Legarda seeks stronger CHR with power to provide real protection and remedies to human rights victims, away from threats of budgetary harassment
September 30, 2026Senator Loren Legarda filed Senate Bill No. 2497, or the proposed Commission on Human Rights Charter, on September 24, 2026, seeking to strengthen the Commission on Human Rights as the country’s National Human Rights Institution and give it clearer powers to investigate violations, protect victims and witnesses, and provide effective remedies.
“Ang kasiguraduhan na pangalagaan ang ating mga karapatan ay kung may institusyong may kapangyarihan at kakayahang protektahan ito. Para sa isang biktima, mahalaga ang may malalapitan, may makikinig, at may malinaw na paraan para makakuha ng proteksiyon at katarungan. Iyan ang layunin ng panukalang ito,” Legarda said.
Under SBN 2497, the CHR would be granted quasi-judicial authority to determine violations of civil, political, economic, social, and cultural rights and award appropriate monetary compensation to victims, subject to due process and judicial review. The measure also provides separate financial and legal assistance programs for qualified victims and their families.
The proposed Charter substantially broadens the investigative authority of the Commission on Human Rights (CHR), empowering it to proactively initiate inquiries, compel evidence and witness testimony, and conduct unannounced inspections of all detention facilities. To ensure thorough oversight, the CHR would also be authorized to petition courts for critical judicial remedies such as writs of habeas corpus and amparo, cite obstructive individuals for contempt, and grant prosecutorial immunity to essential witnesses.
Moreover, Senate Bill No. 2497 comprehensively strengthens the CHR’s protective mandate by providing victims, witnesses, and human rights defenders with holistic legal, psychosocial, and health support, alongside livelihood assistance and Witness Protection Program endorsements. To guarantee immediate security, the Commission is empowered to issue Mandatory Protection Orders, seek protective custody for minors, and pursue necessary judicial remedies, while also holding the authority to refer erring public officials for disciplinary action or mediate settlable disputes.
“Ang pagdodokumento ng isang paglabag ay simula lamang. Mas mahalaga ang malinaw na remedyo at konkretong tulong para sa biktima. May mga taong natatakot magsalita o walang kakayahang lumapit, kaya kailangan ng CHR ng sapat na kapangyarihan upang kumilos agad, alamin ang katotohanan, at protektahan ang mga nangangailangan nito,” Legarda said.
Furthermore, the measure broadens the CHR’s institutional scope by formally designating it as the Gender and Child Ombud and explicitly mandating the safeguard of overseas Filipinos in strategic coordination with the Department of Migrant Workers, the Department of Foreign Affairs, and relevant international partners.
“Ang isang biktima, saksi, bata, o taong nasa mas bulnerableng kalagayan ay nangangailangan ng sistemang marunong umunawa sa kanyang sitwasyon. Protection must be responsive to the realities people face, especially when speaking up may place them at greater risk,” Legarda said. “Para naman sa ating mga OFW, Ang dignidad at karapatan nila bilang isang Pilipino ay dala nila saan man sila magtrabaho o manirahan. Our institutions must be ready to respond and coordinate when a Filipino overseas faces abuse or a serious threat to his or her rights,” Legarda added.
Senate Bill No. 2497 significantly expands the CHR’s educational, advisory, and oversight functions by establishing a Human Rights Institute dedicated to the continuing education of public officials, legal professionals, and human rights workers. Beyond its core investigative duties, the Commission is empowered to issue human rights advisories, legal opinions, and clearances, while actively recommending policy measures to Congress and other state agencies. Furthermore, the proposed Charter fortifies the CHR’s mandate to monitor domestic compliance with international human rights obligations including addressing specific non-state actor violations against marginalized sectors and authorizes the body to submit independent reports to the United Nations and other international human rights mechanisms.
To safeguard its independence, SBN 2497 grants the CHR full fiscal autonomy and provides that its approved appropriations shall not be reduced and shall be automatically and regularly released.
“Ang pondo ay hindi kailanman dapat maging instrumento upang ipitin at patahimikin ang isang malayang ahensya. Ang mga nagtatanggol sa ating mga karapatan ay dapat pinopondohan, hindi ginigipit. Makalipas ang apat na dekada, napapanahon nang palayain ang CHR mula sa pangamba ng budgetary harassment.”
