Legarda: Climate Crisis Is a Health Crisis, New Lancet Study Reinforces Longstanding Warning
October 30, 2026Senator Loren Legarda renewed her call for stronger climate preparedness and public health protection following a new international study documenting millions of heat-related deaths worldwide, many linked to human-caused climate change. She said the findings reinforce her longstanding warning that the climate crisis is a public health crisis, underscoring the urgency of translating existing climate policies into concrete measures that protect lives and livelihoods.
The 2026 Lancet Countdown on Health and Climate Change report, released on October 28, called for climate change to be formally recognized as a global health emergency. It found that heat-related deaths reached a record 710,000 worldwide in 2023, with more than 70 percent attributable to human-caused climate change.
“Akala ng iba na ang climate change ay environmental issue lamang – hindi. Matagal ko nang sinasabing ang pagbabago ng klima ay usapin din ng kalusugan at buhay. May mga sakit na nakukuha dahil sa matinding pagbaha – nariyan ang leptospirosis at dengue. Gayundin, kapag sobrang init, lumalala rin ang panganib ng mga komplikasyon sa altapresyon at heatstroke. Ang greenhouse gas emissions at pagkapal ng smog ay nagdudulot ng polusyon sa hangin na siya namang nagdudulot ng sakit sa baga tulad ng ubo at hika. Kaya naman ang pagpapaliban sa aksyon ay pagpapalawig ng banta sa kalusugan at buhay ng mamamayan,” Legarda said.
The Lancet report estimated that air pollution from fossil fuels contributes to approximately 2.73 million deaths worldwide each year, reinforcing the importance of measures Legarda has supported, including the Philippine Clean Air Act (RA 8749), as well as her proposed Low Carbon Economy Act and Philippine Circular Economy Promotion Act in the 20th Congress.
The report also found that extreme heat cost the global economy an estimated $1.07 trillion in potential income in 2025, with Southeast Asia among the hardest hit, recording losses equivalent to 3.9 percent of its gross domestic product.
The findings come as the Philippines faces a strong to very strong El Niño. In its October 21 update, the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) warned that its effects could extend into the first half of 2027, raising concerns over water shortages and food security.
Legarda recently filed Senate Resolution No. 733 to examine government preparedness and funding for Super El Niño and introduced a 10-point action plan to protect vulnerable communities, secure water supplies, strengthen protection against extreme heat, and reduce risks to health and livelihoods.
“Sa isang Super El Niño, unang naaapektuhan ang ating mga magsasaka, manggagawa, at mga pamilyang hirap na sa pang-araw-araw. Kaya dapat ngayon pa lang, tiyaking may sapat na tubig, pagkain, at serbisyong pangkalusugan ang ating mga komunidad. Kailangan ang maagang paghahanda, hindi kapag malala na ang sitwasyon. Ito ang nais kong isulong sa aking 10-point Policy Action Plan for Super El Niño,” she emphasized.
Legarda has also long advocated stronger disease surveillance, early warning systems, and preventive measures against climate-sensitive illnesses. Her legislative work includes Republic Act No. 9729, or the Climate Change Act of 2009, which she principally authored and sponsored.
She was also a co-author and the principal sponsor of the People’s Survival Fund Act (RA 10174) and a co-sponsor of the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act (RA 10121), strengthening the country’s framework for climate adaptation and disaster preparedness.
With the Lancet Countdown report released ahead of the 31st Conference of the Parties (COP31) in Antalya, Türkiye, from November 9 to 20, 2026, Legarda, a recognized United Nations Global Champion for Resilience, called for stronger climate commitments, including more ambitious reductions in greenhouse gas emissions and pollution that threaten public health, emphasizing that international climate commitments must translate into stronger health systems, better climate preparedness, and concrete protection for communities most exposed to climate risks.
“May mga batas na tayo at mga kasunduang pinagtibay sa mga pandaigdigang pagpupulong. Ang kailangan ay maipatupad ang mga ito nang maayos at maramdaman ng ating mga kababayan. Dapat handa ang ating mga health center, may maagang babala, at may sapat na suporta ang mga komunidad. Hindi natin kailangang hintaying mas marami pang magkasakit o mawalan ng buhay bago kumilos,” Legarda concluded. (30)
– – – – – – – – – – – –
Legarda: Krisis sa klima, krisis din sa kalusugan; bagong pag-aaral ng The Lancet, nagpapatibay sa matagal nang babala
Muling nanawagan si Senadora Loren Legarda ng mas maigting na paghahanda sa epekto ng climate change at pagpapalakas ng mga serbisyong pangkalusugan matapos lumabas ang isang bagong pandaigdigang pag-aaral na nag-uugnay sa milyun-milyong pagkamatay dahil sa matinding init at pagbabago ng klima na dulot ng gawain ng tao.
Ayon kay Legarda, pinagtitibay ng pag-aaral ang matagal na niyang babala na ang krisis sa klima ay isa ring krisis sa kalusugan. Aniya, kailangang maisakatuparan ang mga umiiral na batas at patakaran upang maprotektahan ang buhay at kabuhayan ng mga mamamayan.
Batay sa 2026 Lancet Countdown on Health and Climate Change na inilabas noong Oktubre 28, umabot sa rekord na 710,000 ang mga namatay sa buong mundo dahil sa matinding init noong 2023. Mahigit 70 porsiyento ng mga pagkamatay na ito ang iniugnay sa climate change na dulot ng gawain ng tao. Nanawagan din ang ulat na pormal nang kilalanin ang climate change bilang isang pandaigdigang krisis sa kalusugan.
