“Let Us Take That Decisive Action Now”: Legarda Launches 10-Point Action Plan vs. Super El Niño

October 19, 2026

In a decisive move to shield the country from the severe impacts of the impending climate crisis, Senator Loren Legarda has officially released a comprehensive, rapid-deployment 10-Point Policy Action Plan to counter the strong to very strong El Niño.

The policy framework operationalizes immediate, localized interventions to protect vulnerable sectors, ensure water availability and food security, and reduce heat-related risks and other adverse impacts of El Niño. This action plan serves as a direct follow-up to her urgent call last September 2026 for early, science-based interventions reinforced by the filing of Senate Resolution No. 733, the Senator’s first legislative move to ensure accountability and adequate resource allocation.

“Ang nais natin ay malinaw na plano at aksyon kaya ko ihinain ang Senate Resolution 733. Nais nating malaman kung ano ang mga lugar at sektor na pinakamapanganib, kung ano ang mga prayoridad na hakbang, at kung sapat ba ang pondo upang maiwasan ang malawakang pagkalugi at gutom bago pa man tumindi ang krisis,” Legarda stressed.

Nonetheless, Legarda, an internationally-awarded champion for climate adaptation and disaster risk reduction, leaps ahead and lays down ten ways or action points in order to be more prepared against the upcoming strong to very strong El Niño.

“Bagaman naihain na ang resolusyon, kailangan na natin kumilos ngayon. Hindi tayo pwedeng maghintay na lumala ang sitwasyon tapos doon palang kikilos. Dapat matuto na tayo sa mga nagdaang El Niño.” Legarda emphasized.

To immediately operationalize these policies, the 10-point plan is broken down into the following practical, concrete, and actionable items, drawing heavily from the frontline expertise of international agencies and local civil society groups:

1. Install Rainwater Catchments in Schools Now

The Department of Education (DepEd) and Local Government Units (LGUs), in coordination with relevant government agencies, must immediately distribute and install modular rain barrels with gutter diverters in public educational facilities. This intervention captures early, irregular rainfall before municipal grids dry up, to ensure schools maintain sanitation and avoid drought-induced class suspensions, making it highly adaptive to the sudden water scarcity caused by El Niño.

2. Affordable Water for Filipino Families

Drawing from strategies highlighted by the Asian Development Bank (ADB), local water districts must impose emergency penalty rates on high-volume, non-essential commercial water users, such as golf course irrigation, commercial swimming pools, and industrial washing. The generated revenue will subsidize the water bills of low-income urban families. This measure discourages non-essential water use and helps preserve critical municipal water reserves for essential domestic consumption, thereby strengthening resilience to prolonged dry spells.

3. Safety and Welfare of Workers Against Extreme Heat

Directly inspired by the advocacy of the fisherfolk group PAMALAKAYA, employers are encouraged to shift heavy outdoor work to cooler hours when the heat index exceeds 42°C, or to provide a mandatory “Climate Hazard Pay” if rescheduling is impossible. This policy is expected to prevent heatstroke and occupational casualties by proactively adapting labor practices to the extreme thermal exposure associated with El Niño.

“Buhay at kalusugan ng ating mga manggagawa, magsasaka, at construction workers ang nakataya sa matinding init. Hindi sapat ang magbigay ng payo; kailangan natin ng konkretong proteksyon sa lugar ng trabaho,” Legarda noted.

4. Support for Indigenous Forest Guards

Adapting frameworks from the Department of Agriculture – Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (DA-4K), the government should formalize a Payment for Ecosystem Services (PES) system to directly pay Indigenous communities to protect upstream forests. This initiative can help preserve the forests that act as natural water regulators, support watershed health and water flow into critical reservoirs that supply lowland communities, particularly during periods of water scarcity.

5. Safe Sailing Against Extreme Heat for Fisherfolk

Echoing the urgent demands of PAMALAKAYA, municipal fisherfolk must be subsidized and equipped with specialized marine heat-trauma first aid kits as a prerequisite for boat licensing. By implementing this, the government protects fisherfolk who may face prolonged exposure to extreme heat while venturing farther offshore in search of fish, potentially increasing their vulnerability to heat-related illnesses, including heatstroke, during El Niño.

6. Open Public Cooling Centers

LGUs should explore partnerships with commercial malls and retrofit public spaces such as barangay halls as accessible, “cooling centers” where people can seek temporary relief from the extreme heat. These centers could provide shaded or air-conditioned spaces, drinking water, and resting areas to protect vulnerable populations from heat-related illnesses during periods of elevated heat index associated with El Niño.

7. Cooler Houses and Buildings

LGUs are encouraged to consider a rapid campaign to distribute subsidized, heat-reflective white elastomeric paint to low-income communities to paint corrugated metal roofs. This could help reduce absorption and indoor temperatures and help homes remain livable despite the intense heat associated with an El Niño.

