Resolusyon Para May Solusyon: Legarda Takes First Legislative Step to Probe Gov’t El Niño Preparedness and Budget

October 13, 2026

Following her urgent call last month for science-based interventions to combat the intensifying El Niño, Senator Loren Legarda has taken her first legislative step to address the crisis by filing a Senate Resolution seeking an immediate inquiry into the National Government’s preparedness and funding for the 2026-2027 dry spell.

Proposed Senate Resolution No. 733 directs the appropriate Senate committees to scrutinize whether existing plans, programs, and funds are sufficient to mitigate the projected impacts of a “Very Strong El Niño” through the first half of 2027.

“Tulad ng sinabi ko noong Setyembre, hindi pwedeng ‘think positive’ lang tayo sa pagharap sa El Niño. Kailangan natin ng kongkreto, mabilis, at nakabase sa agham na aksyon,” Legarda said. “Kaya naman inihain natin itong resolusyon bilang unang pormal na hakbang sa Senado upang siguraduhin na ang gobyerno ay may solusyon, angkop na plano at sapat na pondo bago pa man lumala ang sitwasyon.”

The resolution highlights alarming initial figures, noting that as of late September 2026, the Department of Agriculture (DA) has already reported ₱6.87 billion in agricultural damage across 14 regions, affecting over 200,000 farmers and fisherfolk. Furthermore, Legarda pointed out the compounding threats of a 20.3% involuntary hunger rate and an 8.3% food inflation rate affecting the country’s poorest households.

“Ang nasa likod ng mga bilyong pisong lugi na ito ay ang ating mga magsasaka, mangingisda, nanganganib mawalan ng kabuhayan sa kasagsagan ng El Niño. Sila ang mga pamilyang kakarampot na nga ang budget, pinagkakasya pa para lang may maihain sa hapag-kainan,” Legarda stressed. “Hindi natin dapat hayaang maging pangmatagalang paghihirap ang krisis na ito. We have a window to act, and we must direct public resources where they can protect the most vulnerable.”

As of recent data, the severe and prolonged impact of the El Niño phenomenon has prompted 107 areas across the Philippines to declare a state of calamity. According to the Office of Civil Defense (OCD), this declaration spans several regions heavily affected by the dry spell. Region 2 (Cagayan Valley) accounts for the majority with 66 areas, stemming from province-wide declarations in Isabela (37 areas) and Cagayan (29 areas). The Caraga region follows with 23 affected jurisdictions, comprising 14 in Agusan del Sur, seven in the Dinagat Islands, and one each in Butuan City and Carmen, Surigao del Sur. Furthermore, Camarines Norte recorded 12 areas under a state of calamity, while Quezon Province identified four municipalities (Alabat, Guinayangan, Jomalig, and General Nakar). Individual declarations are also made in Lope de Vega, Northern Samar, and Kalamansig, Sultan Kudarat.

Through the resolution, Legarda aims to compel the Task Force El Niño and other concerned agencies to present an updated, data-driven Strategic El Niño National Action Plan with clear cost estimates.

With the proposed FY 2027 national budget currently under congressional deliberation, the Senator emphasized the timely need to identify evidence-based budget adjustments and ensure that immediate FY 2026 funds are deployed to high-risk areas—especially farming and food-producing communities.

Established through Republic Act No. 9729 or the Climate Change Act of 2009, and later enhanced by Republic Act No. 10174 which created the People’s Survival Fund (PSF), both of which Legarda authored and sponsored, the Climate Change Commission (CCC) is mandated to lead the country’s climate resilience strategies. Consequently, the Senator embedded in her resolution a directive for the CCC, alongside the Department of Finance (DOF) and the Department of Economy, Planning, and Development, to prioritize international climate finance mechanisms. She urged the swift utilization of the Adaptation Investment Platform and the PSF to mobilize resources and guarantee that government responses are deeply aligned with the long-term strategies of the National Adaptation Plan (NAP) of the Philippines 2023–2050.

“We have prepared mechanisms and we have experienced El Niño time and again. By being anticipatory rather than reactive, we must face this crisis better than we did last time,” Legarda concluded. “Hindi natin hihintayin pang matuyo ang ating mga sakahan at dumami ang magutom bago tayo kumilos. Our farmers and marginalized families, the Filipino people, cannot afford a delayed government response.”

Legarda expects the findings of the inquiry to serve as the basis for necessary legislative and budgetary measures to ensure no Filipino family is left unsupported during this foreseeable climate hazard.

***** ***** ***** *****

Resolusyon Para May Solusyon: Legarda, Naghain ng Resolusyon Para Suriin ang Kahandaan at Pondo ng Gobyerno Laban sa El Niño

Naghain si Senator Loren Legarda ng resolusyon sa Senado upang agarang suriin ang kahandaan ng pamahalaan at ang pondong nakalaan sa pagharap sa El Niño na inaasahang magdudulot ng matinding tagtuyot sa bansa mula 2026 hanggang 2027.

Kasunod ito ng kanyang panawagan noong Setyembre na magpatupad ng mga hakbang na nakabatay sa agham upang maagapan ang lumalalang epekto ng El Niño.

Sa ilalim ng Proposed Senate Resolution No. 733, nais ni Legarda na masuri ng mga kaukulang komite ng Senado kung sapat ang kasalukuyang mga plano, programa, at pondo ng pamahalaan upang maibsan ang posibleng epekto ng isang “Very Strong El Niño” na maaaring tumagal hanggang sa unang kalahati ng 2027.