“Akala ng iba na ang climate change ay environmental issue lamang – hindi. Matagal ko nang sinasabing ang pagbabago ng klima ay usapin din ng kalusugan at buhay. May mga sakit na nakukuha dahil sa matinding pagbaha – nariyan ang leptospirosis at dengue. Gayundin, kapag sobrang init, lumalala rin ang panganib ng mga komplikasyon sa altapresyon at heatstroke. Ang greenhouse gas emissions at pagkapal ng smog ay nagdudulot ng polusyon sa hangin na siya namang nagdudulot ng sakit sa baga tulad ng ubo at hika. Kaya naman ang pagpapaliban sa aksyon ay pagpapalawig ng banta sa kalusugan at buhay ng mamamayan,” pahayag ni Legarda.
Tinaya rin sa ulat na humigit-kumulang 2.73 milyong katao ang namamatay taun-taon sa buong mundo dahil sa polusyon sa hangin mula sa paggamit ng fossil fuels. Kaugnay nito, muling binigyang-pansin ng senadora ang kahalagahan ng mga hakbang laban sa polusyon, kabilang ang Philippine Clean Air Act o Republic Act No. 8749 na kanyang sinuportahan, gayundin ang kanyang mga panukalang Low Carbon Economy Act at Philippine Circular Economy Promotion Act sa ika-20 Kongreso.
Bukod sa epekto sa kalusugan, malaki rin ang pinsalang dulot ng matinding init sa ekonomiya. Ayon sa pag-aaral, tinatayang $1.07 trilyon ang nawalang potensiyal na kita sa buong mundo noong 2025 dahil sa matinding init. Kabilang ang Timog-Silangang Asya sa mga rehiyong pinakamabigat na naapektuhan, kung saan ang pagkalugi ay katumbas ng 3.9 porsiyento ng gross domestic product o GDP ng rehiyon.
Lalong nagiging mahalaga ang mga natuklasan sa pag-aaral habang humaharap ang Pilipinas sa banta ng malakas hanggang napakalakas na El Niño. Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) noong Oktubre 21, nagbabala ang ahensiya na maaaring umabot hanggang unang kalahati ng 2027 ang mga epekto nito, na posibleng magdulot ng kakulangan sa tubig at panganib sa suplay ng pagkain.
Kamakailan ay naghain si Legarda ng Senate Resolution No. 733 upang siyasatin ang kahandaan ng pamahalaan at ang pondong nakalaan para sa pagtugon sa Super El Niño. Naglatag din siya ng 10-point Policy Action Plan na naglalayong matiyak ang sapat na suplay ng tubig, maprotektahan ang mga komunidad laban sa matinding init, at mabawasan ang panganib sa kalusugan at kabuhayan.
“Sa isang Super El Niño, unang naaapektuhan ang ating mga magsasaka, manggagawa, at mga pamilyang hirap na sa pang-araw-araw. Kaya dapat ngayon pa lang, tiyaking may sapat na tubig, pagkain, at serbisyong pangkalusugan ang ating mga komunidad. Kailangan ang maagang paghahanda, hindi kapag malala na ang sitwasyon. Ito ang nais kong isulong sa aking 10-point Policy Action Plan for Super El Niño,” diin ng senadora.
Matagal na ring isinusulong ni Legarda ang mas maayos na pagsubaybay sa mga sakit na may kaugnayan sa pagbabago ng klima, pagpapalakas ng mga sistema ng maagang babala, at mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at iba pang panganib sa kalusugan.
Kabilang sa mga batas na kanyang isinulong ang Republic Act No. 9729 o Climate Change Act of 2009, kung saan siya ang Principal Author at Principal Sponsor. Siya rin ang Co-author at Principal Sponsor ng People’s Survival Fund Act o Republic Act No. 10174, at Co-sponsor ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act o Republic Act No. 10121. Ang mga batas na ito ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng bansa na makapaghanda at makibagay sa mga epekto ng pagbabago ng klima at sakuna.
Inilabas ang ulat ng Lancet Countdown ilang araw bago ang ika-31 Conference of the Parties (COP31) na gaganapin sa Antalya, Türkiye, mula Nobyembre 9 hanggang 20, 2026.
Kaugnay nito, nanawagan si Legarda, na kinilala ng United Nations bilang Global Champion for Resilience, ng mas matibay na mga kasunduan at hakbang ng mga bansa laban sa climate change. Kabilang dito ang mas malaking pagbawas sa greenhouse gas emissions at polusyon na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao.
Iginiit niya na kailangang makita ang resulta ng mga pandaigdigang kasunduan sa mas matatag na serbisyong pangkalusugan, mas maagang paghahanda sa mga sakuna, at aktuwal na proteksiyon para sa mga komunidad na higit na nanganganib sa epekto ng pagbabago ng klima.
“May mga batas na tayo at mga kasunduang pinagtibay sa mga pandaigdigang pagpupulong. Ang kailangan ay maipatupad ang mga ito nang maayos at maramdaman ng ating mga kababayan. Dapat handa ang ating mga health center, may maagang babala, at may sapat na suporta ang mga komunidad. Hindi natin kailangang hintaying mas marami pang magkasakit o mawalan ng buhay bago kumilos,” pagtatapos ni Legarda. (30)
