“Hindi pwedeng think positive lang”: Legarda calls for early, science-based action as El Niño intensifies

September 29, 2026

Senator Loren Legarda urged the government to act ahead of the worsening El Niño, as PAGASA warned that the current Strong El Niño could intensify into a Very Strong El Niño and persist through the first half of 2027.

Legarda said preparations must begin before prolonged dry spells translate into crop losses, water shortages, higher food prices, health risks, and lost livelihoods.

“Ang El Niño ay hindi biglaang sakuna. Nakikita natin itong paparating. Hindi pwedeng ‘think positive’ lang at saka tayo kikilos kapag natuyo na ang sakahan, naapektuhan na ang suplay ng tubig, at nawalan na ng kita ang mga pamilya. Habang may panahon pa, maghanda na tayo,” Legarda said.

She called on the government to immediately identify areas most at risk of drought and water stress and match these with concrete interventions, including water conservation and storage, irrigation support, drought-resilient crops and seeds, protection for affected farmers and fisherfolk, and measures to address possible food supply disruptions.

Legarda also urged the Task Force El Niño, reactivated under Executive Order No. 53, to ensure that the Strategic El Niño National Action Plan reflects current conditions and that agencies are clear on their responsibilities for water security, food security, energy security, health, and public safety.

“Dapat malinaw kung aling mga lugar ang unang tatamaan, ano ang kailangan nila, magkano ang pondong available, at sino ang responsableng ahensya. Hindi natin kailangang hintayin na maging emergency ang isang panganib na ilang buwan nang nakikita sa forecast,” she said.

Legarda stressed that government already has laws and financing mechanisms intended to reduce climate and disaster risks before communities suffer major losses.

She was the principal author and sponsor of the Climate Change Act of 2009, which institutionalized climate change adaptation and created the Climate Change Commission, and principal sponsor of the law establishing the People’s Survival Fund, which provides financing for local climate adaptation.

The People’s Survival Fund may support local adaptation measures involving water resource management, agriculture and fisheries, health, infrastructure, early warning systems, and contingency planning for areas exposed to droughts and other climate extremes.

“May batas, may pondo, at may mekanismo. Gamitin natin ang mga ito habang may panahon pang maghanda. Ang adaptation funds ay dapat mapunta sa mga proyektong direktang nagpapababa ng panganib sa mga komunidad, lalo na sa tubig, pagkain, agrikultura, at kabuhayan,” Legarda said.

She also cited the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act, another measure she championed, which strengthened the country’s shift toward prevention, preparedness, risk reduction, and resilience.

Legarda said immediate assistance remains necessary for families who eventually suffer income or livelihood losses, but warned against allowing cash assistance and emergency relief to become the central strategy for a predictable climate event.

“Kailangan ang ayuda kapag may pamilyang nawalan ng ani o kita. Pero hindi dapat ayuda ang pangunahing plano. Mas makabubuti sa tao at mas matipid sa gobyerno kung mapipigilan natin ang malaking pinsala bago pa ito mangyari,” she said.

Legarda called on concerned agencies to immediately prepare a data-driven El Niño financing plan identifying the most vulnerable areas, priority interventions, available 2026 funds, and projected funding gaps through the first half of 2027.

She said the assessment should guide the Senate Committee on Finance in determining where adjustments or additional appropriations may be needed in the proposed 2027 national budget.

“Dapat manggaling sa datos ang desisyon. Tukuyin ng mga ahensya kung saan pinakamataas ang panganib, ano ang kailangang gawin, magkano ang available na pondo, at magkano pa ang kakailanganin. Kapag malinaw iyon, saka natin matutukoy kung saan kailangang magdagdag o mag-adjust sa budget,” Legarda said.

Legarda said the coming months should be used to strengthen water security, protect agricultural production, prepare health systems for extreme heat, and equip local governments with the information and resources they need before conditions deteriorate.

“Hindi natin mapipigilan ang El Niño, pero kaya nating bawasan ang pinsala nito. Ang tunay na paghahanda ay ginagawa bago mawalan ng tubig, ani, at kabuhayan ang mga pamilya. Kumilos tayo habang may oras pa,” Legarda concluded. [30]

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

“Hindi pwedeng think positive lang”: Legarda nanawagan ng maagang paghahanda batay sa siyensya habang lumalakas ang El Niño

Nanawagan si Senator Loren Legarda sa pamahalaan na kumilos nang maaga habang patuloy na lumalakas ang El Niño, kasunod ng babala ng PAGASA na ang kasalukuyang Strong El Niño ay maaari pang maging Very Strong El Niño at magpatuloy hanggang unang kalahati ng 2027.

Ayon kay Legarda, dapat magsimula na ang paghahanda bago humantong ang matagal na tagtuyot sa pagkasira ng mga pananim, kakulangan sa suplay ng tubig, pagtaas ng presyo ng pagkain, panganib sa kalusugan, at pagkawala ng kabuhayan.

“Ang El Niño ay hindi biglaang sakuna. Nakikita natin itong paparating. Hindi pwedeng ‘think positive’ lang at saka tayo kikilos kapag natuyo na ang sakahan, naapektuhan na ang suplay ng tubig, at nawalan na ng kita ang mga pamilya. Habang may panahon pa, maghanda na tayo,” ani Legarda.

