, Curbs on Excessive Commercial Use as Second Point of 10-Point El Niño Action Plan
November 3, 2026Senator Loren Legarda is pushing for more affordable water rates for low-income families and stronger measures to discourage excessive commercial water consumption as the second priority under her 10-Point Policy Action Plan against the worsening effects of El Niño.
The proposal calls on local water districts, water service providers, and concerned regulators to explore imposing penalties or higher charges for excessive, non-essential commercial water use, particularly in activities such as golf course irrigation, commercial swimming pools, and industrial washing. Additional revenues could then help subsidize water bills for low-income households, subject to existing laws and regulatory approval.
“Tubig ang isa sa pinakapangunahing pangangailangan ng bawat pamilya. Hindi puwedeng dumating sa puntong kailangang mamili ng isang magulang kung magbabayad ba ng tubig o bibili ng pagkain. Ngayong alam nating magkakaroon ng krisis sa tubig, kung may mga negosyong gumagamit ng napakaraming tubig para sa mga bagay na hindi naman essential, dapat may paraan para mabawasan iyon upang magamit ang tubig ng mas nangangailangan. Kung hindi, patawan ng multa na magagamit naman sa subsidiya para sa mga higit na nasalanta ng tagtuyot dulot ng Super El Nino,” Legarda said.
The proposal comes as the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) warned in September 2026 that the strong El Niño in the tropical Pacific could intensify into a very strong event and persist through the first half of 2027. The outlook raises concerns over prolonged dry spells, reduced rainfall, and possible water shortages in vulnerable communities.
Legarda’s proposal draws on water conservation and affordability principles supported by the Asian Development Bank (ADB), emphasizing the need to manage demand while protecting access to essential water services.
The Department of Environment and Natural Resources (DENR) has likewise renewed calls for water conservation in the midst of the Super El Niño. On October 5, the agency announced plans to revive similar measures encouraging golf courses to use recycled water and urged the public to avoid unnecessary water consumption, including excessive car washing and cleaning of driveways.
Existing Philippine laws already provide room for different water rates based on consumption. Under Presidential Decree No. 198, as amended, local water districts may set different rates depending on how water is used and how much is consumed, subject to applicable regulations. This provides a basis for examining measures that encourage conservation while protecting affordable access for low-income families.
The Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD), in its 2026 assessment of the Philippine water sector, recommended targeted subsidies and lifeline rates to help keep water services affordable for low-income households while ensuring that water providers remain financially sustainable.
“Hindi naman natin sinasabing parusahan ang mga negosyo. Ang sinasabi natin, kapag nagkukulang ang tubig, dapat unahin ang pangangailangan ng tao. Kailangang may disiplina sa paggamit ng tubig, lalo na sa malalaking konsumo, at may tulong para sa mga pamilyang hirap nang pagkasyahin ang kanilang kita. Dapat patas ang sistema,” Legarda emphasized.
She urged water districts, local government units, and concerned agencies to review existing water rates, identify high-volume non-essential consumption, and explore practical ways to provide financial relief to qualified low-income households.
Any additional charges and proposed subsidies, she said, must be carefully designed, transparently administered, and implemented in accordance with existing regulations to ensure that water services remain accessible and sustainable.
The proposed measures are consistent with Legarda’s longstanding work on climate adaptation and water resource protection. She was Principal Author and Principal Sponsor of Republic Act No. 9729, or the Climate Change Act of 2009, and Co-author and Principal Sponsor of Republic Act No. 10174, which established the People’s Survival Fund to support local climate adaptation projects, including those involving water resource management.
She was also an Author and Co-sponsor of Republic Act No. 9275, or the Philippine Clean Water Act of 2004, which provides for the protection and management of the country’s water resources.
The proposal is the second of ten practical measures Legarda introduced on October 19 to help communities prepare for El Niño. It also follows her filing of Senate Resolution No. 733, seeking an inquiry into government preparedness, the needs of vulnerable communities, and the adequacy of available resources to respond to the phenomenon.
“Alam na natin ang maaaring mangyari kapag tumagal ang tagtuyot. Kaya habang may panahon pa, ayusin na natin ang sistema. Tingnan kung saan puwedeng magtipid, kung paano mapapanatili ang suplay, at kung paano matutulungan ang mga pamilyang pinakaapektado. Hindi dapat hintaying mawalan ng tubig ang mga komunidad bago tayo kumilos,” Legarda concluded. (30)
– – – – – – – – –
Legarda, isinusulong ang mas abot-kayang singil sa tubig para sa mahihirap na pamilya at pagtitipid ng malalaking negosyo bilang ikalawang hakbang kontra El Niño
Isinusulong ni Senator Loren Legarda ang mas abot-kayang singil sa tubig para sa mga pamilyang kapos sa kita at mas mahigpit na patakaran laban sa labis na paggamit nito ng malalaking negosyo. Ito ang ikalawang hakbang sa kaniyang 10-Point Policy Action Plan upang mapaghandaan ang lumalalang epekto ng El Niño sa bansa.
Sa ilalim ng panukala, hinihikayat ni Legarda ang mga lokal na water district, kompanyang nagbibigay ng serbisyo sa tubig, at mga kinauukulang regulator na pag-aralan ang pagpapataw ng mas mataas na singil o multa sa labis na paggamit ng tubig para sa mga gawaing pangkomersiyong hindi pangunahing pangangailangan. Kabilang dito ang pagdidilig ng mga golf course, pagpapanatili ng mga komersiyal na swimming pool, at ilang gawaing pang-industriya na nangangailangan ng malaking konsumo ng tubig.
