“Walang Pamilyang Dapat Mawalan ng Pagkakakitaan”: Legarda Calls for Sustainable Rural Livelihoods Amid El Niño

November 4, 2026

Senator Loren Legarda called for stronger government support for sustainable, climate-resilient rural livelihoods as El Niño threatens farming, fishing, and other sources of income, stressing that vulnerable families need alternative ways to earn before drought and water shortages disrupt their means of living.

Legarda emphasized that preparations for El Niño must extend beyond securing food and water supplies to protecting household incomes, particularly in communities heavily dependent on agriculture, fisheries, and natural resources.

“Paano na ang mga pamilyang nakadepende sa kalikasan kapag natuyo ang sakahan at walang maaning pananim? Saan kukuha ng panggastos ang mga pamilyang ito? Hindi naman tumitigil ang pangangailangan nila dahil lang may tagtuyot. Kailangan pa ring kumain at magpaaral ng mga anak. Kaya ngayon pa lang, dapat tinutulungan na natin silang masiguro ang kanilang kita. Kung kinakailangan ng pansamantalang bagong pagkakakitaan, tulungan natin sila. Huwag na nating hintaying tuluyan silang mawalan ng hanapbuhay bago tayo kumilos,” Legarda said.

The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) warned in September 2026 that the ongoing strong El Niño could intensify into a very strong event and persist through the first half of 2027, increasing the risk of prolonged dry spells and drought in vulnerable areas.

With agricultural production and water-dependent livelihoods facing growing pressure, Legarda urged greater investment in sustainable food processing, traditional crafts, community-based enterprises, and other locally viable industries that can provide supplementary income when farming and fishing activities are disrupted.

Among these is Asin Tibuok, the traditional artisanal sea salt of Alburquerque, Bohol, whose production has supported local livelihoods and preserved skills passed down through generations. In 2025, UNESCO inscribed the practice on its List of Intangible Cultural Heritage in Need of Urgent Safeguarding, recognizing the need to protect the tradition from threats including climate change, rural-to-urban migration, and declining interest among younger generations.

“Marami tayong kababayan na may sariling galing at kasanayan, pero kulang sa suporta, puhunan, kagamitan, at merkado. Tingnan natin ang Asin Tibuok sa Bohol. Isang tradisyong nagbibigay rin ng kabuhayan sa mga pamilya. Marami pa tayong ganitong produkto at kasanayan sa iba’t ibang probinsya. Kung mabibigyan sila ng tamang suporta, maaari itong maging dagdag na pagkakakitaan, lalo na kapag humihina ang kanilang pangunahing hanapbuhay,” Legarda said.

She urged the Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DA), Department of Science and Technology (DOST), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), and local government units to expand livelihood assistance through skills training, accessible financing, equipment, product development, and stronger market access, with programs tailored to local resources and climate risks.

Legarda cited Republic Act No. 9509, or the Barangay Livelihood and Skills Training Act of 2008, which she principally authored and sponsored, as an existing mechanism for bringing livelihood opportunities closer to underserved communities. The law provides for livelihood and skills training centers, including support for entrepreneurship, product development, and environmentally sustainable livelihood technologies.

She also pointed to Republic Act No. 11961, which she authored and principally sponsored, strengthening cultural mapping and heritage education, and Republic Act No. 11904, or the Philippine Creative Industries Development Act, which she authored, as measures that can help preserve traditional skills and expand economic opportunities for local artisans and creative enterprises.

“No family should lose its means to earn simply because the climate has changed. Hindi natin kontrolado kung gaano katagal ang tagtuyot, pero may magagawa tayo para hindi mawalan ng pagkakakitaan ang mga tao. Kung humina ang ani, dapat may iba silang mapagkukunan ng kita. Kung may produkto silang kayang gawin, tulungan natin silang makahanap ng mamimili. Ang mahalaga, may maaasahang kabuhayan ang pamilya kahit mahirap ang panahon,” Legarda said.

The call complements Legarda’s 10-Point Policy Action Plan against El Niño, launched on October 19, which outlines early interventions to address water shortages, extreme heat, and threats to food security. She stressed that protecting livelihoods must also be part of the country’s preparations so families can withstand climate-related disruptions without relying solely on emergency assistance. (30)

– – – – – – – – – – – –

“Walang Pamilyang Dapat Mawalan ng Pagkakakitaan”: Legarda, nanawagan ng mas matibay na suporta sa kabuhayan sa kanayunan sa gitna ng El Niño

Nanawagan si Senador Loren Legarda sa pamahalaan na palakasin ang suporta sa mga kabuhayan sa kanayunan na kayang makayanan ang epekto ng pagbabago ng klima, upang matiyak na may ibang mapagkukunan ng kita ang mga magsasaka, mangingisda, at iba pang pamilyang nanganganib mawalan ng hanapbuhay dahil sa El Niño.

Binigyang-diin ni Legarda na bukod sa paghahanda ng sapat na suplay ng pagkain at tubig, kailangang tiyakin din ng pamahalaan na may pagkakakitaan ang mga pamilya sa panahon ng matinding tagtuyot, lalo na sa mga komunidad na umaasa sa pagsasaka, pangingisda, at iba pang likas na yaman.

