Legarda: “Naging Pink lang, Mas Mahal Na?” – Gender-Based Price Discrimination Prohibited in the New Anti-Pink Tax Measure
October 14, 2026Have you ever observed that everyday consumer products marketed toward a specific gender are frequently more expensive than identical items targeted at another, despite being practically the same? To eradicate this inequitable pricing practice, Senator Loren Legarda has officially filed SBN 2483 – An Act prohibiting gender-based price discrimination in consumer goods and services, otherwise known as the “Anti-Pink Tax Act, ” a landmark consumer protection measure designed to prohibit gender-based price discrimination, addressing the systemic economic disparity where goods and services are unequally priced based solely on the gender for which they are marketed or intended.
While widely referred to as “Pink-tax” it is not really a tax rather an unfair gender-pricing scheme which leverages gender discrimination to create more profit. Pink-tax disproportionately imposes an unjust financial burden predominantly on female consumers for purchasing daily necessities without any legitimate, gender-neutral cost justification.
“Nakakaalarma na ginagamit pa ng mapagsamantala itong mga di pagkakapantay-pantay sa kasarian,” Legarda stated. “Tila ginagawang market strategy ang pagpapalalim ng diskriminasyon laban sa kababaihan. Sasabihing pambabae, papalitan lang ang kulay – naging pink lang, mas mahal na? Hindi po ito makatarungan.”
The economic impact of this discriminatory pricing is deeply compounded by existing income inequalities in the country. Data from the Philippine Institute for Development Studies (PIDS) indicates that Filipinas earn 8.6% less than men in agriculture and up to 18% less in the digital industry. Despite this wage gap, local market comparisons reveal stark gendered markups, such as children’s toys carrying over a 20% markup for pink variants, and Metro Manila salons charging PHP 2,500 for women’s haircuts compared to PHP 1,500 for men’s haircuts, regardless of hair length. Furthermore, pain relief medications with identical formulations can cost PHP 10 more simply for being marketed toward women.
Globally, the World Economic Forum highlights that women’s personal care products carry an average markup of 13%, and personal services can cost 34% to 90% more for women.
To combat this, the “Anti-Pink Tax Act” establishes a comprehensive regulatory framework:
1. Clear Legal Standards – it makes it unlawful to impose a price differential on substantially similar consumer goods or services based solely on the target gender, noting that differences in color, packaging, or gendered marketing do not justify a price disparity.
2. Shifting the Evidentiary Burden – once a prima facie case of discriminatory pricing is established, the burden of proof shifts to the business to justify the price difference using verifiable, gender-neutral factors, such as labor or material costs.
3. Graduated Penalties – the Department of Trade and Industry (DTI) is empowered to issue compliance orders and levy administrative fines ranging from PHP 50,000 to PHP 1,000,000 for non-compliant businesses.
The bill also mandates the DTI and the Philippine Commission on Women (PCW) to conduct annual market-basket studies and nationwide consumer education campaigns. Progressive businesses that proactively eliminate these discrepancies may also apply for a voluntary “Gender-Neutral Pricing Pledge” certification.
“Nais kong linawin, we are not implementing price controls; we are simply ensuring that businesses base their prices on actual production costs, not on gender identity or targeted marketing, mas lalong we are not favoring any gender here. Katunayan, ang Anti-pink Tax Act ay proteksyon din ng bawat indibidwal upang hindi patawan ng di makatarungang dagdag presyo dahil lang sa kanyang kasarian – mapababae, lalaki o miyembro ng LGBTQIA++ community. Ang layunin ng Anti-Pink Tax Act ay tuldukan ang mapagsamantalang sistemang ito para magkaroon ng patas na presyuhan para sa lahat,” the Senator emphasized.
“Ating tandaan, ang diskriminasyon sa kasarian ay nagsisimula sa pagtatalaga ng kulay sa kasarian. Bagaman, ating kinikilala ang kaibahan ng mga pangangailangan bawat kasarian, dapat malinaw ang pagpapataw ng dagdag presyo batay sa dagdag na benepisyo o serbisyo – hindi lamang dahil ang katangian nito ay itinalaga nating panlalaki o pambabae.”
The passage of this bill will institutionalize protections currently absent in the Consumer Act of the Philippines, ensuring fundamental equality before the law and protecting the economic security of consumers nationwide.
– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –
Legarda: “Naging Pink Lang, Mas Mahal Na?” Panukalang Anti-Pink Tax Act, Laban sa Diskriminasyon sa Presyo Batay sa Kasarian
Bakit nga ba may mga produktong mas mahal kapag para sa babae, kahit halos pareho lamang ang kalidad, gamit, at sangkap nito sa produktong para sa lalaki?
Ito ang hindi patas na kalakaran na nais wakasan ni Senator Loren Legarda sa paghahain ng Senate Bill No. 2483, o ang panukalang Anti-Pink Tax Act, na naglalayong ipagbawal ang diskriminasyon sa presyo ng mga produkto at serbisyo batay lamang sa kasarian ng mamimili.
Bagama’t tinatawag na pink tax, hindi ito isang buwis na ipinapataw ng pamahalaan. Tumutukoy ito sa dagdag na presyong sinisingil sa mga produktong karaniwang ibinebenta para sa kababaihan, kahit walang sapat na dahilan upang maging mas mahal ang mga ito kumpara sa katulad na produkto para sa kalalakihan.
