Legarda calls for “Tapat na Paglilingkod”: ₱2.75-T Loss from Corruption and Inflation Underscores Need for Systemic Reforms Amidst Economic Crises

September 29, 2026

In light of the worsening state of corruption in the Philippines, Senator Loren Legarda has underscored the urgent need to shift away from individual political attacks and toward systemic transparency and comprehensive institutional reform. The call comes as recent data highlights a staggering economic toll on the nation, severely exacerbating the suffering of Filipinos amidst an ongoing oil crisis.

“Ang korapsyon ay higit pa sa usaping politikal, ito ay moral. Sa pagkamkam sa kaban ng bayan, buhay ng sambayanan ang nagdurusa. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nananatiling naghihirap ang ating mga kababayan. Ang mga krisis na mabigat na pinapasan ng mga mamamayan ay talagang hindi matutugunan kung sadyang binubutas ang bulsa ng taumbayan,” Senator Legarda stated.

According to recent global indices, the Philippines’ governance transparency is in a precipitous decline. The country plummeted to 120th out of 182 countries in the 2025 Corruption Perceptions Index, registering a stagnant score of 32/100, which ranks it among the worst in Southeast Asia.

These numbers manifest a painful reality resulting in a massive financial hemorrhaging. According to Senate President Sherwin Gatchalian, the Philippine economy lost an estimated ₱2.75 trillion from the second quarter of 2025 to the second quarter of 2026 due to corruption and inflation, including actual economic losses and foregone opportunities.

“Hindi maliit na bagay ang ₱2.75 trillion. Kapag ganito kalaki ang nawawala sa ating ekonomiya dahil sa korapsyon at inflation, hindi na puwedeng pag-usapan lamang ang korapsyon tuwing may bagong iskandalo. Dapat tuloy-tuloy nating tingnan kung saan mahina ang sistema, saan maaaring abusuhin ang proseso, at paano natin ito maaayos bago pa mawala ang pera ng bayan,” Legarda said.

The tangible consequences of these financial leakages are evident in the recent multibillion-peso flood control scandal, where billions of pesos in public spending have come under scrutiny over alleged ghost, substandard, and anomalous projects and contracts.

“Sa bigat ng pinapasan ng ating mga kababayan, hindi natin maaaring hayaang mabawasan pa ng korapsyon ang pondong dapat sana tumutugon sa kanilang pangangailangan. Bilang pamahalaan, dapat tayo ang sumalo sa bigat na pinapasan ng mga tao, hindi ang dahilan sa lalo nitong pagbigat,” Legarda emphasized.

Despite the visible hardships our people are actually bearing as explained, the Department of Finance (DOF) remains adamant in its refusal to suspend excise taxes on diesel and gasoline, citing fears of revenue erosion and a widening sovereign deficit.

Finance Secretary Frederick Go insists that the suspension of excise taxes on diesel and gasoline was not recommended as this could result in an estimated P12 billion in monthly revenue losses leading the government to, once again, implement stop-gap measures and targeted ayuda, instead of suspending diesel, which is largely used by the industry.

“Kung takot tayong mawalan ng ₱12 billion kada buwan sa tax relief, mas lalo dapat tayong matakot sa trilyon-trilyong pisong nawawala sa ekonomiya dahil sa korapsyon at sa pinsalang idinudulot nito. Hindi puwedeng higpitan natin ang taumbayan sa koleksyon ng buwis habang hinahayaan namang patuloy na tumagas ang pondo dahil sa katiwalian,” she added.

To effectively resolve systemic corruption, the four-term Senator is championing Senate Bill No. 523, otherwise known as the “Tapat na Paglilingkod Act.” This landmark legislation transforms how the government prevents, detects, and prosecutes graft by institutionalizing a proactive, whole-of-society approach.