To ensure competent and just leadership, the bill institutionalizes a rigorous and transparent selection process for the CHR Chairperson and Commissioners by establishing a Selection Committee composed of the Chief Justice, legislative committee chairpersons, a former CHR member, and representatives from civil society and the Integrated Bar of the Philippines. To ensure diverse and highly qualified leadership, the measure mandates gender-balanced and pluralist representation, requiring that a majority of the body be seasoned lawyers with at least a decade of practice, while guaranteeing dedicated expertise in child rights protection.
To maximize nationwide accessibility, the proposed Charter directs the establishment of CHR regional offices across all administrative regions, with provisions for further provincial expansion as funding permits. Additionally, the bill strengthens institutional transparency by requiring the publication of a comprehensive annual report detailing the government’s compliance with international human rights obligations and corresponding policy recommendations, while simultaneously imposing strict safeguards to protect the confidentiality of personal data acquired during the Commission’s operations.
“An independent CHR must be able to perform its constitutional duty with integrity and without fear or favor. Stronger powers must come with accountability, due process, and judicial review. Ang mahalaga, may institusyong kayang kumilos at magbigay ng tunay na proteksiyon at remedyo sa bawat Pilipinong nalabag ang karapatan,” Legarda said.
– – – – – – – – – – – –
Legarda, isinusulong ang mas matatag na CHR na may kapangyarihang magbigay ng tunay na proteksiyon at remedyo sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao, ligtas sa banta ng budgetary harassment
Inihain ni Senador Loren Legarda noong Setyembre 24, 2026 ang Senate Bill No. 2497, o ang panukalang Commission on Human Rights Charter, upang higit na palakasin ang Commission on Human Rights bilang National Human Rights Institution ng bansa at bigyan ito ng mas malinaw na kapangyarihang imbestigahan ang mga paglabag, protektahan ang mga biktima at saksi, at magbigay ng epektibong remedyo.
“Ang kasiguraduhan na pangalagaan ang ating mga karapatan ay kung may institusyong may kapangyarihan at kakayahang protektahan ito. Para sa isang biktima, mahalaga ang may malalapitan, may makikinig, at may malinaw na paraan para makakuha ng proteksiyon at katarungan. Iyan ang layunin ng panukalang ito,” ani Legarda.
Sa ilalim ng SBN 2497, bibigyan ang CHR ng quasi-judicial authority upang magpasya sa mga paglabag sa karapatang sibil, politikal, pang-ekonomiya, panlipunan, at pangkultura, at maggawad ng nararapat na kompensasyong pinansyal sa mga biktima, alinsunod sa due process at subject sa judicial review. Nagtatatag din ang panukala ng magkahiwalay na programang tulong pinansyal at legal para sa mga kwalipikadong biktima at kanilang mga pamilya.
Malaki rin ang pinalalawak ng panukalang Charter sa kapangyarihan ng CHR sa pagsisiyasat. Maaari itong kusang magsimula ng imbestigasyon, mag-utos ng pagsusumite ng ebidensiya at pagharap ng mga saksi, at magsagawa ng biglaang inspeksiyon sa lahat ng detention facility. Maaari rin itong dumulog sa mga hukuman para sa mahahalagang remedyo gaya ng writs of habeas corpus at amparo, magpataw ng contempt sa mga humahadlang sa mga proseso nito, at magbigay ng prosecutorial immunity sa mahahalagang saksi kung kinakailangan.
Pinalalakas din ng Senate Bill No. 2497 ang mandato ng CHR na protektahan ang mga biktima, saksi, at human rights defenders sa pamamagitan ng legal, psychosocial, at health support, pati na livelihood assistance at endorsement sa Witness Protection Program. Maaari ring maglabas ang CHR ng Mandatory Protection Orders, humiling ng protective custody para sa mga menor de edad, at dumulog sa hukuman para sa kinakailangang proteksiyon. Maaari rin nitong irefer para sa kaukulang disciplinary action ang mga pampublikong opisyal na lumabag sa kanilang tungkulin at mamagitan sa mga alitang maaaring maayos sa pamamagitan ng settlement.
“Ang pagdodokumento ng isang paglabag ay simula lamang. Mas mahalaga ang malinaw na remedyo at konkretong tulong para sa biktima. May mga taong natatakot magsalita o walang kakayahang lumapit, kaya kailangan ng CHR ng sapat na kapangyarihan upang kumilos agad, alamin ang katotohanan, at protektahan ang mga nangangailangan nito,” ani Legarda.