8. Establish Community Gardens of Drought-Resistant Indigenous Trees for GIDA

The government could prioritize establishing community gardens focused on drought-resistant indigenous trees and root crops in Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA). Tree canopies can create local microclimates that significantly improve soil moisture retention and protect vital groundwater recharge zones. This nature-based intervention provides profound El Niño adaptability by securing both alternative food sources and natural cooling for off-grid communities, bypassing the need for costly external relief during prolonged droughts.

9. Harvest and Income Protection for Farmers through Crop Switching

Adapting recommendations from DA-4K, farmers should be provided Conditional Cash Transfers (CCT) and continuous, hands-on field coaching to encourage them to switch to drought-hardy crops. This intervention is expected to accelerate agricultural adaptation by removing the financial risk of crop-switching, thereby ensuring food security and farmer survival amid severe water scarcity.

10. Swift Financial Assistance Mechanisms for Affected Sectors

Heavily supported by ADB frameworks, the plan mandates automated “parametric” climate insurance where farmers and MSMEs automatically receive cash payouts the moment local weather stations record predefined extreme conditions, such as 30 days without rain. To support this, the People’s Survival Fund (PSF) Board can open a financing window for insurance premiums where LGUs can submit proposals to subsidize insurance premiums of low-income and mostly affected constituents. This system bypasses slow bureaucratic damage assessments, offering an immediate financial lifeline and profound El Niño adaptability before economic collapse hits drought-stricken sectors.

“Ang mga solusyong ito ay nakabatay sa siyensya at karanasan ng ating mga komunidad. Oras na para ipatupad ito at tiyakin na walang Pilipinong maiiwan sa ating pagharap sa El Niño,” Legarda explained.

Legarda also emphasized that the severity of the upcoming El Niño demands a shift away from traditional bureaucracy toward immediate, localized implementation.

“Hindi natin kailangan ng mga komplikadong polisiya na nakasulat lang sa papel. Ang hinahanap ng taumbayan ay mga praktikal, kongkreto, at madaling gawin na solusyon. We need our response to be timely, efficient, and effective. We also need to be innovative and maximize the resources and funds that are already available to us. Mitigating the impacts of a strong to very strong El Niño requires our refusal to fall victim to it. Let us take that decisive action now,” she concluded.

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

“Let Us Take That Decisive Action Now”: Legarda, Inilatag ang 10 Konkretong Hakbang Laban sa Super El Niño

Inilatag ni Senadora Loren Legarda ang isang 10-point action plan na naglalaman ng mga kongkretong hakbang upang mapaghandaan at mabawasan ang matinding epekto ng inaasahang malakas hanggang napakalakas na El Niño sa bansa.

Nakatuon ang plano sa agarang pagkilos ng pamahalaan at mga lokal na komunidad upang matiyak ang sapat na suplay ng tubig at pagkain, maprotektahan ang kabuhayan at kalusugan ng mamamayan, at mabawasan ang panganib na dulot ng matinding init at tagtuyot, lalo na sa mga sektor na higit na maaapektuhan.

Kasunod ito ng panawagan ni Legarda noong Setyembre 2026 para sa maagap at nakabatay sa siyensyang paghahanda laban sa El Niño. Inihain din niya ang Senate Resolution No. 733 upang masuri ang kahandaan ng pamahalaan, ang mga umiiral na programa, at ang pondong nakalaan para sa inaasahang krisis.

“Ang nais natin ay malinaw na plano at aksyon kaya ko ihinain ang Senate Resolution 733. Nais nating malaman kung ano ang mga lugar at sektor na pinakamapanganib, kung ano ang mga prayoridad na hakbang, at kung sapat ba ang pondo upang maiwasan ang malawakang pagkalugi at gutom bago pa man tumindi ang krisis,” diin ni Legarda.

Bilang matagal nang nagsusulong ng mga hakbang sa pag-angkop sa pagbabago ng klima at pagbawas ng panganib sa sakuna, binigyang-diin ng Senadora na kailangang sabayan ng aktuwal na paghahanda ang pagsusuri sa mga plano at pondo ng pamahalaan.

“Bagaman naihain na ang resolusyon, kailangan na natin kumilos ngayon. Hindi tayo pwedeng maghintay na lumala ang sitwasyon tapos doon palang kikilos. Dapat matuto na tayo sa mga nagdaang El Niño,” pagbibigay-diin niya.

Binuo ang sampung hakbang batay sa mga rekomendasyon at karanasan ng mga pandaigdigang organisasyon at lokal na grupo na direktang nakikipag-ugnayan sa mga komunidad na lantad sa epekto ng tagtuyot at matinding init.