SBN 523 offers a complete solution by establishing the Anti-Corruption Mainstreaming Council (ACMC) and mandating a six-year National Anti-Corruption Mainstreaming Agenda. Under this model, all government units must submit sworn annual “Corruption Vulnerability Lists” to identify and mitigate institutional risks before they escalate, with strict penalties, including automatic referral to the Ombudsman and COA, enforced for consecutive failures.

At the heart of the measure is an approach that remains relatively new in Philippine governance: treating anti-corruption as a concern that must be mainstreamed throughout the government.

Legarda said that just as gender, climate change, environmental protection, and other cross-cutting concerns have been integrated into government planning, budgeting, implementation, and evaluation, integrity and accountability must likewise become part of the everyday workings of every public institution.

“Marami na tayong batas laban sa korapsyon. Marami na rin tayong imbestigasyon at mga kasong isinampa sa paglipas ng panahon. Pero bakit paulit-ulit pa rin? Dahil kung ang mismong sistema ay may butas, may susunod at susunod na magsasamantala rito,” Legarda said.

“Iyan ang gustong baguhin ng Tapat na Paglilingkod Act. Hindi dapat hiwalay na programa ang anti-corruption. Dapat nakapaloob ito sa mismong sistema ng bawat ahensya, mula sa pagpaplano at pagbabadyet hanggang sa procurement, hiring, implementation, monitoring, at evaluation.”

Legarda emphasized that mainstreaming also requires changing the culture surrounding corruption inside government. Officials and employees should be able to openly identify vulnerabilities, question questionable practices, discuss recurring problems, and recommend safeguards without being made to feel that raising such concerns is itself improper.

“Hindi dapat nakakahiya ang pag-usapan ang korapsyon. Hindi dapat kabahan ang isang matapat na empleyado dahil may nakita siyang mali at gusto niya itong sabihin. Hindi dapat tingnan na kalaban ng institusyon ang taong nagtatanong kung tama ba ang ginagawa natin,” Legarda stressed.

“Ang dapat mahiya ay ang kurakot, hindi ang taong naglalakas-loob magsalita. Ang dapat matakot ay ang nagnanakaw sa bayan, hindi ang taong gustong protektahan ang pera ng bayan,” she added.

The bill also provides safeguards for whistleblowers and good-faith disclosures, regular integrity discussions within government offices, public transparency mechanisms, and the use of digital tools to detect corruption risks.

“Hindi dapat kailangan pang may mawalang bilyon-bilyong piso bago natin tingnan kung may problema ang proseso. Hindi dapat kailangan pang may whistleblower, Senate hearing, o malaking iskandalo bago kumilos. Dapat kaya nating makita ang panganib habang maaga at ayusin ang sistema bago pa ito mapagsamantalahan,” Legarda said.

“Kailangan nating baguhin ang buong sistema. Hindi sapat ang panandaliang solusyon o pagpaparusa lamang sa iilan. Mas lalong hindi tama na pinalulutang lang ang isyu ng korapsyon upang gamiting mekanismo upang patahimikin lamang ang mga kalaban sa pulitika. Dapat mapanagot ang mga tunay na may sala. We must build robust, transparent institutions that proactively prevent graft,” Legarda added.

Legarda likewise urged government workers, civil society, journalists, businesses, and ordinary citizens to help build a culture where speaking against corruption becomes normal rather than exceptional.

“Hindi natin dapat hayaang maging normal ang korapsyon at maging nakakahiya ang pagsasalita laban dito. Baligtarin natin iyon. Gawin nating normal ang katapatan, normal ang pagtatanong, normal ang pananagutan, at gawin nating nakakahiya ulit ang pagiging kurakot,” Legarda pointed out.

Legarda also called upon fellow public and civil servants, “maaaring hindi komportable ang usaping korapsyon bilang civil servants. Maaaring may magalit dahil nagtatanong tayo. Ngunit hindi iyon sapat na dahilan para manahimik. Kung alam nating may mali sa sistema, obligasyon nating magsalita at gumawa ng paraan upang maitama ito.”