“Tulad ng sinabi ko noong Setyembre, hindi pwedeng ‘think positive’ lang tayo sa pagharap sa El Niño. Kailangan natin ng kongkreto, mabilis, at nakabase sa agham na aksyon,” pahayag ni Legarda. “Kaya naman inihain natin itong resolusyon bilang unang pormal na hakbang sa Senado upang siguraduhin na ang gobyerno ay may solusyon, angkop na plano at sapat na pondo bago pa man lumala ang sitwasyon.”

Binigyang-diin sa resolusyon ang lawak ng pinsalang naidulot na ng El Niño sa sektor ng agrikultura. Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA) hanggang sa huling bahagi ng Setyembre 2026, umabot na sa ₱6.87 bilyon ang pinsala sa agrikultura sa 14 na rehiyon, na nakaapekto sa mahigit 200,000 magsasaka at mangingisda.

Dagdag pa rito ang naitalang 20.3 porsiyentong antas ng mga pamilyang nakaranas ng gutom nang hindi nila kagustuhan at 8.3 porsiyentong pagtaas ng presyo ng pagkain na lalo pang nagpapabigat sa kalagayan ng mahihirap na pamilya.

“Ang nasa likod ng mga bilyong pisong lugi na ito ay ang ating mga magsasaka, mangingisda, nanganganib mawalan ng kabuhayan sa kasagsagan ng El Niño. Sila ang mga pamilyang kakarampot na nga ang budget, pinagkakasya pa para lang may maihain sa hapag-kainan,” diin ng senador. “Hindi natin dapat hayaang maging pangmatagalang paghihirap ang krisis na ito. We have a window to act, and we must direct public resources where they can protect the most vulnerable.”

Ayon naman sa datos ng Office of Civil Defense (OCD) na binanggit sa resolusyon, umabot na sa 107 lugar sa bansa ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa matindi at matagal na epekto ng El Niño.

Kabilang dito ang 66 na lugar sa Cagayan Valley, na binubuo ng 37 sa Isabela at 29 sa Cagayan. Sa Caraga, 23 lugar ang apektado, kabilang ang 14 sa Agusan del Sur, pito sa Dinagat Islands, at tig-isa sa Butuan City at Carmen, Surigao del Sur.

Nakapagtala rin ng 12 lugar na nasa ilalim ng state of calamity sa Camarines Norte at apat na munisipalidad sa Quezon, kabilang ang Alabat, Guinayangan, Jomalig, at General Nakar. Nagdeklara rin ng state of calamity ang Lope de Vega sa Northern Samar at Kalamansig sa Sultan Kudarat.

Sa pamamagitan ng resolusyon, nais ni Legarda na atasan ang Task Force El Niño at iba pang kaukulang ahensya na magharap ng pinakahuling Strategic El Niño National Action Plan na nakabatay sa aktuwal na datos, may malinaw na mga hakbang, at may kaukulang pagtataya sa kinakailangang pondo.

Habang dinidinig sa Kongreso ang panukalang pambansang badyet para sa 2027, iginiit ng senador na mahalagang matukoy agad kung aling mga programa ang nangangailangan ng karagdagang pondo. Dapat din aniyang matiyak na magagamit ang mga pondong nakalaan para sa 2026 upang agarang matulungan ang mga lugar na may mataas na panganib, lalo na ang mga pamayanang umaasa sa pagsasaka at produksyon ng pagkain.

Binigyang-diin din ni Legarda ang mahalagang papel ng Climate Change Commission (CCC), na itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 9729 o Climate Change Act of 2009, at pinalakas sa pamamagitan ng Republic Act No. 10174 na lumikha sa People’s Survival Fund (PSF). Si Legarda ang may-akda at pangunahing tagapagsulong ng dalawang batas.

Bahagi ng mandato ng CCC ang pangunguna sa mga patakaran at hakbang upang maging mas handa ang bansa sa mga epekto ng climate change.

Kaugnay nito, nakapaloob sa resolusyon ang panawagan sa CCC, Department of Finance (DOF), at Department of Economy, Planning, and Development na unahin ang pagkuha at paggamit ng pondong maaaring makuha mula sa mga pandaigdigang mekanismo para sa climate financing.

Hinimok din ng senador ang mas mabilis na paggamit ng Adaptation Investment Platform at People’s Survival Fund upang matustusan ang mga kinakailangang programa at matiyak na nakaayon ang mga ito sa mga pangmatagalang hakbang na nakasaad sa National Adaptation Plan (NAP) of the Philippines 2023–2050.

“We have prepared mechanisms and we have experienced El Niño time and again. By being anticipatory rather than reactive, we must face this crisis better than we did last time,” ani Legarda. “Hindi natin hihintayin pang matuyo ang ating mga sakahan at dumami ang magutom bago tayo kumilos. Our farmers and marginalized families, the Filipino people, cannot afford a delayed government response.”

Umaasa si Legarda na magsisilbing batayan ang magiging resulta ng pagdinig sa pagbuo ng mga kinakailangang hakbang sa batas at pambansang badyet upang matiyak na may sapat at napapanahong suporta para sa mga pamilyang Pilipinong maaapektuhan ng El Niño.