“Nakakaalarma na ginagamit pa ng mapagsamantala itong mga di pagkakapantay-pantay sa kasarian,” pahayag ni Legarda. “Tila ginagawang market strategy ang pagpapalalim ng diskriminasyon laban sa kababaihan. Sasabihing pambabae, papalitan lang ang kulay – naging pink lang, mas mahal na? Hindi po ito makatarungan.”
Ayon sa senador, lalo pang bumibigat ang ganitong dagdag-presyo dahil sa umiiral na agwat sa sahod ng kababaihan at kalalakihan.
Batay sa datos ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), mas mababa ng 8.6 porsiyento ang kinikita ng kababaihan kaysa kalalakihan sa sektor ng agrikultura, habang umaabot sa 18 porsiyento ang agwat sa digital industry.
Sa kabila nito, may mga produktong mas mahal pa rin kapag ibinebenta para sa kababaihan. Sa mga paghahambing ng presyo sa lokal na merkado, lumalabas na mahigit 20 porsiyentong mas mahal ang ilang laruang pambata na kulay pink. May mga salon din sa Metro Manila na naniningil ng ₱2,500 para sa gupit ng babae, kumpara sa ₱1,500 para sa lalaki, kahit magkapareho ang haba ng buhok.
Maging ang ilang gamot para sa pananakit ng katawan ay maaaring maging ₱10 na mas mahal kapag ibinebenta para sa kababaihan, kahit pareho lamang ang sangkap at pormulasyon.
Hindi lamang sa Pilipinas nakikita ang ganitong kalakaran. Ayon sa World Economic Forum, may karaniwang 13 porsiyentong dagdag sa presyo ng mga personal care product para sa kababaihan, habang ang ilang personal na serbisyo ay maaaring maging 34 hanggang 90 porsiyentong mas mahal.
Upang matugunan ang ganitong diskriminasyon, nakapaloob sa panukalang Anti-Pink Tax Act ang tatlong pangunahing probisyon:
1. Pagbabawal sa diskriminasyon sa presyo. Ipagbabawal ang magkaibang presyo sa mga produkto at serbisyong halos magkapareho kung kasarian lamang ang dahilan ng pagkakaiba. Hindi maaaring gawing batayan ng dagdag-presyo ang kulay, pakete, o pag-aanunsiyo ng produkto bilang panlalaki o pambabae.
2. Pananagutan ng mga negosyo na patunayan ang pagkakaiba sa presyo. Kapag may sapat na paunang ebidensiya ng diskriminasyon, kailangang patunayan ng negosyo na may makatwirang dahilan ang dagdag-presyo, gaya ng aktuwal na gastos sa materyales o paggawa, at hindi dahil sa kasarian ng mamimili.
3. Multa sa mga lalabag. Bibigyan ng kapangyarihan ang Department of Trade and Industry (DTI) na mag-utos sa mga negosyong lumalabag na sumunod sa batas at magpataw ng multang mula ₱50,000 hanggang ₱1 milyon.
Inaatasan din ang DTI at Philippine Commission on Women (PCW) na magsagawa ng taunang pag-aaral at paghahambing ng presyo ng mga produkto, gayundin ng mga kampanya upang maipaalam sa mga mamimili ang kanilang mga karapatan.
Maaari ring kusang sumali ang mga negosyong nagtataguyod ng patas na presyo sa Gender-Neutral Pricing Pledge, isang sertipikasyong kumikilala sa mga negosyong nag-aalis ng hindi makatarungang pagkakaiba sa presyo batay sa kasarian.
Nilinaw naman ni Legarda na hindi layunin ng panukala na kontrolin ang presyo ng mga bilihin o bigyan ng espesyal na pagtrato ang alinmang kasarian. Ang nais lamang nito ay tiyaking may sapat at makatwirang batayan ang anumang dagdag na singil.
“Nais kong linawin, we are not implementing price controls; we are simply ensuring that businesses base their prices on actual production costs, not on gender identity or targeted marketing, mas lalong we are not favoring any gender here. Katunayan, ang Anti-pink Tax Act ay proteksyon din ng bawat indibidwal upang hindi patawan ng di makatarungang dagdag presyo dahil lang sa kanyang kasarian – mapababae, lalaki o miyembro ng LGBTQIA++ community. Ang layunin ng Anti-Pink Tax Act ay tuldukan ang mapagsamantalang sistemang ito para magkaroon ng patas na presyuhan para sa lahat,” diin ng senador.
Para kay Legarda, kailangang matigil ang nakasanayang pag-uugnay ng mga kulay at produkto sa isang partikular na kasarian kung nagiging dahilan na ito ng hindi makatarungang paniningil.
“Ating tandaan, ang diskriminasyon sa kasarian ay nagsisimula sa pagtatalaga ng kulay sa kasarian. Bagaman, ating kinikilala ang kaibahan ng mga pangangailangan bawat kasarian, dapat malinaw ang pagpapataw ng dagdag presyo batay sa dagdag na benepisyo o serbisyo – hindi lamang dahil ang katangian nito ay itinalaga nating panlalaki o pambabae.”
Sa pamamagitan ng panukalang Anti-Pink Tax Act, nais ni Legarda na punan ang kakulangan sa kasalukuyang Consumer Act of the Philippines upang mas maprotektahan ang mga mamimili laban sa diskriminasyon sa presyo batay sa kasarian.
Layunin din nitong tiyakin ang pantay na pagtrato sa ilalim ng batas at pangalagaan ang kabuhayan at kakayahang pinansyal ng mga mamimili sa buong bansa.