“The fight against corruption cannot belong to one Senator, one administration, one political party, or one investigation. We must move away from purely punitive approaches and treat corruption as a strategic development agenda. It has to become part of how the government thinks, plans, spends, decides, and serves,” Legarda added.

Legarda has long emphasized that recovering the funds lost to corruption could easily finance the much-needed relief for the oil and agricultural crises without forcing the country into unsustainable foreign borrowing. It is imperative that the government redirects its fiscal focus, prioritizing the recovery of illicitly acquired public wealth over rigid tax impositions on struggling citizens.

“Ang korapsyon ay matagal nang sugat sa ating sistema. Kapag pinabayaan natin ito, humihina ang bawat repormang sinusubukan nating ipatupad. Huwag tayong mapagod magsalita tungkol dito at patuloy nating isaayos ang accountability systems sa loob ng gobyerno,” Legarda concluded. [30]

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Legarda nanawagan ng “Tapat na Paglilingkod”: ₱2.75-T pagkalugi dahil sa korapsyon at inflation, nagpapakita ng pangangailangan sa sistemikong reporma

Sa harap ng lumalalang problema ng korapsyon sa bansa, iginiit ni Senator Loren Legarda na kailangang ilayo ang usapin sa personal at pulitikal na bangayan at ituon sa mas malawak na reporma sa sistema, transparency, at mas matibay na pananagutan sa loob ng pamahalaan.

Kasabay nito, ipinapakita ng mga bagong datos ang malaking epekto ng korapsyon sa ekonomiya, lalo na ngayong mabigat din ang epekto ng mataas na presyo ng langis at iba pang gastusin sa mga Pilipino.

“Ang korapsyon ay higit pa sa usaping politikal, ito ay moral. Sa pagkamkam sa kaban ng bayan, buhay ng sambayanan ang nagdurusa. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nananatiling naghihirap ang ating mga kababayan. Ang mga krisis na mabigat na pinapasan ng mga mamamayan ay talagang hindi matutugunan kung sadyang binubutas ang bulsa ng taumbayan,” pahayag ni Legarda.

Batay sa 2025 Corruption Perceptions Index, nasa ika-120 puwesto ang Pilipinas sa 182 bansa, na may score na 32 sa 100. Kabilang din ang bansa sa mga may mababang marka sa Southeast Asia.

Malaki rin ang katumbas nitong epekto sa ekonomiya. Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, tinatayang ₱2.75 trillion ang nawala sa ekonomiya ng Pilipinas mula ikalawang quarter ng 2025 hanggang ikalawang quarter ng 2026 dahil sa korapsyon at inflation, kabilang ang aktuwal na pagkalugi at mga pagkakataong hindi napakinabangan.

“Hindi maliit na bagay ang ₱2.75 trillion. Kapag ganito kalaki ang nawawala sa ating ekonomiya dahil sa korapsyon at inflation, hindi na puwedeng pag-usapan lamang ang korapsyon tuwing may bagong iskandalo. Dapat tuloy-tuloy nating tingnan kung saan mahina ang sistema, saan maaaring abusuhin ang proseso, at paano natin ito maaayos bago pa mawala ang pera ng bayan,” ani Legarda.

Makikita rin ang epekto ng pagtagas ng pampublikong pondo sa kontrobersiya sa flood control projects, kung saan bilyun-bilyong pisong halaga ng paggasta ng gobyerno ang sinusuri kaugnay ng mga alegasyon ng ghost, substandard, at maanomalyang proyekto at kontrata.

“Sa bigat ng pinapasan ng ating mga kababayan, hindi natin maaaring hayaang mabawasan pa ng korapsyon ang pondong dapat sana tumutugon sa kanilang pangangailangan. Bilang pamahalaan, dapat tayo ang sumalo sa bigat na pinapasan ng mga tao, hindi ang dahilan sa lalo nitong pagbigat,” diin ni Legarda.