Pinalalawak din ng panukala ang saklaw ng CHR sa pamamagitan ng pormal na pagtatalaga rito bilang Gender and Child Ombud. Tiyak din sa panukala ang tungkulin nitong pangalagaan ang karapatan ng mga Pilipino sa ibang bansa sa pakikipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers, Department of Foreign Affairs, at mga kaugnay na international partners.
“Ang isang biktima, saksi, bata, o taong nasa mas bulnerableng kalagayan ay nangangailangan ng sistemang marunong umunawa sa kanyang sitwasyon. Protection must be responsive to the realities people face, especially when speaking up may place them at greater risk,” ani Legarda. “Para naman sa ating mga OFW, Ang dignidad at karapatan nila bilang isang Pilipino ay dala nila saan man sila magtrabaho o manirahan. Our institutions must be ready to respond and coordinate when a Filipino overseas faces abuse or a serious threat to his or her rights,” dagdag ni Legarda.
Pinalalawak din ng Senate Bill No. 2497 ang tungkulin ng CHR sa edukasyon, pagbibigay ng payo, at pagbabantay sa kalagayan ng karapatang pantao. Itinatatag sa ilalim nito ang Human Rights Institute para sa patuloy na pagsasanay at edukasyon ng mga opisyal ng pamahalaan, mga propesyonal sa larangan ng batas, at human rights workers.
Bukod sa pagsisiyasat ng mga kaso, maaari ring maglabas ang CHR ng human rights advisories, legal opinions, at clearances, at magrekomenda ng mga polisiya sa Kongreso at iba pang ahensya ng pamahalaan. Pinalalakas din nito ang mandato ng CHR na bantayan ang pagsunod ng bansa sa mga pandaigdigang obligasyon sa karapatang pantao, kabilang ang pagtugon sa ilang paglabag ng non-state actors laban sa mga sektor na higit na nanganganib. Maaari rin itong magsumite ng mga independiyenteng ulat sa United Nations at iba pang international human rights mechanisms.
Upang mapangalagaan ang kalayaan ng CHR, binibigyan ito ng SBN 2497 ng ganap na fiscal autonomy. Nakasaad din na ang aprubadong pondo nito ay hindi maaaring bawasan at dapat awtomatiko at regular na mailabas.
“Ang pondo ay hindi kailanman dapat maging instrumento upang ipitin at patahimikin ang isang malayang ahensya. Ang mga nagtatanggol sa ating mga karapatan ay dapat pinopondohan, hindi ginigipit. Makalipas ang apat na dekada, napapanahon nang palayain ang CHR mula sa pangamba ng budgetary harassment.”
Nagtatakda rin ang panukala ng mas mahigpit at malinaw na proseso sa pagpili ng Chairperson at mga Commissioner ng CHR. Bubuo ng Selection Committee na kinabibilangan ng Chief Justice, mga chairperson ng kaukulang komite ng lehislatura, isang dating miyembro ng CHR, at mga kinatawan mula sa civil society at Integrated Bar of the Philippines.
Itinatadhana rin ang gender-balanced at pluralist representation sa pamunuan ng Komisyon. Kailangang karamihan sa mga miyembro nito ay mga abogado na may hindi bababa sa sampung taong karanasan sa propesyon, habang tinitiyak din ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at karanasan sa pagtatanggol sa karapatan ng mga bata.
Upang mas madaling maabot ng publiko ang serbisyo ng CHR saan mang bahagi ng bansa, inaatasan din ng panukalang Charter ang pagtatatag ng mga regional office sa lahat ng administrative regions, na maaari pang palawakin hanggang sa antas-probinsiya kung may sapat na pondo.
Pinalalakas din ng panukala ang transparency sa pamamagitan ng pag-aatas sa CHR na maglabas ng komprehensibong taunang ulat tungkol sa pagsunod ng pamahalaan sa mga pandaigdigang obligasyon nito sa karapatang pantao, kasama ang mga kaukulang rekomendasyon sa polisiya. Kasabay nito, nagtatakda rin ito ng mahigpit na proteksiyon sa pagiging kumpidensyal ng personal na impormasyong nakukuha ng Komisyon sa pagtupad ng tungkulin nito.
“An independent CHR must be able to perform its constitutional duty with integrity and without fear or favor. Stronger powers must come with accountability, due process, and judicial review. Ang mahalaga, may institusyong kayang kumilos at magbigay ng tunay na proteksiyon at remedyo sa bawat Pilipinong nalabag ang karapatan,” ani Legarda.
