17 Years After Ondoy, Legarda Calls for Stronger Action as Flooding Reaches More Communities
September 26, 2026Seventeen years after Tropical Storm Ondoy devastated Metro Manila and parts of Luzon, Senator Loren Legarda said the country must confront why flooding continues to worsen, with communities that rarely experienced floods in the past now seeing streets and homes flooded even after relatively short periods of heavy rain.
“Labimpitong taon na ang lumipas mula noong Ondoy, pero sa halip na mabawasan ang problema, kapansin-pansin na may mga lugar na dati ay hindi naman binabaha, ngunit ngayon, kaunting malakas na ulan lamang ay baha na. Hindi dapat maging normal na bahagi ng buhay ng isang Pilipino ang paulit-ulit na ganitong pagkagambala,” Legarda said.
Ondoy affected nearly 4.9 million people and left 464 dead, according to the government-led Post-Disaster Needs Assessment. Legarda said its anniversary should therefore be used not only to remember the devastation of 2009, but to examine whether investments, policies, and programs since then have actually reduced the exposure of communities to flooding.
“Kung may mga komunidad na mas madalas nang binabaha ngayon kaysa dati, kailangan nating alamin kung bakit. Saan napupunta ang tubig? Maayos ba ang drainage? Malinis ba ang mga estero at ilog? May mga daluyan ba ng tubig na natabunan o natayuan ng istruktura? Hindi natin masosolusyunan ang baha kung hahayaang mawala o maharangan ang natural na daanan ng tubig,” she stressed.
Legarda underscored that flood prevention cannot be addressed by concrete infrastructure alone. Drainage systems, pumping stations, and floodways must be complemented by strict protection of rivers, creeks, esteros, and other waterways from obstruction and encroachment, as well as the rehabilitation of watersheds, wetlands, mangroves, forests, and other ecosystems that naturally absorb, retain, and slow down water.
“We need to work with nature, not continuously build over it. Ang watershed, wetlands, mangroves, ilog at mga berdeng espasyo ay bahagi rin ng ating flood protection system. Kapag pinrotektahan at ibinalik natin ang kakayahan ng mga ito na sumipsip at mag-imbak ng tubig, nababawasan ang pressure sa ating drainage at flood control infrastructure,” Legarda said.
She also stressed the direct link between flooding and poor waste management. Legarda authored and sponsored Republic Act No. 9003, or the Ecological Solid Waste Management Act, which established the national framework for waste reduction, segregation, recycling, recovery, collection, and proper disposal.
“Hindi natin maaaring pag-usapan ang flood control nang hindi pinag-uusapan ang basura. Kapag ang kanal, estero at ilog ay puno ng basurang dapat sana ay na-segregate, nakolekta at na-recover nang maayos, tayo rin ang humaharang sa daluyan ng tubig. RA 9003 has been in place for more than two decades. The issue now is consistent implementation from households and barangays to cities and municipalities,” she said.
Legarda also cited Republic Act No. 10121, or the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, which institutionalized a proactive approach to disaster risk reduction, including risk assessment, early warning, land-use and development planning, and measures to reduce communities’ vulnerability before disasters occur.
“Hindi dapat evacuation, relief at paglilinis pagkatapos ng baha ang sukatan ng ating kahandaan. The real test is whether fewer families have to evacuate in the first place, fewer workers lose a day’s income, fewer businesses are forced to close, and fewer children miss school because their communities are safer,” Legarda said.
Legarda is likewise pushing measures to address gaps in water and waste governance. Senate Bill No. 310, or the proposed National Water Resources Management Act, seeks an integrated national framework for managing water resources, while Senate Bill No. 306, or the proposed Philippine Circular Economy Promotion Act, seeks to reduce waste generation and keep materials in productive use through waste minimization, resource recovery, circular procurement, and extended producer responsibility.
She has also filed Senate Bill No. 520, or the proposed Calamity Work Compensation Act, which seeks additional compensation and safer arrangements for covered private-sector workers required to report onsite during severe typhoons and calamities.
“Flooding is not simply an inconvenience. Kapag binaha ang isang komunidad, may manggagawang hindi kumikita, may tindahang hindi nagbubukas, may estudyanteng hindi nakapapasok, at may pamilyang muling gagastos para palitan ang kanilang nasirang gamit. Kaya ang pag-iwas sa baha ay usapin din ng kabuhayan, edukasyon, kaligtasan, at seguridad ng bawat pamilya,” Legarda said.
“Seventeen years after Ondoy, we should be seeing fewer communities flooded, not more. We already know many of the solutions, such as keeping our waterways clear and unobstructed, managing our waste properly, protecting and restoring the ecosystems that hold water, planning our communities according to risk, and making sure public investments actually reduce flooding on the ground. Ang kailangang makita ng ating mga kababayan ay resulta,” Legarda concluded. (30)
————————————————————————-
17 Taon Matapos ang Ondoy, Legarda Nanawagan ng Mas Matibay na Aksyon Habang Dumarami ang mga Lugar na Binabaha
Labimpitong taon matapos manalasa ang Bagyong Ondoy sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon, sinabi ni Senador Loren Legarda na kailangang suriin kung bakit patuloy na lumalala ang pagbaha, lalo na ngayong may mga komunidad na dati ay bihirang bahain ngunit nakararanas na ng baha kahit matapos lamang ang maikling panahon ng malakas na ulan.