Sa kabila ng bigat ng gastusin ng publiko, nananatili ang posisyon ng Department of Finance na huwag suspindihin ang excise tax sa diesel at gasolina dahil sa pangambang mabawasan ang kita ng pamahalaan at lumaki ang fiscal deficit.

Ayon kay Finance Secretary Frederick Go, hindi inirerekomenda ang suspensyon ng excise tax sa diesel at gasolina dahil maaari umano itong magresulta sa tinatayang ₱12 billion na pagkawala sa kita ng gobyerno kada buwan. Sa halip, mas pinipili ng pamahalaan ang targeted ayuda at iba pang pansamantalang hakbang kaysa suspindihin ang buwis sa diesel na malawakang ginagamit ng mga industriya.

“Kung takot tayong mawalan ng ₱12 billion kada buwan sa tax relief, mas lalo dapat tayong matakot sa trilyon-trilyong pisong nawawala sa ekonomiya dahil sa korapsyon at sa pinsalang idinudulot nito. Hindi puwedeng higpitan natin ang taumbayan sa koleksyon ng buwis habang hinahayaan namang patuloy na tumagas ang pondo dahil sa katiwalian,” dagdag niya.

Bilang tugon sa sistemikong problema ng korapsyon, isinusulong ng four-term Senator ang Senate Bill No. 523 o ang panukalang “Tapat na Paglilingkod Act.”

Layunin ng panukala na baguhin ang paraan ng pamahalaan sa pag-iwas, pagtukoy, at pag-usig sa graft sa pamamagitan ng mas maagap at mas malawak na sistema laban sa korapsyon.

Sa ilalim ng SBN 523, bubuuin ang Anti-Corruption Mainstreaming Council o ACMC at magtatakda ng anim na taong National Anti-Corruption Mainstreaming Agenda.

Oobligahin din ang lahat ng yunit ng pamahalaan na magsumite taun-taon ng sinumpaang “Corruption Vulnerability Lists” upang matukoy at matugunan ang mga kahinaan sa sistema bago pa ito mauwi sa mas malalang pang-aabuso. May nakatakda ring mga parusa sa sunod-sunod na hindi pagsunod, kabilang ang awtomatikong referral sa Office of the Ombudsman at Commission on Audit.

Sentro ng panukala ang isang paraang hindi pa karaniwang naisasagawa sa pamahalaan: ang gawing bahagi ng buong sistema ng gobyerno ang paglaban sa korapsyon.

Ayon kay Legarda, kung paanong isinama na sa pagpaplano, pagbabadyet, pagpapatupad, at pagsusuri ng pamahalaan ang gender, climate change, environmental protection, at iba pang usaping sumasaklaw sa maraming sektor, dapat ding maging bahagi ng pang-araw-araw na trabaho ng bawat institusyon ang integridad at pananagutan.

“Marami na tayong batas laban sa korapsyon. Marami na rin tayong imbestigasyon at mga kasong isinampa sa paglipas ng panahon. Pero bakit paulit-ulit pa rin? Dahil kung ang mismong sistema ay may butas, may susunod at susunod na magsasamantala rito,” ani Legarda.

“Iyan ang gustong baguhin ng Tapat na Paglilingkod Act. Hindi dapat hiwalay na programa ang anti-corruption. Dapat nakapaloob ito sa mismong sistema ng bawat ahensya, mula sa pagpaplano at pagbabadyet hanggang sa procurement, hiring, implementation, monitoring, at evaluation.”

Binigyang-diin din ni Legarda na bahagi ng ganitong reporma ang pagbabago sa kultura sa loob ng pamahalaan pagdating sa pagtalakay sa korapsyon.

Dapat aniya ay malayang matukoy ng mga opisyal at kawani ang mga kahinaan sa sistema, makapagtanong tungkol sa mga kuwestiyonableng gawain, matalakay ang mga paulit-ulit na problema, at makapagmungkahi ng mga pananggalang nang hindi itinuturing na mali ang mismong pagsasalita tungkol dito.