1. Maglagay agad ng mga imbakan ng tubig-ulan sa mga paaralan

Dapat agad na mamahagi at magkabit ang Department of Education (DepEd) at mga lokal na pamahalaan, katuwang ang iba pang ahensya, ng mga imbakan ng tubig-ulan na may sistemang sumasalo sa tubig mula sa alulod ng mga pampublikong paaralan.

Sa ganitong paraan, maiipon ang tubig mula sa mga unang pag-ulan kahit hindi regular ang pagpatak nito, bago pa man maapektuhan ng tagtuyot ang suplay ng tubig sa mga komunidad. Magagamit ito upang mapanatili ang kalinisan at sanitasyon sa mga paaralan at maiwasan ang pagsususpinde ng klase dahil sa kakulangan ng tubig.

2. Gawing mas abot-kaya ang tubig para sa mga pamilyang Pilipino

Batay sa mga estratehiyang inilatag ng Asian Development Bank (ADB), maaaring magpatupad ang mga lokal na water district ng emergency penalty rates o karagdagang singil sa malalaking komersyal na gumagamit ng tubig para sa mga gawaing hindi naman pangunahing pangangailangan.

Kabilang dito ang pagdidilig ng mga golf course, paggamit ng tubig sa mga komersyal na swimming pool, at malakihang paghuhugas sa mga industriya.

Ang malilikom na pondo ay gagamitin upang mabawasan ang bayarin sa tubig ng mga pamilyang mababa ang kita sa mga lungsod. Layunin din nitong mahikayat ang pagtitipid sa tubig at mapanatili ang sapat na reserba para sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tahanan habang tumatagal ang tagtuyot.

3. Protektahan ang mga manggagawa laban sa matinding init

Kasunod ng panawagan ng grupo ng mga mangingisdang PAMALAKAYA, hinihikayat ang mga employer na ilipat sa mas malamig na oras ang mabibigat na trabahong ginagawa sa labas kapag lumampas sa 42°C ang heat index.

Kung hindi maaaring baguhin ang oras ng trabaho, dapat magbigay ng mandatoryong Climate Hazard Pay o karagdagang bayad para sa mga manggagawang nalalantad sa mapanganib na init.

Layunin nitong maiwasan ang heatstroke at iba pang sakit, pinsala, o pagkamatay na may kaugnayan sa matinding init sa lugar ng trabaho.

“Buhay at kalusugan ng ating mga manggagawa, magsasaka, at construction workers ang nakataya sa matinding init. Hindi sapat ang magbigay ng payo; kailangan natin ng konkretong proteksyon sa lugar ng trabaho,” ani Legarda.

4. Suportahan ang mga katutubong nangangalaga sa kagubatan

Batay sa programa ng Department of Agriculture na Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (DA-4K), iminungkahi ang pagpapatupad ng isang pormal na Payment for Ecosystem Services (PES) system.

Sa ilalim nito, direktang mabibigyan ng kabayaran ang mga katutubong pamayanan kapalit ng kanilang pangangalaga sa mga kagubatan sa matataas na lugar at pinagmumulan ng tubig.

Mahalaga ang mga kagubatang ito sa pagpapanatili ng natural na daloy at suplay ng tubig patungo sa mga dam at reservoir na nagsisilbi sa mga komunidad sa kapatagan, lalo na sa panahon ng tagtuyot.

5. Tiyaking ligtas sa matinding init ang mga mangingisda

Bilang tugon sa panawagan ng PAMALAKAYA, iminungkahi ang pagbibigay ng subsidiya at mga espesyal na first aid kit para sa mga sakit at pinsalang dulot ng matinding init habang nasa dagat.

Dapat maging bahagi rin ng mga kinakailangan sa pagkuha ng lisensya para sa bangka ang pagkakaroon ng ganitong kagamitan.

Layon nitong maprotektahan ang mga mangingisdang napipilitang lumayo sa dalampasigan upang maghanap ng isda at mas matagal na nalalantad sa matinding sikat ng araw. Maaari kasi silang makaranas ng heatstroke at iba pang karamdaman habang nangingisda sa panahon ng El Niño.

6. Magbukas ng mga pampublikong lugar na maaaring silungan laban sa init

Hinihikayat ang mga lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa mga mall at ayusin ang mga pampublikong pasilidad, gaya ng mga barangay hall, upang magsilbing cooling centers o pansamantalang pahingahan laban sa matinding init.

Maaaring maglaan sa mga lugar na ito ng lilim, air-conditioned na espasyo, malinis na inuming tubig, at mga pahingahan.

Mahalaga ito lalo na para sa mga mamamayang mas nanganganib na magkasakit dahil sa mataas na heat index.