“Paano na ang mga pamilyang nakadepende sa kalikasan kapag natuyo ang sakahan at walang maaning pananim? Saan kukuha ng panggastos ang mga pamilyang ito? Hindi naman tumitigil ang pangangailangan nila dahil lang may tagtuyot. Kailangan pa ring kumain at magpaaral ng mga anak. Kaya ngayon pa lang, dapat tinutulungan na natin silang masiguro ang kanilang kita. Kung kinakailangan ng pansamantalang bagong pagkakakitaan, tulungan natin sila. Huwag na nating hintaying tuluyan silang mawalan ng hanapbuhay bago tayo kumilos,” ani Legarda.

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) noong Setyembre 2026 na maaaring lumakas pa ang kasalukuyang El Niño at umabot sa antas na *very strong*. Posible ring magpatuloy ang epekto nito hanggang sa unang kalahati ng 2027, na maaaring magdulot ng matagal na panahon ng kakulangan sa ulan at matinding tagtuyot sa mga lugar na higit na nanganganib.

Dahil dito, iginiit ng senador ang pangangailangang mamuhunan sa mga alternatibong kabuhayang angkop sa bawat komunidad, gaya ng pagpoproseso ng pagkain, paggawa ng mga tradisyonal na produkto, at pagpapaunlad ng maliliit na negosyong gumagamit ng lokal na yaman at kasanayan. Makatutulong ang mga ito upang magkaroon ng karagdagang kita ang mga pamilya kapag naapektuhan ang kanilang pagsasaka o pangingisda.

Isa sa mga halimbawang binanggit niya ang Asin Tibuok, isang tradisyonal na paraan ng paggawa ng asin sa Alburquerque, Bohol, na matagal nang nagbibigay ng kabuhayan sa mga lokal na pamilya. Noong 2025, isinama ng UNESCO ang tradisyong ito sa *List of Intangible Cultural Heritage in Need of Urgent Safeguarding* dahil sa mga bantang dulot ng pagbabago ng klima, paglipat ng mga residente sa lungsod, at pagbaba ng interes ng nakababatang henerasyon.

“Marami tayong kababayan na may sariling galing at kasanayan, pero kulang sa suporta, puhunan, kagamitan, at merkado. Tingnan natin ang Asin Tibuok sa Bohol. Isang tradisyong nagbibigay rin ng kabuhayan sa mga pamilya. Marami pa tayong ganitong produkto at kasanayan sa iba’t ibang probinsya. Kung mabibigyan sila ng tamang suporta, maaari itong maging dagdag na pagkakakitaan, lalo na kapag humihina ang kanilang pangunahing hanapbuhay,” ani Legarda.

Hinimok din niya ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DA), Department of Science and Technology (DOST), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at mga lokal na pamahalaan na palawakin ang mga programang pangkabuhayan.

Kabilang dito ang pagsasanay sa iba’t ibang kasanayan, mas madaling pagkuha ng puhunan, pagbibigay ng kagamitan, pagpapahusay ng mga produkto, at pagtulong sa mga lokal na negosyo na makahanap ng mas maraming mamimili. Ayon sa senador, dapat iangkop ang mga programang ito sa mga likas na yaman, pangangailangan, at panganib na kinakaharap ng bawat komunidad.

Bilang batayan sa pagpapalawak ng mga programang ito, binanggit ni Legarda ang Republic Act No. 9509 o *Barangay Livelihood and Skills Training Act of 2008*, na kaniyang isinulong bilang Principal Author at Principal Sponsor. Sa ilalim ng batas, itinataguyod ang pagkakaroon ng mga sentro para sa pagsasanay at kabuhayan sa mga barangay, kabilang ang suporta sa pagnenegosyo, pagpapaunlad ng produkto, at paggamit ng mga teknolohiyang hindi nakapipinsala sa kalikasan.

Binigyang-diin din niya ang Republic Act No. 11961, na kaniyang isinulong bilang Author at Principal Sponsor, na nagpapalakas sa cultural mapping at heritage education, gayundin ang Republic Act No. 11904 o *Philippine Creative Industries Development Act*, na kaniyang isinulong bilang Author. Layunin ng mga batas na ito na makatulong sa pangangalaga ng mga tradisyonal na kasanayan at pagbubukas ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan para sa mga lokal na manggagawa at negosyong malikhaing Pilipino.

“No family should lose its means to earn simply because the climate has changed. Hindi natin kontrolado kung gaano katagal ang tagtuyot, pero may magagawa tayo para hindi mawalan ng pagkakakitaan ang mga tao. Kung humina ang ani, dapat may iba silang mapagkukunan ng kita. Kung may produkto silang kayang gawin, tulungan natin silang makahanap ng mamimili. Ang mahalaga, may maaasahang kabuhayan ang pamilya kahit mahirap ang panahon,” ani Legarda.

Kaugnay ito ng 10-Point Policy Action Plan ni Legarda laban sa El Niño, na inilunsad noong Oktubre 19 upang maagapan ang kakulangan sa tubig, matinding init, at mga banta sa seguridad sa pagkain.

Iginiit ng senador na dapat ding maging bahagi ng paghahanda ng bansa ang pagprotekta sa kabuhayan upang patuloy na matustusan ng mga pamilya ang kanilang pangangailangan sa kabila ng epekto ng pagbabago ng klima, nang hindi umaasa lamang sa ayuda tuwing may sakuna. (30)