“Hindi dapat nakakahiya ang pag-usapan ang korapsyon. Hindi dapat kabahan ang isang matapat na empleyado dahil may nakita siyang mali at gusto niya itong sabihin. Hindi dapat tingnan na kalaban ng institusyon ang taong nagtatanong kung tama ba ang ginagawa natin,” diin ni Legarda.

“Ang dapat mahiya ay ang kurakot, hindi ang taong naglalakas-loob magsalita. Ang dapat matakot ay ang nagnanakaw sa bayan, hindi ang taong gustong protektahan ang pera ng bayan,” dagdag niya.

Nakapaloob din sa panukala ang mga proteksyon para sa whistleblowers at good-faith disclosures, regular na integrity discussions sa mga tanggapan ng pamahalaan, public transparency mechanisms, at paggamit ng digital tools upang matukoy ang mga panganib ng korapsyon.

“Hindi dapat kailangan pang may mawalang bilyon-bilyong piso bago natin tingnan kung may problema ang proseso. Hindi dapat kailangan pang may whistleblower, Senate hearing, o malaking iskandalo bago kumilos. Dapat kaya nating makita ang panganib habang maaga at ayusin ang sistema bago pa ito mapagsamantalahan,” ani Legarda.

“Kailangan nating baguhin ang buong sistema. Hindi sapat ang panandaliang solusyon o pagpaparusa lamang sa iilan. Mas lalong hindi tama na pinalulutang lang ang isyu ng korapsyon upang gamiting mekanismo upang patahimikin lamang ang mga kalaban sa pulitika. Dapat mapanagot ang mga tunay na may sala. We must build robust, transparent institutions that proactively prevent graft,” dagdag ni Legarda.

Hinimok din ni Legarda ang mga kawani ng pamahalaan, civil society, mga mamamahayag, negosyo, at ordinaryong mamamayan na tumulong sa pagbuo ng kulturang normal ang pagsasalita laban sa korapsyon.

“Hindi natin dapat hayaang maging normal ang korapsyon at maging nakakahiya ang pagsasalita laban dito. Baligtarin natin iyon. Gawin nating normal ang katapatan, normal ang pagtatanong, normal ang pananagutan, at gawin nating nakakahiya ulit ang pagiging kurakot,” punto ni Legarda.

Nanawagan din siya sa kapwa kawani at lingkod-bayan.

“Maaaring hindi komportable ang usaping korapsyon bilang civil servants. Maaaring may magalit dahil nagtatanong tayo. Ngunit hindi iyon sapat na dahilan para manahimik. Kung alam nating may mali sa sistema, obligasyon nating magsalita at gumawa ng paraan upang maitama ito.”

“The fight against corruption cannot belong to one Senator, one administration, one political party, or one investigation. We must move away from purely punitive approaches and treat corruption as a strategic development agenda. It has to become part of how the government thinks, plans, spends, decides, and serves,” dagdag ni Legarda.

Matagal nang binibigyang-diin ni Legarda na ang pondong nawawala dahil sa korapsyon, kung mababawi, ay maaaring gamitin sa kinakailangang tulong para sa krisis sa langis at agrikultura nang hindi kailangang umasa sa labis na pangungutang sa ibang bansa.

Aniya, kailangang mas tutukan ng pamahalaan ang pagbawi sa ilegal na nakamkam na yaman ng bayan kaysa ipasa sa mga mamamayan ang dagdag na bigat sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapataw ng buwis.

“Ang korapsyon ay matagal nang sugat sa ating sistema. Kapag pinabayaan natin ito, humihina ang bawat repormang sinusubukan nating ipatupad. Huwag tayong mapagod magsalita tungkol dito at patuloy nating isaayos ang accountability systems sa loob ng gobyerno,” pagtatapos ni Legarda.