Maaaring gamitin ang karagdagang pondong malilikom mula rito upang makatulong sa pagbabayad ng tubig ng mga pamilyang mababa ang kita, alinsunod sa umiiral na mga batas at sa pag-apruba ng mga kinauukulang ahensiya.
“Tubig ang isa sa pinakapangunahing pangangailangan ng bawat pamilya. Hindi puwedeng dumating sa puntong kailangang mamili ng isang magulang kung magbabayad ba ng tubig o bibili ng pagkain. Ngayong alam nating magkakaroon ng krisis sa tubig, kung may mga negosyong gumagamit ng napakaraming tubig para sa mga bagay na hindi naman essential, dapat may paraan para mabawasan iyon upang magamit ang tubig ng mas nangangailangan. Kung hindi, patawan ng multa na magagamit naman sa subsidiya para sa mga higit na nasalanta ng tagtuyot dulot ng Super El Nino,” ani Legarda.
Kasunod ito ng babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) noong Setyembre 2026 na maaaring lumakas pa ang nararanasang El Niño sa tropikal na Pasipiko at umabot sa antas na very strong. Posible ring magpatuloy ang epekto nito hanggang sa unang kalahati ng 2027, na maaaring magdulot ng matagal na tagtuyot, kakulangan sa ulan, at paghina ng suplay ng tubig sa mga bulnerableng komunidad.
Nakabatay ang panukala sa mga prinsipyong itinataguyod ng Asian Development Bank (ADB) tungkol sa maingat na pamamahala sa konsumo ng tubig at pagpapanatili ng abot-kayang serbisyo para sa mahihirap na pamilya.
Maging ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nanawagan ng mas maingat na paggamit ng tubig dahil sa El Niño. Noong Oktubre 5, inihayag ng ahensiya ang planong muling isulong ang paggamit ng recycled water sa mga golf course. Hinikayat din nito ang publiko na iwasan ang hindi kinakailangang pagkonsumo ng tubig, kabilang ang labis na paghuhugas ng mga sasakyan at paglilinis ng mga driveway.
May batayan din sa umiiral na batas ang pag-aaral sa magkakaibang singil sa tubig. Sa ilalim ng Presidential Decree No. 198, na may mga susog, maaaring magtakda ang mga lokal na water district ng magkakaibang halaga batay sa uri at dami ng paggamit, alinsunod sa mga naaangkop na regulasyon.
Kaugnay nito, sa pagsusuri ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) sa sektor ng tubig sa Pilipinas noong 2026, inirekomenda ang mga subsidiya para sa mga kwalipikadong pamilya at lifeline rates upang manatiling abot-kaya ang pangunahing serbisyo nang hindi naaapektuhan ang kakayahan ng mga tagapagbigay ng tubig na magpatuloy sa kanilang operasyon.
“Hindi naman natin sinasabing parusahan ang mga negosyo. Ang sinasabi natin, kapag nagkukulang ang tubig, dapat unahin ang pangangailangan ng tao. Kailangang may disiplina sa paggamit ng tubig, lalo na sa malalaking konsumo, at may tulong para sa mga pamilyang hirap nang pagkasyahin ang kanilang kita. Dapat patas ang sistema,” diin ng senadora.
Dahil dito, hinikayat ni Legarda ang mga water district, lokal na pamahalaan, at kinauukulang ahensiya na suriin ang kasalukuyang singil sa tubig, tukuyin ang mga gawaing may labis na konsumo, at maghanap ng mga praktikal na paraan upang mabawasan ang gastusin ng mga pamilyang higit na nangangailangan.
Binigyang-diin din niya na kailangang pag-aralang mabuti ang anumang karagdagang singil at subsidiya, tiyaking malinaw ang pangangasiwa sa malilikom na pondo, at sundin ang mga umiiral na regulasyon upang mapangalagaan ang suplay at kalidad ng serbisyo.
Bahagi ang panukala ng matagal nang pagsusulong ni Legarda ng mga batas para sa paghahanda sa pagbabago ng klima at pangangalaga sa likas na yaman. Siya ang Principal Author at Principal Sponsor ng Republic Act No. 9729, o Climate Change Act of 2009, at Co-author at Principal Sponsor ng Republic Act No. 10174, na nagtatag ng People’s Survival Fund upang pondohan ang mga lokal na proyekto para sa pag-angkop sa pagbabago ng klima, kabilang ang pamamahala sa yamang-tubig.
Isa rin siyang Author at Co-sponsor ng Republic Act No. 9275, o Philippine Clean Water Act of 2004, na naglalayong protektahan ang kalidad ng tubig sa bansa at pigilan ang polusyon sa mga anyong-tubig.
Ikalawa ito sa sampung hakbang na inilatag ni Legarda noong Oktubre 19 upang tulungan ang mga komunidad na mapaghandaan ang El Niño. Kaugnay din ito ng kaniyang Senate Resolution No. 733, na humihiling ng pagsisiyasat sa kahandaan ng pamahalaan, mga pangangailangan ng mga bulnerableng komunidad, at sapat na paglalaan ng pondo at iba pang kinakailangang tulong laban sa mga epekto ng El Niño.
“Alam na natin ang maaaring mangyari kapag tumagal ang tagtuyot. Kaya habang may panahon pa, ayusin na natin ang sistema. Tingnan kung saan puwedeng magtipid, kung paano mapapanatili ang suplay, at kung paano matutulungan ang mga pamilyang pinakaapektado. Hindi dapat hintaying mawalan ng tubig ang mga komunidad bago tayo kumilos,” pagtatapos ni Legarda. (30)