7. Gawing mas malamig ang mga bahay at gusali

Iminungkahi rin ang mabilisang pamamahagi ng subsidized na puting elastomeric paint, isang uri ng pinturang nakatutulong sa pagtaboy ng init, para sa mga bubong na yero ng mga tahanan sa mga komunidad na mababa ang kita.

Sa pamamagitan nito, maaaring mabawasan ang init na nasisipsip ng bubong at bumaba ang temperatura sa loob ng bahay.

Isa itong praktikal na paraan upang gawing mas komportable at ligtas ang mga tahanan kahit sa panahon ng matinding init.

8. Magtanim ng mga punong katutubo at pananim na matibay sa tagtuyot sa malalayong komunidad

Maaaring unahin ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga hardin ng komunidad sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA), kung saan itatanim ang mga katutubong punong kayang tiisin ang tagtuyot at mga halamang-ugat na maaaring pagkunan ng pagkain.

Nakatutulong ang lilim ng mga puno upang mabawasan ang init sa paligid, mapanatili ang halumigmig ng lupa, at maprotektahan ang mga lugar kung saan naiipon at sumisipsip sa lupa ang tubig na muling nagdaragdag sa suplay ng tubig sa ilalim ng lupa.

Sa ganitong paraan, magkakaroon ng alternatibong pagkukunan ng pagkain at natural na proteksyon laban sa init ang mga liblib na komunidad, kabilang ang mga lugar na walang koneksyon sa pangunahing suplay ng kuryente. Mababawasan din ang pagdepende sa magastos na tulong mula sa labas kapag tumagal ang tagtuyot.

9. Tulungan ang mga magsasaka na lumipat sa mga pananim na matibay sa tagtuyot

Batay sa mga rekomendasyon ng DA-4K, iminungkahi ang pagbibigay ng Conditional Cash Transfers (CCT) o tulong pinansyal na may kaukulang kondisyon, kasama ang tuloy-tuloy at praktikal na pagsasanay sa mga sakahan.

Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga magsasaka na lumipat sa mga pananim na nangangailangan ng mas kaunting tubig at mas kayang mabuhay sa matinding tagtuyot.

Layunin nitong mabawasan ang panganib na malugi ang mga magsasaka habang nagpapalit ng pananim, maprotektahan ang kanilang kita at kabuhayan, at mapanatili ang suplay ng pagkain sa kabila ng kakulangan sa tubig.

10. Pabilisin ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga apektadong sektor

Alinsunod sa mga pamamaraang itinataguyod ng ADB, iminungkahi ang pagpapatupad ng awtomatikong parametric climate insurance para sa mga magsasaka at micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Sa sistemang ito, awtomatikong matatanggap ang kabayaran mula sa insurance kapag naitala ng mga lokal na istasyon ng panahon ang itinakdang matinding kondisyon, gaya ng 30 magkakasunod na araw na walang ulan.

Upang maisakatuparan ito, maaaring magbukas ang People’s Survival Fund (PSF) Board ng hiwalay na pagkakataon para sa pagpopondo ng mga insurance premium. Maaaring magsumite ang mga lokal na pamahalaan ng mga panukala upang matustusan ang bayad sa insurance ng mga pamilyang mababa ang kita at mga sektor na higit na apektado ng El Niño.

Sa halip na dumaan pa sa matagal na proseso ng pagtatasa ng pinsala, mas mabilis na makatatanggap ng tulong pinansyal ang mga apektadong magsasaka at maliliit na negosyo bago tuluyang lumala ang kanilang pagkalugi.

“Ang mga solusyong ito ay nakabatay sa siyensya at karanasan ng ating mga komunidad. Oras na para ipatupad ito at tiyakin na walang Pilipinong maiiwan sa ating pagharap sa El Niño,” paliwanag ni Legarda.

Binigyang-diin ng Senadora na sa harap ng inaasahang malakas hanggang napakalakas na El Niño, kailangang unahin ang agarang pagpapatupad ng mga solusyon sa mga komunidad sa halip na maantala ang pagkilos dahil sa mahahabang proseso ng burukrasya.

Para kay Legarda, mahalagang magamit nang maayos ang mga umiiral nang programa, pondo, at iba pang mapagkukunan ng pamahalaan upang makarating agad ang mga kinakailangang hakbang sa mga mamamayan.

“Hindi natin kailangan ng mga komplikadong polisiya na nakasulat lang sa papel. Ang hinahanap ng taumbayan ay mga praktikal, kongkreto, at madaling gawin na solusyon. We need our response to be timely, efficient, and effective. We also need to be innovative and maximize the resources and funds that are already available to us. Mitigating the impacts of a strong to very strong El Niño requires our refusal to fall victim to it. Let us take that decisive action now,” pagtatapos niya.