Legarda Calls for Accurate Data, Research, Indigenous Participation in Documenting Philippine Languages
October 30, 2026In her message for the launch of the Atlas at Mapa ng mga Wika ng Pilipinas by the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) on October 29, 2026, Legarda emphasized that language documentation must be grounded in scientific research and validated information, with the active participation of the communities whose languages are being studied.
Legarda highlighted the ongoing Balidasyon ng mga Wika ng Pilipinas project, supported by her office, which seeks to reconcile varying estimates of the number of languages spoken across the country. The validation process examines several linguistic factors, including community identity, mutual intelligibility among speakers, lexical similarities, and grammatical structures.
“At para maisagawa ito, kailangan ng karagdagang pananaliksik at balidasyon ng mga datos sa pagsusuri ng pagkakaiba ng wika at wikain,” Legarda said.
The Senator noted that KWF began additional research in 2020 and coordinated with the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) in 2021 to secure permission from Indigenous communities before conducting fieldwork and language validation.
These efforts increased the documented number of Philippine languages from 130 in 2016 to 135 following data collection and analysis conducted between 2022 and the second quarter of 2024.
Legarda clarified that the revised figure does not necessarily indicate the emergence of new languages. Rather, the findings reflect languages documented through further research, previously classified dialects identified as distinct languages, and languages once listed separately but subsequently found to be the same as those spoken in neighboring communities.
“Kailangang maunawaan na mahalaga ang wasto at nabalidang mga datos hinggil sa mga wika dahil magagamit ito na batayan ng KWF para sa pagpaplano ng mga programa at proyekto, at pagbuo ng mga patakarang pangwika,” the Senator explained.
Legarda also linked the initiative to her longstanding advocacy for cultural heritage protection, citing Republic Act No. 11961, which strengthens cultural heritage preservation through cultural mapping and enhanced heritage education. She served as Author and Principal Sponsor of the measure.
She likewise cited Republic Act No. 10066, or the National Cultural Heritage Act of 2009, which she supported as Author and Co-sponsor. Both laws advance the documentation and protection of the country’s cultural heritage, including recognition of Indigenous communities and their rights.
With KWF’s validation work still underway, Legarda stressed that the official count of Philippine languages may continue to change as researchers gather additional evidence and communities contribute further information.
She also called for sustained coordination among KWF, NCIP, local government units, and other concerned agencies to strengthen scientific language documentation and establish reliable data, particularly for languages at risk of disappearing.
Legarda concluded her message by underscoring the broader significance of language preservation in recognizing the identity and cultural heritage of Filipino communities.
“Ang mga wika ay hindi lámang behikulo ng komunikasyon kundi representasyon at ingklusyon ng bawat pamayang pangwika at pangkultura,” she said.
– – – – – – – – – –
Legarda: Wastong datos, pananaliksik at pakikilahok ng katutubo, mahalaga sa pagkilala sa mga wika ng Pilipinas
Binigyang-diin ni Senadora Loren Legarda ang kahalagahan ng masusing pananaliksik, balidasyon ng datos, at pakikipag-ugnayan sa mga katutubong pamayanan upang matiyak ang wastong pagkilala at pangangalaga sa mga wika ng bansa, sa kaniyang mensahe para sa paglulunsad ng Atlas at Mapa ng mga Wika ng Pilipinas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Oktubre 29, 2026.
Ipinaliwanag ng Senadora na layunin ng proyektong Balidasyon ng mga Wika ng Pilipinas, na patuloy na sinusuportahan ng kaniyang tanggapan, na linawin ang magkakaibang bilang ng mga wikang naitatala sa bansa. Kabilang sa mga batayan ng pagsusuri ang pagkakakilanlan ng pamayanan, kakayahang magkaunawaan ng mga gumagamit ng wika, pagkakatulad ng mga salita, at gramatika.
“At para maisagawa ito, kailangan ng karagdagang pananaliksik at balidasyon ng mga datos sa pagsusuri ng pagkakaiba ng wika at wikain,” ani Legarda.
Sa kaniyang mensahe, ibinahagi rin ni Legarda na nagsimula ang KWF ng karagdagang pananaliksik noong 2020 at nakipag-ugnayan sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) noong 2021 upang humingi ng pahintulot sa mga katutubong pamayanan para sa pagsasagawa ng fieldwork at balidasyon. Mula sa 130 wikang naitala noong 2016, naging 135 ang bilang matapos ang pangangalap at pagsusuri ng datos mula 2022 hanggang ikalawang quarter ng 2024.
Nilinaw na hindi ito nangangahulugang may mga bagong wikang nabuo, kundi may mga wikang ngayon lamang nasaliksik, may mga dating itinuturing na diyalekto na napatunayang magkahiwalay na wika, at may mga wikang dating nakatalang magkahiwalay ngunit napatunayang katulad ng mga wikang ginagamit sa kalapit na mga pamayanan.
“Kailangang maunawaan na mahalaga ang wasto at nabalidang mga datos hinggil sa mga wika dahil magagamit ito na batayan ng KWF para sa pagpaplano ng mga programa at proyekto, at pagbuo ng mga patakarang pangwika,” paliwanag ng Senadora.
Kaugnay nito ang Republic Act No. 11961, na nagpapalakas sa pangangalaga ng pamanang pangkultura sa pamamagitan ng cultural mapping at pinahusay na edukasyong pangkultura, na kaniyang isinulong bilang Author at Principal Sponsor. Kabilang din ang Republic Act No. 10066, o National Cultural Heritage Act of 2009, bilang Author at Co-sponsor. Itinataguyod ng mga batas na ito ang dokumentasyon at pangangalaga sa pamanang pangkultura, kabilang ang pagkilala sa mga katutubong pamayanan at kanilang mga karapatan.
Binigyang-diin din ni Legarda na nagpapatuloy ang balidasyon ng KWF, kaya maaari pang magbago ang bilang ng mga naitatalang wika habang nadaragdagan ang pananaliksik at datos mula sa mga komunidad. Mahalaga rin ang pagpapatuloy ng ugnayan ng KWF, NCIP, mga lokal na pamahalaan, at iba pang ahensiya upang magkaroon ng siyentipikong paglalarawan at maaasahang datos, lalo na tungkol sa mga wikang nanganganib maglaho.
Tulad ng binigyang-diin ni Legarda sa pagtatapos ng kaniyang mensahe, “ang mga wika ay hindi lámang behikulo ng komunikasyon kundi representasyon at ingklusyon ng bawat pamayang pangwika at pangkultura”.