Hinimok niya ang pamahalaan na agad tukuyin ang mga lugar na may pinakamataas na panganib sa tagtuyot at kakulangan sa tubig, at tiyaking may nakahandang mga konkretong hakbang para sa mga ito. Kabilang dito ang pagtitipid at pag-iimbak ng tubig, suporta sa irigasyon, paggamit ng mga pananim at binhing mas matibay sa tagtuyot, proteksyon para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda, at mga hakbang laban sa posibleng pagkaantala ng suplay ng pagkain.

Hinimok din ni Legarda ang Task Force El Niño, na muling binuo sa ilalim ng Executive Order No. 53, na tiyaking naaayon sa kasalukuyang sitwasyon ang Strategic El Niño National Action Plan at malinaw ang tungkulin ng bawat ahensya pagdating sa seguridad sa tubig, pagkain at enerhiya, kalusugan, at kaligtasan ng publiko.

“Dapat malinaw kung aling mga lugar ang unang tatamaan, ano ang kailangan nila, magkano ang pondong available, at sino ang responsableng ahensya. Hindi natin kailangang hintayin na maging emergency ang isang panganib na ilang buwan nang nakikita sa forecast,” ani Legarda.

Binigyang-diin ni Legarda na mayroon nang mga batas at mekanismo sa pagpopondo na maaaring gamitin upang mabawasan ang epekto ng climate change at mga sakuna bago pa makaranas ng malaking pinsala ang mga mamamayan.

Si Legarda ang principal author at sponsor ng Climate Change Act of 2009, na nagtatag ng mas malinaw na pambansang balangkas para sa climate change adaptation at lumikha sa Climate Change Commission. Siya rin ang principal sponsor ng batas na nagtatag sa People’s Survival Fund, na nagbibigay ng pondo para sa mga programang pang-climate adaptation ng mga lokal na pamahalaan.

Maaaring gamitin ang People’s Survival Fund para sa mga lokal na hakbang sa pamamahala ng yamang-tubig, agrikultura at pangisdaan, kalusugan, imprastraktura, early warning systems, at paghahanda sa mga lugar na lantad sa tagtuyot at iba pang matitinding epekto ng klima.

“May batas, may pondo, at may mekanismo. Gamitin natin ang mga ito habang may panahon pang maghanda. Ang adaptation funds ay dapat mapunta sa mga proyektong direktang nagpapababa ng panganib sa mga komunidad, lalo na sa tubig, pagkain, agrikultura, at kabuhayan,” ani Legarda.

Binanggit din niya ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act, isa pang panukalang kanyang isinulong, na nagpatibay sa pagtuon ng bansa sa pag-iwas sa sakuna, paghahanda, pagbabawas ng panganib, at pagpapatatag ng kakayahan ng mga mamamayan at pamahalaan na harapin ang mga kalamidad.

Sinabi ni Legarda na mahalaga pa rin ang agarang tulong para sa mga pamilyang mawawalan ng kita o kabuhayan. Gayunman, hindi aniya dapat umasa lamang sa ayuda at emergency relief bilang pangunahing tugon sa isang climate event na maagang nakikita at napaghahandaan.

“Kailangan ang ayuda kapag may pamilyang nawalan ng ani o kita. Pero hindi dapat ayuda ang pangunahing plano. Mas makabubuti sa tao at mas matipid sa gobyerno kung mapipigilan natin ang malaking pinsala bago pa ito mangyari,” ani Legarda.

Nanawagan din siya sa mga kinauukulang ahensya na agad bumuo ng data-driven El Niño financing plan na tutukoy sa mga lugar na pinakamalantad sa panganib, mga prayoridad na hakbang, mga pondong maaari nang gamitin ngayong 2026, at inaasahang kakulangan sa pondo hanggang unang kalahati ng 2027.

Ayon kay Legarda, dapat magsilbing batayan ang pagsusuring ito ng Senate Committee on Finance upang malaman kung saan kinakailangan ang pagbabago o karagdagang pondo sa panukalang 2027 national budget.

“Dapat manggaling sa datos ang desisyon. Tukuyin ng mga ahensya kung saan pinakamataas ang panganib, ano ang kailangang gawin, magkano ang available na pondo, at magkano pa ang kakailanganin. Kapag malinaw iyon, saka natin matutukoy kung saan kailangang magdagdag o mag-adjust sa budget,” ani Legarda.

Sinabi ni Legarda na dapat gamitin ang mga susunod na buwan upang palakasin ang seguridad sa tubig, protektahan ang produksyon sa agrikultura, ihanda ang sistemang pangkalusugan sa matinding init, at bigyan ang mga lokal na pamahalaan ng sapat na impormasyon at resources bago pa lumala ang sitwasyon.

“Hindi natin mapipigilan ang El Niño, pero kaya nating bawasan ang pinsala nito. Ang tunay na paghahanda ay ginagawa bago mawalan ng tubig, ani, at kabuhayan ang mga pamilya. Kumilos tayo habang may oras pa,” pagtatapos ni Legarda.