“Labimpitong taon na ang lumipas mula noong Ondoy, pero sa halip na mabawasan ang problema, kapansin-pansin na may mga lugar na dati ay hindi naman binabaha, ngunit ngayon, kaunting malakas na ulan lamang ay baha na. Hindi dapat maging normal na bahagi ng buhay ng isang Pilipino ang paulit-ulit na ganitong pagkagambala,” pahayag ni Legarda.
Halos 4.9 milyong katao ang naapektuhan at 464 ang nasawi dahil sa Ondoy, ayon sa Post-Disaster Needs Assessment na pinangunahan ng pamahalaan. Ayon kay Legarda, mahalagang balikan ang mga aral ng trahedya noong 2009 at suriin kung ang mga pondong inilaan, mga patakaran, at mga programang ipinatupad mula noon ay tunay na nakapagpababa sa panganib ng pagbaha sa mga komunidad.
“Kung may mga komunidad na mas madalas nang binabaha ngayon kaysa dati, kailangan nating alamin kung bakit. Saan napupunta ang tubig? Maayos ba ang drainage? Malinis ba ang mga estero at ilog? May mga daluyan ba ng tubig na natabunan o natayuan ng istruktura? Hindi natin masosolusyunan ang baha kung hahayaang mawala o maharangan ang natural na daanan ng tubig,” diin niya.
Binigyang-diin ni Legarda na hindi sapat ang mga konkretong imprastraktura lamang upang maiwasan ang pagbaha. Kailangang sabayan ang mga drainage system, pumping station, at floodway ng mahigpit na pangangalaga sa mga ilog, sapa, estero, at iba pang daluyan ng tubig upang hindi mabara o matayuan. Mahalaga rin aniya ang pagpapanumbalik ng mga watershed, wetland, bakawan, kagubatan, at iba pang ecosystem na likas na sumisipsip, nag-iimbak, at nagpapabagal sa pagdaloy ng tubig.
“We need to work with nature, not continuously build over it. Ang watershed, wetlands, mangroves, ilog at mga berdeng espasyo ay bahagi rin ng ating flood protection system. Kapag pinrotektahan at ibinalik natin ang kakayahan ng mga ito na sumipsip at mag-imbak ng tubig, nababawasan ang pressure sa ating drainage at flood control infrastructure,” paliwanag ni Legarda.
Tinukoy rin niya ang direktang ugnayan ng pagbaha at hindi maayos na pamamahala ng basura. Si Legarda ang may-akda at principal sponsor ng Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, na nagtakda ng pambansang sistema para sa waste reduction, segregation, recycling, recovery, collection, at wastong pagtatapon ng basura.
“Hindi natin maaaring pag-usapan ang flood control nang hindi pinag-uusapan ang basura. Kapag ang kanal, estero at ilog ay puno ng basurang dapat sana ay na-segregate, nakolekta at na-recover nang maayos, tayo rin ang humaharang sa daluyan ng tubig. RA 9003 has been in place for more than two decades. The issue now is consistent implementation from households and barangays to cities and municipalities,” ani Legarda.
Binanggit din ni Legarda ang Republic Act No. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, na nagtatag ng mas maagap na sistema sa disaster risk reduction. Kabilang dito ang risk assessment, early warning, maayos na land-use at development planning, at iba pang hakbang upang mabawasan ang panganib sa mga komunidad bago pa man dumating ang sakuna.
“Hindi dapat evacuation, relief at paglilinis pagkatapos ng baha ang sukatan ng ating kahandaan. The real test is whether fewer families have to evacuate in the first place, fewer workers lose a day’s income, fewer businesses are forced to close, and fewer children miss school because their communities are safer,” pahayag niya.
Isinusulong din ni Legarda ang mga panukalang tutugon sa mga kakulangan sa pamamahala ng tubig at basura. Layunin ng Senate Bill No. 310 o panukalang National Water Resources Management Act na magkaroon ng isang integrated national framework sa pamamahala ng yamang-tubig. Samantala, layunin ng Senate Bill No. 306 o panukalang Philippine Circular Economy Promotion Act na mabawasan ang nalilikhang basura at mapanatiling kapaki-pakinabang ang mga materyales sa pamamagitan ng waste minimization, resource recovery, circular procurement, at extended producer responsibility.
Inihain din niya ang Senate Bill No. 520 o panukalang Calamity Work Compensation Act, na naglalayong magbigay ng karagdagang kompensasyon at mas ligtas na work arrangements para sa mga saklaw na manggagawa sa pribadong sektor na kinakailangang pumasok sa trabaho sa panahon ng matinding bagyo at iba pang kalamidad.
“Flooding is not simply an inconvenience. Kapag binaha ang isang komunidad, may manggagawang hindi kumikita, may tindahang hindi nagbubukas, may estudyanteng hindi nakapapasok, at may pamilyang muling gagastos para palitan ang kanilang nasirang gamit. Kaya ang pag-iwas sa baha ay usapin din ng kabuhayan, edukasyon, kaligtasan, at seguridad ng bawat pamilya,” ayon kay Legarda.
“Seventeen years after Ondoy, we should be seeing fewer communities flooded, not more. We already know many of the solutions, such as keeping our waterways clear and unobstructed, managing our waste properly, protecting and restoring the ecosystems that hold water, planning our communities according to risk, and making sure public investments actually reduce flooding on the ground. Ang kailangang makita ng ating mga kababayan ay resulta,” pagtatapos ni Legarda.
